Chapter 17

*** Photo above is Nurse Twinkle ***

*---*---*---*

"Good morning students!" bungad sa amin ng kakapasok na si miss Twinkle at may dalang mga flash cards.

"Miss Twinkle!"

Mga ngiti ang sabay na nagresponde nang makita si miss Twinkle sa harap ng klase, pati ako ay nagagalak dahil siya ang homeroom teacher namin.

"Oh, actually hindi ako ang homeroom teacher ninyo ngayon, I'm just here as a substitute," sagot niya.

Pero kahit na substitute teacher lang si miss Twinkle, masaya pa rin kami dahil siya ang magtuturo sa amin ngayong araw na ito.

"Okay, so I am going to discuss the pioneers of Zodiac University, eh kasi naman hindi ako binigyan ng outline sa lessons na dapat ngayon, kaya gumawa nalang ako ng sariling lesson plan, I hope you'll cooperate," miss Twinkle.

Nagsimula na siyang magdiscuss at ako naman ay sobrang magnet sa librong THE ZODIACS, wala namang nakalagay na pioneers dito, sayang naman. Kaya nagbabasa nalang ako ng mga important information like elements.

"So Zodiac University was actually an idea of goddess Hiyera's apprentice," miss Twinkle.

Nagpatuloy lang sa pagdidiscuss si miss tapos ako naman ay patuloy sa pagbabasa sa libro, sa totoo lang nabibingi na ako sa pagkakapokus sa libro ni hindi na ako nakikinig sa kaniya.

Fire elemental user...

Mas nakuha ang atensyon ko sa section ng libro kung saan pinopokus ang fire element, kasi naalala ko ang nangyari kanina.

I am a fire user kaso parang pirated na fire user haha kainis.

Fire elemental users are the most powerful of all, it can destroy the three elements if it gets out of control.

Wala bang information dito kung bakit paulit-ulit nalang akong nananaginip ng pare-parehong scenario?

Water is the second strongest element of all, but once a water user masters all the technique, water is the most dangerous and lethal to be an opponent.

Wow grabe, pero kung ako ang tatanungin, lahat ng elements ay dangerous.

And the most damaging of all, is when a water elemental master fights a fire elemental master.

Naiisip ko naman kung anong kinalabasan kapag nag-laban kami ni Ara. Haha para akong sira, kung anu-ano nalang iniisip mo.

"Sky Nunez!" tawag sa akin ni miss Twinkle.

"A-ah m-miss?" ako.

"Kanina pa ako tawag nang tawag sa iyo, sana naman ay bumalik na ang isip mo sa classroom natin," miss. At nagtawanan naman ang mga kaklase ko.

"Sorry po miss," sagot ko.

"Sino ang apprentice ni goddess Hiyera?" tanong niya.

"H-ha? A-ano po,"

Nasa akin ang atensyon ng lahat, eh stay speechless ako kasi hindi naman ako nakinig kay miss.

"Well anyway, magkakaroon tayo ng reportings ngayon," biglang change topic ni miss.

"And I want the high-tiers to be the leader," dagdag niya.

Bakit may reportings? Pinaka-ayoko ang reportings eh. Akala ko ba sa normal schools lang may reportings, bakit mayroon din sa magic school? Wah!

"Blu, Vita, Grus, Ayema, Sendra at Third, come here in front para bumunot ng numero ninyo," miss. "Tapos counting ang nasa upuan."

Nabibilang ako sa group 3, sino kaya leader ko? Sana si Grus nalang.

"Grus, palit tayo ng number," wika ni Third kay Grus.

"Ha? Bakit naman? Ayaw mo sa 4?" Grus.

Nag pay attention na ang lahat para sa panuto ni miss.

"Okay, so every number ay may katumbas na topic, it's a name of a pioneer na kailangan ninyong idiscuss," miss.

Nag arrange kami base sa aming group number tapos papalapit sa amin si Third. Panay hiyawan ang mga group mates namin nang nalaman nilang si Third ang leader namin tapos ako naman ay nababad-trip.

"Ito ang topic natin," bungad niya tapos tumingin siya sa akin. "Hoy suplada, ikaw dapat magrereport sa topic natin ah."

"Ano? Ayoko nga," sagot ko kaya napatingin sa akin ang mga group mates namin. Binigyan nilang lahat ako ng masungit na tingin. Ang talim ng mga titig ng mga 'to parang papatay ng tao.

Agad akong napatabon sa aking bibig nang naalala ko na ako lang ang bronze sa aming grupo, ang angas kong sumasagot sa high-tier ah.

"Oo na nga," bawi ko.

Tapos binigay niya sa akin ang hand out kaya binasa ko nalang at pinaghandaan ko talaga, pero ayaw na ayaw ko ang reporting eh, naalala ko noong last na reporting ko sa klase, nauutal ako at totally speechless sa harap ng mga kaklase ko, na trauma ako noon, pero iba kasi noon at ngayon, kasi dati, kahihiyan lang papapatay sa akin pero ngayon kahihiyan plus mga magic sorcerer na. Happy Death Day Sky. Ansaya diba?

Pagkatapos ng mga ilang minuto ay napagpasyahan ni miss Twinkle na simulan na ang reporting tapos ako naman hinahabol na ng kaba.

Tapos nagsimula na ang group one.

Mas kinabahan ako nung nagtatanong si miss Twinkle sa topic nila, sheeeet! Wala sa usapan ang tanungan ah? Pati rin pala si miss Twinkle, papatay rin sa akin. Huy saklolo help!

Tapos sumunod na ang group two, mas lalo akong kinabahan, nanginginig na ang mga tuhod ko, parang hindi ako makatayo, pwede ba lumindol nalang? Huhu.

Napansin ko na halos ang mga nagreport sa group one at two ay galing sa diamond rank, kaya tiningnan ko si Third pero binigyan lang niya ako ng ikaw-lang-ang-magrereport look.

Tapos group three na. Okay I'm dead.

Dahan-dahan akong pumunta sa harap at halos mapunit ko na ang hand outs na dala-dala ko dahil sa kaba, at mas nanginginig ako nang makita kong lahat ng mga mata nila ay nasa sa akin. All from higher ranks.

"Start Sky," miss Twinkle.

"A-a-ang t-topic po namin a-ay," ako.

"Breathe Sky, kumalma ka muna," miss Twinkle.

Nahalata nila ang panginginig ko, kaya wala akong ibang iniisip kundi ang sana kainin na ako ng lupa.

Napansin kong tumatawa ang mga babae sa likod.

"A-about kay Canopus na apprentice ni diyosa Hiyera," ako.

Bigla akong natigil, kasi hindi ko na alam ang susunod kong sasabihin.

"A-ah,"

Pambihira Sky, pinapraktis mo ito kanina eh tapos nakalimutan mo.

Tumagal nang halos isang minuto ang dead air ng klase dahil totally blank na talaga ang isipan ko. I-am-totally-dead na rin. Please kainin na ako ng lupa.

Bumalik ako sa aking sarili nang biglang may humawak sa kamay ko, napatingin ako sa lalaking tumabi sa akin. Si Third.

"Si Canopus ang tinaguriang pinakamatalino na apprentice sa lugar ng Zodiacus at ang pinakamaaasahan sa lahat," bigla niyang pagsasalita.

"Anong ginagawa mo? Hindi ka naman nag study sa topic natin," bulong ko sa kaniya pero sa halip ay nginitian lang niya ako.

"Basahin mo ang kinakailangang ireport," tugon niya sa akin.

At ayun, binasa ko ang mga importanteng ditalye na minarkahan ko kanina, nakahawak pa rin siya sa kamay ko, gusto ko sanang ialis pero hinayaan ko nalang para hindi ako kabahan.

"Pero nang lusubin ng Dark Source ang kaharian ay napipilitang umalis si Canopus sa tabi ni diyosa Hiyera at dahil na rin sa kautusan ni Hiyera na iligtas ni Canopus ang sarili niya," pagpatuloy ni Third. Nagulat naman ako dahil wala kasi sa hand outs ang mga pinagsasasabi niya.

"Meron pa ba?" tanong niya sa akin. Ibig niyang sabihin ay kung may information pa ba na kailangang ireport.

"Wala na," tugon ko.

"Very good!" miss Twinkle at pumalakpak.

Sabay na kaming umupo ni Third. Hindi talaga ako makapaniwala na nagawa niya akong sagipin sa kahihiyan. And I can still feel the touch of his hands in my hands.

*---*---*---*


Do not forget to vote for this chapter!

You can use these hashtags:

#ZUMTZC #ZodiacUniversity #ZodiacUniversityZodiacCircle

See you on next chapter!

-axinng

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top