Chapter 15
"Stay two meters away from your classmate!" utos ni miss Lydia sa amin.
Nag-uunat-unat na kaming lahat para magiging active ang pangangatawan, bounce bounce, torso twist, side stretch, side stretch, head rotation, jump jump! Tiningnan ko naman si Cyrus habang seryosong nag-eelbow stretch katabi ko.
"Now! Listen very carefully!" miss Lydia.
Huminto muna kami sa pag stretching.
"Hindi sa lahat ng oras, iaasa ninyo ang kapakanan ng buhay ninyo sa magic powers ninyo, kaya kailangan marunong din kayo dumipensa using your own strength and body," miss Lydia.
Naiintindihan ko ang point ni miss. Malamang kailangan din naming marunong makipaglaban na gamit ang pisikal naming pangangatawan. Isipin mo, marunong ka gumamit ng ability pero hindi ka marunong dumipensa.
"First position and the most important one, bend your knees ang let gravity do it's work on dragging your body down, para ito mailabas ang physical strength at energy ninyo lalong-lalo na rin sa agility," miss Lydia.
"Always remember na hindi lahat ng kalaban ay nakikita sa mata, kailangan mo ring matutong damdamin ang presensya nila," dagdag ni miss Lydia.
"Talasan ang inyong five senses, kahit anong araw o oras ay kaya kang atakihin ng kalaban!"
Tapos nag bend ng knees si miss Lydia.
"Position! Follow me!" miss Lydia.
"Hwa!"
"Two strikes punch, and one side kick!" miss Lydia, sabay kilos suntok sa kanan tapos kaliwa tapos sipa sa kanang binti.
Sinunod namin ang ginawa ni miss Lydia.
"Huwag na huwag kayong mapaghina ng katawan! Kada-suntok ninyo, kailangan may lakas talaga mula sa katawan ninyo, AGAIN! isipin ninyo na may kaharap kayong kalaban!" miss Lydia.
"Hwa!" sigaw namin, Strike punch, strike punch, one side kick.
"Two strike punch and one elbow strike!" miss Lydia.
Lahat ng sinabi ni miss Lydia ay ginawa niya, tapos kami naman ay sumunod lang sa kaniya. Lahat yata ng uri ng panununtok ay itinuro niya sa amin, at syempre fast learners kami kaya madali lang namin nasunod lahat ng iyon.
"Now! Dapat marunong kayong umilag! Hindi pwede laban lang nang laban! Atake nang atake! Kung masakit na, umilag ka na!" miss Lydia.
Tapos nag demo na naman siya ng ilang style ng dodging.
"Kung sa itaas ang atake ng kalaban, umilag ka pababa! Kung sa ibaba naman ang atake ng kalaban, umilag ka pataas!" miss Lydia.
"Eh paano kung sa puso miss?" biglang sigaw ng kaklase naming lalaki.
Nagsitawanan ang iba naming kaklase.
"Silence! Again!" miss Lydia. Nasa serious mode si miss Lydia ngayon ah, pero hindi pa rin namin maiwasang mapatawa sa pagbibiruan ng mga kaklase namin. Hindi rin naman big deal ni miss kaya nagpatuloy lang kami sa pagsunod sa kaniya at sa pagtawa.
"Kaya tayo nandito sa paaralang ito, para matuto tayong lumaban at ipaglaban ang mga bagay na importante sa atin," miss Lydia.
"Dahil masakit sa parte natin na makitang sinasaktan ang mahal natin sa buhay ngunit wala tayong ibang magawa kundi magmakaawa na hindi sila sasaktan," dagdag niya.
Tama nga naman, naalala ko na naman ang mama ko sa tragic night. Nakita kong nahihirapan siya pero wala akong nagawa para sa kaniya.
"Okay again!" miss.
Halos buong hapon kaming nag-ensayo, may natututunan din na naman kami ngayong araw na ito. Maraming salamat kay miss Lydia natuto akong makipaglaban.
Bell rings...
"See you tomorrow class! And wear your PA Uniform again, dumiretso na kayo sa training grounds bukas," miss Lydia.
Medyo napagod din ako sa activity namin ngayon. Parang napakasarap mag hapunan ng napakarami ah nagugutom na rin ang tummy ko kanina pa nag-aalburuto na parang sasabog na.
Halos dumidilim na ang kalangitan, kaya bumalik na kaming lahat sa building na pinagpapawisan, mabuti naman may extra handkerchief si Cyrus kaya pinunasan ko na ang pawis sa leeg at sa noo ko. Napaupo ako bigla sa pinakamalapit na bench sa loob para magpahinga, at ang iba naming kaklase ay dumiretso na sa changing room.
"Teyka lang kukuha ako ng tubig," sabi ni Cyrus tapos pumunta sa pinakamalapit na vending machine.
Nasa groundfloor pa rin kami, parang ang init ng katawan ko, feeling ko talaga magkakamuscle aches ako bukas.
"Ang pangit mo pala kapag pinagpawisan, para kang basang sisiw," biglang sulpot ni Third. Nakasuot siya ngayon ng P.A. Uniform, oo nga pala kasali siya sa mga nag-t-training sa training grounds kanina.
Binigyan ko lang siya ng I-don't-care look.
Nagsmile siya saglit na parang nang-aasar na smile, ay mali, totoong pang-aasar na smile talaga, ewan ko nalang, para siyang The Grinch! Tapos nagpatuloy lang siya sa paglalakad. Bleeee! Grinch! Grinch!
"Oh!" abot sa akin ni Cyrus ng isang bottled water.
Sabay na kaming papunta sa changing room tapos tungo cafeteria, at tamang-tama naman dahil kakarating lang din nina Oe roon.
"Sky!" tawag sa akin ni Cass.
May tatlo rin silang kasama, isang babae at dalawang lalaki. Nagtatawanan silang lahat and they greeted me with a wide smile.
Kinaladkad ko naman si Cyrus papalapit sa kanila at sabay na kaming umupo.
"Iyon na yata ang nakakatawa!"
"Grabe nga kasi akala ko hindi mangyayari iyon,"
"Sana nga maulit pa yon!"
"Grabe hahaha."
Parang pinag-uusapan nila ang nangyari sa kanila sa training grounds, ipinapakilala naman nila sa amin ang mga kasama nila, sina Kris, Justin at Eira.
At syempre pinakilala ko ulit si Cyrus. Alam kong nafefeel outcast si Cyrus pero never na iyon mangyayari kapag nandito ako. Dapat kaibigan ng mga kaibigan ko at kaibigan ko ay magkakasundo.
And the day went well, not as planned but at least interesting. And I do feel tired tonight kaya miss na miss ko na ang kama ko, gusto ko nang isubsob ang mukha ko sa malambot na unan. I can feel my body lying flat on my bed at wala na akong ibang iisipin kundi ang mahimbing kong pagtulog.
"Good night everyone!"
I AM IN DEEP SLEEP..
"MAMA! MAMA! AYOKO NA PO MAG-ARAL DOON! ILIPAT NIYO NA PO AKO SA IBANG PAARALAN PLEASE!" hagulhol na pagpupumilit ng isang bata sa kaniyang ina.
Nasaan na naman ako? This place isn't familiar, I've never been into this place. And I am wearing my Zodiac University uniform.
"Sky, hindi maganda ang magtanim ng galit sa kapwa mo," sagot naman ng kaniyang ina.
Sky?..
Wait, that's me, ako na batang paslit, nakasuot ng uniporme na hindi ko pa nakikita sa buong buhay ko. Tapos napansin kong may logo rin sa kanang dibdib ng bata, parang logo ng Zodiac University pero may konting kaibahan lang.
"No mama! You're taking sides with that ugly witch! I hate you!" sigaw ng bata tapos tumakbo papalayo.
No, t-that can't be me.
"You see it now Sky? That's who you are, remember everything!" biglang sumbat ng kamukha ko sa likod ko, she is also wearing school uniform like me. Hindi ba talaga ako tatantanan ng reflection ko?
Bigla niya akong hinawakan sa kamay ko. I can feel my hands burning and it started flaming.
Nagulat ako nang ginawa ng kamukha ko iyon and I pushed her back. Nang bumagsak siya sa lupa, ang mukha niya ay nagiging mukha ni Karsten. Kagaya noong nasa picture na nakita ko sa changing room.
"K-Karsten?" Ako.
"Why are you shocked? You took everything away from me!" sigaw niya at napaluha na may halong galit sa emosyon niya.
Ano?
BIGLA AKONG NAGISING SA SIGAW NI ARA.
"Sky! You're burning!" Sigaw ni Ara tapos bigla siyang naglabas ng tubig sa kamay niya para patayin ang umaapoy kong higaan.
*---*---*---*
Do not forget to vote for this chapter!
You can use these hashtags:
#ZUMTZC #ZodiacUniversity #ZodiacUniversityZodiacCircle
See you on next chapter!
-axinng
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top