Chapter 4

***Photo above is Ara Guantejalla***

*---*---*---*


Dumiretso na ako sa dorm ko, room no. 9. At ang bumungad sa akin pagkapasok ko ay ang kagandahan ng kwarto, sobrang linis, makintab, may apat na higaan, at tatlong nakapa-jamang mga babae na sabay tumingin sa akin.

Pareho kaming apat na nagtitinginan sa isa't-isa.

Awkward..

"H-hello po, ako po si Sky Nunez, um dito raw po ang dorm ko," sabi ko.

Lumapit naman sa akin ang isang babae na may grayish na buhok, I remember her, siya yung kasama ni Sir Polaris kanina.

"We are your roommates Sky, I am Oe," tapos iniabot niya sa akin ang kamay niya.

Nagshakehands kami. Mabait naman pala siya.

Lumapit din sa akin yung dalawa pa at nagpakilala, sina Cassiopeia na may brownish at curly hair, kikay, at sobrang ganda na parang pang beauty queen ang dating, at tsaka si Ara na may above shoulder black hair, cute face, pinkish cheeks, at sobrang puti na parang snow white.

Totoong welcome nila ako sa kanilang dorm, at syempre sila lang din naman ang magiging kaibigan ko simula ngayon so I just have to be friendly, open and blend in.

"Kayo lang bang tatlo sa room na ito?" tanong ko sa kanila.

"Apat kami rito dati, pero wala na si Karsten," sagot ni Cassiopeia.

"Iniwan niya kami huhu," sabay ni Ara na may halong lungkot ang ekspresyon.

"Eh nasaan na siya ngayon?" ako.

"She died 5 months ago dahil sa malubhang sakit," sagot ni Oe.

"I-I'm sorry," tugon ko. "Pero hindi naman sya magmumulto diba?" I jokingly asked. 

Tumawa naman silang lahat. As in? Tanggap nila yung joke ko?

Silang lahat ay umupo na sa kanikanilang higaan, iyong red nalang ang sobrang empty ng area kaya sigurado akong para sa akin iyon. "Pasintabi po sa'yo miss Karsten, ako na po ang gagamit sa higaan n'yo," pagbibiro ko.

"Hahaha you're funny Sky, trust me! Mas may nakakatakot pa sa mga multo sa mundong ito," wika ni Cassiopeia.

"Sa totoo lang it feels empty talaga kapag walang tao riyan, parang ang gloomy naming tatlo dahil simula nung nawala yung matalik naming kaibigan, hindi na kami naging masaya tulad ng dati," wika ni Ara.

"Pero paniguradong hindi na magiging gloomy ang room kasi apat na ulit tayo dito," dagdag niya.

"Syempre, hindi naman mangyayari ang lahat kung walang dahilan diba?" sagot ko.

"Oo nga, pag kompleto tayong apat dito sa kwarto, kompleto na rin ang buong school year ko!" Ara.

"Actually may dormitory rules ang bawat miyembro ng school pero sa amin dito, isa lang ang rule, iyon ay magpakatotoo ka sa sarili at sa amin," wika ni Oe.

Tumango lang ako sa kanila.

May kumatok sa pintuan..

"Damit para kay Miss Sky Nunez po," bungad ng babaeng nakasuot ng maid outfit.

"Thank you nang," sagot ni Ara. "You're officially a student here Sky, sana maging magkaklase tayo agad."

Lumabas na yung maid tsaka balik sa kulitan ang mga girls.

Grabe, ang saya nilang tingnan, nagkakasundo, na parang walang pinoproblema.

Mama, nakikita mo ba kung nasaan ako ngayon? Maraming salamat dahil binigyan mo ako ng bagong pag-asa, I should start a new life sa school na ito, if it means I have to study magic then I will.

"Ano nga pala ang ability mo Sky," biglang tanong ni Cassiopeia sa akin.

"A-ability?" ako.

"It means magic powers, like telekinesis, levitation, healing," dagdag ni Oe.

"Meron ka diba? Kasi hindi ka makakapasok sa school kung wala," Ara.

Wala akong maisagot. Napadpad lang kasi ako rito nang walang rason.

"Weird ba kung sasabihin kong wala akong ability?" ako.

Nagtinginan silang tatlo.

"Anong ibig mong sabihin?" Sila.

"Wala kong magic powers kagaya ninyo," ako.

"Well--, baka isa siyang witch guys," wika naman ni Cassiopeia.

"Witch?" ako.

"Well I don't know, I'm not sure, kasi sa pagkakaalam namin na ang mga taong makakakita at makakapasok sa paaralang ito ay may magic abilities. If sinasabi mong wala ka nun, baka spell casting ang kaya mo--, you know.. normal humans uses spells to cast magic, something like that," Cassiopeia.

"H-hindi ko rin naranasan gumamit ng spells," lungkot na sagot ko. "P-pero matututunan naman iyon hindi ba?"

"I'm sure you have Sky," singit ni Ara. "I mean magic ability, I'm sure you have one."

"Kasi as far as I know, everyone was born with a special connection of the zodiac signs, --just a few lang ang nakapagpaactivate nito." dagdag niya.

"Hindi ko naiintindihan ang pinagsasabi mo pero sana nga Ara, kahit imposible, lumaki kasi ako na normal lang ang takbo ng buhay, kung saan pera ang nagpapatakbo at nagdedecide kung makakasurvive ka ba sa mundo, kompara rito, iba kasi rito sa mundo niyo, may pinaniniwalaan kayo na sobrang imposible para sa mga taong kagaya ko," ako.

Linapitan ako ni Ara at tinapik-tapik ang balikat ko.

"I have a feeling na may powers ka talaga, you just have to find your-- your inner source, 'yun," wika ni Ara.

"We feel it too..," Oe at Cassiopeia.

Bell rings....

"Osha! Matulog na tayo, may training pa tayo bukas girls," Oe.

Nagsihigaan na sila.

"Good night Sky!"

"Good luck sa first day mo bukas!"

"Chika ulit tayo bukas!"

"Sabay tayong apat mag breakfast bukas!"

Itinaas ni Oe ang kaniyang kamay at inikot ito kaya unti-unting dumidilim ang buong kwarto.

Masasanay din ako.

DREAMING..

Nanaginip na naman ako, puno ng liwanag ang paligid, nakikita ko ang katawan kong nakatayo lang nihindi ko maikilos ito.

"Nandito ka lang pala!!" sigaw ng naka-itim na lalaki na kamukhang-kamukha iyong kidnapper.

Natatakot ako..

Pilit kong tumakas pero hindi ako makagalaw.. hindi ako makaalis.

"Do not run.." biglang lumabas sa bibig ko. Kusang lumabas lang iyon sa bibig ko.

Ang lakas ng tibok ng puso ko, please gusto ko ng gumising!

"Do not run, labanan mo sila," dagdag na lumabas sa bibig ko.

Biglang may lumitaw na salamin sa harapan ko, isang malaking salamin na halos nakikita ko ang buong katawan ko, ang repleksyon ko.

I see myself wearing a black long dress, looking fierce, iba ang suot ko at suot ng reflection ko sa salamin.

This is just a dream..

Wake up Sky, wake up!

END OF DREAM..

Bell rings...

"Rise and shine everybody!" masiglang bati ni Cassiopeia at inalis ang nakatakip na kurtina sa bintana. Sobrang laki ng bintana namin. Window glass na kasing taas ng kwarto namin.

"Hello Sky! Good morning!" bati ni Oe.

"Good morning guys, anong oras na?" ani ko.

"Around 6 AM, bumangon ka na at maligo, it's your first bath sa school na ito yiee, we have 4 bathrooms here, plus you have everything you need in here just like for exercise, make-up kits and other personal grooming for girls," tugon niya.

"Oh shoot! Nasira ko na naman ang hair dryer," sigaw ni Ara.

"Don't worry, I'll fix it," insist ni Cassiopeia. Inabot ni Ara ang hair dryer kay Cass at naglabas ito ng puting glitterized smoke around it. "Done! You shouldn't worry too much, nakakapangit iyan ng skin."

"She's an earth elemental user, a metal manipulator," paliwanag ni Ara sa akin kasi parang nalaglag ang panga ko sa naging reaksiyon ko.

Now I noticed, four elements, four ladies. Green iyong higaan ni Cass which makes her the earth elemental user, white kay Oe as an air elemental user, blue naman kay Ara as water elemental user, and me the red one which makes me as the fire. Alam ko lang ang mga ganitong impormasyon dahil feeling ko ay pinag-aralan ko ito dati noong high school pa ako. Wala kasi akong matandaan sa nakaraan ko.

Four elements can make a place balance. Kaya pala noong nawala si Karsten dito, hindi na rin balance ang takbo ng room kaya sila nagiging gloomy.

Or am I just making false theories na naman?

"Ligoooo na guys kasi mag bebreakfast na tayoooo," Cass.

"Okay."

*---*---*---*

Do not forget to vote for this chapter!

You can use these hashtags:

#ZUMTZC #ZodiacUniversity #ZodiacUniversityZodiacCircle

See you on next chapter!

-axinng

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top