5. Hello, YOU

Montgomery San Antonio – Yu's

Bawat lumalabas sa fine arts building ay sinisino ko. Baka kasi hindi ko makita si Yula Maria, baka makalagpas siya sa akin. Kailangan ko pa naman siyang makita – well not for anything. I just needed to return her ID to her. Nakalimutan kong ibigay sa Mama niya kahapon bago ako umalis, at huli nang ma-realize kong hawak ko pa rin ang ID na iyon. So, now, I am here, waiting for her because I badly need to return her ID. Napakahalagang dokumento nito para sa isang tao.

Kunot na kunot ang noo ko habang nakatingin sa bandang labas ng Fine Arts building. Ang tagal naman niyang lumabas. Paano kung kailangan niya pala ng ID?

I sighed and looked at Sergio. Kumakain siya ng mais sa plastic cup habang pailing – iling na nakatingin sa akin.

"Pre, ang init – init naman dito. Ano bang inaabangan mo?"

"Hindi ka talaga nakikinig sa akin. Inaabangan ko nga si Yula Maria!"

"Pwede naman nating ipabalik kay Erika iyang ID. Ang init dito! Sayang ang rejuv ko!" Nayayamot na binalingan ko siyang muli. Sinabi ko naman sa kanya kanina na kung ayaw niya akong Samahan, hindi ko naman siya inoobliga. I just really wanted to see Yula Maria, not because of anything else. I just need to return her ID.

Hindi nagtagal ay nakita ko na siyang lumalabas ng building. Bigla akong napatuwid. She seemed nervous and uncomfortable. I wondered what happened in her class. Huminto siya sa gitna ng entrance tapos tipong huminga siya nang napakalalim bago muling naglakad palayo. Naalarma naman ako kaya agad akong tumakbo para sundan siya. Narinig ko pa nga si Sergio na tinawag ako pero hindi ko siya pinansin. Mas focus ako sa pagsunod kay Yula Maria.

Lakad – takbo ang ginagawa niya, at one point, napalingon siya sa akin, napahinto siya tapos ay kunot noong tiningnan ako mula ulo hanggang paa tapos ay tumakbo siya. Napatakbo rin ako. Hindi ko alam kung bakit siya tumakbo, tumatakbo lang naman ako kasi tumatakbo siya. Daig pa namin iyong mga athlete sa UP OVAL na tumatakbo.

Lumiko si Yula Maria, lumiko rin ako pero nawala siya. Hindi nagtagal ay nagulat ako dahil may kung anong humampas sa braso ko. Paulit – ulit iyon hanggang sa lumayo ako para makita kung anong nangyayari.

And there stood Yula Maria Consunji. She is holding her MacBook – iyon ang pinanghampas niya sa akin. Nanlalaki ang mga mata niya habang humahangos. Gulo – gulo ang buhok niya at tila galit non ang siya. Binitiwan niya basta ang MacBook niya at saka galit na humarap sa akin.

"Who are you?! Why are you following me? Hindi kita kilala kaya pwede bang h'wag mo akong sundan?! Anong gusto mo ha! Anong problema mo?!" Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Galaw lang nang galaw ang mga braso at daliri niya, hindi ko man siya maintidihan ay alam kong galit siya dahil non ang ng mga mata niya. How can I make her calm down?

"Look!" I spoke. Mali. Hindi ako dapat nagsalita. Hindi ko nga alam kung naririnig niya ako. Huminga na lang ako nang napakalalim at saka tiningnan siya. Kinuha ko ang phone ko at doon at nag-type.

Look, I'm not here to hurt you. Ibabalik ko lang ang ID mo.

Agad kong pinakita iyon sa kanya. Kunot noon niyang binasa iyon. Napansin kong napalabi siya. Agad ko namang ipinakita ang ID niya. Agad naman niyang kinuha iyon.

"Bakit nasa iyo ang ID ko?" She signed again. Napakamot ako ng ulo. Hindi ko kasi alam kung anong sinasabi niya. She seemed so frustrated, bigla na lang niyang hinatak ang phone ko at doon ay nag-type rin.

Bakit nasa iyo ang ID ko? Snatcher ka ba? Tatawag ako ng pulis!

Grabe naman itong babaeng ito! Napaka-judgmental. Ibinalik ko na ang ang ID niya, snatcher pa ako.

"Hindi ako snatcher!" Sigaw ko. Lalong nanlaki ang mga mata niya. Muli ay nag-type siya sa phone ko.

Bakit nga nasa iyo ang ID ko?

She showed me my phone. I sighed and took that to type in words.

Ako ang nagdala sa'yo sa ospital kahapon.

Muli kong pinabasa iyon kay Yula Maria. She read that carefully and I think her ears perked up. Napatingin siya sa akin. Noon ko lang rin napansin ang mga band – aid sa braso niya. Her left arm was full of bruises. Kasalanan ko ito. I owe her an apology.

Ako iyong nasa kotse kahapon. I would like to apologize for it. Hindi ko naman sinasadya. I'm so sorry.

She looked at me again. Napansin kong napabuntong – hininga siya.

Sorry din. Hindi ko sadya na hampasin ka. Akala ko kasi hinahabol non a.

She showed me the message. Napakamot naman ako ng ulo. I typed it back and showed it to her too.

Kaya lang naman ako tumakbo kasi tumatakbo ka rin. Akon ga pala si Monte. Pasensya ka na ulit kahapon.

Tumango lang siya sa akin at saka kinuha muli ang phone ko.

Ikaw ang tumawag sa mommy ko. Salamat ha? I really needed that yesterday. Is there anyway I can make it up to you?

Nagtatakang napatingin ako kay Yula Maria. Ako ang muntik nang makaaksidente sa kanya kahapon, ako ang may atraso pero ako pa ang tinatanong niya kung paano siya makakabawi sa akin. Hindi ko naiintindihan but then, it was at that moment that I realized that Yula is kind.

I don't understand. Why would you do that? Ako ang muntik makaaksidente sa'yo.

Yula took my phone again to type. Medyp nagtagal siya sa pagkakataong iyon. Siguro ay mahaba ang sasabihin niya o baka naman iniisip niya ang mga tamang salitang ilalagay niya roon. When she showed it to me, I felt like I was the kindest man on earth.

I was having a rough time yesterday and I didn't know what to do. You called my mom when I needed her the most. I wanted to call her, but I was worried that I would only make her worry about me, and I don't like that. It's like the universe sent you to help me in those times. So, thank you. I want to make it up to you.

Okay... Okay if that's what she wants then she can do that. Ibinalik niya sa akin ang phone ko. I guess it's my time to reply to her.

Do you eat cake? My mom owns a cute bakery downtown. I can take you there and we can eat!

Wala akong ibang nagawang sabihin kundi...

Okay.

xxxx

Yula's

Monte and I decided to go to Mymy's bakery that afternoon. It's a good thing I don't have classes anymore. I was really planning on coming here because I want mom to coddle me after the stressful day I had. Ayoko namang ikuwento kay Mymy ang nangyari baka mamaya ay magpunta sila sa university at baka mamaya mas lalo akong maging laughingstock ng mga kaklase ko. I just want to have a normal college life. Siguro, kapag nakita ng lahat na tulad lang nila akong gusto lang maka-graduate ay hahayaan na nila akong mabuhay nang matiwasay.

Hindi pa rin ako nakapag – report sa major subject. Nagpunta ako sa prof ko para makiusap na bigyan ako ng pagkakataon. Dala ko ang paper ko at ang presentation ko pero nang makita niya ako ay hindi niya ako kinausap kasi daw busy siya. Iyon ang sinabi sa akin ng student assistant niya. The student assistant looked so apologetic, but I smiled at her. Naiintindihan ko naman ang nangyari. Siguro hindi rin handa si Prof sa condition ko. Kailangan ko lang ipaintindi sa kanila na hindi naman ako pabigat – that I can be like my other classmates too.

Nag-convey kami ni Monte papunta sa bakery ni Mymy. Sa totoo lang hindi ko alam kung tama itong ginagawa ko. Napasubo lang ako sa pagyaya ko sa kanya rito sa bakery ni Mymy. I am grateful for his help. Wala sa akin kung muntik na niya akong masagasaan kahapon, hindi naman ako nasaktan. Kaya ako nagkagalos ay noong mabagsak ako sa lupa. Naitukod ko ang kamay ko kaya ako may sugat hindi dahil nabangga niya ako. I guess, malaki ang pasasalamat na nararamdaman ko para sa kanya dahil tinawagan niya si Mymy sa mga panahong ayoko sanang gawin iyon pero siya na ang gumawa para sa akin.

Most of the time, I feel cherished by my family, pero mas madalas na pabigat lang ako sa kanila. Ayoko ng palagi nila akong inaalala. Ayoko nang palagi silang nandyan paara sa akin. They have their own lives; their own problems and they can't be available for me all the time – I don't want them to be available for me.

Kuya Renan waved at me when the car stopped. He signed that we are already at Mymy's bakery. I thanked him and told him that I'd be the one to open the door for myself. Mabait si Kuya Renan at siniguro ni Dydy na marunong siyang mag SL para magkaintindihan kaming dalawa. Lahat ng nakapaligid sa akin ay marunong mag SL – kahit ang mga maids sa bahay. Mymy and Dydy made sure that even if they're not with me, I will feel protected and heard by the people around me.

Naghintay ako kay Monte sa labas ng bakery ni Mymy. Hindi nagtagal ay dumating ang isang motorcycle na si Monte ang sakay. Inalis niya ang helmet niya. Nginitian ko siya at saka inaya papasok sa loob.

Siguro ay nasabihan na si Mymy na nandito na ako kaya pagpasok ko sa bakery niya ay sinalubong na niya ako. She embraced me and kissed my cheek. I smiled at her. Mymy always smells like home. I love her so much.

"And who is your friend, Yula?" Tanong niya sa akin. I looked at Monte and then to mom. I have a feeling Mymy knows already but she just wants to hear it from me.

"Mymy, this is Monte. He was the one who found me and called you yesterday. I took him here because I want to say thanks for his kindness."

"I see." Mymy smiled at him too. Mabait ang Mymy ko, alam kong naiintindihan niya kung bakit ko dinala rito si Monte.

"Good afternoon po, Mrs. Consunji." I heard him say to mom. He was so respectful, but I had to giggle silently because it was so odd hearing people call Mymy Mrs. Consunji. Ang kilala ko kasing Mrs. Consunji ay si Mamita Niki – ang asawa ni Papa Yto – our grandparents.

Oh! I miss my grandparents. I heard from Ate Yana that they're on their European Cruise. Nagkita pa nga sila sa Madrid noong nakaraang linggo.

"Come in, come in. Take a seat. Anong gusto ng anak ko?" Mymy looked at me. I signed that I wanted a piece of lemon cake and a glass of peach apple juice. Mymy nodded. "Ikaw, Monte, anong gusto mo?"

"Oh, I'll just have whatever she's having."

"Okay. You two stay here and talk." Tumayo si Mymy pero kinindatan niya muna ako bago niya kami tuluyang iniwanan. I looked at Monte and I realized that he looked so uncomfortable sitting with me. Mula sa bag ko ay kumuha ako ng papel at ballpen para makipagsulatan muli sa kanya.

Are you okay? Do you feel weird sitting with me here?

I showed him the paper. He looked at me and wrote back.

Why would I feel weird?

Because I'm mute and occasionally deaf.

Nilagyan ko pa ng smiling face iyong sulat ko bago ko ibinigay sa kanya.

What do you mean occasionally deaf? Are you not deaf? Can you hear me?

I have a microchip hearing aid installed near my ears at the back of my brain. So, I could hear. But I cannot speak. I've been mute all my life.

"So, you can hear me?" Bigla siyang nagsalita. I gladly nodded at him. "That's so cool. How small is the microchip?"

It's as small as the sim card we use on our phones.

"That's really cool!"

Natawa ako sa kanya kasi parang tuwang – tuwa siya sa kaalamang may naka-install na microchip sa akin.

"But no, I don't feel weird sitting with you. Nahihiya lang ako sa Mommy mo."

Why? She's kind. There's nothing to be embarrassed about.

"Then, I will try not to be."

Hindi naman nagtagal ay dumating na ang pagkain naming dalawa. Hindi lang lemon cake ang non an Mymy. Mayroon ding chocolate lava cake, sour cream French fries, calamari with tartar sauce and two pasta dishes. Siyempre naroon din ang peach apple juice ko. Mymy gave Monte a glass of blue pineapple. He seemed to be enjoying the food. I thanked mom and she ruffled my hair.

"Monte, eat well, okay? Natutuwa ako at dinala ka rito nitong si Yula. Ikaw ang first friend niya."

Napatingin ako kay Mymy. I don't want her to make this weird. I shook my head.

"You... you don't have friends at school?"

I shook my head.

"She's shy." Sabi ni Mymy. Napabuntong – hininga pa si Mymy saka muli siyang nagsalita. "And I'm so thankful that you came here with her."

"Mymy, no..."

"See, she's shy. I told you. Thank you, Monte for calling me yesterday."

"Oh, okay lang po. non an po kailangan kong mag-sorry kasi muntik ko na po siyang masaktan kahapon."

"I guess she has forgiven you." Tukoy ni Mymy sa akin. "You wouldn't be here if she hasn't. Enjoy your meal and please if you need anything tell me. Kung may gusto ka pa, magsabi ka lang ha." Tumango naman si Monte. Mabuti at umalis na si Mymy.

Sorry. Hindi dapat sinabi ni Mymy iyon.

"Na ano? Na ako ang first friend mo? Why don't you have friends?"

It's cause I'm like this. No one would want to be friends with me kasi pabigat ako. Even the teachers think so.

"Is that why you seemed so stressed earlier? I saw you coming out of the building. Hindi ko naman sinasadya pero napansin kong parang hindi ka nga mapakali.

I stopped eating. Ibinaba ko ang fork ko at saka nagbuntong – hininga.

I have this major subject and we were tasked to look for a local art piece and we need to interpret it. Ang kaso, hindi naman ako nakakapagsalita. I tried talking to the teacher, but I guess because I am like this, she won't give me a chance. I might fail this. I can't tell mom or dad – especially dad because he might pull me out of school or worse, baka pumunta siya sa uni para kausapin iyong dean at mapagalitan ang prof lalo lang akong mahihirapan.

"I see, what's the name of your prof?"

Si Miss Sioson.

"Ah, terror daw iyan. Sergio's sister, Erika is your classmate, so I know."

Hindi ko kilala si Erika.

"Don't worry. Ipapakilala kita. Your mom's lave cake is so good."

Yes! But I like her lemon cake more. Tikman non a.

I took a piece and gave it to him. Nagulat ako nang isubo niya mismo ang tinidor na hawak ko. Ang balak ko kasi ay ilagay lang sa plate niya. Hindi ko alam kung bakit pero noong inilapit niya ang mukha niya sa akin ay para bang tumibok nang mabilis ang puso ko. Naramdaman ko ring nag – init ang mga pisngi ko.

I just sat there, looking at him, not knowing how to react.

"Oh, it's so good! Dapat pala iyan na lang muna ang kinain ko. Oh! You're flustered. Why? Are you okay?"

Kumain ka na lang. Ang dami – dami mong tanong.

Kinonutan ko siya ng noo at saka sinubo ang mas malaking piece ng lemon cake ni Mymy na muntik nang maging dahilan ng kamatayan ko ng araw na iyon.

Nasamid kasi ako. Mabilis namang inabot ni Monte ang drink ko sa akin. Inirapan ko siya nang makaginhawa ako to which he just answered with a smile.

Why do I think that he has the sweetest smile of all?

Jusko, Yula Maria Consunji, kakikilala mo lang sa tao kung ano – non ang pumapasok sa isipan mo!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top