Chapter 29
*** Photo above is Sky Nunez ***
*---*---*---*
Na korner kaming dalawa ni Third sa limang ninja, pero step aside ang mga ninja! Nyems! Kasama ko ngayon si Third!
"Huwag kang matakot! kahit duwag ka," nagawa pa niyang manukso.
"Anooo? Anong duwag! Duwag mukha mo!" sigaw ko.
Umatake na naman ang mga ninja kaya sabay naming kinarate ang mga iyon. Tumama sa dibdib ko ang sipa ng isang ninja kaya ako natumba. Bigla akong naubusan ng hininga kaya matagal pa bago ako nakatayo ulit.
Agad na hinarangan ni Third ang mga ninja na nagtangkang saksakin ako ng espada.
Lima vs isa.
Come on Sky! You can do better than this!
Agad akong tumayo nung nakahinga na ako ulit, at binawian ng espada ang isang ninja, dahil sa galit ko tinamaan ko silang lahat nang sabay sabay kaya naglaho sila na parang usok.
Napaluhod ako kaya agad akong inalalayan ni Third.
"Huminga ka ng malalim," Third.
Pinagsusuntok ko din ang dibdib ko, grabe first time ko kayang maranasan na tamaan ng napakalakas na sipa sa dibdib.
"O-okay na ako, tara na," sabi ko at tumayo.
Sabay na kami ni Third. Napansin kong ang laki ng nabawas sa oras. It's now 37:45mins.
Kaya hinila ko na si Third para magmadali kaming maghanap ng bato sa tabi-tabi. Pero biglang huminto si Third at hinawakan niya ang magkabilang balikat ko.
"Huminahon ka muna!" sabi niya.
Tinitigan niya ako sa mata. Mukha na akong desperada nito, eh kasi naman may mga taong umaasa sa akin na magagawa ko ang task.
"Okay na talaga ako, kailangan nating magmadali dahil wala ng oras," ako.
"Mataas pa ang oras Sky," tugon niya.
Pero nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad.
"Bakit ba ang titigas ng ulo ninyo?!" sigaw niya.
Ninyo?
"Makinig nga kayo sa akin!" dagdag niya.
Napatingin ako sa kaniya at binigyan ko siya ng what-are-you-talking-about look.
"Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy mo pero wala akong pakialam," ako.
Napansin kong nakasunod lang siya sa akin. Kinalaunan, nakakita na kami ng bato sa wakas, pero isa lang. Ang gemstone ay nakatago sa ilalim ng bato.
"May nakita na tayong isa, kunin mo na para maghanap pa tayo ng pangalawa," utos ko sa kaniya. Kukunin na sana niya nang biglang dumating si Vita.
"Well well, isn't this a surprise?" wika ni Vita.
Ang taray na naman niya sa akin.
"Para ka namang pusa, ang dami mong extra lives, dapat nasa morgue ka na sana ngayon eh," sita niya sa akin kaya nainis si Third.
"You cannot touch her on my watch," biglang sumbat ni Third sa kaniya kaya nanlaki ang mga mata ko.
I can see Vita's eyes full of jealousy. Ah, naiintindihan ko na, kaya pala galit si Vita sa akin dahil nagseselos siya. Pero bakit niya naman ako pinagseselosan?
"Fine, but I will get that gemstone, ako ang nakauna niyan," sabi niya at kinuha ang gemstone, agad naman siyang naglaho sa harap namin.
Nagulat kaming dalawa ni Third.
"Ang gemstone pala ang susi para makalabas sa maze, and once mahawakan mo ito, agad kang maglalaho," ako.
Biglang may umatake na mga ninja sa aming dalawa ni Third. Mas maraming ninja rito, dahil ba binabantayan nila ang gemstone?
Bilang ko sa mga ninja parang lampas sampu kaya talagang mahihirapan kaming dalawa, lalo na't hindi makakagamit ng kapangyarihan si Third.
Ang una naming solusyon ay tumakbo malayo rito, it's now 25:12mins.
Lalabanan sana ni Third ang mga iyon pero pinigilan ko siya dahil sobrang dami nila.
Takbo lang kami nang takbo, may nakikita kaming mga bato pero wala na ang gemstone nito. Is this malas?
Nung makalayo na kami, napansin naming hindi na kami sinundan ng mga ninja. Mabuti naman.
Biglang hinawakan ni Third ang kamay ko.
At nagsimula na naman siyang maglakad kaya sumunod lang ako sa kaniya.
"Alam kong naduduwag ka," bigla niyang sabi.
Ha? Duwag? Hindi naman ah.
Tumagal din ng ilang minuto bago kami nakahanap ulit ng bato. It's now 10:17mins.
Pero may nagpakitang mga ninja at agad na umatake sa amin.
Sabay-sabay silang umatake, umilag ako at pinagsusuntok ang mga ito. Iba ang dala-dala nilang sandata ngayon, malilit lang na mga kutsilyo. Napaluhod ako nang sumakit na naman ang dibdib ko.
"Sky!" sigaw ni Third.
"H-huwag mo na akong alalahanin! Protektahan mo ang sarili mo!" aniyo.
Pero nagmamatigas si Third, lumapit pa rin siya sa akin kaya natamaan siya ng matalim na sandata sa kaniyang tagiliran.
"Aaarrrghh!" react niya.
"T-Third!!" Nagulat ako at nagpupumilit tumayo.
Nakipaglaban pa rin siya sa mga ninja, kahit pa nanakit ang dibdib ko, pinilit ko paring makipaglaban, halatang nasasaktan si Third at ang daming dugo na dumanak sa kaniyang damit. Jusme!
Inatake ko sa dibdib ang mga ninja kagaya ng ginawa nila sa akin, at effective naman dahil naglaho sila.
Inalalayan ko na si Third dahil hindi na siya medyo makatayo dahil sa sugat niya.
"Kunin mo na ang gemstone," utos niya.
"Ano? Hibang ka ba? Ikaw ang may sugat sa atin kaya kunin mo," suway ko.
"Bilisan mo na Sky! Wala nang oras!" sigaw niya.
"Sira ka na ba talaga ha?" ako at kinuha ang bato tapos iniharap sa kaniya ang gemstone.
"Kunin mo na Third! Please!" pagmamakaawa ko at unti-unting napaiyak. Sobrang dami ng dugo sa kaniyang damit.
Kinuha ko ang kamay niya at inilapit ito sa gemstone pero agad siyang bumitaw at inilipat niya ang kamay niya sa aking kamay kaya nahawakan ko ang gemstone.
"Whaaat? Thiiiird! Nooooo!!!!" sigaw ko at bigla akong nakalabas sa maze, napansin kong nasa labas na rin sina Oe, Ara at Cass.
Napaluhod na ako at tuluyan nang umiyak.
"Sky! Anong nangyari!" Oe.
"Si-si T-Third," hagulhol ko.
9mins nalang ang natira.
THIRD! BWESIT KA! BAKIT MO GINAWA 'TO! BWESIT KAAAA!
Napahawak na naman ako sa nanakit kong dibdib, pero wala pang mas sasakit sa alam kong nasa piligro pa ang buhay ang lalaking gusto ko.
BWESIIIT KA TALAGA THIRD!!!
8mins.
Hindi ko alam pero parang gusto ko talagang bumalik sa loob ng maze. Nasugatan si Third tapos andami pang mga ninja doon.
7mins.
Nagsilitawan ang ibang mga estudyante rin galing sa maze, pero wala pa si Third.
"Uminom ka muna ng tubig Sky," wika ni Oe at inabutan ako ng bottled water.
Niyakap naman ako ni Ara, at pinunasan ni Cass ang pawis at luha ko.
5 mins.
Wala pa rin si Third.
"How dare you bitch! Leaving Third like that!" sigaw ni Vita sa akin.
3 mins.
THIRD! NASAAN KA NA BA? ANG LALIM NG SUGAT MO, OKAY KA LANG BA DIYAN?
2 mins.
"Tahan na Sky," Cass.
"We are still glad you made it," Ara.
1 min.
JUSME! NASAAN KA NA THIRD! KUNG MAY MANGYARI SA'YO, HINDI KO TALAGA MAPAPATAWAD ANG SARILI KO.
"Huwag kang mag-alala Sky, makakaabot si Third, " bulong ni Gino sa isipan ko, agad akong napatingin sa kaniya mula sa malayo na katabi si Blu, binigyan niya ako ng trust-me look.
45 seconds
30 seconds
20 seconds
10 seconds
9
8
7
6
5
"Third!" sigaw ng isang estudyante.
Agad akong napatayo at nilapitan ang nakahandusay na si Third, sobrang dami ng dugo sa kaniyang damit.
"And the activity is done! Congratulations everyone," sir Polaris.
Agad na tinulungan si Third sa mga nurses at agad na dinala sa clinic.
"S-si Sky! G-gamutin n'yo rin si Sky," nauutal na sambit ni Third.
NAKAHINGA NA AKO NG MALUWAG NANG MAKITA KO SI THIRD.
Akala ko talaga mamamatay na siya doon.
*---*---*---*
Do not forget to vote for this chapter!
You can use these hashtags:
#ZUMTZC #ZodiacUniversity #ZodiacUniversityZodiacCircle
See you on next chapter!
-axinng
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top