Chapter 20

Nang makabalik na ako sa dorm, nakita kong bago na ang higaan ko, oo nga pala nag request sina Oe kanina ng panibagong higaan.

Agad kong kinuha sa bag ko ang THE ZODIACS book at ibinuklat ang mga pahina sa hindi ko siguradong saan na parte ng libro, hinahanap ko kasi ang larawan ng Zodiacus na inilarawan ng libro na ito thousand years ago.

And I found it..

I was right! Iyong imahe na nagflash kanina, ay ang imahe ng kaharian ng Zodiacus. It still exist?

But why? Bakit ko nakikita 'yon?

Nataranta ako nang biglang pumasok si Oe sa dorm na nagmamadali. Nagulat naman siya nang makita ako.

"Oh Sky? Wala ka bang pasok ngayon?" tanong ni Oe.

"N-nag early dismissal kami," tugon ko.

May kinuha siyang isang hair clip sa kaniyang cabinet, "kakailanganin ko kasi ito ngayon, babalik na ako okay ka lang ba rito?"

Hindi ako nakasagot sa kaniya, pero wala naman din akong ibang pupuntahan maliban sa cafeteria mamaya.

"Or you can join our class if you want to?" dagdag niya.

"Ha? Pwede ba iyon?" ako.

"Syempre," Oe.

But I do feel like going, I just want to know kung paano turuan ang mga high rankers. Para talaga akong walang masamang pakiramdam, parang hindi nahihilo ang ulo ko ah, pero mabobored din kasi ako dito kaya sasama ako kay Oe.

"Sasama ako," insist ko.

"Okay, let's go," Oe.

Ibinalik ko ang libro sa kinalalagyan nito at nag ayos ng mukha. Sinundan ko agad si Oe. Dumaan na kami ng maraming hallway, pero hindi kami naliligaw kasi kabisadong kabisado ni Oe ang daanan. Ngayon lang ako nakadaan sa hallway ng mga higher rankers at ngayon lang din ako nakatapak sa building nila.

Nang makarating na kami sa classroom nina Oe, may mga estudyante rin na nasa silver at gold ranks na nakikisali sa klase nila, ang expectation ko talaga ay mga diamond rankers lang ang nandito pero mali ako.

Namangha ako sa pinagagawa ng mga estudyante rito, kakaiba kasi kompara sa classroom ko.

Halos nagsilaparan ang mga consumable things sa ere, sabayan pa ng nagniningning na usok na nakapaligid nito, naghihiyawan ang mga estudyante sa loob habang pinapanood nila ang mga bagay na nagsasayawan sa itaas nila. I can see air, earth, water and fire na nakisabay na rin sa nagsiliparang mga kagamitan.

Just seeing how happy they are, and how powerful they are makes me want to practice more thinking that someday I can also do something like that and be part of them.

Lalabas sana ako sa classroom pero nabangga ko ang isang lalaking estudyante na na gold ranker.

"S-sorry!" pagpapaumanhin ko.

"Karsten?" bigla niyang sambit kaya nanlaki ang mata ko.

"H-ha? Anong sinabi mo?" ako.

"Ah sorry, mali pala, akala ko kasi si Karsten ka magkahawig kasi kayo ng body figure at style," bigla niyang binawi ang sinabi niya.

"But... Karsten is already.... dead," ako.

Nung sinabi ko iyon, hindi siya nagsalita at biglang napaiyak, hindi ba niya alam na patay na si Karsten? Five months ago?

I saw his nameplate, his name is Gino.

"Gino!" tawag ng isang babae sa kaniya.

Agad na lumapit ang babae sa tabi ni Gino at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

"Uh, what are you doing here low-tier?" bigla niyang tanong.

"Blu, bumalik ka muna doon," wika naman ni Gino.

"May ipapakita lang ako sa'yo saglit," tugon niya at hinila si Gino tungo sa group of diamond rankers.

"You lost your way cripple?" bigla namang sumbat ng babaeng sobrang taray ng dating sa akin. Naalala ko siya, siya iyong mahilig mag-roll eyes sa akin kaninang umaga.

"Sky! Come here!" tawag ni Oe sa akin.

Papunta na sana ako nang bigla akong hinawakan ng babaeng mataray.

"I am talking to you," singhag niya.

"Is there a problem Vita?" biglang sulpot ni Cass sa tabi namin gamit ang kaniyang teleportation. Agad niyang inalis ang kamay ng tinawag niyang Vita na nakahawak sa braso ko.

"Careful there bitch," sumbat ni Vita at ibinaling ang kaniyang kamay kay Cass sabay labas ng tubig na ipina-libot niya sa katawan ni Cass.

Nanlaki ang mga mata ko nang sinakal niya si Cass kaya agad kong itinulak si Vita palayo kay Cass. Wala pa akong kapangyarihan pero may lakas loob na akong makipaglaban.

"How dare you push me!" sigaw ni Vita at bigla siyang lumutang sa ere sabay labas ng tubig mula sa kaniyang mga kamay tungo sa akin. No need to worry, tubig lang 'yan.

'Boog!'

Nagulat ako nang masira ang upuan na natamaan ng tubig niya.

What the heck..

"Stop it! All of you!" sigaw ni Blu at naglabas ng fire plasma sa kaniyang kamay kaya sabay kaming umilag ni Vita. To the rescue agad sina Oe at Ara sa aming dalawa ni Cass, tapos to the rescue naman si Blu kay Vita.

Nabaling na ang lahat ng atensyon ng mga estudyante sa aming anim.

"Ano bang problema mo?" sigaw ko kay Vita.

"Nothing much, just seeing your face irritates me," sagot niya.

"Taking advantage of ranks doesn't make you attractive Vita," sigaw ni Oe.

"Oh really? Doesn't that make us?" Vita.

"Shut up!" Cass.

"Nasugatan ka ba Sky?" bulong ni Oe sa akin.

"H-hindi naman," ako.

"She should go back to where she belongs, to low-tiers useless cripples," Vita.

"Watch your mouth bitch," sagot ni Cass.

"Huwag mo ng patulan, naghahanap na naman 'yan ng atensyon sa mga tao," Oe.

Hindi ko na natiis ang sarili ko, kaya lumabas ako, narinig kong tinawag pa ako nina Oe pero hindi ko iyon pinansin, nakasalubong ko naman sina Crater, Grus at Third pero hindi ko na sila pinansin pa. Nasira ang kasiyahan nila nang dahil sa akin, hindi na sana pa ako nagpunta rito.

Napadaan ako sa principal's office ni sir Polaris.

And he called me.

Pumasok ako sa office niya and we talked. I also need to refresh my mind kasi ang daming nangyari sa akin sa araw na ito.

*---*---*---*

Do not forget to vote for this chapter!

You can use these hashtags:

#ZUMTZC #ZodiacUniversity #ZodiacUniversityZodiacCircle

See you on next chapter!

-axinng

#ZodiacUniversity

A special thanks sa gumawa ng fan art na ito :) maraming salamat talaga!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top