Simula

Simula

Megan's Pov

Nandito kami ngayong apat ng mga sisters ko sa kwarto namin. Nasa iisang kwarto lang kami natutulog pero tig-iisa kami ng kama na hinihigaan. Nakahiga kaming apat habang nagce-cellphone ng mabored na ako.

"Hey guys! i'm bored na! Let's go outside!" Reklamo ko pa sa kanila.

Apat kaming magkakapatid at puro kami babae. at sa aming apat ako ang bunso, mahilig magparty, pasaway, pasimuno sa lakwatsa, kikay, maingay. ano pa ba? Mahilig sa ootd, fashionista and instagrammer.

"Ano namang gagawin natin sa outside world, mamsh? Eh grounded nga tayo, remember? Bawal pa tayong lumabas." Sagot naman ni Marj. Sa aming magkakapatid walang ate ate. walang tumatawag ng ate sa amin. pero baby nila ako at may panganay pa rin naman sa amin na itinatama kami kapag nagkakamali na ang isa sa amin.

Si Marj, long for Marjurie. Siya yung matured na joker sa aming magkakapatid. party buddy ko siya. sinasamahan niya ako palagi sa mga lakwatsa at parties na pinupuntahan ko. magaling siya mag-gitar at mataas ang boses niya. magaling din siyang sumayaw. actually, lahat naman kaming magkakapatid eh. singer na, dancer na't magaganda pa!

"Duh? Do you really think, that dad really let us go outside? Syems hindi, ano? So.. hindi na niya tayo palalabasin at forever grounded na tayo dito! and ayoko nun, ano? so we need to do is.. let's escape. from this house. hindi ba kayo nabobored here?" Pabebeng sabi ko.

"Megan." Buong at seryosong tawag ni sister Clarisse sa'kin. saka siya nagangat ng tingin niya sa akin. napalunok naman ako. "Stop. what. you. think. your. going to do?" Matigas na sabi niya. dahilan para manigas ako but never akong magpapasindak sa banta niya, ano?

Si Clarisse, short for Clars. Clars ang tawag namin sa kaniya and she's one of my sisters, if ever hindi pa halata? she's my sister na.. matured enought but hindi siya ngumingiti, palagi lang siyang seryoso, mysteryosa na weirdo. Bookworm, mahilig sa research pero madalas tulala. ewan ko ba kung ba't naging ganiyan 'yang babaeng 'yan? Parang.. palagi siyang may tinatago.. at iniisip mula sa nakaraan...

Hindi siya nakikipagbiruan sa amin ni Marj dahil kami lang naman ang palaging nagbibiruang dalawa ni Marj. Kung makikipagbiruan man siya sa amin ay bibihira lang kaya kung madalas ay palagi kaming nagugulat kapag nakikisali siya sa biruan namin pero kaagad agad ding magbabago at magseseryoso na naman ang mukha niya. Hay! Weirdo talaga!

"Oo nga Clars. Bored na din ako eh. Ikaw Max, hindi ka pa bored?" Nakanguso namang tanong ni Marj kay Maxine.

Si Maxine, short for Max. Siya naman yung maldita sa aming magkakapatid. wag na wag mo siyang bibiruin, papakialaman at pipilitin kapag hindi niya gustong magpapilit pero napipilit pa rin namin siya. Mahilig din siyang pumarty para maghanap ng boylet. oh hindi ba? Galeng. kaya napapagalitan din madalas ni Daddy eh.

Anyways, wala na nga pala kaming mommy. Daddy na lang ang meron kami dahil namatay si mommy sa hindi namin alam o hindi ko alam na dahilan.

"Bored na din." Tipid na sagot niya habang nakataas pa ang isa niyang kilay at hindi nakatingin sa akin, kung hindi sa phone niya. parang hindi na nga bumaba yung kilay niya eh at for sure din kachat na naman niya yung babaero naman niyang boylet.

"Oh 'yun naman pala eh. ikaw na lang Clars ang hindi puma--" Sabi ko na naputol ng magsalita ulit si Maxine.

"I'm not finish yet. what i'm saying is.. i'm bored too but.. i didn't say that.. i'm going, okay? If you want, ikaw na lang?" Sabi niya at ngumiti ng nangaasar saka bumalik sa pakikipagchat. napangiwi na lang naman ako.

"Tss. Bilis na kasi! Max! Clars! Bilis na! Please?" Pagpilit ko pa. "Hey! guys ano ba? hindi naman tayo mahuhuli ni Dad eh." Sabi ko pa at sinenyasan ko si Marj na tulungan ako na pilitin sila.

"Sige na. please Max, Clars?" Pagpilit naman ni Marj.

"Sige na Max. ihahanap kita ng new boyfie if you want?" Suggest ko. at napatingin naman siya.

"Fine. i'm going. mukhang wala na naman akong mapapala sa g*gong Rain na 'to. mas mabuting maghanap na lang ako ng new boyfie na idadate ko. so saan ba tayo pupunta?" Bigla namang sabi ni Max.

"Magroroad trip." Sagot ko habang nakangiti. "Don't worry Max, ihahanap kita ng matino-tino naman." Excited at masayang sabi ko pa. "So ano na ba? Tara na ba?" Tanong ko.

"Clarisse sige na kasi." Pagpilit ko pa kay Clarisse.

"Fine. baka mapahamak pa kayo diyan sa ginagawa niyo eh. mas mabuti na yung kasama niyo ako sa kung saan kayo pupunta." Sabi naman ni Clarisse at wala na lang siyang nagawa kung hindi tumayo. tumayo na din si Max at saka kami nagtanguan at excited na lumabas ng kwarto namin.

Dumaan lang naman kami sa secret door namin na kung saan palagi kaming dumadaan kapag tumatakas kami kay Daddy.





Next Chapter --->>>

***Narration's Pov na sa next chap!-_>***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top