Chapter 26
*** Photo above is Blu Kensan ***
*---*---*---*
Nakasuot ulit ako ng school uniform.
Naalala ko ang sinabi ni Gino na tuturuan niya ako ng telepathy kaya nagtungo na ako sa itaas ng building ng mga diamond rankers, sa rooftop.
Nakita ko naman doon si Gino na nakahiga sa upuan. Isang basketball court pala ang mayroon sa rooftop nila. Super cool.
"Hi Sky! Ang aga natapos ng klase ninyo ah," bati ni Gino sa akin.
"Wala ka bang pasok ngayon?" tanong ko.
"Wala, so ready ka na ba?" Gino.
"Oo naman," ako.
Nasa gitna kami ng court, naka meditation pose. Nagcoconcentrate si Gino na parang dinamdam niya ang aura ng paligid.
"I cannot sense your powers, bakit mo itinatago?" tanong niya sa akin.
"Haaa? Tago ka diyan hindi nga ako marunong maglabas ng kapangyarihan ko," ako.
"Matalas ba ang senses mo?" dagdag niya.
"Medyo," ako.
Inilagay niya ang kaniyang dalawang daliri sa kaniyang noo.
"Damdamin mo ang opening ng isip ko," Gino.
Ipinikit ako ang aking mga mata at dinamdam ko kung anong weird feeling na nasa paligid namin. Hindi ko alam kung anong sinasabi niyang opening.
"Actually Sky, may favor ako bago natin ipagpatuloy 'to," interrupt niya.
"Ano iyon?" ako.
"Uh, a-anong pakiramdam ninyo kapag may magconfess sa inyo?" tanong niya.
Nagulat ako sa sinabi niya. Ang seryoso kong mukha ay napalitan ng tawa, nahihiya pa siyang magsabi. HAHAHA.
"May crush ka?" ako.
"M-meron, pero hindi niya alam, I mean hindi pa," tugon niya.
"Syempre magiging masaya kami no? Ako nga mas prefer ko ang mga lalaking hindi torpe," ako.
Binigyan niya lang ako nga talaga-ba? look.
"Sino ba iyang crush mo?" ako.
"Si Blu," agad niyang sagot.
Woah friendship..
"Matagal na kasi kaming magkakilala tapos gusto kong sabihin sa kaniya ang totoong nararamdaman ko pero natatakot ako," Gino.
"Gagi! You should do it! Malay mo," ako.
Akala ko pa naman bakla 'tong si Gino.
"Sky, wala kasi akong ibang mahihingian ng advice kaya sa'yo ako lumapit," Gino.
Parang na flatter ako, akala ko kasi lumapit lang siya sa akin dahil napagkamalan niya akong si Karsten, ibig sabihin ba nito na mapagkakatiwalaan ako? Charot.
"Pero ayoko masira ang friendship namin, kaya lang napag-isipan kong mag take ng risk," siya.
Woah we have a brave soul here people! For keeps ang ganitong tao.
"Kailan mo balak mag confess?" tanong ko.
"Uh, gusto ko sa monday, kapag makakalabas kami ng school," tugon niya.
Ah oo, iyong activity, so sa monday pala ang trip.
"Ano bang kailangan kong gawin para mapasaya siya Sky?" tanong niya.
"Parang masaya naman yata siya kapag magkasama kayo ah?" tugon ko.
"Hindi eh, kasi as a friend lang ang tingin niya doon," react niya.
"Well, magpakatotoo ka lang Gino, for me okay ka naman kasama, hindi naman talaga kailangan may to do list ka na susundin mo on how to make your girl happy, well medyo may advantage siya pero great moments comes from unexpected ideas kasi eh," tugon ko.
"Pero wala naman akong idea kung paano ako magsisimula," Gino.
"Well, kung nandiyan ka lang palagi sa tabi niya, making her laugh, making her comfortable, telling her she's beautiful, and supporting her in any way, okay na iyon," ako.
"Talaga? Okay noted," Gino.
"Well good luck Gino, I hope this will turn out well," ako.
Ngumiti lang siya na parang nahulugan ng isang milyon.
"Okay sige, tuturuan na kita ng telepathy," Gino.
Hinawakan niya ang noo ko.
"Open your chakra Sky," Gino.
"Paano ko naman gagawin iyon?" ako.
"Magagawa mo lang iyon without you knowing, at try communicating with me from time to time," Gino.
Pareho kaming nakapikit ang aming mga mata, dinamdam ko ang sarap ng ihip ng hangin at syempre ang pagbukas ng chakra ko.
"Gino? " sinubukan kong magsalita gamit ang isipan ko pero hindi sumagot si Gino, hindi yata umepek.
Nararamdaman kong uminit ang kamay ni Gino sa noo ko at nararamdaman ko rin na may kuryenteng bumabalot sa ulo ko.
Anong nangyayari?
Bigla akong napamulat pero halos kulay puti lang ang nakikita ko, sobrang liwanag. Napapikit ulit ako at biglang nakaramdam ng takot.
Mas lumakas ang pagdaloy ng kuryente sa ulo ko kaya napamulat ulit ako, pero nakita ko na nakatayo na ako sa gilid ni Gino at.....ako.
What?
Pero nandito ako, nakatayo, but I also see myself na nakameditation pose pa rin at parehong nakapikit ang aming mga mata. Dalawa kami? Pero nakatayo ako rito, at nakaupo ako roon, nararamdaman ko pa rin ang pagkakahawak ni Gino sa noo ko.
"I can feel your energy now Sky," biglang wika ni Gino.
"Gino nandito ako! Anong nangyayari?" wika ko habang sinubukang hawakan ang braso ni Gino pero bigla akong bumalik na nakaupo.
Napamulat ako sa sobrang init ng kamay niya at biglang may lumabas na kuryenteng puti kaya tumalsik palayo sa akin si Gino.
"Gino?" ako.
"Wow, hindi ko inaakala na ganito ka pala kalakas Sky," gulat niya.
"Anong ibig mong sabihin?" ako.
"Hindi ako nagkakamali, isa ka sa mga may hawak ng zodiac sign, hindi normal ang kapangyarihan mo," dagdag niya na ikinakilabot ko.
"Pero wala pa akong kapangyarihan," decline ko.
"No, that was your magic Sky, I sensed your energy, nag astral projection ka kanina, at naglabas ka ng thunder bolt sa akin, that was your magic," Gino.
"Gago yata itong isang 'to eh hindi ko nga alam paano maipalabas ang kapangyarihan ko," bulong ko sa isipan ko.
"Ah at ngayon tinatawag mo na akong gago?" tugon ni Gino.
"What? Whaaaat? Narinig mo ang isipan ko?" ako.
"Oo, telepathy iyon," Gino habang naka cross-arm.
"Pero I'm still a bronze, huwag mo nga akong pagtitripan Gino!" ako.
"That's because basic magic mo lang ang mga iyon, hindi mo pa talaga nailabas ang totoong kapangyarihan mo, ang elemental mong kapangyarihan," Gino.
"Baka epekto lang ito ng sobrang bigay ko kanina sa battle, napapagod na rin ako," ako.
"Magpahinga ka muna, malapit na rin mag aalas 6pm. Tsaka baka hinahanap na rin ako ng babygirl ko (Blu)," Gino.
"Salamat Gino ah, sobrang laki ng naitulong mo sa akin," ako.
Nakipag-apir siya sa akin bago kami bumaba ng building. Naghiwalay na kami ng landas ni Gino dahil hahanapin niya raw si Blu. At ako naman ay papasakay na sana ng elevator nang bigla kong naramdaman na may naglabas ng magic aura sa paligid ko.
Bigla akong napapalibutan ng tubig na halos hindi ko na makita ang buong paligid ng hallway. Sino ang may gawa nito?
Ay malamang, may ibang bruha pa ba na marunong gumamit ng water element dito? Si Vita.
Bigla akong nasakal sa loob na parang hindi ako makahinga, malulunod ako nito. Nyemas hindi ako sirena! Hindi ako makakahinga sa tubig!
"Die bitch!" boses sa labas ng nakapalibot na tubig sa akin. Hindi ko malinaw na nakikita ang labas pero alam na alam ko kung kaninong body figure ang nagsasalita.
Nauubusan na ako ng hininga talaga. Wala ring ibang tao sa hallway, anong gagawin ko?
Help meeeee..
*---*---*---*
Do not forget to vote for this chapter!
You can use these hashtags:
#ZUMTZC #ZodiacUniversity #ZodiacUniversityZodiacCircle
See you on next chapter!
-axinng
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top