6. I'll take this chance

Monte's

"What are you doing here, Mr. Yu?"

Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa sahig ng hallway ng residential building ni Miss Sioson. Nakapamulsa akong humarap sa kanya at tinitigan siya mula ulo hanggang paa.

"You look expensive now, Miss Sioson. Is that what my father's influence did to you and your career?"

"Hindi ko alam kung anong pinagsasabi mo." Inilabas niya ang keycard ng unit niya mula sa bag na dala niya. Even her bag is expensive now. "Kung wala kang sasabihin sa akin, umalis ka na. Wala rin naman tayong kailangan pag – usapan."


"Marami. At alam mo iyon. Pero hindi ito ang tamang panahon para sa paniningil ko, Miss Sioson."

"Then what do you want?" She snapped at me.

"I need you to do your fucking job right, Miss Sioson."

"I am doing my job. Wala kang karapatang pagdudahan ang kalidad ng trabaho ko."

"Oh? Is that so? Then what are you doing with Yula Maria Consunji?"

Natigilan siya at tiningnan ako. May ngising gumuhit sa labi niya saka siya humalukipkip.

"Look at you are taking interest in that poor girl."

"You'd be surprised who you're calling poor."

"Ano bang gusto mo?"

"Yula Maria needs to pass your subject in order to pass the sem. Bakit hindi mo siya bigyan ng pagkakataon na ipasa ang dapat?"

"She needs a voice to pass my subject."

"No. You need a heart to listen to her. Wala ka kasing puso."

"What do you get from this, Monte?"

"I get nothing. But if you don't do the right thing, Yula Maria's family might do something to you."

Sa pagkakataong iyon ay kunot na kunot na ang noo ni Miss Sioson. Tumawa naman ako.

"For a gold digger like you, hindi mo kilala ang mga taong dapat ay kilala mo. You have the internet, you have a phone, search for it. Who is Yuma Maria Consunji. Saan siya angkan galing at gaano ng aba ang impluwensya ng angkang iyon. Maybe by then, you'll know what to do."

Nilagpasan ko si Miss Sioson, bago ako tuluyang lumayo ay nilingon ko siya, I saw her taking out her phone. Ngumisi lang ako at saka tuluyan nang umalis. Sa paglabas ko ng building na iyon ay may isang itim na SUV ang huminto sa tapat ng main entrance. I stopped because I recognized the car. I stopped and waited, hindi naman nagtagal ay bumaba ang pinakahuling taong gusto kong makita sa mundong ito.

Maybe his executive assistant saw me. May ibinulong siya sa kanya at saka lang ito huminto para tingnan ang direksyon ko.

"Montgomery." He called out my name. Hindi naman ako lumapit. I raised my middle finger and left.

I don't want to see the person who ruined my family. I hate him. I hate my father with all the rage that I have.

xxxx

Yula's

I was so happy because finally my professor – Miss Sioson have accepted my homework. She even gave me a high score. Tuwang – tuwa talaga ako. Hindi ko alam kung anong nangyari, siguro naawa na siya sa akin dahil ilang beses na akong bumabalik sa office niya. Finally, all my efforts paid off! I have a grade of 98 in my homework. I cannot wait to show Dydy and Mymy this, so I took a selfie with my paper and sent it to them before I sent it to the family group chat.

As usual, my brothers and sisters were all happy for me. Si Kuya Yohan nga ay tinatanong na kung anong gusto kong prize. Si Kuya Yuan naman ay nagsabi ng sobrang proud daw siya sa akin to which ate Yuna replied sana ol nasabihan ni Yuan ng proud. After noon, nawala na si Kuya Yuan. Si Ate Yana, siguro mamaya pa riys magre-reply kapag gising na siya. Gabi ngayon sa Spain, ang ibang mga ate ko ay malamang nasa klase, si Kuya Yosef, siguro busy rin, si Ate Yoonie naman ay kinukulit na akong ilibre siya ng milk tea kasi mataas ang score ko. I am so happy – wala nang makakasira ng araw ko – or so I thought.

Sa sobrang tuwa ko ay hindi ko napansin na nakaupo na pala sa harapan ko ang tatlong babaeng sinubukang kunin ang airpods max ko noong first day ng klase. Napabuntong – hininga na lang ako nang makita kong nakangisi sila sa akin.

"So, it's true, you got 98. Paano iyon? Hindi ka naman nag-recite sa harapan. Pipe ka nga. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan mong isiksik ang sarili mo rito sa normal school. Eh, abnoy ka naman."

My eyes widened. What's their problem? Hindi ko nga sila kilala. Hindi ko alam ang mga pangalan nila kaya hindi ko maintindihan kung bakit nila ako iniistorbo. Wala naman akong ginagawa sa kanila.

"Balita ko anak mayaman ka. Kaya siguro napasok ka rito sa UP nag-donate ng building ang pamilya mo o kaya man may kakilala kayo rito sa loob. We all took the exams, tapos ikaw ano?"

I took the exam. Pero kahit naman sabihin ko sa kanila iyon, hindi nila ako maiintindihan.

"Your parents must have bribed the school president. What a pathetic little whore you are."

My eyes widened. Why are they calling me a whore? Hindi ko naman sila inaano. Hindi ko sila kilala at wala talaga akong ginawa para mayamot sila sa akin ng ganito. I looked at her from head to toe. Ilang beses na kaming nagkakaroon ng ganitong usapan pero hindi ko pa rin alam ang pangalan nila. Wala akong panahong alamin kasi hindi naman ako interesado sa kanila.

I stood up to leave but she grabbed my arm and made me sit again. Hindi lang iyon, kinuha pa ng isa sa kanila ang paper ko.

"You're so proud of this? Naawa lang naman si Ma'am Sioson sa'yo kasi pathetic ka." Sa inis ko ay tinulak ko siya. Napaupo siya sa sahig. Nabigla rin ako sa ginawa ko pero hindi ako nagpahalata. I stood up and took my things and this time I decided to leave. Hindi nila ako maiintindihan kahit na ano pa man ang ipaliwanag ko sa kanila kaya hindi na ako mag-aaksaya ng panahon.

I went to the rest room to cool down. Nakatayo ako sa harap ng salamin. I wanted to ask them why they are doing this to me. I just wanted to study and graduate. Why do they have to make me feel like shit? Akala ba nila gusto ko iyong katotohanan na araw – araw pipe ako? I have so many things to say but I cannot even say it because of my condition.

For once, I wanted to tell my parents vocally that I love them, and I am so thankful to them because they have chosen me to be with their family. Gusto kong sabihin sa mga kapatid ko gamit ang bibig ko at boses ko nan aa-appreciate ko ang lahat ng bagay na ginagawa nila para sa akin pero hindi ko nga magawa kasi ganito ako tapos may mga taong tulad nila na pinamumukha pa sa akin na hanggang dito na lang ako. Nakakainis.

Pero hindi ko ipakikitang mahina ako. They don't know who I am and what I can do. Saka tulad ng laging sinasabi sa akin ni Ate Yana, Consunji kami, hindi kami basta – basta lang.

Sa lalim ng isip ko ay hindi ko napansin na may kasunod pala ako sa loob ng rest room. Nakita ko lang siya sa may salamin. Nakatingin sa akin at alangan na nakangiti. I smiled back although I am reluctant, but I smiled back. Lumapit siya sa akin. Noon ko napansin na pamilyar pala siya sa akin.

I faced her. I now remember her, siya ang kasama noong lalaking sinisigawan ako noong nakaraan samay cafeteria. She waved at me. I waved back. Mayamaya ay ipinakita niya sa akin ang phone niya.

Hello, ako si Erika.

I nodded at her.

My name is Yula.

She smiled at me. Muli na naman siyang nag- type sa phone niya.

Sorry kung nasigawan ka ni Kuya noong nakaraan. Akala niya ikaw ang tinuro kong nam-bully sa akin pero sila Shana iyon. Sila iyong mga babaeng nag-aaway rin sa'yo. Noong araw na iyon kasi ay nakaupo sila sa may likuran mo sa cafeteria.

Oh! Now I get why his brother was yelling at me. I had to smile. Hindi naman ako na-bother noon kasi wala naman akong ginawang masama sa kanila. I just nodded at her.

Pwede ba tayong maging friends?

It was her who asked. My eyes widened and to make sure that she was referring to me, I even pointed at myself.

Oo. Okay lang ba?

I took her phone and typed too.

But I can't talk. I am mute.

She nodded and typed back.

Alam ko naman. Pwede naman tayong mag – usap ng ganito. Isa pa wala akong friends. Ikaw rin, so baka pwedeng friends na lang tayo. I can help you with our reporting! I promise, matalino rin ako!

Natawa ako at saka tumango sa kanya. Napapalakpak pa si Erika tapos noon ay niyakap niya ako. It felt good knowing that I have someone that I can be friends with outside our family. I guess I will give it a try.

xxxx

Yula's

Everything in my academic life is in their proper places. I must say. Lahat kasi ay maayos. Hindi na ako nahihirapan sa pagrereport dahil nandyan si Erika. Noong sinabi niyang friends kami, friends na friends na talaga kami at natutuwa ako sa kanya dahil sa mga bagay na napag-uusapan naming dalawa. She is so patient with me. May mga bagay kasi akong hindi agad naiintindihan when it comes to words at mainam niyang ipinaliliwanag iyon sa akin.

Nakilala ko na rin ang kapatid niya, si Sergio, he apologized to me too. Wala naman sa akin iyon kasi hindi naman ako nasaktan. Ang nakakatuwa, kilala pal ani Sergio si Monte, kaya ngayon, madalas kaming magkakasama dahil iisang friends group lang pala sila. Mas lalo kong nararamdaman ang normalcy na hanap ko dahil nga sa kanila. I have people I can call friends to hang out with after classes.

Minsan ay nagpupunta kami sa bakery ni Mymy at doon nagkukuwentuhan. Madalas ay nasa library kami ni Erika para mag – aral. Minsan lang namin makasama si Sergio, busy pala kasi siya sa OJT niya. Graduating na siya this year kaya marami na siyang ginagawa, si Monte naman, ang sabi ni Erika, hindi raw niya alam kung anong year na talaga si Monte kasi nga parang hindi naman nag – aaral iyong tao.

Ang napansin ko kay Monte maliban sa mabait siya ay parang ilag sa kanya ang iba. I don't know why, but if he's nice to me, hindi ko naman siya pwedeng i-judge na lang basta.

He's always nice to me. He's always giving me little things like food, a pencil with a cute eraser, minsan ay binigyan niya pa ako ng sugar angel. Natutuwa naman ako kasi I like cute things. I always thank him whenever he gives me things. Nararamdaman kong sincere naman siya sa pakikipagkaibigan niya sa akin.

"Is Miss Sioson still giving you a hard time?" Minsang tanong niya habang hinihintay namin na dumating si Erika sa cafeteria. Erika is at our prof's office, may inaayos siya kaya hindi kami nakalabas ng sabay.

I smiled at Monte before I shook my head. I showed him my phone after typing what I had to say.

She's actually nice. Siguro, na-shock lang siya na may student siyang tulad ko.

He sighed and this time, it was he who shook his head.

"Wala naman nakakagulat doon." Nakasimangot na wika niya. "Ang swerte niya kasi nagkaroon siya ng pagkakataon na makilala ka. You are not different, Yula. You are unique and I loved that I met you." Sinabayan ni Monte ng ngiti iyon. Nanlaki naman ang mga mata ko kasi heto na naman iyong malakas na pagtibok ng puso ko. Hindi ko dapat maramdaman ito. Bakit sa tuwing ngingiti si Monte sa akin ng ganoon ganito naman ang nararamdaman ko?

Hala?! Do I have a crush on him? Hala! Bigla kong naalala si Yoodie nang sabihin niya sa akin na crush niya daw iyong isang kaklase ni Kuya Yuan na nagpupunta sa bahay namin. Hala! Ganoon din ba ang nararamdaman ko para sa kanya?

"Yula, okay ka lang ba? Namumula ka na!" Biglang hinawakan ni Monte ang pisngi ko. Lalo akong namula. Pakiramdam ko ay lalagnatin ako. Pakiramdam ko ay sasabog ang ulo na parang bulkan dahil hinawakan niya ako.

Hala kung crush ko si Monte, magagalit sa akin si Dydy! Bawal ako magka-crush hangga't wala pa akong forty! Nineteen years old palang ako sa November!

"Huy, anong ginagawa ninyong dalawa?" Tanong ni Erika. Good thing Erika came back already pero hindi pa rin inaalis ni Monte ang kamay niya sa pisngi ko. Sa gulat ko ay tumayo ako at saka nagpaalam na sa kanilang dalawa. Nagtatakang tiningnan ako ni Erika – it was as if she was telling me na kararating niya pa lang pero aalis na ako. Naku, kailangan kong umalis kasi iyong puso ko para bang lalabas sa dibdib ko. Hindi ko na kaya.

Naglakad ako palabas ng cafeteria. Kinakalma ko ang sarili ko pero hindi ko talaga magawa. Tumayo ako sa may gilid ng isang malaking puno ng narra malapit sa cafeteria na iyon habang hawak ko ang dibdib ko. Why am I feeling like this? Do I like him? Does he like me? Is that why he's giving me those little things? Or I'm just giving meaning to something meaningless for him? He's friendly naman to everyone, he always smiles to everyone. Hindi ako special at bakit ko naman iisipin iyon? I am mute, I have this condition and Monte is a gorgeous man, why would he like someone like me?

Mabait lang siguro talaga si Monte. Sa dalawang buwang magkakilala kami, sigurado na akong mabuti siyang tao.

Tama. Hindi ko na lang bibigyan ng ibig sabihin. I will make sure that whatever I feel for him, it will fade. I will stop even before this gets big.

Tama! Tama!

I smiled at myself and took a step forward. Nagtext ako sa driver na sunduin na ako sa may tapat ng cafeteria. Uuwi na muna ako, magpapahinga para makapag – isip nang maayos. I need a breather; I need to get away from Monte and these thoughts.

Hindi naman nagtagal ay dumating na ang kotse. Mabilis akong naglakad papunta roon at ako na mismo ang nagbukas ng pinto. I looked at the rearview mirror and signed for Kuya Renan to take me home. Hindi naman siya lumingon kaya napakunot ang noo ko. That was so unlike him. Umandar ang kotse. Ako naman ay nagtataka pa rin. I tried to look at Kuya Renan's eyes and when I did, my heart skipped a bit because that was when I realized that it wasn't Kuya Renan. He's not my driver.

I was in my car with a stranger and maybe he realized that I already knew so he looked back at me with that creepy smile.

"Hello, Yula. Let's take a stroll." Nangilabot ang buong katawan ko. I tried to open the car door, but it was locked, and I could not even scream. Takot na takot ako.

Napansin niyang gumagawa ako ng paraan para makalabas. The stranger stopped the car, faced me, and hit me straight in my face. I don't know what happened after that.

xxxx

Monte's

"Hala ka, anong ginawa mo?"

Napailing si Erika matapos naming sundan ng tingin si Yula. Nasabunutan ko na lang ang sarili ko. I crossed the line. Natakot na yata sa akin si Yula kaya umalis siya bigla. Ang usapan ay magpupunta kami sa mall pagdating ni Erika pero mas pinili niyang umalis kasi sumobra na ako.

I didn't mean to touch her face like that. But it felt good being that close to her.

"Did you already tell her that you like her?"

"Look, I won't do that to her."

"Hala ka naman Kuya Monte! Akala ko ba gusto mo siya?"

"Yes. I do like Yula, but I cannot do that to her because she's special."

"Kasi pipe siya?"

"I'm not even thinking about that. Yula is pure and she's the kindest person I've ever met. Hindi siya katulad ng mga babaeng dumaan sa buhay ko. Hindi ko siya pwedeng saktan kaya hindi ko pwedeng sabihin sa kanya na gusto ko siya, okay?"

Sumimangot na lang si Erika. Mukhang may sasabihin pa siya sa akin pero biglang dumating ang kuya niyang epal. Si Sergio – na humahangos pa na para bang hinahabol siya ng sampung kamukha niya.

"Monte! Monte!" He called me. Magkaharap lang naman kaming dalawa.

"Ano ba?"

"Monte, delikado! Nasaan si Yula? Si Yula?!"

"Kaalis lang. Uuwi na siguro iyo—"

"Shit! Hindi pwede! Narinig ko sila Shana! Sasaktan nila si Yula!"

Napatayo ako.

"Narinig ko sila sa may hallway kanina papunta rito. They were talking about Yula and how angry Shana was with her. Sabi ni Doreen gagawan na nila ng paraan si Yula."

"Hala! Yula is a threat kasi kay Shana sa pagiging President's Lister!" Sabi pa ni Erika. "Hala! Paano na iyon! Hindi makakasigaw si Yula! Pipe siya!"

It was almost comical – what Erika said pero wala na akong panahon para tumawa. Agad akong tumakbo palabas ng cafeteria at hinanap si Yula pero wala na siya. Fuck! Inilabas ko ang phone ko para tawagan siya pero patay na ang cellphone niya! Kailangan kong maipaalam sa mga magulang niya ang nangyari. Isa lang ang alam kong paraan. Pupuntahan ko si Aly Consunji sa bakery nito.

Pasakay na ako sa motorbike ko nang tawagin ako ni Erika. Nakita raw ni Sergio ang driver ni Yula sa may parking lot malapit sa cafeteria na walang malay. Doon ako nagpunta agad. He was awake when we got there. Alalang – alala siya.

"Kuya, anong nangyari?" I asked worriedly.

"Hindi ko alam, Sir. Basta na lang nila ako hinatak palabas ng kotse at pagkagising ko wala na ang kotse. Baka tangay nila si Yula! Kawawa naman ang alaga ko!"

"Kailangan natin silang mahanap." Wika ko sa kanya. "Tawagan ninyo po ang dapat tawagan. Pupuntahan ko po si Mrs. Consunji." Nagmamadaling tumayo ako. Pero nagsalita muli ang driver ni Yula.

"May tracking device ang kotse ni Yula." Sabi niya. Napalingon ako sa kanya. "Kung patay ang cellphone niya, iyong kotse ang pag-asa natin na mahanap siya pero tatawagan ko muna si Sir Yael."

"Okay. You do that." I spoke. Hindi ko alam kung matutuwa baa ko o mas lalong mag – aalala. Bakit may tracking device ang kotse ni Yula pati ang phone niya? Alam ko kung gaano kayaman ang mga Consunji pero pati ba naman mga anak nila ay ganito?

Then, I remembered Yula telling me that she's been inside the four walls of their home for the past years of her life. Maybe her father did this. Makakatulong ito ngayon, but I don't think Yula will appreciate it if she finds out that her father is keeping tabs on her this way.

Kuya Renan called Yael Consunji. Mukhang seryoso ang usapan nila. Hindi nagtagal ay binaba na niya ang phone at saka may tiningnan roon.

"Papunta na sila ng EDSA."

"Then pupunta na rin ako ng EDSA." Wika ko sabay sakay sa motorbike ko. "Sergio, text me the location from time to time. Saka iyong plate number ng kotse."

I need to be there for Yula. I need to see her, save her, and take her home to her family. Hindi pwedeng ganito lang. Hindi siya pwedeng mawala sa akin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top