Chapter 42
Pinagalitan nga talaga ako ni miss Twinkle, parang tumubo ang sungay niya nang dahil sa akin. She's so scary.
"Sky, when I said do not go out, DO NOT!" scold na naman niya sa akin.
"P-pasensya na po miss Twinkle, nabobored lang kasi po ako, kaya hindi ko napigilan na kunin ang libro para mapaglibangan ko," explain ko pa.
"I don't want to think na kapareho kayo ni Karsten, but you really are starting to resemble her," wika niya.
Akala ko ba sa lunch pa siya babalik. Na scam ako.
"I have no choice, I have to lock you up," miss Twinkle.
"H-huh?" ako.
Gumawa ng shield barrier si miss sa higaan ko na halos isang metro nalang ang pwede kong malakad-lakaran.
"m-miss," ako.
Lumabas si miss, hindi niya ako pinakinggan. Umupo nalang ako sa clinic bed at binabasa ang libro. Damn, she's scary.
Karsten, ganito rin ba ang nangyari sa iyo dati? You must be very lonely.
Nang binuklat ko ang libro, nakita kong umuusok ng itim ang kamay at mga braso ko. What the heck is this? Ito ba ang black hollow na sinasabi nila?
Bigla akong nakaramdam ng pagmamanhid sa katawan ko, at nahihilo rin ang ulo ko. Somebody! Help me!
I-I can't feel a thing. I can't feel my body.
"Sky!" biglang tawag sa akin ng isang babae sa harapan ko na kaboses si mama.
"Mama?" ako.
"Sky, it will be okay," tugon niya.
It's blurry but I see my mom's body figure standing in front of me. I am starting to hallucinate things.
"Remember everything Sky, you have to know who you are," wika rin ng isang babae katabi ang mama ko na nakasuot ng black dress. Who is it?
Hindi ko nakikita ang mga mukha nila.
"S-sino kayo?" napapaos kong sambit dahil sa pamamanhid ng buong katawan ko.
"Karsten," tugon ng babae.
I am hearing dead people's voice, hindi ako okay.
Sa isang iglap ay nawala sila. At nawalan na rin ako ng malay.
"Sky! Gumising ka muna, dinalhan kita ng pagkain," malumanay na wika ni miss Twinkle habang hinahaplos ang buhok ko. I can see clearly na, at bumalik na rin ang lakas ko. Nawalan ako ng malay ng tatlong oras. But I came to realize, am I a patient or a prisoner?
"I'm sorry I had to lock you up, hindi lang kasi ako pwedeng magwalang bahala, alam mo naman siguro na may black hollow sa katawan mo---, dagdag niya.
"Opo, okay lang po," agad na tugon ko.
"If it will not get cured Sky, you will be devoured by the Dark Source power," dagdag niya.
"How about Gino? Bakit walang nakahalata na mayroong black hollow sa katawan niya?" ako.
"He was already devoured ever since nasa labas pa kayo, and we did not notice it," miss.
If only I had known, baka na rescue ko pa si Gino noong nasa healing river ako.
"Oh no, Gino," ako.
"He's still out there, in fact he already killed 5 students since yesterday," tugon ni miss.
Nanlaki ang mga mata ko nang malaman kong nakapatay si Gino.
"W-what?," ako.
"Pinigilan na namin ang ibang estudyante na lumapit pa kay Gino since he is really dangerous, pero may mga estudyante na nag-insist pa rin na dakpin siya, gaya ni Third," miss.
"If he killed 5 students, why did he not killed me when he had the chance?" tanong ko.
Biglang may kumatok sa pinto ng clinic. "Miss! Kailangan ka ngayon sa guidance po," report ng humihingal na estudyante sa labas ng clinic. Agad na lumabas si miss Twinkle, baka emergency nga talaga, ano kayang nangyari?
Nakita ko ang tray ng mga pagkaing dala ni miss na inilapag niya sa higaan ko. I can still see the barrier na ginawa niya, hindi pa rin ako makakalabas dito. Kumain nalang ako.
"Sky!!!" biglang sigaw na boses ni Gino sa utak ko.
S-syyyeeeet! Boses ni Gino iyon! Napatayo ako sa gulat.
"G-Gino! Salamat naman at nagsalita ka, nag-aalala kami sa 'yo, okay ka lang ba?" tugon ko.
"Sky, I'm sorry I did that to you, pero makinig ka muna sa akin, kasi baka wala na akong ibang pagkakataon na masabi ito," wika ni Gino.
"Gino naman," ako.
"Hindi ko na kasi ma connect si Blu dahil sinara niya ang chakra niya, hindi ako nakapag-confess sa kaniya Sky, I've been devoured by Dark Source before I got the chance, sana ikaw nalang ang magsabi sa kaniya, sa tamang pagkakataon, at kahit anong mangyari Sky, masaya ako na nakilala kita, noong una na lumapit ako sa iyo, gusto kitang kilalanin kasi you resembled Karsten so much, Karsten was my dearest friend, but when I got to know you, magkaiba pala kayo, I-I wish na sana nagkaroon pa tayo ng oras na magkasama, pati si Blu, at lalong-lalo na si Blu, I've been such a burden aren't I?" sabi ni Gino. Kinikilabutan ako sa mga sinabi niya, na parang farewell speech o ano?
"Gino! Ano ba iyang pinagsasabi mo ha? Malamang magkakasama pa tayo, nasaan ka ba?" ako.
Pero hindi na sumagot si Gino, omg. Kinakabahan na naman ako ngayon, para kasing may masamang binabalak si Gino. Even if he's devoured by the Dark Source and he's not himself, nagawa pa rin niyang kumausap sa akin, may mabuting Gino pa rin sa puso niya. He's not completely devoured.
Nahinto ang pagkain ko at sinubukan kong damdamin ang aura ni Gino, ipinikit ko na ang mga mata ko. I can feel different auras around the school. Pero nasaan si Gino?
Huminto ako sa may maraming nagtitipong aura sa isang lugar. And I can feel Gino's aura and some familiar auras. Anong nangyayari?
Nararamdaman ko ang aura nina Third, Cyrus, Oe, Ara, Cass, Crater, Grus, Vita, Blu and other high rankers, pati na rin ang mga school's staff na sina miss Twinkle at miss Lydia.
Nag astral projection ako sa kinaroroonan nila. Nakita ko si Gino na nakahandusay sa gitna nga maraming tao, nakita ko rin na ang daming sugat ni Third sa katawan pati na rin si Cyrus. Nakita ko rin na umuusok pa rin ng itim ang kamay ni Gino, were they fighting?
Nakita ako ni Gino, nakatingin siya sa akin with his cold stare. Pero iba ang ipinapahiwatig ng mga mata niya na parang naiiyak siya. The real Gino was trapped inside that evil.
Nagulat kaming lahat ng naglabas ng sandata si Gino at isinaksak niya iyon sa puso niya.
"Gino!" sigaw ni Blu habang umiiyak. Dali-dali niyang inalalayan si Gino, ang daming dumanak na dugo mula sa dibdib niya na halos puno na ng mantsa ang skirt ni Blu.
Naririnig ko pa rin ang boses ni Gino sa isipan ko. "Blu, ang pinakamamahal kong Blu, I-I guess hindi na kita maidala sa paborito mong lugar gaya ng ipinangako ko sa iyo, sinabi ko naman sa iyo na huwag kang umiyak hindi ba? Sayang hindi ko na magalaw ang braso ko, hindi ko mapunasan ang mga luha mo, s-sana masabi ko man lang sayo ngayon na mahal na mahal kita Blu."
Nang huminto sa pagsasalita si Gino, I cannot sense his aura anymore.
G-Gino i-is dead.
"He sacrified himself to save us," wika ni Vita.
Saglit lang kaming nagkakilala ni Gino pero bakit ang sakit, unang pagkakataon kong nawalan ng kaibigan, si Gino ang isa sa naging pinakamatalik kong kaibigan sa Zodiac University, parang nagkakasama na kami ng matagal na panahon. He taught me many things, he's so geniune, bakit kailangan pa siyang mawala? Pero mas masakit pa rin ang nararamdaman ngayon ni Blu na yakap-yakap ang wala nang buhay na matalik niyang kaibigan.
*---*---*---*
Do not forget to vote for this chapter!
You can use these hashtags:
#ZUMTZC #ZodiacUniversity #ZodiacUniversityZodiacCircle
See you on next chapter!
-axinng
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top