Chapter 25
*** Photo above is Oe Christimatia ***
*---*---*---*
Hindi ako makatulog, iniisip ko pa rin ang mangyayari bukas. Napakalikot ko sa higaan kaya siguro nagising ko si Oe.
"Sky, okay ka lang?" Oe.
Tiningnan ko naman ang mahimbing na natutulog na sina Ara at Cass.
"Hindi lang kasi ako makatulog," tugon ko.
"Ako rin," sabi rin niya.
Bumangon siya sa kaniyang higaan, "tara mag coffee tayo."
Coffee. Mas lalo lang kaming hindi makatulog nito. Lumabas kami sa dorm at pumunta sa pinakamalapit na coffee maker machine ng dorm, umupo na ako't napasandal sa pader habang umiinom ng kape.
"Ang lalim ata ng iniisip mo?" Oe.
Gusto ko sanang sabihin kay Oe pero parang ang babaw naman ng dahilan.
"Mag-open ka ng topic Oe, hanggang dalawin na tayo ng antok," sabi ko.
"Topic? Wala akong maisip eh, ikaw nalang," Oe.
"Pwede mo ba ako sabihan tungkol kay Karsten?" ako.
Napangiti si Oe, sa tingin ko sobrang ganda ng mga ala-ala nila dati, na kahit iisipin lang nila ay nagiging masaya na sila.
"Best friend ko si Karsten dati, mas close kami kaysa nina Ara at Cassiopeia, noong una kasing pasok ni Karsten dito sa School, pinag-bubully siya ng mga schoolmates namin, pero nagbago ang lahat nung nalaman namin na hawak niya ang isa sa kapangyarihan ng mga zodiac, ang Aries," Oe.
"Tapos? Anong nangyari?" ako.
"Masyadong notorious si Karsten, noong nasanay na siya sa paaralan ay lumaki ang ulo niya, naging bad girl siya, kahit sino inaatake niya kapag hahadlang sa mga kagustuhan niya, at ayun dahil magkapareho kami ng rank ako ang inutusan ni sir Polaris na magbabantay sa kaniya, we became room mates tapos sumunod naman dumating sa buhay namin sina Cass at Ara," Oe.
You cannot judge a book by its cover talaga, sobrang bait ng mukha ni Karsten sa picture niya. Hindi ko inakalang ganito pala siya dati.
"Naging mabait si Karsten, pero hindi niya maiwasan talaga ako-in ang mga bagay, na akala niya makakaya niya lahat ng kaniya-kaniya lang, magkapareho sila ni Third, iyong may pagkaselfish type, kung si Third ang campus prince sa school, si Karsten naman ang campus princess," Oe.
Kaya pala, nagkakasundo ang dalawa. Ang swerte ni Karsten dahil may nagkakagusto sa kaniya na kagaya ni Third.
Ay buset. Ano ba 'tong iniisip mo Sky.
"Ang ganda naman ng life story ng campus princess ninyo, bakit naman siya namatay?" tanong ko.
"Ang pagkakaalam ko, nagkaroon siya ng malubhang sakit, hindi namin siya nakita ng halos isang linggo, ina-isolate siya mula sa amin at walang ibang makakalapit sa kaniya na kahit kanino, sina sir Polaris lang at mga school staffs ang nakakakita sa kaniya, tapos nalaman nalang namin isang araw na patay na siya, iyon ang naging pinakamalungkot na pangyayari sa amin," Oe.
Bigla siyang napaiyak, agad ko siyang niyakap dahil sa sinabi niya, ramdam na ramdam ko ang sakit na dulot ng hindi mo alam kung kailan mo huling makakasama ang taong mahal mo sa buhay.
"N-napaiyak na naman ako, tara na nga balik na tayo sa dorm," Oe.
Afternoon sa training grounds
Nakita kong may malaking fighting ground sa gitna ng training ground, at nakita ko rin si Cyrus na pinapalibutan ng mga kaklase namin. Kami lang dalawa ang nakasuot ng PA Uniform ngayon.
"Sky galingan mo ah!" wika ng isang kaklase ko. Pinapalibutan rin ako sa area ko ng mga kaklaseng sumusuporta sa akin.
"Oh dumating na pala si Sky."
"Hi Sky!"
"Sky! Galingan mo!"
Everyone is rooting for the both of us. Hindi ko kayang tingnan si Cyrus talaga. Ewan.
"Sky and Cyrus please proceed to the fighting ground now," miss Lydia.
Nasa loob na kami ng malaking bilog, mga 5 meters ang layo namin ni Cyrus, nakita kong kalmado lang siyang nakatayo habang nakatitig sa akin. Dinig ko rin ang pag cheer ng mga kaklase namin.
"Sky, do not hold back," Cyrus.
Cyrus naman eh, bakit pa kailangan nating maglaban?
"Sky, I won't hold back," Cyrus.
What? Seryoso ba talaga siya?
"Start the battle!" sigaw ni miss Lydia kaya mas naging maingay ang mga kaklase namin.
Agad na umatake si Cyrus sa akin kaya umilag ako, sobrang bilis niya. At kasing bilis din niya ang bilis ng senses ko. Kada atake niya ay binigyan niya ng kasunod na atake. Mabuti nalang malaki ang fighting ground ngayon, nakakatakbo ako.
"Sky, why don't you fight back?" sabi ni Cyrus habang umaatake sa akin.
"Gooo Skyyy!"
"Kaya mo 'yan"
"Gooo Cyrus!"
Sinubukan ko siyang bigyan ng elbow attack at sunod-sunod na punches pero sobrang lakas ng mga depensa niya, hindi ko siya matamaan talaga.
"Ooh they are good in fighting!"
"Galing!"
Binigyan na niya ako ng opening kaya nakakaatake ako sa kaniya. Pero kahit ilang suntok ang gawin ko hindi ko matamaan ang mukha niya, sobrang tigas ng mga braso niyang ginamit niyang pangshield.
Nagsimula na akong manghina, sobrang lakas ni Cyrus, kada atake niya ay natatamaan niya ang mga weakpoints ko.
"Come on Sky, fight me!" Cyrus.
Tumalon ako at inatake siya mula sa itaas ng napakabilis, natamaan ko ang ulo niya kaya siya natumba, sinundan ko pa ng mga kasunod na pag atake kasi nakahiga na siya sa sahig. Bigla siyang naglabas ng enerhiya na katulad ng ginawa niya kay Eve pero nasangga ko iyon.
"Sky, ilabas mo ang iyong kapangyarihan! Magalit ka sa akin!" Cyrus.
Anong bang problema mo Cyrus bakit mo ginagawa sa akin ito?
"Sky! Labanan mo ako! Labanan mo ako!" Cyrus.
Kahit pa man iyon ang kagustuhan mo, hindi ko pa rin magagawa iyon.
"I-I am sorry Cyrus," tugon ko. I decided to forfeit.
"N-no!" Cyrus.
Aalis na sana ako sa fighting ground pero hinila niya ako pabalik kaya natumba ako.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong nakatayo na sa labas ng bilog si Cyrus.
What have you done Cyrus?
"Sky is the winner," sigaw ni miss Lydia.
"Aaay!"
"Iyon lang?"
Hindi ko talaga alam kung ano ang iniisip ni Cyrus. Agad niya akong pinatayo.
"You did great, pero it's not what I expected," sabi niya habang nakangiti.
Timang ba 'tong taong 'to?
"Class we will have no class tomorrow! And today will be our last meeting, maraming salamat," miss Lydia.
Noong lumabas na kami sa training grounds, kinausap ako ni miss Lydia.
"Sky, as the winner, inanyayahan kitang sumali sa activity bukas rito sa training grounds, makakasama mo ang mga diamond rankers, good luck!" miss Lydia.
Activity? Ah oo nga pala iyong sinabi nina Grus.
Binigyan ako ng token pass ni miss Lydia at sinabing suotin ko raw 'to bukas sa activity. I remember na isang paraan para makalabas ng paaralan ay ang activity, it should worth the try, at isa pa nandoon din sina Oe, Ara at Cass, so it should be fun.
*---*---*---*
Do not forget to vote for this chapter!
You can use these hashtags:
#ZUMTZC #ZodiacUniversity #ZodiacUniversityZodiacCircle
See you on next chapter!
-axinng
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top