Chapter 3

*** Photo above is Oe Christimatia ***

*---*---*---*

"Hello po sir Polaris, sorry po medyo natagalan kasi naligaw na naman po ako haha."

Pagkatapos ng isang oras na panghuhula ko sa daanan, sa wakas nakarating na ulit ako sa  office ni sir Polaris. Mabuti naman kasi mababait iyong mga estudyante na napagtanungan ko. Sobrang laki kasi talaga ng building eh.

Hindi ako pinansin ni sir Polaris. Okay awkward. Tahimik lang siyang nakatingin sa kaniyang bintana.

"May ibibigay ako sayo," pagsasalita niya.

Sa wakas naman nagsalita na siya, sobrang dead air kasi.

May iniabot sya sa akin na isang maliit na yellow envelope.

"Sir Polaris, may hihilingin sana ako," paglalakas-loob ko.

"Ano iyon Sky?"

"Sir, alam ko hong sobrang laki na ho ng naitulong ninyo sa akin, pero kasi ano, wala rin naman po akong ibang mapuntahan. Sa totoo lang po, ulila na ako at---, sa totoo lang talaga, homeless po ako ngayon," wika ko.

"So anong balak mo? Gusto mo bang mag-aral sa paaralang ito?" diretsahang tanong niya.

"O-opo, kung pwede lang po sana," sagot ko.

"Wala namang problema sa akin iyon pero makakaya mo kaya?" tugon niya.

"P-po? O-opo, naranasan ko na nga po halos lahat ng paghihirap sa buhay."

Tiningnan niya ako nang diretso. "Sa totoo lang din Sky iha, hindi ito pangkaraniwang paaralan kagaya ng inaakala mo, isa itong magic school, ang pangalawang realidad sa mundong ito, real magic."

M-magic?

Parang alam niya na naguguluhan ako sa sinabi niya kaya naglabas siya ng kakaibang usok mula sa kamay niya. Usok na hindi pangkaraniwan, kumikislap ito na parang glitters.

Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko at muntik nang matumba sa pagaatras. P-pero his hands... A magic school? Exists?

Napatanaw ako sa buong paligid, all these things and everything around here are magic? A magic school? A magic world?

"K-kailangan ko ho bang magkaroon ng super powers kagaya ninyo para makapasok ako sa school?" I jokingly asked.

"Yes Sky iha," agad na sagot niya.

"S-so ibig sabihin po na lahat ng estudyante rito ay may magic powers?" Dagdag ko.

"Yes."

"W-wala naman po akong magic powers, pero ipapakita ko po sa inyo na gagawin ko po ang lahat makakasurvive lang," sagot ko naman. Did I just promised him something that is impossible to happen?

"Hindi ka ba nagtataka kung bakit interesado ako sayo?"

Nabigla ako sa sinabi niya. Interesado pala siya sa akin?

"Dahil sa dalawang dahilan Sky, una dahil hindi ko mabasa ang kapalaran mo," wika niya.

Kapalaran ko?

Anong ibig sabihin nun? Kasing-kahulugan ba 'yun na wala akong future?

"Ano pong pangalawa?"

"Secret ko nalang iyon," sagot niya.

Ehh?

"Well, if you insist on joining us here, hindi kita pipigilan, mas mabuti na ring napagpasyahan mong manatili dahil kung tutuusin ay mas ligtas ka sa lugar na ito," sir.

Biglang may lumitaw na isang black dimension sa harap ko tapos may isang babaeng teacher na lumabas mula rito, at may cute bun hair style siya.

"Jusme!" Lakas na react ko.

"Good evening sir Polaris," bati niya.

Tumingin naman sya sa akin, napansin kong may dala siyang makapal na pile ng bondpapers.

"Thank you for coming here miss Lydia, we have a new student," sir.

"Oh of course," iniabot niya sa akin ang mga bondpapers. "Dear, you need to fill out these forms," sabi niya sa akin. Pinaupo niya ako tapos binigyan ng ballpen.

Zodiac University Enrollment Form

W-woah, real quick?

Pinapasagot niya sa akin about sa personal life ko, mga IQ tests, tsaka weird questions like anong zodiac sign ko, kumakain ba ako nito o ginagawa ko ba ito, etc.

May rules and regulations din.

Bawal ma late.

Bawal umabsent sa trainings.

Bawal umatras sa tournaments.

Bawal lumabas ng campus.

Bawal cellphone or any communication sa labas ng campus.

Bawal pumasok sa Zodiac Circle Realm/Zodiac Shrine nang walang pahintulot.

At marami pang iba..

Parang kinakabahan yata ako sa desisyong ito pero bahala na, come what may.

I answered it all quickly, may laman din naman nang konti ang utak ko, haha. Pagkatapos kong na fill out iyong forms ay binigyan ako ng babaeng teacher ng isang recommendation slip. Nadidistract talaga ako sa cute ng hair bun niya.

"Nice to meet you Sky, I am your guidance counselor, miss Lydia," pagpapakilala niya.

Nakikipagshakehands sya.

Mukhang nasa mid-20s pa siya, sobrang kikay pang kumilos.

"Punta ka sa library for ID picture, and they will tell you the rest," dagdag niya. Nag bow ako sa kanilang dalawa as a sign of thank you and good bye.

Lumabas ako sa principal's office tapos pumunta sa hindi-ko-naman-alam-kung-saan library.

Hanep! Magic school talaga ito? What a very unique twist of my life story ah. I can't wait to be part of this school.

Parang kailan lang, sobrang down na down ko dahil sa mga nangyayari sa akin sa labas ngunit hindi ko inaasahan na mapunta sa ganito ang buhay ko.

B-but I forgot.. I am just a cripple.

Napahinto ako sa may kulay gold nilang elevator, tsaka may map sa gilid, oo map, sobrang laki kasi talaga ng school. Library, nasa 5th floor. Sumakay na ako ng elevator, makintab ang salamin sa loob, kitang-kita ko ang haggard ng face ko. Mukha pa ba ito?

Elevator dings..

Pagbukas ay nakita ko ang mga estudyanteng napadaan sa hallway. Naks! I feel nervous.

Napatunganga ako sa loob ng elevator ng mga ilang segundo, bumalik naman agad ako sa sarili nang may pumasok na mga estudyante at tumabi sa akin, kailangan kong makapunta sa library.

"Uh excuse me!" lumabas ako.

Tamang-tama naman dahil nakita ko agad ang entrance ng library. Pumasok ako tapos..

Holy crap! Ito na yata ang pinakamalaking library na nakikita ko sa buong buhay ko! Ang daming estudyante, sobrang taas ng shelves, tapos yung ibang estudyante ay nagsiliparan tapos yung iba naman nagbabasa sa ere.

It's a magic school after all.

Lumapit ako agad sa center counter table ng library kung saan nandoon ang tatlong estudyanteng nakaupo.

Lumapit ako sa lalaking mas pabor at mas malapit sa akin.

"Excuse me po, nandito po ako para sa ID picture," wika ko.

"Ah new student?" tanong niya sa akin. May headphone siyang nakasabit sa kaniyang leeg tapos messy ang hair.

"Opo," sagot ko.

"Sundan mo ako," nakangiti niyang sabi tsaka lumabas siya sa counter table at pumasok sa may photo booth na room. Pumasok na rin ako.

"Nandito na lahat ng kailangan mo, magbihis ka ng pang school uniform at kung gusto mo may make-up kits doon, wear light make-up para mas lalo kang gumanda sa picture," panuto niya. Simula niyang inayos ang camera samantalang ako ay nalilito kung anong gagawin.

"Are you ready?" tanong niya.

"Y-yes."

"Parang may kulang eh," sabi niya.

Tiningnan ko ang sarili ko, anong kulang?

"Ngumiti ka naman, kanina ka pa kasi nakasimangot eh," dagdag niya.

Ah akala ko naman kung ano, at ayun nag smile ako.

"Ang ganda ng kuha, model ka ba?"

Bolero rin 'tong isang 'to.

"Let's go, may ififill out ka lang na forms tapos pwede mo na makuha ang nameplate mo," wika niya.

"Forms ulit?" ako.

"Ganyan talaga iyan, hayaan mo na sa first day mo lang naman mangyayari ito," sagot niya.

Bumalik kami sa counter table. Iniabot niya sa akin ang isang bondpaper na may paglalagyan ng personal infos.

"Nasaan ba si Oe?" random girl 1.

"Hindi ba siya pumunta sa principal's office kanina?" random girl 2.

"Ewan pero may sasabihin daw siya sa atin," random girl 1.

"Tara balik na tayo sa dorm," girl 3.

"Tapos na," sabi ko at ibinigay ang papel sa kaniya, inencode nya iyon sa computer at ilang segundo ay iniabot niya sa akin ang eleganteng nameplate ko.

"Here you go, Sky. Nice to meet you, I'm Crater nga pala," bigla niyang pagpapakilala. Nabasa ko rin sa nameplate niya na may nakalagay na Crater at may diamond din sa logo niya.

"Hello Crater, sana.. lahat ng estudyante rito ay kagaya mong friendly," sagot ko naman.

"Of course, friendly naman lahat mababait pa," sagot niya pabalik.

Tumawa nalang ako, "so saan na nga pala ako pagkatapos nito?"

"Punta ka na sa dorm mo, sa room number 9, tapos within 10 minutes, ihahatid na kaagad ang school uniform mo roon sa dorm mo mismo," sagot niya.

"Ah sige salamat Crater! Malaki ang tulong mo!"

Nag bye naman siya sa akin.

And here I am, ended up in front of the school map again, sa harap ng elevator.

Ang layo naman ng dormitory ng girls. Pero sige lang, at least enrolled na ako.

Enrolled na ako..

Pumasok na ako sa elevator nang bumukas ito, tamang-tama, walang ibang tao.

I'm on my way to my dorm, my own dorm, free sa mga bayarin!

Pagkalabas ko, tamang-tama naman ang pagkakabangga ng mukha ko sa dibdib ng isang lalaking estudyante. Naku naman Sky!

"S-sorry po," wika ko pero hindi ko na siya tiningnan nang diretso, naka-casual attire lang siya at walang nameplate kaya hindi ko alam kung teacher o estudyante ba itong nabangga ko, aalis na sana ako nang bigla niyang hinawakan ang braso ko. Naaalala ko naman sa kaniya ang kidnapper na sunod nang sunod sa akin. Bigla-bigla kasing nanghahawak iyon. Natrauma na ako kaya inalis ko agad ang braso ko sa kaniya.

"Sorry po talaga, new student lang po ako hindi ko pa po kabisado ang daanan," pagpapaumanhin ko ulit sa kaniya.

And this time tiningnan ko siya, ang lalim ng mga tingin niya sa akin. Anong meron? May masama ba akong nagawa o nasabi? Nag bow ako as a sign of apologize, tapos aalis na sana nang magsalita siya.

"Anong pangalan mo?" tanong niya. Napahinto ako at tumingin sa kaniya.

"Sky po, ako si Sky, sorry po talaga, hindi na po mauulit," tapos tuluyan na akong umalis. Hindi ko na sya nilingon pa ulit.

*---*---*---*

Do not forget to vote for this chapter!

You can use these hashtags:

#ZUMTZC #ZodiacUniversity #ZodiacUniversityZodiacCircle

See you on next chapter!

-axinng

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top