Chapter 22

Chapter 22

Being around art is therapeutic... pero ngayon, parang hindi siya tumatalab sa akin. Kanina pa ako naka-titig sa cellphone ko at naghihintay na magvibrate iyon. Sinubukan ko na na ilagay iyon sa loob ng bag ko at i-focus sa iba ang atensyon ko, pero buma-balik pa rin ako sa pagtingin doon.

"Lalim ng iniisip."

Napa-tingin ako kay Kuya. Kumunot ang noo ko. "Off mo?"

Tumango siya tapos ay naupo sa tabi ko. Nandito ako sa labas ng gallery. Gabi na rin kasi kaya halos wala ng tao. Nandito ako kasi akala ko mas kakalma ako rito. Ni hindi ko nga alam kung bakit ako kinakabahan e sa birthday dinner naman pupunta si Chase.

Sana maging maayos 'yon.

"Bigla kang umalis," sabi ni Kuya.

"I needed to," sabi ko sa kanya.

"Okay ka lang?"

Tipid akong tumango tapos tumingin sa kanya. "Kuya," pagtawag ko. "Nung college ka, gusto mo rin ba 'yung Chemical Engineering?" I asked, remembering nung college ako ay narinig ko na isa iyon sa pinaka-mahirap na degree.

Nagkibit-balikat siya. "Okay naman."

"Pero hindi mo naisip na kumuha ng nursing? O biology? O anything na related sa medicine?"

"San ba papunta 'tong tanong na 'to?"

Nagkibit-balikat din ako. "Hindi ko rin alam," sabi ko sa kanya. "Iniisip ko lang na halos pareho naman tayo ng naranasan, pero ikaw, okay ka naman na kay Mama, pero ako parang ang hirap-hirap maging okay sa kanya."

At this point, I think kaya kong mabuhay na wala na siya—as in kahit hindi na kami magkita kahit kailan, walang magiging parang kulang sa akin.

And I was fine with that...

But then, seeing Chase struggle because of his family situation? Hindi ko mapigilan na mapa-isip... Na meron ako nung bagay na gustung-gusto ng ibang tao.

"Ano ba'ng pinag-usapan niyo?"

"Gusto niya raw umattend ako sa kasal."

"Nagsorry man lang ba siya?"

I shrugged. "Basically a non-apology..." sabi ko. "O baka mataas lang ang standards ko sa apology."

Sa totoo lang, kahit humingi siya ng sorry na totoo sa akin, parang hindi rin kasi talaga ganoon kadali na kalimutan na lang lahat. Kasi hindi naman isang gabi nangyari lahat. It took her years of emotionally neglecting me... Hindi naman 'yan nabubura ng isang iglap lang. Hindi ko nga alam kung mabubura pa ba.

"Si Mama talaga..." sabi niya na may konting pag-iling.

"Bakit?"

"Sabi niya kasi sa 'kin magsosorry daw siya kaya pumayag ako na imbitahin ka sa dinner."

"Really?"

Tumango si Kuya. "If it were anything else, hindi naman kita iimbitahin kasi alam ko naman 'yung sitwasyon," sabi niya sa akin. "Sorry. Akala ko nagbago na."

I shrugged. "It's fine," sabi ko.

"No, it's not," sagot ni Kuya. "Hindi okay 'yung ginawa niya sa 'yo. Akala ko nun tapos na nung inenroll kita. Sinabi ko naman sa kanya na ako bahala sa 'yo kung 'yun ang inaalala niya. Maganda naman trabaho ko—'di ko naman kayo pababayaan."

I smiled because it's true—hindi kami pinabayaan ni Kuya. Kahit nandyan na si Ate Niles, kahit ang dami ng nangyari sa buhay niya, nandyan pa rin siya. Kung hihingi nga siguro ako ng allowance sa kanya ngayon, kunwari lang na ayaw niya pero bibigyan niya pa rin ako.

"Sorry," sabi niya.

"Not your fault," I told him.

"Hindi na kita kukulitin tungkol kay Mama," sabi niya sa akin. "Kung gusto ka niyang kausapin talaga, siya na mag-initiate."

"I doubt it—may bago na siyang pamilya."

I was serious nung sinabi ko sa kanya na sana ayusin niya iyong pagpapa-laki sa mga anak ng mapapangasawa niya. 'Wag niya ng ulitin pa iyong ginawa niya sa amin ni Kuya. Sana natuto na siya.

"Aattend ka ng kasal?" tanong ko kay Kuya.

Tumango siya. "Ikaw?"

"Hindi ko pa alam," sabi ko. "Pero kung attend ako, isasama ko si Chase."

Tumango si Kuya. "Kayo na?"

Tumango ako. "May reklamo ka?"

Umiling siya. "Wala akong balak maging kontrabida sa inyo."

"Good," I said and he rolled his eyes. "Nag-uusap ba kayo?"

He shrugged. "Minsan."

"Gusto niya ring maging neurosurgeon," I said.

"I've heard."

"Tulungan mo."

"Inuutusan mo ba ako?"

"Oo."

Natawa si Kuya. "Fine," he said. "But I don't think he needs any help from me—he's doing great on his own," dugtong ni Kuya at saka kinwentuhan ako ng ilan sa mga chismis nila sa hospital. Seriously, ang dami palang chismis sa St. Matthew's.

Nang magsara na iyong gallery ay nilibre ako ni Kuya ng dinner. Hinatid niya ako sa apartment pagkatapos nun—naka-libre pa ako ng takeout kaya may pagkain na ako bukas.

"Marian," pagtawag ni Kuya bago pa man ako maka-labas sa pinto. Napa-tigil ako at tumingin sa kanya. "One call away kung may kailangan ka, okay?"

I nodded. "I know."

He tousled my hair. "Sige na, may duty pa ako mamaya."

Pumasok na ako sa building at umakyat sa apartment ko. Ibinaba ko iyong mga gamit ko sa lamesa at saka pumasok sa CR para maglinis ng katawan at magpalit ng damit. I was wearing a black cotton shorts at maluwag na puting t-shirt na halos butas na nga. Kay Kuya kasi 'to. Marami akong t-shirt ni Kuya kasi masarap isuot kasi maluwag.

After kong maglinis ng katawan, inayos ko na iyong pagkain para ilagay sa ref nung maka-rinig ako ng katok. Mabilis kong iniwan iyon at pumunta sa pintuan. Nang sumilip ako sa peephole ay nakita ko si Chase.

"Hi—"

Napa-tigil ako dahil agad niya akong niyakap. I instinctively wrapped my arms around him. He felt tired. Possible pala 'yon? Na maramdaman mo iyong pagod ng isang tao? Kahit sa yakap lang?

"Sorry," sabi niya habang yakap pa rin ako. "Kaka-ligo mo lang," he added dahil alam niya na ayoko ng mauupo ako sa couch o sa kama na galing sa labas iyong damit. Kaya nga ang una kong ginagawa pag-uwi ay ang maglinis ng katawan.

"No, it's fine," I told him. "Kumain ka na ba?"

"Medyo."

"Paano 'yung medyo?"

"Di ko rin alam," he replied. "May bukas pa ba na pwedeng orderan?" he asked.

"May pagkain dito," sabi ko sa kanya.

"Okay," sagot niya, pero hindi siya bumitaw sa yakap.

We stood there for minutes habang yakap niya lang ako. It was fine by me—I liked hugging him. I liked his scent. It was weird but sometimes, when I miss him, niyayakap ko lang iyon unan na lagi niyang hawak kapag nandito siya. It smelled like him. Ayoko kasing magtext sa kanya lagi dahil alam ko naman na busy siya sa duty niya. I was good with him spending time with me when he's able.

Nang bumitiw siya sa yakap, kumuha ako ng plato at inilagay iyon sa lamesa. Nilabas ko rin sa paperbag iyong container nung pagkain. I just quietly sat there as he began to eat. Hindi ako nagtanong kung ano iyong nangyari sa dinner nila dahil obviously, naubos iyong lakas ni Chase doon. Nagsigawan kaya sila? I highly doubted it—dun palang sa dalawang kapatid niya na nakilala ko, mukhang hindi mahilig sumigaw. Mas mukhang magwwalkout sila kaysa sumigaw.

"Thank you," sabi niya nang magsalin ako ng tubig sa baso at iabot sa kanya iyon.

"Gusto mo ng dessert?" I asked because he looked like he could use an icecream.

Umiling siya. "Pumunta silang lahat," he said.

"That's nice," I replied.

"Yeah... I don't know about that," sabi ni Chase.

"Gusto mong magkwento?" I asked.

"Some other time," he replied. "May duty pa ako mamaya. Gusto kong magpahinga," dugtong niya na para bang pagod na pagod siya sa birthday dinner na nangyari—parang ako lang nung kay Mama naman.

I made coffee for the two of us—decaf sa akin at matapang sa kanya. Nandoon kami at naka-tayo sa may malapit sa bintana. Naka-tingin lang kami sa kalsada at sa mga dumadaan na sasakyan.

"I'm done trying to get in between," biglang sabi niya.

Tahimik lang akong sumisimsim ng kape ko habang nakikinig sa kanya. I felt like he didn't need any of my input—he just wanted to vent and have someone who would listen.

"Basta sinabi ko na sa kanila iyong lagay ni Papa. Bahala na sila sa gagawin nila," dugtong niya. Tumingin siya sa akin. "Ayoko ng lumagay sa gitna," he said, looking at me.

"Okay," I said.

"Okay lang ba 'yon?"

I nodded as I caressed his cheek with my thumb. "There's nothing wrong with putting yourself first," I told him because I'd been in a similar situation. It's draining. It's exhausting. I wouldn't want that on anyone else.

Then he sighed. "Di ko kayang iwan si Papa."

"Because you're a good son."

"Or maybe I just don't want the guilt," sabi niya. "Because if I leave, no one will be left behind—hindi kagaya nung umalis sila Ahia na may naiiwan. Kapag ako iyong umalis, wala ng matitira," he added as I heard him give out a heavy sigh. "Ang unfair."

I looked at him.

"Of course I care about him—he's my father. But... I want a life, too, kagaya ng mga kapatid ko," he said as he sighed. "Ang selfish," sabi niya.

"What? No," sagot ko. "Ako pa talaga? Ako na naglayas sa bahay nila at pumunta ng London bigla ang sasabihan mo na selfish ka?" I told him. I reached for his hand and held it tight. "Look, whatever you decide, nandito lang ako. Kung gusto mong doon ka lang sa bahay niyo, fine by me. Kung gusto mong umalis at maging independent, fine by me. I won't judge you. I promise."

He smiled as he got my hand and kissed the back of it.

"Thank you," he said.

"Just giving back the same energy," sabi ko sa kanya. "I will never judge you because I'll also try my best to understand where you're coming from."

He cupped my face and planted a kiss on my lips.

"Thank you," he whispered.

"You're welcome," I replied.

"But it's not like I'll live there forever," sabi niya. "I have plans."

"I know."

"You know about my plans?"

"No."

"Bakit sabi mo I know?" I shrugged. Natawa siya tapos ay kinabig ako at saka niyakap. I would definitely be taking a bath again. Kanina pa niya ako niyayakap habang suot niya 'yang damit niya galing who knew where.

"I mean, plano mong maging neurosurgeon in ten years."

"Of course I have plans in between."

"Like?"

"I don't know... Getting married?"

"Kanino?"

"Kanino sa tingin mo?"

"Aba, malay ko?"

"Gusto mo ng clue?"

"Okay."

"Maganda siya pero may toyo—" he said and he was not able to finish dahil kinurot ko siya. Sigurado ako na namumula iyong parte na 'yon dahil sa puti niya. "Aray naman," reklamo niya. Umirap ako. Tumawa siya. "Marian," he called.

"What?"

"I just want to ask," sabi niya. Naka-tingin lang ako sa kanya. "What's your stand on marriage?"

Kumunot ang noo ko. "Magpo-propose ka ba?" tanong ko sa kanya. Hindi ako kinakabahan... for some reason. This conversation felt normal.

"Ngayon? Hindi," sabi niya. "I just want to know."

I shrugged. "Not against marriage," sabi ko. Okay naman iyong kasal ng mga magulang ko nung buhay pa si Papa... Okay din naman iyong relasyon nila Ate Niles at Kuya... "But for me, it's just a piece of paper—mas mahalaga iyong commitment sa isa't-isa."

Tumango si Chase. "Say... if I were to propose a marriage, okay lang sa 'yo?"

"Kung ngayon, hindi," sabi ko sa kanya. "Ni wala pa nga tayong isang taon."

Natawa siya. "Turn mo na para bastedin ako, kung sakali," sagot niya tapos ay inirapan ko lang siya. "Hindi pa naman ngayon."

"Kasama sa in ten years mo?"

Tumango siya. "I just want to know kasi baka ayaw mo pala sa kasal kasi sabi mo dati ihahagis mo 'yung bouquet, e."

"Paano kung ayaw ko pala?"

He shrugged. "Like you said, mas mahalaga iyong commitment."

"You'll be fine with that?"

He nodded. "I'll take what you can give."

Umirap ako. "Ang corny na naman."

Tumawa siya tapos ay niyakap na naman ako. "But in all seriousness," he said as he hugged me tighter. "Thank you for keeping me sane, Marian," he whispered as I felt him kissing the top of my head.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top