Chapter 19
Blindfolded..
"Yes blindfolded kayong lahat," kompirma ni miss Lydia.
"Anong pakulo ni miss ngayon?" wika ng kaklase namin.
"Sige na, suotin niyo na," miss Lydia.
Nang suotin ko ang panyo na pinagblindfold ko, wala talaga akong makita, at hindi ko rin masilip ang baba, walang ilaw o butas na dadaanan ng liwanag. At automatic na nagkadikit ang mga kamay ko sa likuran ko. Is this a spell? Or magic power? Walang cheating na magaganap talaga.
"What is this?"
"Ang dilim!"
"Bakit hindi ko mahiwalay ang mga kamay ko?"
Rinig ko ang reklamo ng mga kaklase ko.
"And now, you cannot talk," sambit ni miss Lydia, at biglang nagkadikit ang mga labi ko, hindi ko maibuka, mas mahigpit pa yata ito kaysa sa duct tape.
"You listen to my instruction!" miss Lydia, sinundan ko kung saan nanggaling ang boses ni miss.
"Go 20 steps backward at umikot kayo nang sampung beses," miss Lydia.
Naweweirduhan ako sa pinaggagawa ni miss sa amin pero sige lang, kasali ito sa training diba?
Umikot ako ng sampung beses kaya medyo nahilo ako, hindi ko na alam kung nasaan ako sa part ng training grounds at kung sino man ang mas malapit sa akin.
"Simple lang ang training natin ngayon, I will attack random students pero hindi kayo makikipaglaban sa akin ah, ang gagawin niyo lang naman ay umilag mula sa akin," sabi niya.
Paano ko naman gagawin yun? Eh ang mga tapak ng paa lang ang naririnig ko eh. Wala na nga akong makita.
"Start," miss.
Kinabahan ako sa training namin ngayon, parang may kalaban akong hindi ko nakikita.
"Very good!" biglang pagsasalita ni miss sa may likuran ko kaya napalingon ako. Pinapakinggan ko lang ang mga tapak ng paa na malapit sa akin.
"Oops! Hindi diyan!" miss.
Narinig kong may bumagsak sa lupa. Kaya mas naalarma ako.
"Very good!" sabi na naman ni miss.
Parang nagegets ko, kapag makailag ka sasabihin ni miss Lydia na very good, kapag hindi ay kokoreksyonan niya.
Biglang may tumama sa binti ko kaya napaluhod ako.
"Oops! You gotta work on that," sabi ni miss Lydia na malapit lang sa akin. Agad akong tumayo.
Bigla namang may tumama sa balikat ko kaya natumba ako nang tuluyan.
"Concentrate!" Strict na sigaw ni miss Lydia.
Tumayo ako ulit at humanda sa susunod na pag atake.
N-no Sky, this won't work, you gotta try something! Try something Sky! Alam kong kaya mo, kaya ko ito.
Concentrate, concentrate Sky..
Pumikit ako at dinamdam ang paligid, all I can really see are just my dark eyelids, kailangan kong makita ang bagay na hindi makikita sa normal na mata, ang kilos at enerhiya.
Alam kong magagawa ko 'to, at sa tingin ko nagagawa rin ni mama ang ganito. May kapangyarihan si mama kaya may kapangyarihan din ako.
Tumigil muna ako sa pagkilos, at dinamdam ang aura ng kapaligiran, I can do this.
After a while, I can feel the different hums of people around me, nararamdaman ko rin ang kinikilos ng bawat isa, para lang nakikipaglaro sila sa hangin, ang hangin mismo ang bumubulong sa akin.
I can feel one, two or three people na bumagsak sa lupa. And I can also hear miss Lydia's voice.
Suddenly...
I see a strange red light na ang bilis kumilos, but I can see it clearly, papunta sa kanan, papunta sa kaliwa, at kung saan man yun nagtungo ay doon ko rin nararamdaman ang unti-unting pagkakabagsak ng mga katawan.
At biglang huminto sa harap ko ang red light, at agad na papalapit sa akin, yes! I can really see it, it's fast but I can see it, nang malapit na talaga ito sa akin ay agad akong umilag. Nakita ko iyon na huminto nang hindi ito tumama sa akin, at papunta ulit sa akin, kaya umilag ulit ako, nakita ko rin itong lumipad sa itaas at pababa tungo sa akin kaya tumalon ako papalayo sa kinatatayuan ko, at noong bumagsak siya sa lupa ay agad na papunta ulit sa akin, hindi ba ako tatantanan ng ilaw na ito. Umilag ulit ako.
Pero biglang may sumingit na blue light sa likuran ko kaya mas naalarma ako, dalawa?
Agad akong umatras sa dalawang ilaw na nakikita ko. Wala akong ibang choice kundi ang tumakbo. Pero pagkatakbo ko ay bigla akong nadapa, parang may nakaharang sa dinaanan ko.
"Okay that's it for now, let's take a break," miss Lydia.
Nagalaw ko ulit ang mga kamay ko kaya agad kong kinuha ang blindfold, at dun ko nalaman na nakapatong na ako kay Cyrus at ang nadaanan ko pala ay paa niya. Nyemas!!
"S-sorry!" sabi ko at agad tumayo, pinatayo ko na rin si Cyrus.
"Okay ka lang ba?" tanong niya.
"O-oo a-ako dapat ang magtatanong sa iyo niyan," ako.
Lumapit si miss Lydia sa aming dalawa ni Cyrus at bigla akong binigyan ng isang mabilis na pagsuntok pero naka-ilag agad ako.
Woah, nakailag ako.
"Very impressive Sky," puri ni miss Lydia sa akin.
Nagulat si Cyrus, at pati na rin ako, hindi ko alam kung paano ko nagawa yun.
"Sky and Cyrus will have their early dismissal dahil nagawa nila ang activity kaagad," wika ni miss Lydia.
Cyrus? Really?
Lumabas kaming dalawa sa training grounds, "What just happened?" sabi ko.
"I don't know, pero na impress ako sa'yo dahil nagawa mo," Cyrus.
"Actually, I am not quite sure how and why," ako.
Papunta na kami sa entrance ng building ng changing room pero huminto ako, "you know what Cyrus, bakit hindi tayo magpipicnic? like sa plano natin dati, the weather is nice, and it's nice to have a picnic."
Ngumiti naman siya, "sure ka? Namumutla ka kasi eh."
"Ha? Hindi kaya, sa sun rays lang iyan," ako.
"O sige, pero magbihis muna tayo, kasi ang dumi ng uniform natin," sabi niya.
Pumunta na kami sa changing room at nagbihis, inantay naman ako ni Cyrus sa labas dahil nauna siyang natapos.
Nang nasa damuhan na kami sa ilalim ng puno, binuklat niya ang isang malaking tela at inilapag iyon para maupuan namin. Tapos nagdala na rin siya ng snacks na hindi ko alam kung saan niya kinuha.
Nakikita namin ang mga building mula rito.
"Sobrang laki nga pala talaga ng school no?" Puri ko at sumabay napatingin si Cyrus sa mga building.
"Oo nga," tugon niya.
Kain lang kami nang kain ng snacks, tapos si Cyrus tingin nang tingin naman sa akin.
"May dumi ba sa mukha ko?" tanong ko.
"Namumutla ka talaga kasi," sagot niya.
Tinitingnan ko lang ang buong building ng school nang biglang may nagflash mula rito, imahe ng mas malaki pa na mga building sa likuran ng building na nakikita namin ngayon. Kaya agad akong napatayo.
"May problema ba?" Cyrus.
"A-ang school," ako tapos napatingin kay Cyrus.
"Bakit? Anong problema sa school?" Cyrus.
"Mas naging malaki," ako, tapos natumba ako.
"Sky! Sky! I think we should go to the clinic," suhestiyon ni Cyrus.
"No, I-I'm fine, I just want to go to the dorm," ako.
"Sasamahan na kita," Cyrus.
"Huwag na," ako.
Napatingin ulit ako sa mga buildings pero hindi na ito nag-flash pa. Nararamdaman ko na familiar ang nakita ko kanina. Bumalik na ako sa dorm.
*---*---*---*
Do not forget to vote for this chapter!
You can use these hashtags:
#ZUMTZC #ZodiacUniversity #ZodiacUniversityZodiacCircle
See you on next chapter!
-axinng
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top