Chapter 10

*** Photo above is miss Kareen ***

*---*---*---*

Tumagal ng dalawang oras ang general assembly namin dahil may kaniya-kaniyang speech na ibinahagi ang mga guro, pinakahuling nagspeech si sir Polaris.

"Nabalitaan ko na may mga estudyante raw na minsan nalang pumapasok sa klase nila? Sana alam niyo na malaking kaltas iyon ng puntos ninyo sa overall standing ng performance ninyo hindi ba?" sir Polaris.

"You should also know na hindi biro ang itinuturo namin sa paaralang ito, sasabak tayo sa totoong pakikipaglaban balang-araw," dagdag niya.

T-totoong pakikipaglaban?

"You are the chosen ones na poprotekta sa kapayapaan ng buong mundo laban sa kasamaan," dagdag niya.

Wait, is he talking about the Dark Source na naghasik thousand years ago? They still exist?

"It is your responsibility to enhance your ability, for the sake of your family and for the world," dagdag niya.

Bell rings...

"I hope I am making myself clear students," sir Polaris.

"Yes sir!"

"Okay, you are all dismissed para makapaghapunan na kayo," sir.

Nagsilabasan na ang mga estudyante, at dahil nasa gilid kami ni Cyrus nakaupo at malayo sa exit door, na huli na kaming nakalabas.

"Nakakainggit naman ng mga zodiac circle candidates no?" random student.

"Oo nga," random student.

"Alam mo na ba kung sino inonominate mo?" random student.

"Syempre," random student.

"Bakit kailangan nasa diamond rank ang candidate Cyrus?" tanong ko.

"Eh kasi sila ang maglelead sa mga students in case may war na mangyayari," sagot ni Cyrus sa akin.

"Nakakatakot naman," ako.

"Trust me, magiging excited ka rin kapag mamaster mo na ang ability mo, hindi ka na matatakot makikipaglaban," Cyrus.

Napansin kong wala na sina Oe, Ara at Cass. Tamang-tama naman dahil kasama ko si Cyrus at inanyayahan naman niya akong kumain.

Pagdating namin sa cafeteria, grabe parang nasa General Hall pa rin, ang daming tao, well since hindi shifting ang mga estudyante ngayon, nagsisiksikan sila sa loob.

"Umupo ka nalang dyan, ako na kukuha sa food natin, ano ba gusto mo?" alok ni Cyrus.

"Uh kahit ano basta huwag lang veggies, hindi ako kumakain ng veggies eh," ako.

"Okay! Got it," Cyrus at nagwink pa, nakipagsiksikan na rin sya sa mga students na kumuha ng pagkain.

Nagbabasakali naman ako na baka makita ko sina Oe rito kaso sa dami ng tao na nazozombie kung makapagsiksikan, parang imposible yata na makikita ko sila.

Nakita ko naman na iyong ibang students ay lumabas na ng cafeteria at may dalang pagkain, wala na kasing vacant table sa loob kaya sa labas na sila kumakain.

Kinalaunan, dumating na si Cyrus na may dalang isang tray ng pagkain.

"Tadaaa! Hindi ko kasi alam ano ang gusto mo kaya random picking nalang ginawa ko, okay lang kahit hindi mo kakainin iyong iba, ako na kakain nun, sige pili ka na," Cyrus.

Napaka-sweet naman.

"Budol nalang, ayokong pumili, grab whatever looks good, tara sabay na tayo," ako.

Ngumiti na naman siya. Nakakagaan ng loob ang dala ng ngiti ni Cyrus.

"Syanga pala, nasaan na iyong mga kasama mo kanina?" tanong niya sa akin.

"Ah sina Oe ba? Hindi ko rin alam eh," ako.

"Sila ang inonominate ko sa zodiac circle," Cyrus.

"Uy talaga? Thank yoooouuuu," nagagalak kong sagot. Yey! Dalawa na kami.

"Close na close siguro kayo no, kasi palagi ko kayo nakikitang magkasama eh," dagdag niya.

"Oo naman, mababait ang mga iyon, gusto mo ipakilala kita?" ako.

"Huwag na, makikilala naman din nila ako balang araw," siya.

Sa bagay, hindi mo naman mapepredict ang panahon, unless may kakayahan kang makikita ang future. Haha!

Sobrang bilis makakain ni Cyrus, natutuwa naman akong pinagmasdan siyang nag-eenjoy sa pagkain.

"Oh, may badge ka na pala?" gulat na tanong ni Cyrus.

"Ah oo, tinulungan kasi ako ni Oe na mailabas ang enerhiya ko," ako.

"Wow! Congrats! Ah wait teyka," siya.

Tumayo siya at pumunta sa food counter tapos bumalik agad.

"Oh magcecelebrate tayo, syempre unang gamit mo ng kapangyarihan eh," siya.

Inilapag niya ang dalawang styrocup sa mesa at nilagyan ng juice, inisa niya ang kaniyang baso at nagsign as cheers.

"Cheers!" ako at napatawa.

"Tapos ka na ba kumain? Gusto mo punta muna tayo sa labas ng building at magpapahangin? May nahanap kasi akong spot na sobrang ganda ng view," alok niya.

"Sige ba," ako.

Lumabas na kami ng cafeteria at sumakay ng elevator tungo sa ground floor. Lumabas na kami ng building ng school tapos nakita ko naman na may mga estudyanteng nagrerelax at nakahiga sa green grass sa paligid.

Minsan lang ako nakalabas ng ganito kasi kung ako lang ang lalabas o mageexplore paniguradong maliligaw ako sa sobrang laki ng building namin.

Overall count kasi sa loob ng school grounds may 6 na buildings, super wide and big buildings, 2 building ng dormitory for students na iba sa girls at iba sa boys na sobrang laki talagaaaaa, may 3 buildings para sa klase depende sa rank, may 1 building para sa laboratories, library, museum, spa, clinic, at cafeteria na na-cater ang buong floor ng bawat sector, plus isang napakalawak na field para sa training ground.

Oo sobrang laki ng Zodiac University.

Times three ang laki kompara sa old university ko kahit na may labing-dalawang building iyon.

Pero mas nanlaki ang mga mata ko sa sobrang ganda ng kalangitan, napapalibutan ito ng mga bituin at napakaliwanag din na buwan.

"Ang ganda," mangha ko.

"Hey Sky!" tawag sa akin ng isang babae sa likuran ko kaya napalingon ako.

"Oh hi Kim," bati ko.

"Kanina ka pa hinahanap nina Oe ah, nagkita naba kayo?" sabi ni Kim.

"What? Nasaan sila?" ako.

"Baka bumalik na sa dorm ninyo?" tugon niya.

"Oh shucks! Salamat sa info Kim," sabi ko. Nagsmile naman si Kim.

Nagpaalam na ako kay Cyrus, "Maybe next time magpipicnic tayo diyan sa labas kapag free time, okay ba iyon sa iyo?"

"Oo naman walang problema," tugon ni Cyrus.

Agad akong bumalik at sumakay ng elevator.

At doon, naabutan ako ni lalaking suplado. Third ang pangalan, ang pinagkakaguluhan ng mga babaen sa school. Bigla niya naman akong hinila, nagpupumilit akong bitawan niya ngunit mas hinigpitan nya ang paghawak sa braso ko.

"May itatanong lang ako," sabi niya.

"Eh may itatanong lang naman pala, bakit kailangan mo pa akong hilahin, Labag yon sa human rights ng bansa!" ako.

"Ano? Human rights? Walang human rights sa school na ito kaya kahit anong oras pwedeng may pumatay sa iyo," tugon niya.

Pero kinaladkad niya parin ako sa lugar kung saan walang tao. Nyemas! Baka kung anong gawin sa akin ng lalaking ito! Hindi ko pa naman alam kung paano gamitin ang ability ko. Ay sana all may ability.

"Sabihin mo kung sino ka? Saan ka galing? At anong pakay mo rito?" sunod-sunod niyang tanong. Sobrang seryoso ng kaniyang facial expression.

"Sira ka ba? Syempre nandito ako sa paaralan para mag-aral ng mahika, ano bang problema mo sa akin ha?" inis kong sagot sa kaniya.

"Anong ability mo?" tanong na naman niya.

"Secret!"

Pake mo ba kung anong ability ko? Mamamatay ka ba kung hindi mo malalaman? Tsss!

Aalis na sana ako nang hinila na naman niya ako tapos itinulak sa pader. Tinitigan niya ako sa mata kaya napatitig na rin ako sa mukha niya.

All I can see are fine hair, thick brows, green eyes, pointed nose, at plumpy lips, sana all clear skin.

Pero ang talas ng mga titig niya sa akin. Ewan ko ba kung anong naging kasalanan ko sa kaniya.

"Sino - ka?" tanong na naman niya sa akin.

"Sky ngaaaa! Skyyyy! S-k-y, three letters lang iyan, ang dali lang tandaan," inis na tugon ko.

Bell rings...

"Eks-ke-yuuuus-me ah, nagbebell na eh, time to sleep, paalam," sabi ko at tuluyan nang umalis.

Nakarating na ako sa dorm.

"Skyyyyyy, hinanap ka namin, saan ka ba nagpunta? Kumain ka na ba?" bungad ni Ara sa akin.

"Inis na inis ako," ako.

"Bakit?" Cass.

"Dahil sa Third na iyon," tugon ko.

"You spoke to Third?" Oe.

"Oo, o baka overreact ko lang ito," ako.

"Anong sabi nya?" Cass.

"Kinukulit niya ako sa pangalan ko," tugon ko. "Ganoon ba talaga iyon?"

"Hayaan mo na iyon, may topak talaga iyon minsan," Oe.

*---*---*---*

Do not forget to vote for this chapter!

You can use these hashtags:

#ZUMTZC #ZodiacUniversity #ZodiacUniversityZodiacCircle

See you on next chapter!

-axinng

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top