Chapter 30

It's Monday

It is indeed a beautiful day, nahawaan ako sa pagkakasabik ng tatlong kasama ko sa dorm na makalabas sa paaralan, ang destinasyon daw namin ay sa Zodiac High, and we have our private vehicle for that, wow.

"Let's go girls!" Oe.

Umagang-umaga pa pero nakahanda na kaming apat, papunta muna kami sa principal's office suot-suot ng aming school uniforms.

Magkakaroon daw kami ng short meeting with the school staffs.

"Ilang araw nga ulit ang vacation natin?" tanong ni Cass.

"Ah tatlong araw daw," tugon ni Oe.

Nakarating na kami sa principal's office at pumasok sa loob, bumungad naman sa amin ang sabay na nagtitinginang mga estudyante na nakasali sa activity noong sabado. Nakatayo rin sa harap sina sir Polaris, miss Lydia, at Miss Twinkle.

"Gusto naming bigyan kayong lahat ng parangal dahil sa pagtatagumpay ninyo nung nakaraang sabado," sir Polaris.

Naglabas ng pirapirasong clear crystal si miss Lydia at at pinalutang sa ere. Sinabayan pa ni miss Twinkle ng paglabas ng thread-like na dumidikit sa crystal kaya ito naging kwentas.

Lumutang ito tungo sa harapan naming mga estudyante. Tig-iisa naming kinuha iyon.

"Isuot ninyo at huwag ninyong hubarin iyan, dahil iyan ang ticket ng pabalik ninyo rito sa paaralan," sir Polaris.

"Bibigyan namin kayo ng kalayaang makapag-enjoy sa labas ng school grounds," miss Lydia.

"At syempre awtomatiko na kayong babalik sa paaralan after 3 days," miss Twinkle.

Puro ngiti ang reaksyon ng lahat ngayon.

Sinabayan na kaming lumabas sa building ng mga school staffs at papunta kami sa harap ng malaking gate ng school. Agad na itinaas ni miss Lydia ang kaniyang kamay para kami makalabas.

"Be careful students! Take care!" miss Twinkle sabay nag wave bye.

Nasa loob na kami ng isang mini bus. Nagkasya kaming 20, at ngayon katabi ko si Oe. Tig-dadalawa lang ang magkatabi, sampung estudyante sa kanan at sampu din sa kaliwa.

Nakita kong nasa harapan nakaupo si Third sa kabilang side at katabi niya ngayon si Crater. Nasa likuran din namin ni Oe sina Ara at Cass tapos sa kabilang side ng ka-row namin nakaupo sina Carina at Kim at sa harap naman nila nakaupo sina Grus at Anna. Nasa likuran nina Carina nakaupo sina Vita at Blu. Si Gino ay nasa likuran namin at katabi niya ay isang gold ranker na lalaki.

"Magandang umaga po, ako po ang inyong personal na drayber sa umagang ito, magsipaghandaan na po kayo at tayo po ay babyahe na tungo sa Zodiac High," bati pa ng nakaitim na mama na nakasuot ng black glasses at black suit sabay bow, parang pang-butler ang porma niya.

Maya-maya ay umandar na ang sasakyan tapos kaming lahat ay sabay na naghiyawan.

Nakikita namin sa bintana ng sasakyan ang kagandahan ng paligid ng nadadaanan namin. Sobrang ganda ng tanawin ng mga bundok dito, at ang sarap pa ng ihip ng hangin na nararamdaman namin ni Oe nang binaba niya ang bintana.

"Nakakamiss din ang ganito," wika ni Oe.

"Gaano kayo kadalas nakakalabas ng school?" tanong ko.

"Once a year lang naman," Oe.

Naiintindihan ko na namiss nilang lumabas ng campus, ako kasi isang buwan pa lang na nandun kaya hindi ako medyo na amaze.

"Anong plano ninyo guys?" tanong ni Ara sa amin.

"Plano saan?" ako.

"Pagkatapos nating bumisita sa Zodiac High, malaya tayong makapaglakwatsa, saan ninyo gusto pumunta?" Ara.

For me, amusement park, mall, beach, or anywhere na wala sa Zodiac University.

"Bibisita muna ako sa bahay namin," Oe.

Nabigla ako nang marinig ko yun, oo nga pala hindi ko naitanong sa kanila kung may mga pamilya pa ba sila.

"Ako rin," Cass.

"O sige, bibisitahin natin ang mga hometown natin nang magkasama tapos ipapakilala ko na rin kayo sa family ko," Ara.

Sana all may family.

"Sama ka Sky diba?" Ara.

"O-Oo naman," ako.

Aksidente akong napatingin sa direksyon nina Vita at Blu pero ini-snob lang ako ni Vita.

Napansin ko din na ang ibang estudyante ay natutulog sa kanilang mga upuan, huminto ang paningin ko sa direksyon ni Third. Kamusta na kaya ang sugat niya?

"Sky!" bulong ni Gino sa isipan ko.

"Oh Gino?" ako.

"May alam akong healing river malapit sa Zodiac High, rinig ko nakakagamot iyon ng sugat agad, gusto mo pumunta doon? Sasamahan kita," Gino.

"Healing river? May ganoon ba?" ako.

"Oo, alam kong concern ka kay Third," Gino.

"Nyemas! Hindi kaya!" ako.

"May mga bagay talaga na ang hirap iwasan no?" Gino.

"Afshdkls! Balakajan, don't talk to me," ako.

Tumawa lang siya.

Pero gusto kong pumunta sa Healing river na 'yon, baka nga makakatulong talaga iyon kay Third.

Pagkalipas ng dalawang oras, pumasok na ang mini bus sa loob ng isang normal na paaralan, may maraming estudyante na papasok at ang cute pa ng mga uniforms. I think nasa 7-8 taong gulang ang mga nakikita namin ngayon. Kulay gray din ang uniforms nila na kahawig sa amin.

"Nakarating na po tayo, at sundan niyo po ako tungo sa principal's office," sabi ng driver.

Nasa parking lot kami ng paaralan, kung ako ang tatanungin, normal school lang talaga siya tingnan.

"Wow! I miss this place?"

"Ang dami nang nagbago"

"Memoriessss"

"Hindi ako nakapag-aral dito, pero nakapag-aral ka rito Vita diba? Since kinder ka?" wika ni Blu.

"Oo," Vita.

"Tara na po," driver.

Pumasok na kami sa isang opisina at nandoon ang isang matandang babae na nakaupo habang nagbibigay ng malaking ngiti pagpasok namin.

Halos buong opisina ay pinapalibutan ng normal lang din na mga kagamitan, mga wood furnitures, mga litrato ng high officials na makikitang nakasabit sa pader I mean litrato ng presidente at bise presidente ng pilipinas, may world globe, may children's book sa shelves, ewan normal na normal talaga para sa akin.

"Ang dami kong naaalala sa lugar na ito," Cass.

"Oo nga, parang bumabalik iyong mga ala-ala na nawala sa atin pag graduate natin," Ara.

"Masaya akong makita kayong muli mga bata, Crater, Third, Oe, Vita, Cassiopeia, Ara, Grus," wika niya habang papalapit sa amin at isa-isa niyang niyakap ang nga binanggit niyang pangalan, pati nga estudyante na nasa gold rank.

"...at Sky," wika niya at niyakap ako.

Nagulat ako nung niyakap niya ako, mas nagulat din ako nung kilala niya ako.

"Masaya ako at bumalik kayo rito, ang kukulit niyo pa naman dati," dagdag niya.

"Oo nga, naalala ko, si Principal Evans ay may mataas na memorya, kahit maliliit na bagay naaalala pa niya kahit matanda na siya," bulong ni Ara sa amin.

Si Principal Evans ay mas matanda na kompara kay sir Polaris.

Pero.. bakit niya ako kilala?

*---*---*---*

Do not forget to vote for this chapter!

You can use these hashtags:

#ZUMTZC #ZodiacUniversity #ZodiacUniversityZodiacCircle

See you on next chapter!

-axinng

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top