Chapter 27

Nagpupumilit akong makawala sa tubig na ginawa sa akin ni Vita, pero wala na akong lakas mula sa katawan ko. I've used up my energy kanina sa training ground at sa rooftop.

I can't feel my body anymore, at naubusan na rin ako ng hininga. Nakakainom rin ako ng tubig na lumulunod sa akin.

I am starting to lose my senses. Nandidilim ang paningin ko.

Oe! Ara! Cass! Tulungan ninyo ako.

Biglang may bumasag sa water spell ni Vita at nararamdaman kong may bumuhat sa akin. Sino ka? Gino? Hindi ko masyadong mamukhaan dahil nagiging blurry na ang paningin ko.

I-It's not Gino, iba kasi ang hairstyle.

"Sky! Anong nangyari!" nag-iingay na mga tao sa paligid namin.

At tuluyan na akong nawalan ng malay.

Nanaginip ako, nasa lugar ako ng napakaraming mga bulaklak. Nakasuot ako ng school uniform at masayang dinamdam ang sarap ng ihip ng hangin. Nakaupo ako sa isang puting bench na pinapalibutan din ng mga dilaw na bulaklak. Sobrang sarap sa pakiramdam.

May lumapit sa akin na isang babae, pagkatingin ko, si Karsten pala na nakangiti at agad na tumabi sa akin.

"Hi, ako nga pala si Karsten," wika niya at nakipagshake-hands.

Ang bait-bait niyang lumapit sa akin, pero bakit ko naman siya napapaginipan?

"Alam kong nacucurious ka kung bakit ako namatay Sky, pero walang niisang estudyante sa Zodiac University ang makakasagot niyan, kung gusto mo talagang malaman, tanungin mo sina sir Polaris at miss Twinkle tungkol dito, malamang naghihintay sila na ikaw ang lalapit sa kanila," Karsten.

Napakalumanay niyang magsalita, sobrang ganda rin sabayan pa ng buhok niyang lumilipad sa hangin.

"Bakit ka nagpapakita sa panaginip ko? Galit ka ba dahil akala mo inaagaw ko lahat sa'yo?" ako.

"Hindi naman, masaya nga ako dahil naging masaya sila ulit," tugon niya.

Kitang-kita ko ang ganda ng diamond badge niya, dahil siguro nasa labas kami at may direct sunlight kaya maganda ang effect ng diamond badge.

"Ang dami mo pa 'atang katanungan," dagdag niya.

Naguguluhan na naman ako kung bakit nag-uusap kami ni Karsten ngayon.

"May sasabihin ako Sky," biglang seryoso niyang sabi at hinawakan ang braso ko.

"Mas mabuti siguro kung mananatili ka sa bronze rank," dagdag niya.

"Huh? Bakit?" ako.

"Para maprotektahan----," Karsten.

Bigla akong nagising dahil nakaramdam ako na parang mag tumusok sa pulso ko.

"Sky!"

"Sky!"

"Good, you're awake!"

Nakita ko ang mga nag-aalalang mukha nina Oe, Ara at Cass sa tabi ng hinihigaan ko. Parang familiar yata ang lugar na ito ah? Clinic?

"Inumin mo muna ito Sky para bumalik agad ang enerhiya mo," wika ni miss Twinkle at sinubuan ako ng isang basong medisinang tubig na kulay green.

"A-ano pong nangyari?" ako.

"Nalunod ka," miss Twinkle.

Naalala ko si Vita na muntik na akong patayin kanina.

"Vita," ako.

"Omg that wench!" Cass.

"Pwede ka na bumalik sa dorm mo Sky," sabi niya sa akin. "Alalayan ninyo si Sky, girls," sabi naman niya sa tatlo.

Tumango sila at tinulungan akong makatayo. Ginamit ni Cass ang kaniyang teleportation ability para makarating kami agad sa dorm. Pinahiga nila ako at nagstart na silang mag sermon sa akin.

"Bakit ka ba nagpunta sa diamond building? Alam mo naman na nandoon si Vita diba, mainit ang ulo non sayo," Ara.

"Akala ko ba may tournament kayo sa training grounds?" Oe.

"Sino ba hinahanap mo sa diamond building? Kami ba?" Cass.

Pinakinggan ko lang sila.

"Naku Sky, anong kayang gagawin namin kung walang nakarescue sa iyo kanina ha?"

"Mapapatay talaga namin 'yang Vita na 'yan."

"Hay naku ayoko na talagang maulit ang mga ganitong insidente."

"Ayaw na namin mawalan ng kaibigan."

"Ewan! Basta inis na inis talaga ako kay Vita."

"Guys! Okay lang, nandito pa ako alive and well," interrupt ko sa kanila kaya tumigil sila.

"Mabuti nalang talaga naabutan ka ni Third doon," wika ni Ara.

Nagulat ako nang sinambit niya ang pangalan ni Third, iyong bumuhat sa akin na lalaki si Third pala 'yon?

"Water user si Vita pero water master si Third kaya madali lang niyang nasira ang spell nito," sabay pa ni Cass.

"Si Third?" ako.

"Hindi bale na, huwag ka ulit pupunta sa diamond building kapag wala kami ah, nag-aalala lang talaga kami sa'yo dahil wala ka pang kalaban laban sa mga elemental user kung wala ka pang kapangyarihan," Oe.

"N-naiintindihan ko guys, sorry kung pinag-aalala ko kayo," ako.

Napatingin ako sa bintana, gabi na pala ang dami ng mga bituin sa labas.

"By the way guys, kasali ako sa activity bukas," sambit ko.

"Talaga?" silang tatlo.

"Oo, may token pass ako," ako.

"Mas maganda iyan para magkasama tayo," Ara.

"Magpahinga ka nalang muna diyan Sky, magpapahatid nalang tayo ng dinner natin dito," Oe.

Napaisip ako, ang ganda sa pakiramdam na may mga kaibigan kang nag-aalala sa'yo. Sana nga forever na ang friendship namin.

Kinalaunan ay dumating na ang nirequest na pagkain ni Oe sa dorm namin kaya naghapunan na kami. Wala silang ibang pinag-uusapan kundi ang mangyayari bukas.

Naeexcite naman ako dahil maeexperience ko iyon, pero dapat sana kay Cyrus ito eh.

"Sky, posible kasi na magkakahiwalay tayo bukas kaya baka hindi ka namin ma protektahan lalong-lalo na kay Vita," Ara.

"Okay lang, marunong naman akong makipaglaban, ngayon ay alam ko na ang motibo ni Vita, hindi na ako magpapakatanga sa kaniya," ako.

"Pero hindi naman yata sasaktan ni Vita si Sky bukas kasi isang grupo tayo na sasabak sa activity," Cass.

"Hindi pa rin dapat tayo magwalang bahala," Oe.

"Oo na guys! I will be on my guard tomorrow, kaya mag focus lang kayo sa activity ha? Ayos lang ako," ako.

"Excited na akong makakalabas ng school!" Ara.

Parang positive na positive sila na maaaccomplish talaga namin ang activity bukas. So dapat ako, hindi ako magpapanic.

Siguradong nandoon din si Third bukas.

*---*---*---*

Do not forget to vote for this chapter!

You can use these hashtags:

#ZUMTZC #ZodiacUniversity #ZodiacUniversityZodiacCircle

See you on next chapter!

-axinng

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top