Chapter 32
Zodiac High
Ang sister school ng Zodiac University, school ng mga bata na nagkaroon na ng kapangyarihan bago pa man sila madeploy sa Zodiac University.
At dahil private school ito, ang mga mayayamang pamilya ang siyang nagdodonate para sa funds ng school.
Pero ang hindi ko lang inaasahan ay guro pala ang mama ko sa Zodiac High dati, at malakas nga ang kutob ko na nag-aaral din ako rito noong bata pa ako.
Nanlaki ang mata kong makita ang picture ni mama sa wall of fame ng Zodiac High.
So does that mean that I already have powers back then?
"Hindi ako nagkakamali, picture ni mama 'yan," ako.
Lumapit sa akin sina Oe, Ara at Cass, "Sky, saan ka ba nagpunta? Umabot nalang kami sa high schoolers eh hindi namin namalayan na hindi ka na pala nakasunod sa amin."
"Sorry naman," ako.
"Bakit parang naiiyak ka may umaway ba sa'yo?" Oe.
"Si Mama kasi, ang nasa picture na 'yan," ako.
"Mama mo 'yan?"
"Ang ganda naman niya."
"May pagkakahawig kayo."
"Hindi ko maalala na nagtuturo siya rito dati," dagdag ko.
Bell rings..
"12 na guys, tara na balik na tayo," Oe.
Pumasok kami sa mini-resto na kung saan nandoon na rin ang mga schoolmate namin. Ang daming inilapag na masasarap na pagkain sa mesa, tapos ang dami ring caterer na nakapaligid sa amin.
"Maupo na kayo iha," Principal Evans.
Nagsalu-salo na kaming lahat, ang sasarap ng mga inihanda nilang pagkain na kadalasan ay hindi mo makakain sa Zodiac Univ.
"May apartment kaming ipoprovide para sa inyo sa loob ng tatlong araw, ibibigay ni mr. Axis ang inyong room number mamaya," Principal Evans.
"Principal Evans, nasaan na po pala si Teacher Lenny? Hindi ko kasi siya nakita sa faculty kanina," tanong ng random student.
"Ah nag sick leave siya ngayong araw na ito," tugon ni Principal Evans.
"Ay sayang naman."
"Parang barkada lang natin si Teacher Lenny dati."
"Memories bring back memories."
Kinalaunan, nagrerelax na ang ibang students pagkatapos kumain, ang iba ay nagtatambay sa hallway ng mini-resto kasi open wall, nakakalanghap ng masarap na hangin, at makikita doon ang labas ng school na kung saan naglalaro ang mga bata.
Naiwan akong mag-isa na nakaupo sa may bench ng hallway malayo sa ibang estudyante, ang dami lang kasing bumabagabag sa isip ko ngayon.
"Sky," Principal Evans.
"Ah, opo?" tugon ko.
"Dalagang-dalaga ka na," bigla niyang puri.
Tumabi siya sa akin sa bench.
"Pwede n'yo po ba ako kwentuhan tungkol sa mama ko?" tanong ko.
Ito na yun Sky, sana man lang may maaalala ka kahit konti sa sasabihin ni Principal Evans.
Napabuntong hininga lang siya sabay pag-aalala sa kaniyang mukha habang hinahawakan ang aking kamay.
"May rason siguro si Meggan kung bakit niya inialis sa iyo ang mga ala-ala at kapangyarihan mo, pero kung ano man iyon, sigurado akong para sa kabutihan mo rin iyon," panimula niya.
"M-may kapangyarihan na ako dati?" ako.
"Hindi ko alam kung nasa lugar ba ako para sabihin sa iyo ang lahat Sky," Principal Evans.
"A-ah, nag-aaral po ba ko rito dati?" ako.
"Oo Sky," tugon niya. I knew it!
Lumaki po akong pinaniniwalaang normal ang buhay ko, na wala akong kapangyarihan, na sobrang malas ko sa buhay.
Bigla niya akong niyakap, "maaalala mo rin ang lahat Sky pagdating ng tamang panahon, at bago pa 'yon mangyari iingatan mo lagi ang sarili mo ah?"
Medyo kinakabahan ako kasi baka hindi na darating ang panahon na maaalala ko iyan.
"Ang masasabi ko lang sa'yo ay mahal na mahal ka ng mama mo, sobra pa Sky," Principal Evans.
Paiyak na naman ako.
If only y'all understand how painful it is for me to miss my mother but unable to hug her because I can't anymore. She's now only in my memory, an unclear memory.
"Sky!" tawag sa akin ni Ara.
"Hello po Principal Evans," Oe.
"Magalak ako dahil naging malakas kayong caster mga iha, magiging masaya si goddess Hiyera sa inyo," Principal Evans.
"Salamat po," sabi ko.
Ngumiti lang sa akin si Principal Evans tapos tumayo na siya't umalis.
"I got our room number! Let's go!" sigla na sabi ni Cass.
Papunta kami ngayon sa aming apartment na malapit lang sa school. Maliit lang ang room pero kontento na kaming apat dito, nakapaloob ay dalawang double deck bed at isang banyo, okay na okay na.
Pumunta kami sa reception area ng apartment building dahil may tatawagan daw si Oe.
Nakita kong kakarating lang nina Third, Vita, Blu, Gino, Crater at Grus sa building. Nang makita ako ni Vita agad naman siyang kumapit sa braso ni Third. Tss.
"I'm sure you're gonna love it Sky," biglang wika ni Ara.
"Ha? Ang alin?" ako.
"Andaming amusement park malapit kina Oe, gustoooo ko ng rideeees!" Cass.
Woah, pupunta talaga kami ng amusement park? Commended people! Commended!
"So saan kayo papunta ngayon?" tanong ni Crater sa amin.
"Papunta muna kami kina Ara, eh kayo?" sagot ni Cass.
"Kahit saan, basta wala si Sky," sagot naman ni Vita.
"Harsh!" Blu.
"Ingat sa bibig mo Vita," Cass.
"Shhh Guys! Walang away okay? Nandito tayo para mag-enjoy," Grus.
"Correction! Nandito kami para mag date ni Third," Vita.
Inalis ni Third ang kamay ni Vita sa kaniyang braso.
"Tara na guys!" ani ni Oe sa aming tatlo pagkatapos niyang gumamit ng telepono.
Bumaba na kami sa building at huminto sa waiting shed parang may inantay si Oe. Tumagal ng 30 minutes ang paghihintay namin.
"Sino hinihintay natin?" tanong ko.
"Si Billy," tugon ni Oe.
Sino naman si Billy?
Nakaupo kaming tatlo nina Ara at Cass tapos si Oe nakatayo lang habang hinihintay si Billy raw.
Kinalaunan.
"Nandito na siya guys," wika ni Oe kaya tumayo na kami.
Napalingon-lingon ako kung sino si Billy na tinutukoy niya, pero isang black van lang ang huminto sa harap namin.
"Lemme introduce, si Billy," Oe.
Nabasa ko ang nakalagay sa sasakyan, Billy. Nyemas! Si Billy pala ay sasakyan?
Binuksan na ni Oe ang pintuan ng black van, "Hello po manong Fredo."
"Miss Oe maligayang pagbabalik po," bati ng driver sabayan ng magandang ngiti.
Sumakay na kaming apat, van pala ito nina Oe? Wow!
"Saan tayo papunta?" tanong ko.
"Let's go to a mall, syempre hindi tayo pwede uuwi sa mga bahay namin nang naka school uniform lang, and we need clothes for our three-day vacay too," Oe.
"Eh? P-pero may pera ba kayo?" ako.
"Don't worry about that," Ara.
"Let's just enjoy our 3-day vacation without worrying anything, don't worry Sky kami na bahala," Cass.
Huminto na kami sa isang basement ng mall, binigyan din si Oe ng rose gold color sling bag ng driver.
Pumunta na kami sa itaas at sumakay ng escalator, kumuha ng cellphone si Oe sa kaniyang bag at may tinawagan na naman. Huminto kami sa harap ng isang fashion boutique na ang pangalan ay Josette's.
"Hello po miss Oe, maligayang pagdating," bati ng isang magandang babae kay Oe at sa amin, tapos pinatuloy na kami.
"Pick whatever you like," Oe.
"I like these!" Cass.
"Ito rin sa akin," Ara.
"Sky, bagay ito sa iyo," Cass.
"Ah sa kaibigan ko nga pala ang fashion boutique na ito," Oe.
HANEP! Para akong na outcast dito, hindi ko kasi naisip kung anong estado ng pamumuhay ng mga kaibigan ko. Pero syempre naamaze ako kasi lumaki akong mahirap eh.
"Hello Oe! Kailan ka lang bumalik?" bungad ng kikay na babae at naki-beso kay Oe. Sobrang fashionista girl.
"Oh, kanina lang Josette, we are just here for a three-day vacay," tugon ni Oe.
"Oh I see," tugon pabalik ng babae.
"Mga classmates slash kaibigan ko nga pala, sina Ara, Cass, at Sky," pagpapakilala ni Oe sa amin.
"Hello guys, well, I hope you'll gonna like something in here, feel free to pick anything, since Oe gave me so much credit, I am giving y'all these for free," tugon niya.
"Josette is one of the most famous dress designer ng 'pinas, she was the one who made the evening gown of our miss universe candidate," Oe.
"Wow talaga?" ako.
"I heard something from her, nakapunta ka na rin sa States para sa isang international competition diba? My dad was one of the judges noong time na iyon, and you won right?" Ara.
"Yes, hahaha anyway huwag na nating pag-usapan ang mga ganyan, nakakaflatter kasi hahaha, oh and um I almost forgot, hindi na pala ako magtatagal dito kasi may aasikasuhin pa ako, kayo na bahala rito Oe ah?" tugon niya.
Umalis na siya, hindi ko inaasahan na mayroon nang babaeng sobrang successful, talented pero ang bata-bata pa.
"Actually, she is also a magic user, and making beautiful dresses and fashion line is her ability," Oe.
"Wow super cool," Ara and Cass.
Nung nakatapos na kaming pumili ng mga damit ay bumalik kami sa apartment para magbihis.
And then we go to Ara's house.
*---*---*---*
Do not forget to vote for this chapter!
You can use these hashtags:
#ZUMTZC #ZodiacUniversity #ZodiacUniversityZodiacCircle
See you on next chapter!
-axinng
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top