3. It's not nice meeting you

Yula Maria Consunji's

The second week of the semester came fast. It was when I felt the stress of a real student and I was so happy to be in this position. Hindi ko ito mararamdaman sa home schooling na gusto ni Dydy. Hindi naman ako nagrereklamo, all my teachers before were very kind, iyon nga lang pagdating sa mga activities na ipinapagawa sa akin at sa mga deadlines lahat sila ay very lenient. Hindi nga nila ako pinagagalitan kapag nag – a – attitude ako sa kanila para bang tinatanggap na lang nila sila ang mali, they even apologize to me when they see that I am not satisfied with whatever. Ayoko ng ganoon sila sa akin, kaya siniguro kong magiging mabait din ako sa kanila.

I know that some of my teachers felt sorry for me because of my condition, kapag ganoon ang nakikita ko, nawawalan ako ng ganang mag – aral. Nakailang teachers din ako sa home school hanggang sa matagpuan namin ni Mymy si Teacher Apple – she was the one who encouraged us – Mymy and I – to take the entrance exam in UP. Naikuwento niya sa amin na may pinsan siyang tulad ko – deaf and mute pero nakapag-aral sa University at naka-graduate. Because of this, my hopes skyrocketed, and I took the exams, and luckily, I passed. I was so happy when I passed that I cried so hard.

So, now, I am doing my best. Ayokong sayangin ang pagkakataong ito.

We have an assignment in one of our major subjects – Philippin Art. Kailangan naming mag-provide ng isang local artwork at i-present sa klase ang interpretation tungkol doon. I have done my homework, ang problema, paano ko ipe-present sa klase ang assignment ko, hindi nga ako nagsasalita? Alam ko na agad na pagtatawanan nila ako. I bit my lower lip. Times like this, I really hate that I have this condition. Bakit ba kasi hindi ako pinanganak ng normal? Naisip ko rin na baka dahil sa condition kong ito kaya ako inabandona ng biological parents ko.

Gusto kong umiyak. Will my professor even let me just pass my explanation and move on? Baka hindi. If only I could find someone that would be kind enough to help me.

Napabuntong – hininga na lang ako. Sana magawan ko ito ng paraan bago dumating ang time namin para sa subject na iyon. Letter C pa naman ang apelyido ko, baka mamaya matawag agad ako. If only Yoodie was here, she would gladly help me with this, kaya lang sa ibang school siya nag – aaral. Sa UST siya na-accept at mukhang masayang – masaya siya roon. I wanted her here but I could never clip her wings just so she could help me every damn time I need it. Saka isa pa, ito ang hinihiling kong independence, bakit ko hinahanap si Yoodie ngayon? I sighed again. Kaya ko ito. Magagawan ko naman ng paraan ang mga bagay. Kung hindi papaya si Prof, babagsak ako, ganoon talaga. At least I tried. Makikiusap muna ako sa kanya.

"Ikaw!"

Sa gitna ng malalim kong pag – iisip ay nagulat na lang ako dahil may kung sinong tumapat sa akin. I could hear his voice with the help of my hearing aid. He sounded so mad, and I don't even know why. I looked up and saw a man wearing a black leather jacket – not even sure kung totoong leather iyon o baka galing lang sa thrift store kaya faux leather iyon.

He looked so angry. May vein siya sa noo na parang puputok na. Naalala ko tuloy si Kuya Yuan. May ganoon din siya sa noo at kapag niyayamot siya ni Ate Yoonie ay para bang puputok iyon pero siyempre, hindi siya lalaban kaya tatalikod na lang siya at magkukulong sa silid niya.

Pero hindi naman si Kuya Yuan ang puputukan ng ugat ngayon kundi ang lalaking ito na galit na galit sa harapan ko. Dinuro niya ako. Tumaas ang kilay ko.

Ako? Ako ba ang kinakausap niya? Sa akin ba siya galit, at kung oo, bakit? Wala naman akong ginawa sa kanya. Ni hindi ko nga siya kilala.

He was saying something. Hindi ko gaanong mabasa ang labi niya kasi ang bilis – bilis niyang magsalita pero palagay ko'y galit talaga siya sa akin. Kunot na kunot ang noo niya at magkasalubong ang mga kilay niya.

Ang tanong ko lang, bakit siya nagagalit sa akin?

Hinampas niya ang mesa. Nagulat ako. Nang muli akong tumingin sa kanya ay talagang hindi na maipinta ang mukha niya.

"Ano! Hindi ka ba sasagot?!"

Itinuro ko ang sarili ko.

"Oo! Ikaw! Ikaw nga! Hindi ka ba nagsasalita? Ano ka? Pipe?"

That was the last word that he said, and I read his lips perfectly. Tinatanong niya kung pipe raw ba ako. Pipe nga ako. Paano ko sasabihin iyon sa kanya?

Someone – a girl, I think, my age came forward and held onto the angry man's arm. May ibinulong siya sa kanya tapos ay tumingin sa akin ang dalawa. The girl looked so apologetic, iyong lalaki naman ay nanlalaki ang mga mata.

"Hindi siya?" Muling tumaas ang kilay ko. Oh! It's a case of mistaken identity? I think? "Hindi siya? Sure ka?"

"Hindi nga siya! Saka siyempre, alam kong hindi siya, Kuya kasi ako iyong inapi. Hindi siya. Saka..." The girl looked at me. She was familiar and I realized that she was in one of my classes. "Hindi siya nagsasalita. She's mute."

The angry man's eyes widened. The girl looked at me and bowed to me apologetically – paulit – ulit niyang ginawa iyon hanggang pati iyong lalaki ay pinag – bow niya na rin hanggang sa umalis na silang dalawa. Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa mawala sila sa loob ng cafeteria. Napalabi ako. It was really mistaken identity pero ngayon, nag – iisip na ako kung sin oba ang inaaway niya at bakit siya nagagalit?

Saka, puputok nga kaya ang ugat niya sa noo?

xxxx

It was the time that I am dreading. It's Philippine Art time and I still don't know how I will be able to present my homework. Tama ang hinala ko, the prof will call on students to present their works in front. Siyempre, kapag nasa harapan ay magsasalita sila – isang bagay na wala akong kakayahang gawin. Napapakagat na lang ako sa labi ko habang hawak ko nang mahigpit ang magkabilang kamay ko. I wish that time will be faster. It will be over soon, and I will be out of here. Uuwi na lang ako sa amin at hindi na papasok kahit kailan.

"Consunji, Yula Maria..." I was called. I heard my name clearly and I looked at the prof in front of the classroom. What shall I do? How can I pass this subject without talking?

I stood up and took my MacBook with me. I am shaking and I have no idea what I should do. I bit my lower lip as I stepped in front. Nakita ko iyong grupo ng mga babaeng nam-bully sa akin last week, they were all grinning at me, kulang na lang ay tumayo sila at tawanan ako habang dinuduro.

"What's your piece?" The prof asked me. I showed her my laptop. "Oh... okay. Show it to the class and explain your interpretation."

How can I do that? I looked at all my classmates. Lahat sila ay nakatingin sa akin. I felt so embarrassed. I have no idea what I should do. How can I explain myself? How can I explain? Hindi ako makapagsalita. Bakit ba kasi hindi ko naisip ito noong excited na excited akong mag-enroll dito? Gusto kong umiyak.

"Miss Consunji, you can't just stand there and look pathetic. You need to speak para maipasa mo ang subject ko." I looked at the prof. Tears started falling from my eyes. "Oh, you're gonna cry? Hindi ka ipapasa ng pag – iyak mo. Come on! Speak! Ano? Pipe ka ba?"

Suddenly, I couldn't hear clearly. All I could see were my classmates laughing and I know, and I am sure that they are laughing at me. Some are even shaking their heads with disappointment in their eyes. The group of girls that took my airpods max the first day were even taking a video of me and I couldn't do anything but cry in front of them. Hindi ko na kaya. I took my MacBook and ran out. Umiiyak ako habang tumatakbo palayo sa classroom na iyon. Why are they so cruel to people like me? Wala naman kaming ginusto kundi ang matanggap ng lipunang ginagalawan namin. Why am I being treated like this?

Nakarating ako sa labas ng Arts Building pero hindi pa rin ako huminto. Takbo ako nang takbo. Ang sama – sama ng loob ko. Tama si Dydy, hindi ako dapat nandito. Hindi ako dapat umasa na magiging normal ako tulad ng mga kaedad kong nag – aaral dito.

I hate when my father is right. I was still running. It is my coping mechanism but then, I was suddenly stopped. I felt something hard hit me and I lost balance. Napaupo ako sa daan at nabitiwan ko ang lahat ng hawak ko. Tears were still falling in my face, all I wanted is to go home, and cry inside my room basking in the warmth and love of my parents. But I can't. I'm stuck here and I don't want to be here.

I want Mymy...

xxxx

Montgomery San Antonio – Yu

"Tarantado ka, Monte! Nakasagasa ka pa!"

Tiningnan ko lang si Serge habang hindi ako mapakaling palakad – lakad sa labas ng emergency room kung saan ko dinala ang babaeng nabundol ko kanina. Hindi ko alam kung anong nangyari. I made sure that no one was on the road at that time, but she appeared so suddenly. Mabuti na nga lang at natapakan ko agad ang brakes kundi ay baka mas malala pa ang kinalabasan ng pangyayari.

"Hala! Siya iyong classmate ni Erika!" Serge was talking about his sister who was studying at the university. First year college ang kapatid niyang si Erika at madalas kong nakakasama ang magkapatid dahil – well sila lang naman ang nagtatiyaga sa akin at sa ugali ko – according to others.

"What's her name then?" I asked Serge. I finally stopped pacing back and forth. "Akala ko ba kaklase ng Erika, bakit hindi mo alam ang pangalan?"

"Hindi naman sinabi ni Erika pero kanina sa cafeteria nasigawan ko siya kasi akala ko kasama siya sa grupo na umaaway sa kapatid ko. Hindi pala. Mali ako, nag-sorry naman ako pero hindi siya sumasagot. Masungit na nga sinagasaan mo pa, paano kung lalong sumungit iyan? Paano kung magka-amnesia? Hala! Magagalit ang pamilya niya sa'yo."

"Tumahimik ka nga, Sergio!"

"Galit na nga ang pamilya mo sa'yo, galit pa rin sa'yo ang pamilya ng biktima!"

"I said stop!" Inis na inis na wika ko. Hindi ko naman ginusto ang nangyari. Bigla na lang siyang lumabas sa kung saan.

Hindi naman nagtagal ay lumabas ang nurse mula sa emergency room. I guess that was a good thing. Nurse ang lumabas, good news, kapag doctor, bad news, and I am speaking based on experience.

"Kayo ba ang mga kasama noong pasyente?"

"Siya po ang nakasagasa." Tinuro agada ko ni Sergio. Inirapan ko muna siya bago ako tumingin sa nurse.

"Aksidente po ang lahat ng ito. Kumusta po siya?"

"Hindi kami allowed na magbigay ng information tungkol sa pasyent kung hindi kayo kapamilya."

"But..."

"Pero para sa ikatatahimik ng konsensya mo, maaayos naman siya. Ayaw nga lang niyang magsalita. May mga galos lang siya sa braso at binti. Iyong mga tests naman na ginawa sa kanya, nakabalik na ang results at maayos ang lahat. Ang problema, ayaw niyang magsalita. Iyak lang siya ng iyak. I guess you need to find her in case of emergency contact person." The nurse nodded at us and left. Kahit paano naman ay nakahinga na ako nang maayos matapos kong malaman na maayos naman pala ang babaeng muntik ko nang masagasaan.

"Pre, pre, ito oh!" Kinalabit ako ni Sergio. Nakita kong ginalaw niya ang gamit noong babae. Iniharap niya sa akin ang ID nito. Noon namin nalaman na ang pangalan pala niya ay Yula Maria Consunji.

"Consunji?" Tanong ni Sergio sa akin. "As in Consunji Hotels? Consunji Empires? Consunji Leisure Park and Hotels? Consunji iyong mayaman? Consunji!" Muli kong tinapunan ng masamang tingin si Sergio at saka hinablot ang ID ni Yula Maria Consunji. May nakalagay na number doon. Huminga ako nang malalim at saka ko tinawagan iyon para ipaalam ang nangyari sa kanya. Hindi naman nagtagal ay may sumagot na babae.

"Hello, good afternoon po. Is this Alyza Mae Consunji?" Agad naman nagbigay ng confirmation ang kausap ko sa kabilang linya.

"Hello, I'm Montgomery San Antonio – Yu. I'm calling on behalf of Yula Maria—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil agad niyang itinanong kung anong nangyari. Mabilis ko namang sinagot ang tanong niya minus the fact na ako ang muntik nang makapahamak sa anak niya. Hindi naman ako nagsinungaling. Hindi ko nga lang sinabi ang totoo.

She said she will be here in fifteen minutes. Isa lang ang ibig sabihin noon, hindi siya malayo rito.

"Sergio, hintayin mo iyong nanay dito." Sabi ko sa kaibigan ko. Nakaupo siya sa longue habang yakap – yakap ang mga gamit ni Yula Maria. Hindi naman ako aalis pero gusto ko siyang silipin sa loob pero paano kapag tinanong niya sa akin kung anong ginagawa ko roon? Napatitig ako sa MacBook na yakap ni Sergio, agad kong kinuha iyon at pumasok na sa loob ng mga kurtinang nagtatago kay Yula Maria.

I found her on the bed, sitting. She was covered with the hospital blanket. Yakap – yakap niya ang mga tuhod niya habang nakayuko. I guess she was crying. Nag-alala ako, natakot ba siya nang husto dahil sa nangyari? Hindi ko naman sinasadya ang lahat ng ito. She looked so tiny and scared, and I have no idea what I'll do.

"Excuse me..." I spoke and it came out hasher than I intended to. Bigla siyang nag -angat ng paningin at tumitig sa akin. Mukhang nagulat siya. Nabakas ko ang takot sa kanyang mga mata.

"I didn't mean to... I'm sorry." Sinubukan kong hinaan ang tinig ko. She looked away. "Look, here's your laptop." Wika ko sa kanya at inilagay iyon sa kama upang makita niya agad. "I didn't check. I hope hindi nasira saying naman ang files mo." She looked at the laptop and then she looked away again.

"Look, I'm sorry. I didn't see you running that way. Hindi ko talaga sinasadya."

Hindi niya ako pinapansin. Napabuntong – hininga na lang ako. Siguro ay galit siya sa akin dahil sa ginawa ko at hindi niya pa maintidihan sa ngayon na hindi ko iyon ginusto. I am trying to be good. Isa pa, hindi naman ako masama para sadyain na manakit ng tao.

Bahagya akong nagulat nang bumukas ang mga kurtina at mula roon ay nakita ko ang isang babaeng nakasuot ng dilaw na dress na punong – puno ng pag – aalala ang mukha. Yula Maria looked at her way and that was when it clicked to me. Yula Maria suddenly cried like a little girl lost in the mall. I was so sure that she is the mother – Alyza Mae Consunji. Agad siyang lumapit sa hospital bed at niyakap ang anak niya. I stood there looking at them. Alyza was trying to comfort her crying daughter and I felt too much here kaya nagdesisyon akong umalis.

Bago ako tuluyang lumabas ng silid ay nilingon ko sila sa huling pagkakataon.

I saw Alyza use her hands while looking at Yula Maria. She looked so worried. Hindi nakalagpas sa akin ang ginagawa nila. Yula Maria did the same thing and then she hugged her mom.

Oh... that was the reason why she's not answering me...

She could hear me... But she couldn't speak...

Oh...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top