Chapter 18

*** Photo above is Vita Marso ***

*---*---*---*

Nagsilabasan na kami sa classroom dahil lunch break na. At hindi ako mapakali kay Third dahil gustong-gusto ko talaga siyang pasalamatan sa ginawa niya.

Nauna nang naglakad sina Third at Grus kaya dali-dali ko silang inabutan. Nagpopoker face na naman si Grinch. Lahat ng bad trip ko sa kaniya ay nawala dahil sa ginawa niya kanina.

After all, I only hated him because he reminds me of the kidnappers.

"Uh Third, gusto ko lang mag thank you," ako.

"No need, ginawa ko naman iyon dahil ayokong mapahiya ang grupo natin, syempre ako ang leader," tugon niya tapos naglakad ulit, ngumiti naman si Grus sa akin at sinundan si Third. Hindi ko na sila sinundan pa, nag-iba nga ang tingin ko kay Third pero ganoon pa rin naman siya sa akin, isa lang akong hamak na low tier.

"Know your place cripple," biglang sumbat sa akin ng isang babaeng diamond ranker at may kasama rin siyang kagaya niyang diamond ranker din. Tapos tinarayan na naman niya ako na parang tinethreaten niya ako sa mga titig niya.

Anong problema non? Bahala na nga siya.

At pumunta na rin ako sa cafeteria dahil nandoon sina Oe, Cass, Ara at si-- Cyrus, na magkatabi.

"Kaklase ko kasi sila," sabi naman ni Cyrus.

"How was your morning Sky?" tanong ni Ara.

"It was actually good, may natututunan ako," tugon ko.

"Ako na kukuha ng foods mo Sky, dito ka nalang," biglang boluntaryo ni Cyrus at agad na tumayo tungo sa counter.

"Oh what a gentleman," puri pa ni Cass.

"So kung manliligaw ba si Cyrus sa'yo, sasagutin mo?" tanong ni Oe sa akin.

"I kinda like him," sabi naman ni Ara.

"Wait you guys, what's this sudden topic all about?" ako.

"What? Nagtatanong lang naman kami about sa inyong dalawa ni Cyrus, Cyrus is a good guy and generous and sweet too," Oe.

"He's also cute, plus a book worm too," Ara.

"He's a one definition of a perfect guy," Cass.

Napatawa ako sa mga reaksyon nilang tatlo, "seriously? naging kaklase niyo lang si Cyrus ng isang araw, naging ganiyan na kayo?"

"Why? Hindi ka ba nahuhulog sa charisma niya?" tanong ni Cass sa akin.

"Hindi," tugon ko agad.

"C'mon Sky, Cyrus is perfect, kung papakawalan mo siya, aagawin ko talaga siya sa iyo," react ni Ara.

"Guys, to be honest friend lang talaga kami ni Cyrus, kung tutuusin nga little sister lang ang tingin niya sa akin," tugon ko.

"Sayang naman," Cass.

"Okay heto na, all Sky's fave, at kumuha na rin ako ng mango float para sa inyo," wika ni Cyrus at inilapag niya ang tray sa mesa namin.

"Sana all alam ang gusto," tukso pa ni Cass.

"Ay! Nagsalita o!" Tukso rin ni Oe kay Cass.

"Bakit? May nangyari ba kanina?" tanong ko.

"Kaklase kasi namin si Crater," sagot ni Ara.

Ah ganun pala, nasa kanila si Crater tapos nasa classroom namin sina Third at Grus. Parang nag exchange places kami ni Crater.

"Alam mo ba kung anong nangyari?" Oe.

"Nagkatabi sila," sabay pa ni Cyrus.

"At nagpapansinan," Oe.

"At naghaharutan," Ara.

Tumingin naman ako kay Cass na tahimik lang na nakikinig sa amin.

"Sayang hindi ko nakita," malungkot na react ko.

"Huwag na nga nating pag-usapan iyan," awat ni Cass.

Pero halatang kinikilig, namumula kasi ang pisngi niya.

"Eh ikaw Sky, parang good mood ka yata ngayon, kanina ang tamlay mo sa dorm pero ngayon para kang pinapalibutan ng mga bulaklak, sobrang blooming," tanong ni Oe.

Sabay naman silang napatingin sa akin lahat.

"H-ha? Ganito naman ako palagi ah?" tugon ko.

"Hindi eh, may nangyari talaga, sino ba mga kaklase mo roon?" singit ni Ara.

"Wala nga, wala namang naiba sa akin ah, diba Cyrus? ganito naman ako lagi diba?" ako sabay bigay ng tumango-ka look ni Cyrus.

"O-oo," Cyrus.

Nagpatuloy lang ako sa pagkain.

Kinalaunan, hindi na ako sinamahan nina Oe tungo sa classroom like the usual kasi may kasama ako ngayon, si Cyrus.

"Ano nga pala nangyari kanina? Care to share?" biglang pag-oopen ng topic ni Cyrus tungkol kanina. Nacurious yata siya pero hindi nalang niya tinanong kanina sa cafeteria kasi sinabayan niya ako.

"Ha? Wala nga talaga," ako.

Tumahimik nalang siya at hindi na nangungulit gaya ng dati. Not the usual Cyrus.

Dumiretso na kami sa changing room tapos nagtungo na kami sa training grounds suot-suot ang PA Uniform namin. Mula changing room hanggang training grounds sobrang tahimik ni Cyrus, hindi ako mapakali sa biglaan niyang change of attitude. Pati ang smile niya ay nawala na din.

"Huy!" sabi ko sabay batok sa kaniya nang makarating na kami sa training grounds.

"Aray naman," react niya.

"May problema ka ba? May nasabi ba akong mali?" diretsahang tanong ko.

"W-wala naman," tugon niya kaya mas nacurious ako.

"Alam mo, mas maattitude ka pa kaysa sa babae eh," tukso ko pero naka serious mode ako.

"H-ha? Bakit naman? Wala nga, bothered ka ba?" tugon niya.

"Oo bothered talaga ako, hindi ako sanay na hindi ka naka-smile," ako.

Tapos ayun nag smile na siya, nakikita ko ulit ang cute niyang dimple. Ginulo ko naman ang buhok niya.

"Much better, dapat ganiyan ka lagi," ako.

Nakita namin na andoon na ang iba naming kaklase na nagstretching at nagpapraktis sa lesson namin kahapon. Effective ang itinuro ni miss Lydia sa amin kasi tandang-tanda ko pa ang mga moves eh.

Tumabi naman sa akin si Cyrus kaya sabay na kaming nag stretching, himala kasi hindi ako nagkakamuscle ache dulot sa biglaang pag-eensayo ng katawan ko.

At dumating na rin si miss Lydia sa training grounds, naka ponytail siya ngayon at naka suot ng PA Uniform, naninibago ako sa style ni miss ah.

At may dala rin siyang isang kahon ng mga panyo. Nagtataka kami kasi ang daming panyo na inilabas niya at isa-isang ibinigay sa amin para susuotin daw namin.

"Okay class! We will continue our session this afternoon! And we will do combat skills na nakablind-fold," wika niya.

H-huh? Blindfold?

*---*---*---*


Do not forget to vote for this chapter!

You can use these hashtags:

#ZUMTZC #ZodiacUniversity #ZodiacUniversityZodiacCircle

See you on next chapter!

-axinng

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top