7. A deal with Yael
Yael's
"I'm sorry gentlemen, but I need to end this meeting." Mabilis akong tumayo mula sa swivel chair at tiningnan si Yohan na nasa harapan ng conference room na abala sa pag-present ng proposed budget for next year. Nagtataka siyang titig na titig sa akin. Sinenyasan ko ang anak kong sumunod sa akin pero hindi niya agad naintindihan iyon.
Achilles was looking at me too, with the same expression as Yohan. Si Vulcan naman ay kunot na kunot ang noo. Hindi ko alam kung kailangan ko bang sabihin sa kanila na katatapos lang ng tawag mula kay Renan – ang driver ni Yula, at kasalukuyang nawawala ang anak ko. I don't want to cause panic to everyone but how can I do that when I am panicking so hard right now.
Kung ano – ano na ang naiisip ko. Bakit kukunin si Yula? Wala naman siyang ginawa. My youngest child is as pure as the angels in heaven if they really exist. Yula is innocent. Kung may kasalanan man ako sa mundo noon, iniisip kong si Yula ang tagapagligtas ko, so now, I am thinking why someone would want to hurt my daughter.
"Yael, ikaw ang nagpatawag ng meeting." Nagsalita si Ate Amalthea. "Why would you want to end it so suddenly, kakasimula pa lang natin."
"I agree, Uncle. Are you just wasting our time?" Tanong naman ni Alba – anak ni Alejandros. I looked at Yohan again. I need to get out of here so I can go and look for my daughter! Hindi dapat masaktan si Yula. Isa pa, paano ko sasabihin kay Alyza Mae ang nangyari? She will cry, and I don't like to see Alyza Mae crying. Masyado na siyang maraminh iniyak noon para sa akin.
"Dy, is everything okay?" It was Yohan who asked and that was the last straw.
"No, it's not. Yula. Yula has been kidnapped."
"Po?!" Tumaas ang tinig ni Yohan.
"Alba, call our security team. Mia Cara, please cancel all our appointments today and make sure that there is news block out. Hindi pwedeng makalabas ito. We need to make sure that Yula is safe. If the press finds out, magiging circus lang ito and that could trigger the kidnappers. Baka kung anong gawin nila kay Yula." Mabilis na utos ni Amalthea. She is the head of the family and right now I am so thankful to her because I wouldn't know what to do.
"Dy, I'll call the youngsters. I'll make sure that they're fine."
"Don't tell them." Nanginginig na wika ko. "They might tell your mom. Saka na natin sabihin kapag kasama na natin ang kapatid mo. Just disguise it as if you're just checking them. Don't call Yana and Yuna. Nasa ibang bansa sila. Hayaan mo sila. Just text them."
"Hey, do you need anything?" Tanong ni Achilles sa akin.
"I just need to know where she is. May tracking device ang sasakyan ni Yula. Madali siyang mahahanap unless malaman ng kidnapper na mayroon ganoon ang sasakyan ng anak ko."
"Then let us hope na hindi nila malaman iyon." Sabay kaming lumabas ni Achilles ng conference room. Paglabas na paglabas ay agad akong sinalubong ni Uriel kasama ang asawa niya. I looked at her. She's supposed to be the tech genius of this family.
"We were at Miguel's office and Mia Cara messaged me. Barang can help."
"Thank you." Sabay – sabay kaming sumakay ng elevator. Kabang – kaba ako. Iniisip ko kung napapano na ang anak ko. She doesn't deserve this. My daughter only deserves to see and hear good things. Hindi dapat nasasaktan ng ganito si Yula.
Kung kailangan ng kidnapper ng pera, ibibigay ko ang lahat ng mayroon ako basta ibalik nila sa akin ng buo ang anak ko. Dapat walang galos dahil kapag ginalaw nila kahit dulo ng ng buhok ng anak ko, magkakamatayan kaming lahat.
"Is the tracking device on her car connected to the Consunji Securities, Yael?" Tanong ni Avery sa akin. I could only nod. "Then this will be easy." Ngumisi pa siya. "Bago tayo makalabas ng elevator na ito, alam na natin kung nasaan ang exact location ni Yula."
"Dy, Yoonie said she's at the hospital taking a break. Si Yuan ay nasa bahay, si Yoodie at Yosef po magkasama sa mall."
"Ang asawa mo?" Tanong ko kay Yohan. He nodded.
"Meera is with Mom at the mall buying baby clothes. May kasama silang mga bodyguards."
"So, they targeted Yula." Sabi pa ni Uriel. "Is it because she's the youngest and they know that she's different?"
"What do you mean different? Yula is NOT at all different! Hindi ibig sabihin na pipe ang anak ko, kakaiba na siya! She's special! And we love her just like that."
"I'm so sorry, Yael. I didn't mean to make it sound like that." Tinapik ni Avery ang balikat ng asawa niya.
"I found her." Sabi bigla ni Avery. Sakto, bumukas ang elevator at nakatingin kaming lahat sa kanya. "They took her at an abandoned house in Lagundi St. Pasig City."
"I'll send the security and the police there, Dy." Mabilis na wika ni Yohan. Si Achill, Uriel, kasama si Avery at ako naman ay agad na sumakay sa van. Avery told the driver where we were going."
Hindi ako mapakali. Iniisip kong baka nahihirapan na ang bunso ko. Baka umiiyak na siya. I suddenly remembered those nights when Aly cried kasi hindi pa namin kasama si Yula. She cried because she wanted to be with our daughter. Lagi niyang sinasabi noon sa akin na pupunuin namin ng pagmamahal at pag-aaruga si Yula. Sa tingin ko naman ay nagawa naming mag-asawa iyon. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit may mga taong tulad ng mga kumuha kay Yula ang gusto siyang saktan.
Why would people hurt my baby? She's so pure. She is a ball of sunshine.
Hindi talaga ako dapat pumayag na mag-aral siya sa University na iyon. Kung gusto niya talagang mag -aral, I could send her to the best schools abroad and I will make sure that she is safe there. Kahit na sumama pa mismo ako sa kanya. My daughter should not feel any pain.
Twenty minutes later, we arrived at the place. Napapalibutan nang mga pulis at ng security team ng pamilya ang bahay na iyon. Hindi ko alam kung anong plano nila, pero naiinip ako kaya bumaba ako ng kotse. Kasunod namin si Yohan, sinamahan niya akong lumapit sa mga pulis.
"Hindi pa ba natin papasukin ang loob?" I asked impatiently. The police just looked at me.
"Sir, hindi pa. Kailangan muna nating malaman kung armado ba ang kidnapper. Baka lalong masaktan ang anak ninyo."
"Lalong masaktan?! Hihintayin ninyo pa bang masaktan ang bunso ko? Na marinig ang pag – iyak niya bago ninyo gawan ng paraan ito? Fuck! Ang babagal ninyo!"
"Sir, kumalma po kayo."
"Dy, tam ana! They're just doing their jobs. They will get Yula, just calm—"
Hindi na natapos ni Yohan ang sasabihin niya dahil biglang bumukas ang pinto ng bahay na iyon. Lahat ng pulis ay itinutok ang baril sa bahay na iyon.
"Men, hold your fire." Utos ng captain.
Sa pinto ay naroon ang isang lalaking dala – dala si Yula sa mga bising niya. Walang malay ang anak ko. Hindi ko makita kung may galos siya pero wala siyang malay.
Walang malay si Yula. My heart broke. What have they done to my baby?
"Hindi po siya ang kidnapper!" Nakilala ko ang boses ni Renan – ang driver ni Yula. Hindi ko napansing naroon na siya sa tabi namin ni Yohan. "Sir Yael, Sir Yohan, kaibigan po siya ni Yula. Naglakas loob siyang kunin siya sa loob. Hindi siya ang kumuha ay Yula!"
I didn't care. I ran towards them, and I took Yula from him. In my head, I kept thinking that Yula doesn't deserve this, that whoever did this will pay. Mahal ako maningil kaya humanda silang lahat sa akin.
xxxx
Yula was confined in the hospital for a week. Hindi rin ako pumasok sa trabaho dahil ako ang nagbabantay sa anak ko sa ospital. Dito ko siya dinala matapos namin siyang makuha sa abandonadong bahay na iyon. She needed to be checked. I wanted to make sure that there were no other injuries and that she is fine inside and outside.
Ang sabi ng doctor, maliban sa mga pasa ni Yula sa braso at sa mukha ay wala nang ibang tinamo ang anak ko. May mga kalmot siya sa braso, at sa binti. Nagkaroon din siya ng malaking latay sa batang hita niya. Pero maliban doon ay maayos si Yula. Siniguro sa akin ng doctor na maayos na maayos na siya.
According to my daughter's friend – Erika. I was so glad to know that she has friends now. Ang may pakana ng lahat ng ito ay ang kaklase nila. Shana Reyes daw ang pangalan, iyong isa ay Doreen Santos at iyong pangatlo ay si Raquel Pascual. Mula raw noong unang araw ni Yula sa UP ay hindi na Maganda ang pakikitungo ng mga ito sa anak ko. Lalo silang nainis dahil kahit may kapansanan si Yula ay hindi siya basta magpapatalo sa kahit na kanino. Tinuruan namin siyang lumaban. Hindi siya dapat paapi lalo na kung siya ang nasa tama. I hated the fact that my daughter had to deal with them, so I made a silent promise that I would be dealing with them now.
Ipinahap ko ang pamilya noong tatlo. Surprise, surprise, Shana Reyes' father is working in one of the Consunji Companies. Siniguro kong wala nang trabaho ang tatay niya, at siniguro ko ring maaalis na siya sa eskwelahang iyon. The other two, I let Yohan deal with them. Iyong lalaking nanguha sa anak ko at nanakit sa kanya sa sasakyan, ibinalato ko na siya kay Red. I made sure that my daughter would never have to see them again. I had gotten rid of everyone that hurt her.
Isa na lang ang hindi ko maalis sa tabi ng anak ko at iyon ang lalaking si Montgomery San Antonio – Yu.
"Yael, titig na titig ka diyan sa kaibigan ng anak mo. Baka matunaw iyan." Biniro pa ako ni Aly. Dalawa kami sa hospital suite na iyon. We were at the visitor area habang si Monte – kung tawagin ni Aly ay nakikipagkuwentuhan sa anak ko.
It's obvious that the man likes my daughter. I don't even know if I like that idea – no – I don't like that idea. Hindi pwedeng magustuhan niya ang anak ko. Hindi ko alam kung anong intensyon niya sa anak ko.
"Araw – araw nandito iyan. Wala ba iyang pamilya?" Inis na tanong ko. Tumawa naman si Aly.
"Mayroon naman siguro. Ikaw talaga. Saka bakit ako ang tinatanong mo? I know that you have looked at his background na." Nagbabalat si AM ng apples. I sighed. Wala na talaga akong maitatago sa asawa ko. Mas nauna ko pa ngang malaman ang lahat kay Monte kaysa sa mga taong nanakit sa bunso ko.
He is the only son of Henry Yu – the textile tycoon. But unfortunately, hindi maayos ang relasyon nilang mag -ama dahil noong minsang nakita ko si Henry Yu sa isang function just two days ago at tinanong ko sa kanya ang tungkol sa anak niya ay wala siyang nasabi.
Estudyante rin siya sa UP. He's twenty – three years old but an irregular student. Hindi ko alam kung may balak ba siyang magtapos ng pag – aaral, pero kung wala, wala siyang pag -asa sa anak ko.
Natigil ang pag – iisip ko nang makita kong ngumiti si Yula – I had never seen her smile like that before. Masayahin ang bunso ko, pero kahit kailan ay hindi siya ngumiti nang ganoon sa akin. It's as if her eyes are twinkling while she was listening to whatever Monte's saying.
Mayamaya ay narinig namin ni Aly na kumakanta si Monte and to hell with it, my daughter looks as if she is glowing. May dalang gitara si Monte at tinutogtog niya iyon ngayon kay Yula.
Heaven only knows where you've been
But I don't really need to know
I know where you're gonna go
On my heart, where you're resting your head
And you just look so beautiful
It's like you were an angel...
Aly looked at me with that mischievous smile on her face.
Can I stop the flow of time?
Can I swim in your divine?
Cause I don't think I'd ever leave this place...
Yula seemed to be really enjoying what Monte was doing. Hindi ako mapakali. Why do I feel like my baby is slipping away from my grasp?
"Remember when Yohan sang that song for us?" Biglang nagsalita si Aly sa akin. Of course, I remember. Yohan was fourteen then, nasa Red Base kami ng CLPH at kinanta iyon ni Yohan. That same night, I promised myself and Aly that I will be forever by her side. Paulit – ulit kong sinasabi iyon kay Aly pero nang gabing iyon, lalong tumibay ang pagmamahal ko para sa kanya at sa pamilyang binubuo naming dalawa.
Hindi na nawala ang tingin ko kay Yula habang kausap niya si Monte. Hindi ko na rin alam kung gaano siya katagal sa hospital suite na iyon pero sa wakas, nagpaalam na ring siyang uuwi.
Akala ko nga ay hahagkan niya pa ang dalaga ako pero hindi. Nagpaalam siya kay Yula, kay Aly at sa akin. Agad namang pinuntahan ni AM ang anak namin, ako naman ay walang paalam na lumabas ng silid ni Yula para sundan si Monte.
Natagpuan ko siya sa hallway ng ospital at pasakay na sa elevator. Tinawag ko siya.
"Monte, pwede ba tayong mag – usap?" Sinusubukan kong maging si Kairos – kalmado, kahit na parang gusto kong birahin itong bata. Tumango naman siya sa akin. Nagpunta kami sa garden ng hospital sa first floor at inukupa namin ang isa sa mga benches doon. Hindi ko alam kung paano sisimulan ang sasabihin pero kailangan kong malaman.
"May gusto ka ba sa bunso ko?"
"Sir..."
"Kinakausap kita nang maayos. Lalaki sa lalaki. Gusto kong magpakatotoo ka sa akin. May gusto ka ba sa anak ko?"
Natahimik siya. Hindi yata niya alam kung paano ako sasagutin pero sa huli ay natagpuan niya ang sarili niyang tinatanguan ako.
"Opo, Sir." Nagyuko siya ng ulo pero agad rin siyang nagsalita sa akin. "Pero h'wag po kayong mag – alala. Wala po akong balak na sabihin sa kanya!"
"And why is that?" Kabang – kaba ang bata. Parang mabinilaukan na siya. "Is it because Yula is handicap?" Masakit mang lumabas iyon mula sa akin pero iyon naman ang katotohanan.
"Ay sir! Hindi po!" Sabi niya sa akin. "Hindi po talaga! Kaya lang ayokong masaktan si Yula!"
"Sasaktan mo ba ang anak ko?"
"Ayoko nga po!" Bigla siyang sumeryoso. Nawala ang takot sa mata niya. "Pero sa ngayon, kahit po siguro magkaroon ako ng lakas ng loob na sabihin kay Yula ang lahat, hindi pa rin pwede kasi, sino lang ba ako? Sa estado po ng buhay ko, hindi ako bagay sa kanya. Si Yula iyong tipo ng babaeng inaalagaan. Sa ngayon po, hindi ko pa kayang alagaan si Yula. Hindi ko nga maalagaan ang sarili ko eh."
"Ano bang balak mo sa buhay?" I asked him. I suddenly remembered an eighteen-year-old boy, like him, he was unsure of the things he wanted in life, a spoiled rich boy who knows nothing... "Wala ka bang balak magtapos?"
"Meron po. Tatapusin ko na lahat ngayong taon. Aayusin ko na rin ang buhay ko. Magpapakaayos na ako para kung sakaling may pagkakataon... at kung papayag kayo... aalagaan ko po si Yula."
"You know, I have five daughters." Sabi ko bigla sa kanya. "And because I have them, I always make sure that I treat them the best. I try to shelter them from the pain of this world. Kasi alam mo... natatakot ako. Natatakot akong baka makakilala sila ng lalaking tulad ko."
Mukhang nagtataka si Monte. Ngumisi naman ako.
"I was not a good person, Monte. I won't go into details, but I was not a good person. Hindi rin ako mabait noon sa asawa ko. Kaya ang laging biro niya sa akin, takot na takot ako sa sarili kong multo. At iyon naman talaga iyon. Ayokong masaktan ang mga dalaga ko. Kaya kung tatanungin mo ako ngayon, sasabihin kong tama ka. Hindi pa sa ngayon. Hindi kayo bagay ni Yula. Kung gusto mo si Yula, gagawa ka ng paraan para maging sapat o maging sobra pa para sa kanya."
Tinapik – tapik ko ang balikat niya.
"Hindi ko sasabihin sa'yo na layuan mo ang anak ko. When I had my daughters, isa sa pinangako ko sa sarili kong hinding – hindi ako makikialam sa mamahalin nila. Basta ang sa akin lang, iyong mahal nila, dapat mahal sila at hindi sila sasaktan. At kung sakali man na dumating sa puntong mawala ang pagmamahal na iyon, isa lang naman ang gusto ko, ibalik sa akin ang mga dalaga ko. Ako ang magmamahal sa kanila."
I took a deep breath.
"Kung talagang gusto mo si Yula, please better yourself. Be the man for her."
I took one look at him. He seemed to be lost – just like that eighteen – year – old spoiled rich boy I once knew. The spoiled rich boy who was humbled when he saw his son for the first time, The spoiled rich boy who was willing to move heaven and earth just for that tiny little boy in the incubator – the tiny little boy that made the spoiled rich boy a good father and a good husband to his wife.
"Do we have a deal?" Tanong ko kay Monte. Inihalad ko ang kamay ko sa kanya. Kinuha naman niya iyon.
"Deal, Sir. Deal."
- C O N S U N J I F O R E V E R -
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top