Chapter 28
*** Photo above is Third Luan ***
*---*---*---*
Hinarangan ng mga student representatives ang daanan tungo sa training grounds. Nakasuot kaming apat nina Oe, Ara at Cass ng PA Uniform.
"Hindi makakapasok sa training grounds kapag walang token pass."
Pagpasok namin sa loob ay may mga naghaharang na mga halaman doon kaya namangha kami.
"Nandito na sina Oe, sir Polaris!" wika ni Kim.
Nakita kong nakaupo sina Anna, Carina, Blu, Vita, at Gino malapit kina sir Polaris at ilang mga estudyante rin na nasa gold rank.
"Nasaan na sina Third?" sir Polaris.
"Ayan po! Kakarating lang din," wika ng estudyanteng gold rank.
Kakapasok lang nina Grus, Crater at Third.
Lumakas ang tibok ng puso ko nang nagkatinginan kami ni Third kaya umiwas ako.
"Okay ka na ba?" bigla niyang bulong sa tenga ko.
Syeeeeet! Tubig pleaseee!
Tumango lang ako sa kaniya at nagpatuloy siya sa paglalakad.
"Narinig ko na may bronze na makikisali sa atin dahilan ng pagkakapanalo niya sa tournament kahapon, hindi ko aakalaing ang ganda pala niya," wika ng isang gold ranker na lalaki.
"Makinig students!" sir Polaris.
Katabi ni sir Polaris sina miss Lydia, miss Kareen at tatlong nurses. Teyka bakit may nurse?
"Para sa activity ninyo ngayon! May dalawampu na gemstone sa loob ng maze para sa dalawampu na sasabak na mga estudyante, ang gagawin niyo lang naman ay kailangan mahanap ninyo ang mga ito para makalabas kayo sa maze, isang gemstone sa isang estudyante, teamwork ang kakailanganin ninyo sa pag accomplish ng task na ito, bibigyan lang kayo ng isang oras para matapos ang activity," sir Polaris.
Maze? Ang hirap naman kapag maze.
"Patas ang laban na ito, walang cheat, at hindi rin kayo makakagamit ng kapangyarihan ninyo sa loob," sir Polaris.
"Whaaat?"
"Hindi naman yata pwede 'yon!"
"Pambihira!"
"Magsihandaan na kayo, the activity will start in 3..2...1," sir Polaris.
"Good luck girls!" wika ni Oe.
"Oh! And by the way students! Beware of ninjas," sir Polaris.
"Whaaaat??"
"Anooo?"
"Whaaat?"
Bigla kaming nagteleport na sa loob ng maze. Pero ako lang mag-isa ngayon. Gaano ba kalaki ang maze na ito? Sobrang taas naman ng wall na napapalibutan ng mga halaman.
Paano ko hahanapin ang gemstone? Nasa lupa ba? O nasa vines? O baka nakalutang lang sa ere?
Lakad ako nang lakad.
Sobrang tahimik naman ng paligid.
Kaya ko ito, kaya ko ito. Hindi ko dapat bibiguin sina Oe, Cass Ara, at lalo na sina miss Lydia at Cyrus.
Saan ko ba hahanapin ang gemstone? Ano ba mukha non?
Napansin kong may digital timer sa lahat ng banda ng nadadaanan ko, now it's 58:12 mins. One hour lang ang ibinigay sa amin kaya dapat na bilisan ko.
Takbo ako nang takbo sa kung saan nang may humarang sa akin na dalawang naka-itim na mga tao at nakatakip sa kanilang mukha, wait? Ito ba ang sinabing ninja ni sir Polaris?
Syeeeeet!
Natataranta na ako kaya nag-iisip ako kung saan magtago, pero napansin nila ako, OMG TAKBOOOO SKYYY!
Agad nilang inilabas ang kanilang napakatalim na mga espada, t-totoo ba ito?
Malamang Sky! Wala yatang part ng school na hindi na makatotohanan ang laban! Dapat matuto ka na!
Tumalon ang isa at hinarangan ako, at ang isa naman ay nasa likuran ko. Lalabanan ko ba sila?
Syempre Sky! Tinatanong pa ba yan??!
"Aaaargghh!" sigaw ng isang ninja habang papalapit sa akin at tinuonan ako sa espada niya.
WOYY! NOBODY TOLD ME ABOUT THIS! MAPUPUTULAN AKO NG ULO NETO FOR REAL!
Agad akong umiwas at sinipa siya sa kaniyang binti. Umatake na rin sa akin ang isa pang ninja.
"Hoyy! Mga mama! Mag-ingat naman kayo sa sandata ninyo!" sigaw ko sa kanila.
Sabay silang umatake sa akin.
"Wow! 2 vs 1 ha? Tapos babae pa kinakalaban ninyo?" ako.
Umilag ako sa kanilang atake at sinuntok ang kanilang mga tiyan sabay elbow hit sa kanilang mga panga.
"Akala n'yo ha!" ako.
Nabitawan ng isang ninja ang kaniyang espada kaya pinulot ko ito, hindi ako marunong mag espada pero may natututunan naman ako sa defense mechanism ni miss Lydia at isa pa nakikita ko din ang mga kilos nila kahit sobrang bilis nila.
Umatake sa akin ang isang ninja na may hawak ng isa pang espada kaya nilabanan ko siya.
Bigla niyang tinamaan ang tenga ko pero sa halip ay buhok ko lang ang naputol. Sobrang talim ng espada syeeet.
Binigyan ko siya ng napakalakas na sipa kaya tumalsik siya malayo sa akin. Nagulat naman ako nang unti-unti siyang naglaho na parang itim na usok.
Wait? Hindi sila normal na tao. Parang mga puppet lang ganon.
Eh iyon naman pala eh, hindi dapat ako matatakot.
Tinamaan ko sa espada ang isa pang ninja kaya nahati ang katawan nito sa dalawa, at bigla rin itong naglaho na parang maitim na usok. Naglaho rin ang espada na hawak ko.
Nagpatuloy ako sa paglalakad.
Dalawa ang daanan, saan ako pupunta? Hindi ko inakala na ganito pala kahirap maglaro ng maze.
Lakad lang ako ng lakad. Bakit wala akong nakitang ibang estudyante?
Sinubukan kong mag telepathy, nagbabasakali ako na makacommunicate ni Gino. Ang sabi ni sir Polaris kanina na bawal gumamit ng kapangyarihan pero inactive power naman ang telepathy. I mean isang technique lang at hindi talaga matatawag na magic power.
"Gino? Nasaan ka? " ako.
"Sky! Mabuti naman ayos ka lang! " responde ni Gino.
"Nasaan ka? " tanong ko.
"Hindi ko talaga alam kung nasaang parte na kami, magkasama kami ni Blu ngayon, " Gino.
Bad move Sky, alangan namang makiki epal ka sa date nilang dalawa.
"Sky makinig ka, may nalaman kami tungkol sa gemstone, kulay blue ito at kadalasang makikita sa mga bato na mahahanap mo lang sa tabi-tabi, isa lang na gemstone sa isang tao," Gino.
"Sige, sige maraming salamat Gino, " ako.
Nagpatuloy ako sa paglalakad at naghahanap ng bato. Now it's 49:34mins.
Nakakailang ikot na ako pero parang paikot-ikot lang ako sa mga nadadaanan ko.
Biglang may umatake na naman sa akin na mga ninja, as in limang ninja ang sabay na umatake sa akin. Nyemas!
Biglang may nag flying kick sa isa sa mga ito at pagkatingin ko, si Third pala.
OhmyknightinPAuniform!
*---*---*---*
Do not forget to vote for this chapter!
You can use these hashtags:
#ZUMTZC #ZodiacUniversity #ZodiacUniversityZodiacCircle
See you on next chapter!
-axinng
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top