Chapter 43

*** Photo above is Nurse Twinkle ***

*---*---*---*

Bumalik na ako sa loob ni clinic at sa katawan ko habang umiiyak.

Nagwawala na ako sa loob ng barrier, pinaghahagis ko ng mga unan at kumot na nahahawakan ko.

"Why!? Why does it has to be like this?!" sigaw ko habang umiiyak.

Pinagsusuntok ko na rin ang barrier na ginawa sa akin ni miss Twinkle at nasira ko iyon. I'm just really fed up with everything going on in my life.

"Sky!" sigaw ng kakapasok lang na si miss Twinkle.

Huminto ako sa pag-iyak at inayos ko ang higaan ko.

"Huminahon ka," dagdag ni miss.

"S-sorry miss, nadala lang ako sa emosyon ko," tugon ko sa kaniya.

"H-how did you---," gulat na tanong niya habang tinitingnan ang nakapaligid sa akin.

"P-po?" ako.

"Nobody ever destroyed my shield barrier before," wika niya.

"A-ah sorry po," pagpaumanhin ko.

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang ulo ko. "Oh my goodness, I didn't imagine you this so strong," wika niya.

"Kailangan pa ba akong ma amaze? Ganiyan din ang sinabi ni Gino sa akin dati eh," tugon ko.

Tapos hinawakan niya naman ang braso ko. Nararamdaman ko na may lumalabas na tingling sa kamay niya.

"M-magpapahinga na po ako," wika ko at inalis ang braso ko sa kamay niya, humiga ako at nagkulong sa kumot. Umiyak na naman ako.

Narinig kong may mga tapak ng mga paa na papalapit sa higaan ko. Pero hindi ko na pinansin iyon.

"Sky," boses ni Third.

Inalis ko na ang kumot at napayakap nang makita ko siya, nagpatuloy ako sa pag-iyak. Nakita ko rin sina Oe, Ara at Cass with their worry faces.

"Alam mo na," Oe.

"Nararamdaman ko na kung gaano kasakit mawalan ng kaibigan, kaya ganito kayo ka protective sa akin hindi ba?" ako.

Ibinaling ko ang pagyakap ko sa mga girls.

"Ang sayang ni Gino, sobrang bait pa naman nun," Cass.

Huminahon na ako, nangyari na eh. It happened because of a reason batay pa ni sir Polaris.

"Good ones are the ones who says the earliest good bye," Ara.

Napatingin ako sa daming sugat sa katawan ni Third. "M-miss ang daming sugat ni Third, pagaling n'yo po siya," wika ko.

"Hindi sumunod si Cyrus sa amin, kahit na sinabi kong nandito ka," ani ni Oe.

Naalala kong marami ring sugat si Cyrus. "Hay nako, Cyrus talaga," ako.

"Nakita kong may kasama siyang isang babaeng healer kanina, baka doon na siya nagpapagaling," wika ni Third. Napatingin ako sa kaniya.

"Babae?" ako.

"Oo, bakit? Nagseselos ka ba?" tanong niya.

"H-huh? Bakit naman ako magseselos?" ako.

"W-wala, naninigurado lang," tugon niya.

Kinalaunan, nang umalis na sina Oe, pinainom na naman ako ni miss Twinkle ng mga meds para raw mas madali ang pag galing ko.

"I understand now," biglang wika ni miss Twinkle.

"P-po?" ako.

"Do you want to train with me?" bigla niyang anyaya. Bakit biglang nag-iba ang mood ni miss Twinkle ngayon?

"I can teach you on how to use your elemental power," dagdag niya.

"W-woah, s-sure po, pero hindi po ba iyan delikado? I mean nasa akin pa po ang black hollow hindi ba?" ako.

"Okay lang as long as walang ibang makakakita, we will train every night 9pm to 5am kung kailan wala ng klase, we will use the training grounds," miss.

Bigla akong nasasabik sa sinabi ni miss. Sa wakas malalaman ko na kung paano gamitin ang kapangyrihan ko.

So this means na matutulog ako sa umaga tapos magigising sa gabi, pero bahala na just make it worth the while nalang.

"Pero paano na po kayo? Ang klase niyo po?" ako.

"I won't be handling any class since I will be dealing with you for a week," tugon ni miss.

Oh? That's great you know, therefore I decided to rest for a while para maging productive ako mamaya sa training. And all that crying made me want to sleep. But I am more excited now. Gino may be gone pero hindi iyon ibig sabihin na hindi na rin ako magt-training. Laban!

Dreaming..

Late in the evening, napamulat ako sa ingay sa labas ng kwarto ko. I'm in my old house noong eight years old pa ako, this is my bedroom. Marami akong mga glow in the dark na star-shaped figures na nakadikit sa mga dingding, and I can also see my toys floating in the air.

"Kukunin ko ang anak ko," boses ng lalaki.

"Hindi! Hindi pwede!" sigaw ni mama.

Mama? Bakit ang ingay-ingay ninyo sa labas? Sino ang kausap mo?

Napabangon ako habang napakuskos sa mata at humihikab.

Yes I remember, this was the night when my mom died.

"Kung gayon, magkakasakitan tayo," ani ng boses lalaki.

"Sa akin lang si Sky! Hindi mo siya pwedeng kunin sa akin," boses ni mama.

Lumabas ako nang marinig kong nagbabasagan ang mga salamin sa may sala namin. Nakita kong puno na ng dugo ang katawan ni mama.

"Mama!" ako.

Nakita ko ang naka-itim na lalaking nakatayo sa harap ng mama ko. Lalapit na sana sa akin ang lalaki pero hinarangan ng kapangyarihan ni mama.

"Bakit mo ginawa sa mama ko 'yan!" sigaw ko.

Biglang umaapoy ang mga kamay ko at inilabas iyon tungo sa mukha niya, tumalsik siya sa labas ng window glass namin. Nakita ko rin sa salamin na dumidilaw ang mga mata ko.

"Sky, anak! Huminahon ka, huminahon ka," wika ni mama.

"Mama!" ako.

I tried to reach her, pero sabi niya "Magtago ka Sky, umalis ka sa bahay at magtago ka malayo rito."

Napamulat ako sa panaginip ko. If that was true, then I was one heck of a scary caster back then. Demnn, I don't want to believe it.

Napatingin ako sa orasan, it's already 8 in the evening. Tamang-tama nang pumasok si miss Twinkle at inanyayahan akong kumain.

"Wala rin namang masyadong tao ngayon sa cafeteria, tara?" miss.

Sabay na kaming nag-dinner sa cafeteria at nagspecial diet, charowt. Malamang kasi magt-training kami ngayon tapos magtatakaw ako, baka sasakit lang ang tiyan ko.

And at 9pm, pumunta na kami sa training grounds, the coast is clear, no students, and no obstacles.

Parang ang ganda sa pakiramdam na magt-training ka sa gabi ah? Kasi ang lamig ng hangin ta's walang ibang tao. Okay! Let's do this.

*---*---*---*

Do not forget to vote for this chapter!

You can use these hashtags:

#ZUMTZC #ZodiacUniversity #ZodiacUniversityZodiacCircle

See you on next chapter!

-axinng

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top