Chapter 44

Every night, nagt-training kami ni miss Twinkle sa training grounds from 9pm hanggang 5am, and we will be back at the clinic before magr-ring ang bell ng 6am.

Habang gising ang mga estudyante, kami naman ni miss ay tulog sa clinic, kapag may emergency, si miss ay nandiyan para bumack-up, one call away. Amazing talaga si miss, multitasking.

Hindi ko na nakikita sina Oe mga ilang araw na, kasi kapag may vacant time sila natutulog ako, hindi rin nila ako mabibisita sa gabi dahil wala ako sa clinic, kasama ko si miss Twinkle kahit saang parte ng school.

Lumipas na ang ilang gabi. At ngayong gabi na ang huling gabi ng training namin, dahil mag-iisang linggo na simula noong ina-isolate ako sa ibang estudyante.

"Okay Sky! Give me your best shot!" wika ni miss Twinkle.

Nasa training grounds kami, malapit ng mag-aalas 5 sa umaga, and I mastered releasing my basic and elemental power. Pero sabi naman ni miss Twinkle na hindi lang daw dito magtatapos ang kapangyarihan ko, mas magiging malakas pa ito kapag parati kong pinapractice.

I've learned a lot kay miss, she's really powerful, ang dami niyang alam na techniques and tricks, and she taught me all of it.

"I won't hold back now Sky," wika ni miss.

Nagtransform siya into one big dragon. Isang Aries si miss Twinkle kaya kagaya ko siyang fire elemental user. She taught me on how to release my depth fire inside me.

Bigla siya bumuga ng apoy kaya naglevitate ako. Puno na ng pawis ang katawan ko. Naglabas ako ng fire whirlwind at itinuon sa kaniya iyon, but she blew it kaya pati ako tumalsik.

Agad ko binack-upan iyon ng raging thunder sabay na umaapoy na nakapaligid nito, my thunder now is much stronger kumpara noong una, and I can now get a hold of it.

Umatake siya sa akin with her big body. She wants to step on me, pero umilag naman ako agad. Palagi siyang bumubuga ng apoy.

Agad kong itinaas ang kamay ko para maglabas ng matatalim na mga bato sa ilalim ng lupa. Natinik siya sa mga ito kaya napilitan siyang lumipad, she's now furious.

I can see na para siyang nagrerecharge sa kaniyang apoy para ipaghanda ang isang malakas na pagbuga ng apoy. Isa-isa akong naglabas ng fireball sa kaniya pero hindi ito tumama dahil bigla siyang gumawa ng shield barrier sa paligid niya.

This trick talaga.

Groooooowl... ingay na palagi niyang nilalabas. Yep, isa siyang halimaw ngayon pero instructor ko pa rin naman siya kaya wala akong dapat na ikatakot.

Nagsimula na naman siyang umatake sa akin at bumubuga na naman ng apoy, hindi ko kasi siya matamaan dahil sa kaniyang shield. Pero hindi bale na, makakahanap din ako ng opening.

Bumuga siya ng isang napakainit na apoy tungo sa akin na hindi ko namalayan kaya natumba ako, parang nagbell ang tenga ko wala akong marinig. I shook my head para ibalik ang senses ko. Takte! Hindi ko inexpect iyon ah.

"Do not hold back Sky!" wika ni miss Twinkle with her big dragon voice.

Okay it's worth a try.

Nagbuga na naman siya ng apoy sa akin, hindi ko nadepensahan iyon dahil nakapokus pa ako sa katawan ko. Tumalsik ulit ako.

Bumuga na naman siya ng apoy, tapos sinundan pa niya ng mga nagkasunod-sunod na mga apoy, I have to fight, nyemass!

I controlled every rock that I made earlier na harangan ang daraanan ng apoy na ibinubuga ni miss Twinkle.

Tumayo ako at nagfocus. Sobrang init ko sa tingin ng mga apoy niya. I can feel my eyes burning enraged.

Nasira ni miss Twinkle ang ginawa kong shield gamit ang mga bato dahil sa hindi niya pinipigilang pagkakasunod ng ibinuga niyang apoy sa akin. Pero hindi ko nararamdaman ang pagtama ng apoy niya. Doon ko nalang narealize na nakagawa ako ng shield barrier para sa akin na kagaya kay miss, kulay purple ang shield ni miss samantalang sa akin naman ay kulay dark blue.

I smirked. "I see, hindi lang pala ikaw ang marunong mag shield barrier miss," tugon ko.

"Very impressive," tugon din niya.

Naglevitate na ako't nagtungo sa kaniya, I am flying towards her shield pero nasira ko lang iyon sa isang suntok, at agad akong naglabas ng raging thunder sa kaniya kaya siya natumba at bumalik sa dati niyang anyo.

"Miss, okay ka lang?" tanong ko habang tinulungang pinatayo si miss.

"You're getting better Sky, very good," puri ni miss.

I think I'm blushing. Ang ganda ng achievement ko these days. Thanks to my mentor.

"Tara na po, balik na po tayo sa loob," wika ko at inalalayan si miss.

"S-sorry po miss kung napasobra ko kanina," dagdag ko.

"It's okay Sky, I wish you didn't hold back for me," tugon ni miss.

Bumalik na kami sa clinic, nagbihis na ako ng pajamas dahil sa sobrang pagod ng katawan ko, agad akong sumubsob sa higaan.

"You can go back to your dorm now Sky," wika ni miss kaya napabangon ulit ako.

"Ah, I guess I'll stay here po muna ng mga ilang oras, babalik na rin po kasi ako sa pagpasok ng klase simula bukas kaya susulitin ko nalang po," tugon ko.

"You did well," puri na naman niya.

"Wala na po ba ang black hollow sa katawan ko?" tanong ko.

"Wala na Sky," tugon niya.

Mabuti naman wala na, akala ko talaga katapusan na ng buhay ko last week.

"Makakaalis ka na anytime, pupunta rin ako sa principal's office ngayong 6," miss.

"Oh five minutes nalang po 6am na," tugon ko.

"Magpahinga ka," dagdag ni miss.

"Ah miss ano nga po pala ang nangyari kay Karsten dati dito po? Pwede n'yo po ba akong kwentuhan kahit saglit lang?" ako.

Napa-ngiti si miss nang maalala niya si Karsten.

"Si Karsten, sobrang kulit ng batang iyon, isa siya sa pinakamalakas na estudyante sa school dati, 6 months ago, nilusob kami ng taga Dark Source, tapos itong si Karsten naman, nagtatapang-tapangang kalabanin ang isa sa kanila, without knowing kung sino ang kaharap niya," miss.

Sana all brave. Hindi katulad ko na isang duwag tapos pabigat pa.

"Natamaan din siya ng black hollow, kagaya mo, ikinulong din namin siya rito, pero kahit pa man gaano pa kalakas ni Karsten, hindi niya nagawang sirain ang barrier ko, hindi katulad mo," miss.

Wow. Feeling proud ako ah, na ako pa ang nakabasag sa barrier ni miss hahaha!

"Pero pagdaan ng ilang araw, mas lumala ang sakit niya," dagdag niya.

"She's been devoured na?" ako.

"Hindi kinaya ni Karsten na makasakit sa ibang tao, when she felt that she lost control of her own senses, she did not hesitated to kill herself," dagdag na naman niya.

S-she killed herself?

"Ang alam nina Oe, na namatay si Karsten dahil sa malubhang sakit, they did not know the whole story, that's why Oe is very angry with the Dark Source," miss.

"She has the right to be angry naman po, kasi kasalanan naman ng taga Dark Source kung bakit pinatay ni Karsten ang sarili niya," tugon ko.

Bell rings..

"Salamat po sa info, miss at maraming salamat sa trainings," ako.

"Pagbutihin mo ang pag-aaral mo dito Sky, sana may magandang naidulot ang Zodiac University sa buhay mo," wika ni miss.

"Opo," ako at lumabas na siya.

*---*---*---*

Do not forget to vote for this chapter!

You can use these hashtags:

#ZUMTZC #ZodiacUniversity #ZodiacUniversityZodiacCircle

See you on next chapter!

-axinng

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top