Chapter 16

I couldn't imagine na mangyayari sa akin ito, bigla akong hinila ni Oe mula sa aking higaan tapos sabay kaming nagtitinginan apat. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko, like why the heck was I covered with fire in my sleep?

"Okay ka lang ba Sky?" tanong ni Oe sa akin.

I saw my bed na kulay sunog na tapos umuusok pa ito. Nagtataka sila kung bakit may apoy eh hindi pa naman ako nakakagamit ng kapangyarihan ko.

"Phew at least it's over," Ara.

"Let's report this to the principal," suhestiyon naman ni Cass.

"No, okay lang, hindi naman ako nasaktan guys," insist ko.

"Tell us what happened?" Oe.

"I-I don't know, I was just having a bad dream, that's all," ako.

"But, that doesn't make any sense," Ara.

Okay, this thing creeps me out, hindi ko alam kung bakit at paano ito nangyari.

"I guess I'll side with Sky, kasi ma-uunder investigation tayo nito, kaya mas mabuting ilihim muna natin kay sir Polaris," Cass.

And the three agreed naman, magiging hassle pa ang life nila nang dahil sa akin, kapag kasi under investigation ay grounded na for one week, and it's not something to be proud of, sayang ang one week na hindi ka makakapag-enjoy at halos lahat ng mga mata ay nasa iyo.

"Let's just request for bed replacement," suhestiyon ni Oe.

"Good idea," Ara and Cass agreed.

Ang himbing nga talaga siguro ng tulog ko kasi hindi ko namalayan ang init ng apoy sa higaan ko. I looked at the clock, it's 5:14 AM. Sobrang aga pa naman pero hindi na ulit ako makatulog.

Humiga na ulit sina Ara, Cass at Oe at ako naman ay umupo nalang sa sofa namin malapit sa bintana.

I almost put them into danger, I almost died. Is it my ability? Is it out of control? Ano? Kailangan ko ng kasagutan.

I couldn't even remember the reason for all of it, I couldn't remember my dream, pero last naalala ko ay napaginipan ko si Karsten.

Kinuha ko ang litrato niya na inilagay ko sa cabinet malapit sa aking higaan. Hindi naman ako guilty na kinuha ko talaga sa kaniya ang lahat na pagmamay-ari niya, but I feel bad kasi kung buhay pa siya ngayon, malamang nasa dating gawi pa silang apat, na walang nagbabago sa buhay nila, at hindi sana ako mapapabilang sa grupo nila.

"Why did you die Karsten?" bulong ko sa litratong pinagmasdan ko at hindi masyadong mapakali.

Kinalaunan, pagkatapos naming mag breakfast sa cafeteria ay naghiwalay na kaming apat ng landas kasi iba ang building ng classroom ko at iba rin kina Oe. May nabalitaan nga ako na pagkatapos raw sa training session ng mga high-rankers kahapon ay magkakaroon sila ng activity ngayon.

Pumasok na ako sa aking classroom at napansin kong mag mga estudyante rin doon na silver at gold na ang mga ranks, kaya medyo nagulat ako.

"Tama ba itong pinasukan kong classroom?" ako.

Pero pumasok lang ako nang nakayuko, at dahil wala akong kakilala, nagiging loner ako. Sana nga nandito si Cyrus para may kausap ako ngayon.

Nag-leave ako ng extra seat sa tabi ko para in case na magkaklase kami ni Cyrus ngayong umaga ay may mauupuan siya. Tapos nilabas ko na sa bag ko ang libro na bigay sa akin ni miss Friah para bilang palusot dahil wala akong kausap. The Zodiacs.

Hindi nagtagal, may pumasok na mga high-rankers sa classroom, nakita ko sina Grus at Third na papalapit sa inuupuan ko.

Si Grinch na naman.

"Hi Sky!" bati sa akin ni Grus na may dalang malaking ngiti sabay akbay kay Third.

"A-ano nga pala ang ginagawa ninyo rito Grus?" tanong ko at napipilitang ngumiti.

"Ha? Hindi mo ba nabasa sa list of students ng classroom? Magkaklase tayo sa araw na ito," tugon niya kaya nanlaki ulit ang mga mata ko.

M-magkaklase? W-with them??

"Third! Dito ka maupo!" tawag ng isang kikay na babae kay Third.

"I guess I'm good in here," sagot naman ni Third na katabi ni Grus na katabi ko, and that girl rolled her eyes on me.

Bigla namang tumabi si Third sa akin.

"Excuse me Grinch, may nakaupo na kasi riyan," excuse ko pa.

"Ako? Tinatawag mong Grinch?" react niya sa akin sabay napakunot ng kaniyang noo, kaya nagsweet smile ako.

"Masaya naman ako at umepek sa iyo ang Grinch na word," tugon ko sa kaniya sabay puppy eyes.

"Hindi," saglit na sagot niya.

"Anong hindi?" ako.

"Hindi pwedeng may ibang umupo rito kasi dapat ako lang," dagdag niya.

Naiinis na naman ako, kaya tumayo ako't tiningnan sa labas ng classroom ang list of students na magiging kaklase ko.

Wala ang pangalan ni Cyrus.

Sinundan ako ni Grus, "Bakit? may inaantay ka ba?"

"Grus, sabihin mo nga sa akin kung bakit kayo nandito sa classroom namin?" suplada na tanong ko, pero tumawa lang si Grus.

"Task kasi namin ito, bakit? hindi ka ba masaya na kaklase mo si Third? Iyong iba kasi na mga girls kagaya mo ay humihiling pa na maging kaklase si Third sa task ngayon," tugon niya.

I laughed and then shifted to a serious mood, "No Grus, hindi ako masaya, at isa pa huwag mo akong gayahin sa fansclub ni Third."

"Ang init talaga ng ulo mo kay Third no? I don't know kung anong meron sa inyong dalawa but why don't you give him a chance? Mabait naman talaga siya," tugon niya.

Ano? Mabait? Ever since first day ko dito, wala pa siyang nagawang bait sa akin.

"And besides, he was the one who chose this section nang malaman niyang nandito ka," dagdag niya.

"Pagtitripan lang ako niyan, susuportahan mo pa talaga ang friend mo na ibully ako no?" ako.

Pumasok na ako sa loob tapos nakita ko naman na binabasa ni Third ang libro na bigay sa akin ni miss Friah.

"Look here Grinch!" Wika ko at sinubukang maging direct to the point.

"First of all, ayokong hinahawakan ng iba ang gamit ko." Kinuha ko ang libro mula sa kamay niya.

"Second, ayokong bigla akong hinahawakan o hinihila." Dahil naaalala ko sa kaniya ang mapait kong nakaraan.

"Ang daldal mo naman para sa isang low tier, parang hindi mo kilala sinusumbatan mo ah," tugon niya.

"Third and last, ayoko ng nagmamayabang na classmate dahil mas mataas pa ang rank niya kaysa sa akin," dagdag ko.

Pero ngumiti lang siya, hindi ko alam kung naiintindihan ba niya ang mga sinasabi ko pero hindi na siya nagreact pa kaya umupo na ulit ako sa tabi niya. No choice, wala na kasing ibang vacant seat. Tapos napansin ko naman na palaging nakatingin sa akin ang ibang girls ng room. Si Grus naman ay ayaw mag papachange seat sa akin.

Ngayong araw lng ito Sky, bear with it.

*---*---*---*


Do not forget to vote for this chapter!

You can use these hashtags:

#ZUMTZC #ZodiacUniversity #ZodiacUniversityZodiacCircle

See you on next chapter!

-axinng

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top