STORY 6
Bakit ba sa tuwing umuulan napapaluha ako ng hindi ko namamalayan? Bakit ba pag umuulan naalala kita? Sana...sana nandito ka pa subalit kahit ganun masaya pa rin ako na nakilala kita noong araw na iyon.
Fourth year highschool ako noon malakas ang ulan kaya naman pinatila ko muna ito subalit kalahating oras na ang lumipas hindi parin ito tumitigil. Nakaalis narin ang majority ng population ng school hanggang sa...ako na lang ang matira.
"Takbuhin ko na kaya? Total naman wala akong payong at hindi naman na yata titila ang ulan." Bulong ko sa aking sarili. Dahil kung hihintayin ko pa itong tumigil siguradong bukas na ako makakauwi kung hindi ba naman kasi ako malaking tanga edi sana nakapagdala ako ng payong.
Isa, dalawa, tatlo... takbo agad kong sinuong ang lamig at lakas ng ulan na para bang hindi na titigil. Iyon sana ang gagawin ko kung 'di lang nya ako pinigilan.
"Share na tayo sa payong ko." Sabi nya sa akin habang inaalok ang payong, noong una ayaw ko kaya lang mukhang wala na akong ibang pagpipilian.
"Sige, share tayo." Sabi ko sa kanya ngumiti naman siya sa akin na tila ba nagpapasalamat.
Iyon ang panahon na hiniling ko na sana tumigil ang oras... Sana hindi na tumigil ang ulan, dahil isa ang mga sandaling yaon sa mga hinding hindi ko makakalimutan sa tana ng aking buhay.
Lumipas ang mga araw, linggo, at buwan hindi ko parin makalimutan ang sandaling iyon. "Hay, sana umulan ulit." Nakangiti ako habang pinagmamasdan ang kulay kahel na kalangitan sa aming munting paaralan.
"Everleen hindi ka pa ba uuwi?" Sabi ng isa kong kaklase. "Mukang uulan kasi sabay kana sa amin?" Pangungumbinsi nya.
"Ah sige mauna na kayo, may tatapusin lang ako." Pagsisinungaling ko. Hinintay kong bumuhos ang ulan ngunit walang dumating katulad ng paghihintay ko sa kanya hanggang sa umuwi na ako dahil madilim na.
Siguro hindi ko na siya makikita, pagkakataon lamang siguro ang dahilan kung bakit ko sya nakasama at hindi kami itinadhana sa isa't-isa katulad ng ulan... na hindi ko nahulaan na darating ng araw na iyon.
Kinuha ko muna ang gamit ko sa locker pero bago ko buksan yung lock may nakita akong nakaipit na papel dito.
" Ano kaya ito?"
"Love letter malamang". Sabi ng kung sinong tao sa likuran ko.
"Ay, kabayo! Bakit ba nanggugulat ka hah?" Kainis itong isang 'to hindi ba nya alam ang ibig sabihin ng salitang "PRIVACY".
"Dali na basahin mo na kasi ate. Please, please."
"Sige na nga." Agad kong binuksan ang papel at namangha ako sa aking nakita, tama ang kapatid ko isa nga itong love letter, pero kanino kaya galing ito? Ito ang katanungang patuloy na bumabagabag sa akin habang pinagmamasadan ko ito.
"Tititigan mo lang ba yan dahil kung oo, Everleen sinasabi ko sayo hindi yan magsasalita ng mag-isa".
"Oo na po babasahin na".
Ito ang nilalaman ng sulat,
For Ever,
Matagal na rin akong lihim na humahanga sayo, sa madaling sabi isa ako sa mga secret admirer mo, baka kasi isipin mo na isa akong stalker o kung anuman. Huwag magtataka hindi ako ang gwapo ko kaya at bagay tayo kasi maganda ka, pasensya kana kung anu-ano ang sinusulat ko dito first time ko kasing magtapat ng feelings sa isang babae kaya naman hindi ko alam ang dapat kong isulat , pasensya narin kung hindi ko masasabi kung sino ako masyado lang talaga akong mahiyain subalit kahit ganoon sana maapreciate mo itong sulat na ipinadala ko sa iyo at sana maniwala kang tunay ang nararamdaman ko para sa iyo.
From: unknown
Madalas akong nakakatanggap ng mga sulat galing sa taong 'yon pero hindi ko parin makalimutan ang taong tumulong sa akin ng araw na nanganailangan ako ng payong. Sana... sana makita ko pa sya kahit isang beses lang. Hanggang sa magpakilala sa akin ang lalaking nagpapadala sa akin ng sulat siya raw si Eros Santiago at sabi nya sa sulat magkita daw kami mamayang uwian dahil magpapakilala raw sya ng personal pero... mas gusto ko sanang makita ang taong tumulong sa akin kahit isang beses lang gusto ko lang magpasalamat sa kanya. Subalit pagkakataon nga lang ba ang dahilan o sadyang itinadhana kaming magkita?
Uwian na subalit napakalakas ng buhos ng ulan kaya naman hindi ako makaalis kahit gusto, may payong naman ako pero ewan parang ayaw ko talagang lumabas pero kahit ayaw kong lumabas kailangan ko namang umuwi hay, buhay parang life, pero parang may nakalimutan yata ako ano kaya yon? Bahala na nga, patuloy akong naglakad sa kabila ng malakas na buhos ng ulan hanggang makarating ako sa labas ng gate" kung saan may tumawag sa akin.
"Ever, yuhoo." Isa lang tumatawag sa akin nun si Er... At pagtingin ko nakita kitang may dalang payong nakatayo ka sa kabila ng daan at kumakaway sa akin. Ilusyon ko lamang ba ito o isang Panaginip? Tumakbo ako para lumapit sayo subalit hindi ko inaasahan ng mga sumunod na pangyayari.
Dahil sa lakas ng buhos ng ulan at pagmamadali ay hindi ko namalayang may paparating palang sasakyan sa aking harapan hinintay kong bumangga sa akin iyon subalit wala, walang dumating ngunit ang mas ikinagulat ko ay nasa gilid na ako ng kalsada at ikaw naman ay duguan. Hindi ko alam ang gagawin ko subalit nilapitan kita at kasabay ng pagpatak ng ulan ay ang aking mga luhang hindi mo napansin.
"Ever... Simula palang ng makita kita nang araw na iyon minahal na kita subalit wala akong lakas ng loob para lapitan ka man lang o kausapin ka, patawad... Mahal kita Ever." Iyon ang huling salitang narinig ko mula sayo bakit kung kailan nakita na kita at saka ka pa nawala, bakit Eros? Bakit mo ako iniwan? Sana hindi nalang kita nakitang muli nang hindi ko naranasan ang hapdi at pighati ng pagkawala mo.
Subalit kahit ganoon nagpapasalamat ako sa ulan na siyang dahilang ng muli nating pagkikita, ang ulan na palaging saksi at ating naging ugnayan at higit sa lahat kahit binawi ka niya sa akin agad patuloy ko parin pasasalamatan ang ulan.
EROS, MAHAL RIN KITA AT PATULOY AKONG MAGHIHINTAY, I'LL ALWAYS WAIT FOR YOU NO MATTER HOW HARD IT IS... I'LL FOREVER WAIT FOR YOU UNTIL THE DAY THE RAIN WILL LEAD THE WAY TO YOU.
>> For Ever Waiting in the Rain <<
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top