Chapter 1
*** Photo above is Sky Nunez ***
PLEASE NOTE: The whole story is from Sky's POV.
*---*---*---*
SKY
Breathes heavily..
"Sino ba kayo? Anong kailangan ninyo sa akin?!" sigaw ko sa mga sumusunod sa akin na hindi ko naman kilala.
Mga lalaki at mga babae. Silang mga naka-itim ang kasuotan. Mga mapupulang mga mata. Halimaw. Hindi nila ako tatantanan, pinipilit akong sumama sa kanila.
"Mga mamang pulis, nagsasabi ho talaga ako ng totoo, may mga halimaw na sumusunod sa akin! Like literal monsters! Mukha silang mga tao pero mapupula ng kanilang mga mata!" pilit kong ipaliwanag sa kanila. Kahit saang police station ako hihingi ng tulong, pare-pareho ang kanilang mga sagot.
"Ano 'yon? Mga bampira? HAHAHA!"
"O, kaya nama'y aswang?"
"Uso pa pala ang mga 'yon sa panahon ngayon?"
Pinagtatawanan na lang nila ako. Iniisip nila na nababaliw na ako, o kaya nama'y tuluyan ng baliw dahil wala na akong mga magulang, walang nag-aalaga sa akin, walang kamag-anak.
"Alam mo iha, ilang beses ka nang lumapit sa amin, pinagbigyan namin ang kagustuhan mo, pero wala namang katotohanan lahat ng sinasabi mo. Ilang araw na naming hinahanap ang mga halimaw na sinasabi mo pero wala naman kaming nakita," tugon ng isang lalaking pulis na mukhang seven months pregnant.
Napakuyom ako ng aking mga kamay dulot ng halong galit at kaba. Wala ng ligtas na lugar para sa akin dito. Kahit saan na yata ay nanganganib ang buhay ko. Ayoko pang mamatay, gusto ko pang tumanda, kung papalarin ay gusto ko pang magkaanak at magkaapo.
"Miss Sky Nunez, why didn't you study? What's the use of your books if you won't read them? I asked you an easy question but you chose to answer me in silence?" sermon sa akin ni Prof. Herman.
"Freshman nowadays, mas mabuti sigurong hindi na kayo mag-aral kung ang utak ninyo ay katulad ng utak ng babaeng 'yan," dagdag niya.
Napakuyom ulit ako ng aking mga kamay. Pinagpawisan. Hindi dahil sa pinahiya ako ni prof sa harap ng klase kundi dahil nararamdaman kong pati sa unibersidad ay sinusundan pa rin ako ng mga halimaw na 'yon.
"Get out of my class, Miss Nunez! Get out! I don't need a lazy student like you!" sigaw niya.
Wala akong magagawa. Parang tuluyan na akong tinakwil ng panahon. Wala na akong karamay sa mga panahong ito, nag-iisa lamang ako katulad ng nakasanayan ko. Patay na ang mga magulang ko dahil sa car accident noong walong taong gulang pa lamang ako. Naisangla ko na ang mga kagamitan namin. Nasunugan pa ako noong nakaraang taon. Naiwan akong mag-isa sa nakakatakot na mundong ito.
Hindi naman sana ako nagka-amnesia ngunit hindi ko na maalala ang mga nakaraan ko. Iyon din ang isa sa mga mapait na parte ng buhay ko.
Nasa harap ako ng isang wishing well. Humihingi ng tulong sa mga bituin na sana'y bigyan nila ako ng isang lugar na kung saan makapamuhay ako nang payapa, kung saan ako ligtas.
"Zodiacus.."
HUH?
May nagsalita.
May bumulong sa akin.
Pero..
wala naman akong kasama rito.
Ano 'yong sinabi niya? Soda cutes?
Nyemas, nawawalan na yata ako ng bait, hindi na maganda 'to. Makaalis na nga.
Gasps
Parang humiwalay ang kaluluwa ko nang biglang may humawak sa braso ko. "Sumama ka sa akin kung ayaw mong mamatay," sabi niya. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang mukha niya sa malapitan. Ang gaspang ng balat at napakapulang mga mata.
HINDI!
Agad akong kumawala sa pagkakahawak niya pero may dalawa pang nakaabang sa likuran ko. Tinangay nila ako sa kung saan, nag-teleport sila at ang kasunod kong namalayan ay nasa ere na kami.
"Tulooooong!" sigaw ko.
Bakit ba nila ako gustong dukutin? Ano bang kailangan nila sa akin? Wala naman silang mapapala sa akin dahil isa lang naman akong hamak na babaeng walang ibang papel sa mundo kundi ang i-survive ang sarili.
"Bitawan ninyo ako!" pagpupumilit ko at nagwawala na. Nabitawan niya ako kaya ang katawan ko ay malayang nahulog tungo sa kung saan, mabuti nalang ay nag-landing ako sa likod ng garbage truck.
"Aray! Ang likod ko!" reklamo ko pa.
Nakita ko ang tatlong mga halimaw na papunta sa akin kaya agad akong bumaba at tumakbo. Namukhaan ko ang neighborhood, nandito ang inuupahan ko. Pero, kailangan kong makalayo, kailangan kong magtago. Pagkarating ko sa bahay ko ay nasa labas na ang mga natirang kagamitan ko.
Hindi ko na matandaan kung kailan ito nagsimula, na may sumusunod sa akin. Hindi ko rin alam kung bakit.
"O, ano na, Sky? Magbabayad ka na ba o maghaharap tayo sa korte?" sita sa akin ng mala-donyang landlord. Nag-abot na naman ang dalawang kilay niya nang makita ako.
"A-Aling Marites, bakit po nasa labas ang mga kagamitan ko? At bakit po nakakandado na ang pintuan ng bahay ko?" tanong ko.
"Simula ngayon, hindi ka na dito nakatira, binigyan na kita ng sapat na panahon para mabayaran ang kulang mo, hindi na ako madadala sa kadramahan mo diyan!" sungit na tugon niya.
Nang maramdaman kong malapit na ang mga halimaw ay tumakbo ulit ako palayo.
"Hoy Sky! Saan ka pupunta? Tatakasan mo ako ha?!" sigaw ni Aling Marites na rinig na rinig ko pa kahit na malayo na ang tinakbuhan ko.
Hindi ko na siya pinansin. Ginamit ko ang natitirang lakas ko para makalayo sa mga halimaw na hanggang ngayon ay humahabol sa akin. Pero nag-teleport ulit sila sa likuran ko at tinangay ako paitaas.
Lumulutang ulit kami.
"Maging matatag ka Sky, totoong maging malungkot ang buhay ngunit darating ang araw na tatawanan mo na lamang lahat ng ito," naalala kong sinambit ni mama sa akin noong bata pa ako. Iyon nalang ang natatanging ala-ala na naiwan sa memorya ko, the rest.. nakalimutan ko na.
"Mama.."
"Bitawan mo ako!" sigaw nang sigaw ko at nagwawala sa pagkakahawak niya.
"Manahimik ka, kung ayaw mong putulan kita ng dila!" tugon niya gamit ang kaniyang malalim at magaspang na boses.
Sisigaw ulit sana ako pero mas hinigpitan niya ang pagkakahawak sa akin. "Ack!"
Hindi ko na alam kung saang lupalop na kami dahil nasa itaas na kami ng mga ulap. Naubusan na ako ng hangin. Sumisikip ang lalamunan ko. Tulungan ninyo ako! Hindi ako makahinga!
Unti-unting dumidilim ang paningin ko, hindi ko gustuhing mawalan ng malay dahil baka kung anong gawin nila sa akin. Ngunit, tuluyan na akong walang makita at bumigay na ang katawan ko.
"Ipapangako ko, magsisisi kayo sa ginagawa ninyo," mahinang sambit ko sa kanila habang nakapikit ang aking mga mata.
"Anong—?" rinig ko pang sabi ng halimaw.
Nararamdaman kong wala ng humahawak sa katawan ko at nahuhulog na ako. Pakiramdam ko bumagsak ako sa isang hardin na puno ng mga bulaklak.
And everything went black..
N-nasaan na ako?
Naimulat ko ulit ang mga mata ko, maliwanag ang paligid, kitang-kita kong may papalapit sa akin na isang babaeng nakasuot ng long black dress na kumikinang. Mukha siyang diwata pero hindi ko siya malinaw na namukhaan.
Sandali, siya na ba ang tinatawag nilang kamatayan?
Angel of death?
Patay na ba ako?
"Sky.."
Nagsalita ang babae kaya doon ko siya nakilala. Kilala ko ang boses niya. Ngunit, hindi ako makapaniwala sa nakita ko, sarili kong imahe ang nakikita kong nakatayo sa harap ko. Isang napakagandang babaeng kamukha ko.
Hindi ko alam na pwede pala ako ganiyan ka ganda. Hanep!
"You're okay now..," nakangiting wika niya na ume-echo ang effect. Anong ibig niyang sabihin?
Nakakakilabot naman 'pag kaharap mo sarili mo sa panaginip mo..
Panaginip ba talaga ito? O, baka nasa afterlife na ako?
Nagising ako nang may umaalog-alog sa akin. Tama nga ako kanina, sa isang hardin nga ako nag-landing. Ngunit, nasaan ako?
"Anong ginagawa mo riyan sa hardin ng mga bulaklak?" rinig kong tanong ng boses babae sa 'di kalayuan ko. Lumingon ako sa kaniya at nanlaki ang mga mata ko nang makitang hindi lang siya ang nakatingin sa akin kundi, maraming estudyante. Oo, mga estudyante. Silang lahat ay nakasuot ng pare-parehong uniporme na mukhang pang-private school ang estilo.
Nasa paaralan yata ako, pero saan?
"T-tulungan n'yo po ako!" desperada na ako dahil nandito pa rin ang takot ko mula sa mga halimaw na 'yon. Nanghihina na ang katawan ko. Gusto kong tumayo pero wala na talagang lakas ang katawan ko. Parang na drain ang enerhiya ko.
Pero tinignan ko ang paligid, inoobserbahan, hindi na yata ako sinusundan ng mga halimaw. Hindi ko na rin nararamdaman na nasa panganib ako. Safe na ba ako rito?
"Iha," ani ng isang matandang lalaki na lumapit sa akin.
Nakasuot siya ng white long sleeves poloshirt, brown blazer na may logo sa kaliwang bahagi ng dibdib, royal blue na may figure ng babae ang logo, naka-brown na slacks, at black ang socks at shoes.
"Tulungan n'yo po ako, nanganganib ang buhay ko," mahinang sabi ko dahil nanghihina naman talaga ang katawan ko pero ang nakita ko sa ekspresyon ng matanda ay nakangiti lang siya na parang ipinapahiwatig niyang hindi ko na kailangan pang mag-aalala. Sana nga.
Pumikit ulit ang mga mata ko at doon ko nararamdamang may bumuhat sa akin tungo sa kung saan. Pinaubaya ko na ang sarili ko sa kanila, hindi ko man alam kung mapagkakatiwalaan sila pero wala na akong sapat na lakas para umayaw at magreklamo.
"Iha, okay ka na ba? Naririnig mo ba ako?" tanong ng matandang lalaki. He snapped his fingers near my ear para gisingin ang isip ko.
Nang tuluyan na akong magkamalay, nasa harap ko ang matandang lalaki na maputi ang buhok sa ulo at balbas.
At may tatlong estudyante sa likuran ko, dalawang lalaki at isang babae na nakahawak sa ulo ko. Nakasuot sila ng uniporme, ang cool. Naka-white poloshirt, gray blazer na may simbolo o logo sa kaliwang parte ng dibdib na mukhang logo ng school, may diamond din ito, at may nameplate din sa itaas nito, royal blue ang necktie, gray miniskirt sa girls while gray slacks naman sa boys, black socks at black shoes.
"A-ang init," wika ko. "Ang init ng kamay mo."
Tumawa ang babaeng estudyante. "Mukhang okay na siya Sir Polaris."
"Iwan n'yo muna kaming dalawa" utos ng matandang lalaki na tinawag na Sir Polaris ng babae. Tumango lang sila at lumabas. Naiwan kaming dalawa sa silid.
"Nasaan po ako? Sino po kayo?" tanong ko.
"Hindi mo ba alam na nasa Zodiac University ka, iha?" tanong din niya.
"Z-Zodiac University?" Hindi ko maiwasang pisilin ang ulo ko dahil sa sakit. Pero tama ba ang narinig ko? Zodiac University? Zodiac na astrology?
"Maari ko bang malaman ang pangalan mo?" tanong niya.
"A-ako po si Sky Nunez. Sa totoo lang po, dinukot po kasi ako at hindi ko alam kung anong nangyari at kung paano ako napadpad dito, nag-trespassing po ba ako?" dagdag ko.
Sinubukan kong tumayo ngunit hindi kinaya ng tuhod ko, kaya napaupo ulit ako.
"Ipahinga mo muna ang sarili mo, iha. Sobrang dami kasi ng nabawas sa enerhiya mo simula kanina, hayaan mo na munang bumalik ulit ang lakas mo at mag-usap tayong muli," tugon niya.
"S-salamat po," bigay-galang ko.
"—may napansin ka bang kakaiba kanina nung bago ka nawalan ng malay?" weird na tanong niya sa akin.
"Po?"
Bell rings...
"Ah, ipagpatuloy nalang natin ang pag-uusap pagkatapos mong magpahinga, iha. May faculty meeting pa kasi ako ngayon, ipapahatid nalang muna kita sa mga estudyante sa clinic," ani niya.
"Ay naku po, huwag na po, malaking tulong na po ang ibinigay ninyo sa akin, maraming salamat po, baka kasi nakakaistorbo na po ako," wika ko at tumayo ulit.
Hindi ko maintindihan pero nandidilim na naman ang paningin ko.
"Iha?!" Sir Polaris.
Ang everything went black again...
*---*---*---*
Do not forget to vote for this chapter!
You can use these hashtags:
#ZUMTZC #ZodiacUniversity #ZodiacUniversityZodiacCircle
See you on next chapter!
-axinng
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top