Chapter 2
***Photo above are the Zodiac Signs***
*---*---*---*
Pangatlong mulat ko na ito..
"A-aray ko," bungad ko nang bumangon ako sa isang malambot na higaan.
Ang ganda ng room..
Hindi ko maipapaliwanag ang pakiramdam ko ngayon, nakakagaan habang pinagmasdan ko ang paligid. Maraming mga higaan katulad ng hinihigaan ko, pero nasaan na naman ako?
Maliwanag ang paligid. Nasa isang eleganteng kwarto ako. Maputi ang pintura ng dingding at ginto naman ang kulay ng pintuan, malaking pintuan na may disenyo. May mga alitaptap na nagliliwanag sa buong paligid, kulay dilaw, ang gaganda!
Naalala ko, nasa isang paaralan ako, Zodiac University raw ang pangalan. Tapos nakilala ko rin ang matandang lalaki na si Sir Polaris.
Kung nasa unibersidad pa rin ako hanggang ngayon, edi hindi ako nananaginip. Sampalin ko nga sarili ko!
"Ow!"
Hayuf. Ang sakit.
Sinubukan kong mag-unat-unat at ginalaw ang mga braso. Mukhang okay na ako kasi nakakagalaw na ako nang maayos. Hindi kagaya kanina na ang hirap tumayo, pero.. nagugutom ako.
"Hi dear, okay na ba ang pakiramdam mo?" bungad sa akin ng isang magandang babae na naka-white lab gown nang pumasok siya. Ang puti niya, bagay sa kaniya ang kaniyang brown curly hair. Ngayon lang ako nakakita ng taong walang pores ang mukha, maganda nga talaga siya, at nakaka-attract din ang kaniyang yellowish-brown na mga mata.
Nakasuot siya ng orange formal top at black pencil skirt, sinapawan niya ito ng white lab gown.
Oh wait, dito ba ang clinic ng unibersidad? Sabi ni Sir Polaris na ipapahatid niya raw ako sa clinic, baka ito nga 'yon?
"Ako si Nurse Twinkle, since wala kang student's nameplate pwede ko ba makuha ang pangalan mo? For medical record lang," malumanay na wika niya.
Tama, nasa clinic nga ako. Ang ganda ng nurse nila, a.
"Sky Nunez, po," sagot ko naman.
Biglang umalburuto ang tiyan ko, narinig yata ng nurse dahil bigla siyang ngumiti, nakakahiya naman, parang ilang araw na akong hindi kumakain, a?
"I-che-check ko muna ang BP mo, dear, ta's pwede ka na makalabas sa clinic para makakain ka na," sabi niya. Narinig nga niya na nagugutom ako.
"Maraming salamat po, Miss," sagot ko.
"Walang anuman, dear," sagot naman niya.
Hinintay kong ilabas niya ang mga medical tools pero hinawakan niya lang ang braso ko at pumikit siya. Now, I can feel something tingling in my arms. Parang kuryente na dumadaloy sa veins ko. Did she bewitched me or something?
"Normal na, ito siguro ang epekto ng dalawang araw na pagpapahinga, nabawi mo na ang iyong enerhiya," inform niya sa akin habang nakangiti.
Nanlaki ang mga mata ko. Ano raw?!
D-dalawang araw?!
"Dalawang araw na po akong nasa clinic niyo?" gulat na tanong ko.
"Yes dear, kaya naiintindihan ko kung naghahanap na ng pagkain ang tummy mo ngayon," tugon niya.
Holy shet! Holyyyyy sheeeeet!
Naalala ko 'yong pag-aaral ko, patay na! Tsaka 'yong bahay at mga kagamitan ko, patay times two!
"May banana cake sa mesa, dear, snacks ka muna, tapos pumunta ka sa cafeteria para makapaghapunan ka na, mag-aalas sais na rin ng gabi, malapit na matapos ang mga klase," tugon niya.
"M-mawalang-galang na ho Miss, wala ho akong perang dala ngayon, at sa totoo lang, hindi ho ako estudyante sa unibersidad na ito," ako.
"Alam ko 'yon, dear," nakangiti na naman siya. Palangiti siya, e. "Pasensya na, hindi kasi ako nakapag-order ng dinner para sa'yo kaya bibigyan kita ng special pass sa cafeteria para makakain ka," dugtong niya. Bakit naman ang bait niya? Huhu. Hindi ko alam na may tao pa palang katulad niya. Binigyan niya ako ng gold ticket na may nakalagay na Zodiac University Visitor Pass. Woah, cool!
Hindi na ako nag-aalinlangan pa kaya sinunod ko ang payo niya. Kinain ko ang banana cake na sinabi niya at siya na mismo nagbigay sa akin ng tubig nang muntik akong mabulunan. Wala ng hiya-hiya, pakapalan na ito ng mukha, survival.
Nasa hallway na ako ng I-don't-know-where sa university. Grabe ang laki ng daraanan nila at ang laki rin ng mga pintuan ng mga silid. Kahit saang parte ng nadaanan ko ay maliwanag, kahit saan may ilaw, hindi yata sila na namomroblema sa kuryente.
Para sa akin, hindi ito isang unibersidad, mukha na itong isang palasyo. All I can see are white and gold colors. Estilo ng mga kingdom movies sa London. Ugh, ano bang kinakain ng mga estudyante rito? Mga ginto rin ba? Mga anak ba ng Hari't Reyna ang mga nag-aaral dito?
Lakad lang ako nang lakad. Nasaan na ba ang cefeteria? Akala ko naman, isang liko lang. Wala naman akong mapagtanungan kasi wala akong nadadaanang tao sa hallway.
Kahit saan nalang akong paliko-liko, dapat sana, nagtanong muna ako kung saan ang cafeteria. Wala kasing label, e. Malaki ang university namin pero hindi iyon makakatumbas sa laki nito.
Bigla akong napahinto nang may nag-bell sa tenga ko, tunog na parang tinatawag ako, kaya napalingon ako sa pinanggalingan nun.
And I saw...
Another hallway na may malaking pintuan sa dulo. Daanan din ba 'yon? Baka may tao roon kaya lapitan ko. Huminto ako sa harap ng napakagandang pintuan. Kakaibang pintuan na hindi katulad ng karaniwan nilang mga pintuan. Parang mga bituin na nagniningning ang disenyo, tapos may mga constellations din ito, kung ako ang tatanungin parang isang door na may live wallpaper ang nasa harapan ko, it seems so real paano kaya nila nagagawa ang ganito? Hanep!
Napaatras ako nang bigla itong bumukas.
"Uh h-hello? May tao po ba riyan?"
Hinintay kong may sumagot pero walang sumagot.
"Hello po, magtatanong lang po sana ako kung nasaan ang cafeteria?" dugtong ko.
Pumasok ako sa loob, pero iba ang nakikita ko, parang nasa outerspace ako, ang daming stars, ngunit stars na gawa sa diamante, parang outer space 3D? sobrang dilim sa may itaas pero nagliliwanag naman ang mga nakalutang na mga bituin ng constellations. Nakakamangha. Ang galing!
"Buti nalang nag-aral ako ng astrology, alam na alam ko ang mga nakalutang na mga bituin, iyon ay Aries, tsaka Libra, at 'yong isa naman ay Leo, isa.. dalawa...," muni-muni ko.
"Teyka.."
Sa isang iglap ay bumalik ako sa labas ng silid, nasa harap ulit ako ng pintuan pero hindi na ito gumagalaw gaya kanina. What just happened?
Sinubukan kong buksan ulit pero naka-lock na. Narinig kong may mga tapak ng paa na papunta sa kinaroroonan ko mula sa ibang hallway kaya agad akong sumundo sa kanila. Finally, may mapagtatanungan na ako.
"—yes po, Sir Polaris, agad ko namang nagawan ng paraan," boses ng isang babaeng estudyante.
Nakita ko si Sir Polaris kasama ang isang babaeng estudyanteng may ash gray na buhok. Huminto silang dalawa.
"—may problema po ba sir?" tanong ng babae kay sir tapos nabaling ang paningin tungo sa akin.
"What?—," nanlaki ang mga mata niya nang makita ako.
Oh em gee, oo nga pala, isa akong stranger pero sutsot ako nang sutsot kung saan-saan, bawal ba pumunta sa area na ito? Hala..
Agad akong nagbigay-galang sa dalawa sa pamamagitan ng pag-bow. "M-Magandang gabi."
"S-sino ka?" tanong ng babae sa akin. Hindi ako makatingin nang direkta sa kaniya kaya ang una kong napansin ay ang diamond sa kaniyang logo at ang kaniyang nameplate na may dalawang letra, O-E.
Mag-isip ka ng isasagot, Sky!
"Sky, nakapagpahinga ka na ba nang maayos? Kumusta ka na? Hindi kasi kita nabisita sa clinic," ani ni Sir Polaris kaya gumaan ang loob ko. Si Sir Polaris na ang bumanggit sa pangalan ko. Salamat naman at naalala pa ako ni sir.
"Um, o-opo, okay na po ako, sabi po ni nurse ano—," naputol ang sasabihin ko dahil nakalimutan ko ang pangalan ng nurse.
"..Miss Twinkle?" dugtong ng babae.
"—ah oo, Miss Twinkle, na kailangan ko po maghapunan para matustusan ang pangangailangan ng sikmura ko, p-pero naligaw po ako, hindi ko alam kung nasaan ang cafeteria," dagdag ko.
"Cafeteria is on the top floor, you can use the elevator," sagot ni sir.
"A-ah, salamat po— ulit," nag bow ako kay sir at sa babae.
Agad akong tumalikod at nagpatuloy sa paglalakad. Na-aawkward ako sa harap ng babae eh, feeling ko ang taas niya at hindi ako ka-level sa kaniya.
"Meet me at the office pagkatapos mong kumain, Sky," pahabol na utos ni sir.
Tumango ako.
Bago ako pumasok sa pinakamalapit na elevator, tinignan ko ang babae, our eyes met, I felt a sudden chill, I think.. we met before.
*---*---*---*
Do not forget to vote for this chapter!
You can use these hashtags:
#ZUMTZC #ZodiacUniversity #ZodiacUniversityZodiacCircle
See you on next chapter!
-axinng
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top