Chapter 20
Chapter 20
"Sino 'yung nandun?" tanong ko kay Chase habang on the way kami sa resto kung saan kami magdidinner ng mga kapatid niya. I wore a beige button down dress and flats. Puro neutral color lang iyong mga damit ko. Mas madali kasing bagayan. Ayoko rin ng madaming damit kasi naisip ko kung aalis ako, ang hirap niya dalhin lahat. Gusto ko iyong kasya na iyong buong buhay ko sa dalawang malaking luggage—except sa mga artworks ko.
"Ahia and Sahia," he replied. "Busy sila Achi at Dihia—some other time."
Mas mabuti siguro na dalawa muna. Masyadong marami kapag lima silang Viste na nasa harapan ko. Nung una kong makilala si Chase, he was unnerving because of his looks... I could only imagine kung ano ang itsura kapag magkakasama silang limang magkakapatid.
"Sahia si Chester, tama ba?" I asked and he nodded. "Anong name ng Ahia mo?" tanong ko dahil baka bigla ko ring matawag na Ahia.
"Frederico Carlisle," he replied. "Named after our angkong, pero Lyle ang tawag sa kanya ng mga kakilala niya."
Tumango ako. "So, ano ang itatawag ko sa kanya?"
He shrugged. "Lyle?" sabi niya.
"Di ba siya magagalit?" I asked kasi nasabihan na ako noon na bastos ako dahil hindi ko tinatawag na Ate si Yanyan. Mas weird kasi kung tatawagin ko siyang Ate dahil nag-aaway lang kami lagi dati. Si Ate Niles, mas madali sa akin na tawagin na Ate dahil ever since, mahaba ang pasensya niya sa akin.
"I don't think so," sabi niya. "Gusto mo tawagin mo rin na Ahia?"
Umiling ako. "Ayoko."
Natawa siya. "Sabihin mo practice lang for the future."
Hindi ko na lang pinansin iyong sinabi niya about sa future. Ginagawa ko lang iyong sinabi ni Chloe dati na 'wag pansinin iyong ganito kasi baka umasa. Not that umaasa ako sa mga 'future' na sinasabi ni Chase. I like him. He likes me. Pero bata pa kami. Marami pang mangyayari sa amin. I just wanted to enjoy one day at a time.
"Three squeeze," sabi niya nung huminto kami sa parking nung resto.
Tumango ako. "Thank you," I replied.
Pagpasok namin sa loob ay alam ko na agad kung sino iyong mga kapatid niya. Alam ko na rin kung sino iyong si Ahia at kung sino si Sahia... probably dahil pamilyar na si Chester sa akin. Baka naka-salubong ko na siya sa St. Matthew's at hindi ko lang alam na siya pala iyong kapatid ni Chase. Marami kasing singkit sa ospital na 'yon.
"Ready?" he asked.
"Dinner lang naman 'to, 'di ba?"
Tumango siya. "Si Ahia magbabayad, so magpaka-busog tayo," sabi niya. I just shook my head in disapproval, pero tinawanan lang ako ni Chase. Minsan lang daw kasi manlibre iyong Ahia niya kaya kapag nililibre sila, sinusulit talaga nila—kagaya nung Netflix na wala naman halos gumagamit pero nandoon pa rin dahil Ahia niya iyong nagbabayad. Para sa pamilya na may pera, napaka-kuripot nila. Kaya siguro nananatiling mayaman ang mga mayayaman dahil ayaw maglabas ng pera.
"Ahia, Sahia," pagtawag ni Chase nung maka-lapit kami sa lamesa. Tumingin sa amin iyong dalawang kapatid niya. Iyong Ahia niya ay naka-suot ng puting short sleeved button down polo na may Chinese collar at may black rimmed glasses. Seryoso din iyong itsura niya. Mas kamukha 'to ng tatay nila. Kasing seryoso din. Si Chester naman ay naka-suot ng itim na shirt. Sabi sa akin ni Chase, puro black daw iyong damit ni Chester para hindi halata na madumi. Hindi ko alam kung totoo o sinisiraan niya lang iyong kapatid niya.
Tumayo iyong Ahia niya at inoffer ang kamay sa akin.
"Nice to meet you," sabi niya sa mababang tono ng boses niya.
"Likewise," sagot ko. Masyado namang pormal ang isang 'to. Pakiramdam ko ay nasa business meeting ako.
"Hi," sabi ni Chester sa akin na may kasamang matipid na tango. Hindi ko siya matawag na Sahia. Hindi ako sanay.
"Hi," I replied. "I'm Marian."
"I know," sagot ni Chester. "Kapatid mo si Nicolas?"
Tumango ako. Alam ko hindi sila close ni Kuya sabi ni Yanyan, pero sabi naman ni Kuya ay wala naman silang problema ni Chester. Either way, ayokong sumali doon dahil matanda na sila. Kung may problema man sila, 'wag nila akong idamay.
Naupo na kaming dalawa ni Chase. Magkatabi kami habang kaharap ko naman si Chester at kaharap ni Chase iyong Ahia niya. Ibinigay na sa amin iyong menu. Unang umorder iyong Ahia niya. Napaka-pormal naman niyang tao. After ay umorder si Chester. Tumingin sa akin si Chase.
"What's your order?" mahinang tanong niya sa akin.
"Pasta lang," I replied.
"Di ka gutom?" Umiling ako. "Okay."
Nauna ako kay Chase na umorder. Nung natapos lang ako ay saka siya ang umorder. Nung umalis iyong waiter ay mayroong katahimikan sa table namin. Wala naman ata sa aming mahilig magsalita. Ang pormal ng kuya nila. Si Chester mukhang perpertually bored. Si Chase, to be honest, ako lang ata ang kinakausap niya. Tinanong ko siya kung may ka-close ba siya sa mga kasama niya sa hospital, sabi niya ay meron naman, although hindi as in close kasi hindi siya nakaka-sama kapag lumalabas sila. He said that he'd rather sleep... o ngayon na kami na, he'd rather go to my apartment and hangout.
"Chase said that you're a professional painter?" tanong ni Ahia.
Tumango ako. "Still starting."
"That's good," sabi niya. "Everybody has to start somewhere."
Pinisil ko iyong kamay ni Chase na naka-patong sa binti ko. Hindi ko alam kung paano magmaintain ng conversation kaya naman siya na ang nakipag-usap sa kapatid niya. They would include me in the conversation every now and then. Mas maayos iyon. Ayoko na nasa akin iyong atensyon nilang lahat.
Nung dumating iyong pagkain ay kumain na kami. Si Ahia ay... hindi ko alam... but even the way he ate? He looked... professional. May ganon pala? Mukha siyang hindi maka-basag pinggan. Ano kaya itsura at ugali ng kapatid na babae ni Chase? Sabi niya kaugali ko raw, e... whatever that meant.
"Are you free on the 28th?" tanong bigla ni Ahia habang pinupunasan niya iyong gilid ng labi niya nung table napkin.
"Why? For Papa's birthday?" tanong ni Chase.
"Right..." sabi ni Ahia na parang noon niya lang naalala na birthday pala ng tatay nila. "Nevermind."
"Pupunta ba kayo? Papa will surely ask me to invite you for dinner."
Tumango si Ahia. "I'll come."
"Sahia?" tanong ni Chase.
"Duty," tipid na sagot ni Chester.
Tumango na lang si Chase na parang alam niya na hindi na dapat siya magpilit pa. After a few minutes, tumayo na rin si Chester at nagsabi na may duty pa raw siya. Mukhang hindi naman totoo, pero wala namang umangal sa dalawa pa niyang kapatid. Nagpaalam siya sa amin.
"He'll come around," sabi ni Ahia nung makaalis na si Chester.
"I hope so," sabi ni Chase. "Papa's sick, but he doesn't want me to tell Sahia and Dihia. He doesn't want to guilt them into visiting."
Nag-excuse ako para magcr dahil masyado ng pribado iyong pinag-uusapan nila. After kong magcr, habang naghuhugas ako ng kamay, nakita ko na may text si Kuya.
'You're free to say no, pero dinner daw sabi ni Mama?'
Naka-tingin ako sa screen ng cellphone ko habang pinupunasan ko ng tissue iyong kamay ko. Sobrang timing naman nito.
'Bakit daw?'
'Not sure... pero sabi niya may mahalaga daw siyang sasabihin.'
Inilagay ko iyong cellphone ko sa bag ko. Lumabas na ako. Natapos din iyong dinner. Si Ahia nga iyong nagbayad nung bill. I offered, but he said na siya na ang magbabayad. Habang nasa sasakyan kami ni Chase, tahimik lang siya. Siguro ay iniisip niya pa rin iyong birthday ng Papa niya na mukhang siya lang at Ahia niya ang pupunta.
"I want to drive around. Gusto mo na bang umuwi?" he asked.
"Sama ako," sabi ko dahil ayoko na iwan siya na ganito.
Chase drove around in silence. Halos isang oras kaming paikut-ikot lang hanggang sa huminto kami sa kung saan niya ako dinala dati. May mga eroplano kaming nakikita sa langit.
I didn't tell him to talk.
I didn't tell him that I'd listen.
Basta nandoon lang ako sa tabi niya.
"It's not like Papa's dying," sabi niya. "But he'd had two cardiac arrests in the last two years... Who knows? The next one can be fatal."
Tumingin siya sa akin.
"Ang hirap maipit sa gitna," dugtong niya. "I understand my siblings... but I also understand Papa."
"Sabi mo sobrang higpit niya?"
Tumango siya. "Sobra."
"To the point na umalis lahat ng kapatid mo?"
Tumango ulit siya. "As I've said, tanggap ko naman kung bakit umalis sila agad sa bahay. That was also my plan..."
"Bakit hindi mo ginawa?"
He shrugged as he looked up at the sky. "Papa got drunk one night... Naabutan ko siya na kinakausap iyong picture ni Mama. There's just... something about that. All my life, I viewed him as a tough, no-nonsense guy. Bawal mababa na grade. Dapat laging top sa class. Dapat kilala niya lahat ng kaibigan mo. I even hated breakfast because of him. Iyon lang kasi iyong panahon na kumpleto kami tapos puro pagalit lang. I can't remember us having a complete dinner together kasi laging may isa na wala sa amin. But that night? It's like, for the first time, he's human.
"He told Mama's picture that he misses her... and that he's trying his best, but it's hard to raise five children alone. That years after, he still doesn't know how to do it. That his family says that he should get married again and get a partner, but he doesn't want to. He said that he knows we all hate him, but at the very least, he'll make sure that we'll all be successful. Para raw kapag wala na rin siya, sigurado siya na magiging maayos kami."
I averted my gaze as Chase discreetly tried to wipe the tears from his eyes.
"I'm sorry. 'Di ko dapat sinasabi sa 'yo 'to. This is not your problem," sabi niya.
Inabot ko iyong kamay niya at hinawakan. He looked at me and smiled. I smiled back at him.
"Do you think I should tell them?"
I shrugged. "It's up to you," sabi ko sa kanya.
"If it were you?"
Hindi agad ako nagsalita. If it were me, if he asked me yesterday, I would say that... he should just leave his siblings alone. Their dad made his bed and he should lie on it.
"Tell them," sabi ko. "Para, at least, alam nila. Kung ayaw pa rin nila, desisyon na nila 'yon. At least you did your part," I added.
Tumango si Chase. "Okay."
I smiled at him. Inabot ko iyong kamay ko sa mukha niya. I caressed his cheek. Hinawakan niya iyong kamay ko at nginitian ako.
"Thank you for listening," he said.
"Thank you for sharing," I replied, as Chase kissed the back of my hand bago niya ilapit iyong mukha niya sa akin at halikan ako. We kissed for what felt like hours until both our lips felt numb. Nang ihatid niya ako pabalik sa apartment ko, itetext ko sana siya ng good night nang makita ko iyong text ni Kuya. I drew a deep breath as I replied Okay bago ko pinatay iyong cellphone at natulog.
**
This story is already finished on Patreon (patreon.com/beeyotch). Subscription starts at 100php per month for all stories.
If you're having any problems with your payment or if you want to pay via GCASH, you can email [email protected] for assistance.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top