Chapter 21
Dreaming..
Nakatayo ako sa labas ng dorm ng hating-gabi, hindi ko alam kung saan pumunta sina Oe, Cass at Ara, iniwan kasi nila akong mag-isa rito.
Kaya naisipan kong mag-stroll muna sa building, walang katao-tao sa paligid, malamang natutulog na sila.
Napadaan ako sa pintuan ng opisina ni sir Polaris, it's so dark, hindi ko masyadong makita ang daraanan ng hallway ng opisina, puro dark-end.
"Sky!"
Napalingon ako sa boses na tumawag sa akin.
"Sino ka?" tanong ko.
"Sky! Anong ginagawa mo rito?" biglang sabi ni Oe sa di kalayuan sa akin at nakasuot ng pajamas.
Si Oe lang pala.
"Tara na balik na tayo sa dorm," dagdag niya sabay hila sa akin.
"Don't you find it strange?" tanong ko.
"Ha? Strange? Ang alin?" Oe.
"Nananaginip na naman ako, kailangan kong gumising," ako.
Biglang nag-iba ang tono ni Oe."Hindi lahat ng bagay makokontrol mo, pero may magagawa ka para labanan ito, dalawa lang ang patutunguhan Sky, iyon ay kung magwawagi ka o mabibigo ka."
Huminto kami sa harap ng pintuan ng dorm namin, tapos nagtaka naman ako kung bakit huminto si Oe.
"Everything is truly strange Sky, and you cannot do anything about it," sabi niya.
"Ano bang pinagsasasabi mo?" ako.
"Even little things matters," dagdag niya.
Bumukas ang pintuan.
And Oe pushed me in.
Our room is dark, ang naging ilaw lang nito ay ang ilaw ng buwan na nakikita ko sa labas ng malaki naming bintana.
"Help!" sigaw ng umiiyak na babae.
Hindi ko alam kung saan na naman galing ang boses na iyon, pero nakakadisturbo ang hagulhol niya.
"Help me," patuloy niyang paghagulhol.
Nang dinamdam ko kung saan nanggaling ang boses ay nandoon sa salamin ng aming kwarto kaya nilapitan ko ito, I can see my reflection of course, but I can see a teary-eyed me with a serious look on her face. And she kept saying 'help me'.
Biglang may nakasulat sa salamin, one letter by one letter, D-A-R-K-S-O-U-R-C-E..
Napamulat ako sa init ng dorm namin, nakahiga ako kaya agad kong inalis ang kumot para mabawas-bawasan ang pawis ng buong katawan ko.
Nang biglang..
may pumatong sa akin na isang babae, kamukha ko, suot-suot ang black long dress na may dugo sa kaniyang bibig.
"PATAYIN MO SILA! BAGO SILA ANG UNANG MAKAPATAY SA IYO!" sigaw niya.
"AAAAHHHH!!" nagising ako sa bangungot ko.
Nagsibangon sina Oe, Ara at Cass nung sumigaw ako.
"Sky, bakit?" tanong ni Ara.
"Dark Source," biglang bukambibig ko.
"Ano?" tanong ni Oe.
"So-sorry, I am having strange dreams lately, at sa tingin ko konektado lahat ng iyon sa isang kahulugan, Dark Source," explain ko.
"What? Sky, it's just a dream okay? huwag mo masyadong dibdibin," Oe.
"Y-you're right," sagot ko.
"Let's just sleep guys, walang masamang mangyayari okay?" Cass.
Bumalik sila sa pagtulog at pati na rin ako, but to tell you honestly, naguguluhan na ako sa mga pangyayari, para bang may ipinapahiwatig ang mga panaginip ko na hindi ko lang dapat balewalain ang mga iyon. Should I set up another theory again?
I mean, all I wanna know is how and why?
I wanna know the whole truth.
Naalala ko ang sinabi sa akin ni sir Polaris sa akin kahapon nung nag-usap kami sa kaniyang opisina.
Flashback..
"Sir, may kapangyarihan ang mama ko, and the saddest part there was recently ko lang naalala 'yon," ako.
"There must be a reason why it happened," sir Polaris.
"And I will do anything to get my powers and memories back," ako.
"I believe you can master your ability in just one month," tugon niya.
End of flashback..
Sa vacant time ko after my morning class ay pumunta ako sa library namin, nakita ko naman doon si Crater kaya nagpatulong ako sa kaniya.
"Yes, may school's information area tayo Sky, pero bihira lang ang mga students na pumupunta doon kaya nilagyan nalang namin ng restriction sign," Crater.
Siguro ako lang ang estudyante na nacucurious about sa school.
"Sige lang, pwede mo ba ako samahan doon?" ako.
Dinala ako ni Crater sa isang maalikabok na room ng library na kung saan nandoon ang school's information kasama na rito ang mga student's information a long time ago.
"Ah hindi na kasi pinapasukan ang room na ito kaya maalikabok," Crater.
"Okay lang," ako.
Lumabas na si Crater at iniwan akong mag-isa sa room kaya binigay ko lahat ng vacant time ko rito.
May mga libro na nakalock, at ang sabi ng warning sign na kailangan nasa high-tier daw ang rank ng estudyante para mabuksan iyon.
Bad, kasi bronze pa ako.
Ang nababasa ko lang ay ang common information ng school na kadalasan ay itinuturo sa klase namin.
So hindi ko ma unlock ang libro kasi mababa pa ang rank ko, parang mobile game lang.
And overall vacant time ko, aminado akong wala akong masyadong nakalap na impormasyon, hindi bale na, mataas pa naman ang panahon.
Bell rings..
"Ah Crater, sabay kaming maglulunch nina Cass, sama ka?" yaya ko kay Crater.
"Ah huwag na," tugon niya.
"Gusto ko lang naman paglapitin kayo ni Cass eh, kung na-aawkwardan ka, pwede mo rin yayain sina Grus at Third," dagdag ko.
"S-sure, sige kita nalang tayo sa cafeteria," tugon niya ulit.
Lumabas na ako ng library at nagtungo sa cafeteria. Wala pa sina Oe kaya ako na ang unang umupo sa usual spot namin. Maya-maya ay nagsidatingan na ang mga girls tapos sabay na kaming kumuha ng foods sa counter, everyday may iba't-ibang klase ng desserts ang dini-display kaya never pa nangyari sa aming apat ang hindi kukuha ng desserts.
Habang masaya kaming nagkukulitan mga girls ay napansin kong kakapasok lang din nina Crater, Grus at Third sa cafeteria kaya tinawag ko sila.
Nag order muna silang tatlo tsaka umupo katabi naming apat, si Cass naman ay biglang natahimik sa upuan namin. Binigyan ko ng pansinin-mo-naman-si-Cass look si Crater.
And naging effective naman kasi nang dahil doon, bumalik sa pagiging masigla si Cass.
*---*---*---*
Do not forget to vote for this chapter!
You can use these hashtags:
#ZUMTZC #ZodiacUniversity #ZodiacUniversityZodiacCircle
See you on next chapter!
-axinng
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top