Chapter 14
*** Photo above is miss Lydia ***
*---*---*---*
Nagsisimula na ang pangalawang araw ng klase namin ni miss Lydia. Agad naman kaming nagsiupuan, all attention to miss na dapat.
"Everyone! I want you to prepare yourself, dahil tuturuan ko kayo ng combat skills," bungad ni miss Lydia.
Naging maingay ang buong classroom bilang reaction sa sinabi niya. At syempre ako, nasasabik din sa bagong lesson namin dahil simula noong araw na may nagtangkang kumidnap sa akin, gustong-gusto ko na talaga matutong makipaglaban tapos gugulpihin ko isa-isa ang mga iyon.
"Since hindi tayo makakagamit sa training grounds today, we will use the garden area," dagdag ni miss.
May garden pala ang school? Ay syempre no! imposible namang wala sa sobrang laki nito.
"May garden pala ang school?" tanong ko kay Cyrus.
Ngumiti na naman siya sa akin, palangiti talaga itong taong ito.
"Oo naman, doon ko nga kinuha mga halaman natin dati eh hehe," sagot niya.
Ay oo nga tama, iyong first day of school ko rito tapos nagpa-activity agad si miss Kareen.
"Okay class! I will meet you at the garden area in 30 minutes okay? Wear P.A. Uniform," miss Lydia, tapos lumabas siya ng classroom.
"Ano iyong P.A., Cyrus?" tanong ko.
Nagsitayuan naman ang mga classmates namin kaya tumayo na rin kaming dalawa.
"PA stands for Physical Activities, bihira lang din mag-rerequest ang mga guro na magpapasuot ng P.A. Uniform, kadalasan talaga kapag may totoong tournament na," tugon ni Cyrus.
Sumunod lang ako kung saan papunta ang mga kaklase namin kasi mas may alam sila kaysa sa akin.
Sumakay na kami ng elevator, pababa kami hanggang ground floor, lumiko sila sa isang room na hinati ng dalawang section, isa sa lalaki at isa sa babae, parang changing room yata. Naghiwalay na kami ng landas ni Cyrus, nang pagpasok ko, bumungad sa paningin ko ang napakaraming locker.
Every number ng locker ay may katumbas na body size para sa uniform at shoes, bilib na talaga ako sa paaralang ito grabe napalaglag ang panga ko rito ah.
I saw some girls na pumipila sa isang scanner na parang atm machine.
"Para saan ito?" tanong ko sa kaklase kong babae na sinundan ko sa pila.
"Ah, ganito kasi iyan Sky, kapag wala ka pang locker para sa uniform mo, mag-reregister ka lang sa machine tapos ang machine na mismo ang magbibigay sa locker number mo, kasi nandoon na ang uniform na kasya sa iyo," tugon niya.
Woah amazing naman!
"Hindi ba occupied lahat ng locker dito?" dagdag ko.
"Are you kidding Sky? Look at that! Super dami ng locker imposible na wala kang mapagmay-arian diyan, and besides if gagradute ang student magiging vacant na iyon," tugon niya.
"Oo nga naman no?" ako.
Kinalaunan, ako na ang nasa harap ng machine, sabi dito na i-scan ko raw ang nameplate ko. Tapos sinunod ko naman.
Lumabas sa screen ang mukha ko at information ko.
Sky Nunez, age 19, home address Pearl Stone City, zodiac sign Leo, elemental power Fire, height, weight, eye color, skin tone...
Your locker number is 38. And your passcode is 1212.
Thank you very much and have a good day!
Pumunta na ako sa locker number 38. Halos makita ko ang shadow reflection ko sa pintuan ng locker dahil sa kintab, kulay gold din kasi ang mga locker dito.
Nakita ko naman na may nakaukit na letter K sa may itaas ng passcode machine. Weird.
Binuksan ko na ang locker tapos nakita ko na nakalagay doon ang uniform at rubber shoes na kasya raw sa akin, kinuha ko iyon para magchange uniform nang may napansin akong nahulog na litrato.
"Hala?" React ko.
Pinulot ko ito at tiningnan, picture ng isang estudyanteng babae na sobrang ganda at naka-ponytail ang buhok. Siya yata ang dating may-ari ng locker na ito.
Natigilan ako nung nabasa kong may nakasulat sa pintuan, ang inner part ng pintuan, "KEEP GOING! -Karsten"
Omg?
K-Karsten?
Napatingin ulit ako sa babaeng nasa picture, hindi ko akalaing ganito pala ka ganda si Karsten, Karsten na kaibigan nina Oe dati.
Bakit parang ako yata ang nag-rereplace sa part ni Karsten? Una ang kwarto niya, pangalawa ang locker niya.
Bigla namang sumagi sa isipan ko sina Oe, Ara, Cass at Third, kaya pala naalog nang kaunti ang utak ng Third na yun kasi ganito naman ka precious iyong nawala sa kaniya.
"Hindi ko akalain na makikilala kita Karsten," ako.
Sinara ko na ang pinto ng locker tapos sinuot na ang P.A. Uniform. Nakita ko naman na biglang lumitaw ang logo ko sa kaliwang dibdib ko.
"Let's go," sabi ng ibang kaklase ko kaya lumabas na rin ako. Nakita ko si Cyrus na nakasandal sa dingding, naghihintay sa akin, nakasuot na rin siya ng P.A. Uniform.
"Tara!" masigla kong sabi.
"Sabihin niyo nga girls?" bigla niyang sumbat kaya napakunot ang noo ko.
"Ang alin?" ako.
"Bakit ang tagal ninyong magbihis?" siya.
"Ay sorry naman!" napatawa ako.
Pumunta na kami sa Garden Area, ang daming flowers, bakit ngayon ko lang nalaman na may ganitong lugar sa school? Pambihira. Sobrang ganda at ang bango dahil sa iba't-ibang uri ng mga bulaklak, sa bagay kasi nasa loob lang mostly ang oras ko, minsan lang ako nakakalabas ng building.
"For you," sabay abot ng bulaklak sa akin ni Cyrus.
"Alam mo, pa fall ka rin minsan eh," tugon ko.
"Weh? Ganito ba ang gesture ng pa fall na lalaki?" react niya.
"Malay ko, marami kayong technique eh," ako.
"Ang tanong. Ma fa-fall ka ba?" dagdag niya.
Binigyan ko nalang siya ng nakakatawa-ka look in a sarcastic way. Naiintindihan naman niya kaya tumawa lang siya tapos inipit niya ang leeg ko sa braso niya at kinaladkad tungo sa iba naming kaklase.
"Aray Cyrus!"
"Wahaha!" sagot niya.
"By the way, ano nga palang zodiac sign mo Cyrus? One month na tayong magkakilala pero hindi ko alam ang sign mo," tanong ko sa kaniya.
"I am a Saggitarius, ang pinakagwapong saggitarius," biro pa niya.
"Wow lakas ng hangin ah!" ako.
"Kaya dapat i-keep mo ako, kasi hindi ka na makakahanap ng ganito ka gwapo na saggitarius," dagdag niya.
"Dahil ba iyan sa milkshake?" tukso ko sa kaniya.
Kaya naman pala magkakasundo kami ni Cyrus kasi magkapareho kaming nabibilang sa fire element.
*---*---*---*
Do not forget to vote for this chapter!
You can use these hashtags:
#ZUMTZC #ZodiacUniversity #ZodiacUniversityZodiacCircle
See you on next chapter!
-axinng
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top