Kabanata 1

Road Trip

Nakasakay ang apat na magkakapatid na sina Megan, Maxine, Marjurie at Clarisse sa kotse nila. Habang bumabyahe at nags-sound trip ang mga ito.

"Wooh!" Sigaw ni Megan at sumasabay pa ito sa tugtog. habang winawagayway nito sa ere ang kamay at tumangaw pa ito sa bintana ng kotse at saka duon sumigaw.

"Ano ba Megan?! baka masabit 'yang ulo mo dyan! huwag ka ngang dumungaw!" Nagaalala namang saway ni Clarisse sa kapatid habang nagmamaneho ito.

"Easy lang Clars. i'm okay, okay? hindi na ako bata para masabitan pa!" Sagot naman ni Megan.

"Kahit na Megs. Hindi ka dapat dumungaw ng sobra sa bintana ng kotse. hindi pa din natin maiiwasan ng aksidente, okay?" Sabi pa ni Clarisse.

"Okay, okay. hindi na." Sagot pa nito saka na tumahimik. Pero panay pa rin ang sayaw at kanta ni Megan habang nakasakay sila sa kotse at nasa byahe. Tahimik lang naman ang mga kasama niya pero halata mo ng naiirita na sila lalong lalo na si Maxine sa kaingayan ni Megan.

"Megs can you please quiet and just shut up your mouth?!" Madiing sigaw na ni Maxine nang hindi na nito makayang tiisin pa ang kaingayan nito.

"Opss. i'm sorry naman my dearest sistah." Maarteng sabi naman ni Megan.

"Ang ingay ingay mo eh. paano ko maeenjoy niyan itong road trip natin? saka sabi mo ihahanap mo ako ng boylet. don't tell me sa daan mo lang ako ihahanap?" Mataray naman sabi ni Maxine.

"Ano ka ba naman Max? hindi, ano? hindi kita rito sa daan lang ihahanap ng magiging new boyfie mo. hindi naman ako cheap ano? saka alam kong ayaw mo rin sa mga cheap na bagay. kaya sa pupuntahan natin kita ihahanap." Masaya at excited naman sagot ni Megan.

"Oh well? Megs matanong ko lang pala. saan nga ba tayo pupunta?" Biglang namang singit at tanong ni Marjurie na nasa shot gun ng kotse nakaupo. katabi ni Clarisse.

"Oo nga. saan ba tayo pupunta?" Tanong rin naman ni Maxine.

"Hehe... mga sis... iyon nga eh.. hindi ko pa alam." Nahihiyang sagot naman ni Megan at bigla namang napapreno si Clarisse.

"Clarisse! ano ba?! magdahan dahan ka nga!" Inis na sigaw ni Maxine na muntikan ng mapasubsob sa upuan.

"I'm sorry guys... but. Megan? hindi mo pa pala alam kung saan tayo pupunta eh. so bakit mo pa kami inayang lumabas?!" Seryoso pero maahahalata mo na ang inis na tanong ni Clarisse.

"I'm sorry, okay? kung pinilit ko kayong lumabas at umalis ng bahay kahit na hindi ko naman talaga alam kung saan tayo pupunta.. eh kasi naman guys. i'm just bored, duhh okay?" Sagot ni Megan at napayuko na lang.

"Next time. don't waste our time to force us to join you to go outside. if hindi mo naman pala alam kung saan tayo pupunta." Mataray na sabi pa ulit ni Maxine.

"Enough." Seryosong awat naman sa kanila ni Clarisse nang makita nito na sasagot at magsasalita pa sana si Megan.

"Ahh guys. sa tingin ko kaylangan niyo na munang ipagpaliban 'yang away niyo... 'cause we're in dead end." Bulong ni Marjurie. na kanina pang hindi mapakali nang mapansin nito na nasa isang silang liblib na lugar ngayon.

"What?! What are you talking about Marjurie?!" Inis na sigaw pa ni Maxine.

"Ano bang dead end ang pinagsasabi mo dyan Marj?" Taka namang tanong ni Megan.

"Hindi niyo ba naririnig yung naririnig ko kanina pa.. habang nagtatalo kayo dyan. ako naman 'tong takot na takot na sa naririnig ko." Sagot naman ni Marjurie.

"Ano ba kasi yung naririnig mo?" Inis pa ring tanong naman ni Maxine. pero ang totoo ay kinakabahan na siya dahil natatakot na rin siya sa mga pinagsasabi ni Marjurie.

"Shh.. huwag nga kaya kayong maingay dyan." Seryosong saway ni Clarisse sa kanila. Habang pinakikinggan ang mga kakaibang ingay na naririnig nila sa paligid.

Nang mapagtanto na nito ang kakaibang tunog na naririnig ay mabilis itong napahawak sa manebela ng kotse.

"Guys. humawak kayo ng mahigpit. We need to get out of here." Seryosong sabi ni Clarisse at mabilis na iniatras ang sasakyan saka iyon mabilis na pinaandar.





Nakahinga na naman sila ng maluwag nang mapansin na nila na nasa syudad na sila dahil may mga building na silang nakikita at nakalabas na sila sa liblib na lugar na iyon.

Tahimik lang naman sila bumyahe. Hanggang sa makauwi na sila sa kanilang bahay. Secret door sila muli dumaan. hindi naman sila nahuli ng daddy nila kaya malaya pa rin silang nakaakyat sa ika-lawang palapag ng kanilang bahay at nakapunta sa kanilang kwarto nang hindi nalalaman ng kanilang ama na tumakas sila.

Nang makaakyat at nang nasa kwarto na nila ang mga ito, ay kaagad na nagsalita si Megan.

"Yah! What happened ba? Bakit tayo umuwi kaagad? Bakit kayo nagmamadali at parang takot na takot kayo?!" Takang sigaw nito.

"Pwede ba Megan? Kahit ngayon lang huwag munang magulo." Seryoso at may inis ng sabi ni Clarisse.

"Guys.. hindi niyo na ba narinig yung narinig ko kanina duon sa gubat?" Takot naman sabi ni Marjurie habang yakap yakap nito ang mga tuhod nito dahil sa takot.

"Ano bang narinig mo kanina Marj?" Inis naman tanong ni Maxine.

"May.. may kakaiba.. may kakaiba akong naririnig at narinig sa gubat na 'yon. Hindi ko alam pero.. sigurado akong hindi tao iyon o huni ng isang hayop. para bang.. parang nakakatakot talaga.." Tulalang sabi pa nito.

"Tama siya.. may kakaiba sa gubat na iyon. parang bang may humaharok o isang tunog ng aswang. pero.. pero hindi naman na ako bata pa para magpaniwala pa sa aswang." Naguguluhan ding sabi ni Clarisse. "At iyon ang aalamin natin. Gusto ko alamin at malaman kung ano meron sa lugar na iyon. Magrereseach ako about sa lugar na iyon pagkatapos ay saka tayo babalik duon." Sabi pa nito.

"Teka lang Clars. Babalik tayo. ayoko! Natatakot na ako sa lugar na iyon kaya hindi ko na gugustuhin pang mapadpad sa lugar na iyon!" Tutol naman ni Marjurie.

"Kung ayaw mo? kami na lang pero kung ayaw niyo rin..? ako na lang." Matapang at seryosong sabi ni Clarisse.

"Fine. sasama kami. kung talaga ngang may kakaiba ruon sa lugar na iyon ay gusto ko ding malaman." Seryoso rin namang sabi ni Maxine.

"Ako din!" Matapang namah sigaw ni Megan saka ito nagtaas ng kamay. napatingin naman sila kay Marjurie na mukhang nagaalinlangan pa kung sasama ba ulit ito o hindi. "Sige na Marj." Nakangiting sabi naman ni Megan.

"Fine. sasama na din ako. basta walang iwanan ha? Laban ng isa, laban ng lahat. isa para sa apat, apat para sa isa..." Nakanguso sabi naman ni Marjurie at tumango't ngumit naman ang mga kapatid nito sa kaniya.




Next Chapter --->>>

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top