Chapter 17
Chapter 17
"Uuwi na ako bukas," sabi niya habang magka-usap kami sa phone. Naka-loudspeaker ako dahil nagddrawing ako... or, at least, nagta-try ako magdrawing. Iniisip ko na kasi iyong susunod na piece ko para sa exhibit. Nakaka-tuwa na mayroong tatlo na bumili nung gawa ko. May tatlong tao na nagustuhan iyong gawa ko. Ewan. Nakaka-taba ng puso na iyong pinaghirapan mo, mayroong nakaka-appreciate.
"Alam ko," sagot ko sa kanya. "Pang-apat na beses mo ng sinabi 'yan."
Tumawa siya. "Talaga ba?"
"Yes."
"Ah... Excited lang kasi ako umuwi."
Hindi ako nagsalita. Ewan ko kung bakit ako nahihiya e ako naman iyong humalik sa kanya. Gulat na gulat ata siya sa nangyari dahil natulala lang siya pagkatapos. Bigla naman akong inatake ng hiya kaya agad din akong umalis at naglakad palayo.
"Text kita kapag NLEX na kami," sabi niya.
"Okay."
"Dinner tayo."
"Okay."
"Date 'yun, ah."
"Okay."
"Girlfriend na kita?"
"Ok—" natigilan ako. Natawa siya. "Nice," sabi ko.
Tumawa na naman siya. "Puro ka kasi okay e."
"May ginagawa kasi ako," sabi ko sa kanya.
"Busy ka ba? Dapat sinabi mo para mamaya na lang ako tatawag."
"No, hindi naman," sagot ko. "Nagssketch lang ako para sa susunod na painting ko."
Nag-usap pa kami ni Chase hanggang ako na iyong magpaalam kasi rinig na rinig ko na iyong antok niya dahil sa paghikab niya sa kabilang linya. Pansin ko na kahit naka-pikit na siguro ang mga mata niya, hindi siya ang unang magpapaalam sa amin. Ako na iyong naaawa sa kanya kaya ako na ang tumatapos sa usapan namin.
After that, akala ko ay mapapahinga na ako, pero si George naman ang kausap ko. Sandali lang kaming nag-usap dahil kinailangan niya ng lumabas dahil may bar crawl daw sila ng bagong mga kaibigan na nakilala niya sa Boracay. Iyon talaga ang tao na kahit saang parte ng mundo mo ata dalhin ay kaya niyang magkaroon ng kaibigan.
The next day, I had lunch with Kuya and Ate Niles. Himala na sabay sila na free kaya naman napagdesisyunan namin na maglunch.
"Pumunta kami sa exhibit nung isang araw," sabi ni Kuya. "Wala ka dun."
"Wala naman ako dun araw-araw," sagot ko. "Sana sinabi mo para nagpunta rin ako."
"Sumama si Mama," biglang sabi ni Kuya.
"Oh? Bakit daw?"
"Gusto niyang makita gawa mo."
Tumango na lang ako at hindi na nagsalita pa. Naramdaman siguro ni Ate Niles na may kakaibang nangyayari kaya nag-excuse siya para pumunta raw sa CR.
Tahimik lang ako na kumakain. Ano naman kung nagpunta si Mama? Hindi ko naman siya pipigilan. Kahit doon pa siya magcamping, okay lang naman sa akin. Buhay niya naman 'yan.
"Hindi kita pipilitin na makipagkita kay Mama," sabi ni Kuya.
"Buti naman," sagot ko. Tumingin ako kay Kuya. "Alam ko nanay ko siya. Alam ko siya naglabas sa akin sa mundo. Alam ko lahat 'yan," diretso na sabi ko sa kanya. "Pero ayoko siyang makita. Ayoko siyang maka-usap. Ayoko. Period. Hindi ko kailangan mag-explain kung bakit."
Walang expression sa mukha ni Kuya. Tumango lang siya.
"Okay," sabi niya.
"Okay," sagot ko.
"Sorry," sabi niya.
"Not your fault."
Umiling siya. "Pakiramdam ko kasalanan ko. I should've intervened bago pa umabot sa punto na ganito," sabi ni Kuya. Umirap ako. Bakit ba feeling niya kasalanan niya? Hindi niya naman kasalanan na ganoon sa akin si Mama? Ako nga hindi ko naman siya sinisisi, so bakit niya ba sinisisi iyong sarili niya?
"Pwede ba 'wag na nating pag-usapan si Mama?" sabi ko.
"Okay..." malungkot na sabi niya.
"Thank you," sagot ko. "Hindi naman kita pipigilan na makipagkita kay Mama. Ang akin lang, pabayaan mo na ako rito. Hindi ko naman alam kung baka next year magbago ang isip ko. Who knows? Pero ngayon, ayoko. Kaya sana irespeto mo na lang, Kuya."
Tumango si Kuya. "I understand."
"Thank you," muling sabi ko. "Tawagin mo na si Ate Niles at baka kung ano na ginagawa sa CR nun," dugtong ko kasi ang tagal ng nasa CR ni Ate Niles. Baka nagoonline consultation na 'yon doon.
Pagkatapos ng lunch namin ay pumunta muna ako sa Quiapo para bumili ng art materials. Mas mura kasi talaga roon. Saka ewan... therapeutic sa akin na pumunta roon. Mas maayos na ako ngayon. Mas payapa na iyong buhay ko. Kapag pumupunta ako doon, naaalala ko iyong kahapon. And I become more thankful for the peace that I have now.
Pag-uwi ko sa apartment ay naglinis ako ng katawan. Nagpalit ako ng maluwag na puting shirt at cotton shorts. Ganoon lang naman ang suot ko lagi kapag nasa apartment lang. Nainspire ata ako sa pagpunta ko sa Quiapo dahil naka-gawa ako ng bagong sketch. Baka ito na lang ang gawin ko... O kapag hindi, ito na lang iyong pang next month ko.
"Sorry, ngayon ko lang nabasa text mo," sabi ko nung makita ko na tumatawag si Chase. Kanina pa pala siya nagtext na nasa NLEX na sila. Malamang naka-uwi na siya ngayon.
"It's okay," sabi niya.
"Nakauwi ka na ba?"
"Hindi pa."
"Nasa hospital?"
"Hindi rin."
"Nasaan ka?"
"Labas ng apartment mo."
Kumunot ang noo ko. Tumayo ako at lumapit sa may pintuan. Binuksan ko iyon. "Wala ka naman dito," sabi ko habang sinasara iyong pinto at naglalakad pabalik.
Tumawa siya. "Tinignan mo ba sa labas?"
Tumango ako. "Wala ka naman."
"I mean, naka-park ako malapit sa apartment mo," he replied. "Weird naman kung pupunta ako d'yan bigla."
"Bakit naman weird?"
"Wala lang."
"Puntahan kita d'yan?"
"Yes, please. Unless gusto mo na ako pumunta d'yan?"
I looked around. Maayos naman iyong apartment ko apart sa mga art materials na nagkalat. Hindi naman siya mukhang maduming tignan. Besides, medyo tinatamad akong lumabas dahil lumabas na ako kanina nung naglunch kami nila Kuya. At saka ang kumportable ko na sa suot ko.
"Pwede naman," sagot ko.
"Really?"
Tumango ako habang kinukuha iyong mga brush at inilalagay sa basket lahat para magkakasama na sila. "Yes. Mag-order na lang tayo ng pagkain," sabi ko. Naghintay ako ng sasabihin niya, pero isang minuto na ang lumipas at wala pa rin akong naririnig sa kanya. "Hello?" sabi ko.
"Yeah... Still here," sabi niya sa mas mababa na tono ng boses.
"Ayaw mo ba? Pwede naman ako lumabas—"
"No, pupunta ako," mabilis na sagot niya naman ngayon.
"Okay," sabi ko. "Third floor, room 308," dugtong ko.
Hindi ko alam kung bakit nag-effort pa ako na magwalis kahit malapit naman na siya. After a few minutes, naka-rinig na ako ng katok sa pintuan. Lumapit ako roon. Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko siya na naka-khaki shorts at naka-suot ng itim na hoodie na may pangalan ng SCA Health Institute.
"Hi," sabi ko.
"Hi," sagot niya.
Naka-tingin lang kami sa isa't-isa.
"May mga takeout menu ako," sabi ko sa kanya. "Ano ba ang gusto mong kainin?" tanong ko dahil mukhang siya iyong mas pagod dahil medyo maitim iyong eyebags niya. Akalain mo na tinatablan pala siya ng eyebags? Akala ko ay lagi lang siyang... fresh. Ganoon kasi talaga ang description kapag naka-tingin ako sa kanya.
"Kahit ano," sagot niya. "Pwede request muna?"
"Ano?"
"Payakap."
Bahagyang napaawang ang labi ko. Napa-kurap. "Okay..." sabi ko dahil ano ba ang dapat na isagot doon? Pero hindi na ako nakapag-isip pa nung bigla akong yakapin ni Chase. Hindi ko alam, pero parang sa paraan ng pagyakap niya ay naramdaman ko kung gaano syia kapagod. Kaya naman hindi na lang ako nagsalita at hinayaan siya na yakapin ako.
"Thank you," sabi niya after ng ilang minuto na yakap niya lang ako. For a second, inisip ko na naka-tulog na siguro siya, pero hindi naman.
"You're welcome," naweirduhan na sagot ko.
Pumasok lang si Chase nung sabihin ko na pumasok siya. He looked around. Maayos naman iyong apartment. Hindi siya kasing ganda nung apartment ko sa London, pero ang pinaka-importante lang naman sa akin at iyong mag-isa ako at walang mangingielam sa akin.
"Gusto mo ng tubig? Kape?"
"Water lang," he replied.
"Ito 'yung menu," sabi ko sabay abot nung naka-staple na mga menu. Kumuha ako ng tubig at saka inabot sa kanya iyon. Nagpasalamat siya. Dahil maliit lang naman ang apartment ko, loveseat lang ang mayroon ako. Doon naka-upo si Chase habang naka-tayo ako sa may isang sulok ng apartment ko.
"Bakit nandyan ka?" tanong niya.
I shrugged. "Wala lang."
"Dito ka, oh," sabi niya sabay tapik sa pwesto sa tabi niya.
"Okay lang ako dito."
Tumawa siya. "After mo akong halikan, mahihiya ka ngayon na maupo sa tabi ko?" sabi niya.
Ramdam ko iyong pag-iinit ng pisngi ko. Agad na kumunot ang noo ko at saka naglakad ako papunta sa ref. Rinig na rinig ko iyong halakhak niya habang naka-upo siya sa sofa. Tsk. Patagal nang patagal, palala nang palala iyong mga sinasabi niya. Parang dati mysterious pa siya... ngayon, hindi ko na alam.
"Sorry na," sabi niya. "Di na kita tutuksuhin."
"Mamili ka na lang ng oorderin d'yan."
"Dito ka, tulungan mo ko."
"Kaya mo na 'yan."
"Di ko alam kung ano masarap dito."
"Lahat masarap."
"Okay. Ito na lang Thai food."
"Okay," sabi ko. "Nandyan iyong number. Ikaw na tumawag."
Naka-tayo lang ako sa tabi ng ref habang tumatawag siya dun sa may Thai resto. Nang matapos siya, lumingon siya sa akin. "D'yan ka lang ba talaga?"
Tumango ako. "Di nga tayo kasya."
"May space pa rito," sabi niya sabay turo sa tabi niya. "Kung ayaw mo, kandong ka na lang."
Ramdam na ramdam ko iyong pamumula ng mukha ko. Mas lalo lang ata siyang natuwa dahil ang lakas ng tawa niya. Ginagawa niya ng hobby iyong tuksuhin ako. Dahil siguro sa reaksyon ko.
Mabilis akong naglakad papunta sa kanya at naupo sa tabi niya. Alam ko iyong ganyan na ugali. Mas lalo lang siyang mawiwili kapag nakikita niya na naapektuhan ako sa ginagawa niya.
"Nagbago isip mo?" he asked nang maupo ako sa tabi niya.
"Manood na lang tayo," sabi ko habang kinukuha iyong remote at binubuksan iyong TV. Pagbukas ko ay pumunta ako sa Netflix. Pumunta ako sa account ko.
"Share kayo ni George?"
Tumango ako. "Libre lang, e," sabi ko. Bakit naman ako magbabayad ng 500 para sa subscription? Hindi naman ako mayaman.
Tumingin ako sa kanya. "Ano? Selos ka na naman?"
"Hindi, ah."
"Itsura mo."
Umirap siya. "Sa account ko na lang ikaw," sabi niya.
"May Netflix ka?" He nodded. "Aba, may time ka pa manood?"
"Hindi naman ako 24/7 naka-duty," sabi niya habang kinukuha iyong remote mula sa kamay ko. Tumingin siya sa akin. "Logout ko 'to?"
I shrugged. "Bahala ka."
Naglogin siya sa isang account. Pagpunta namin sa account na 'yon, may apat na account Owner, Leech 1, Leech 2, Leech 3.
"Leech number ano ka?"
"Three," sabi niya na natawa.
"Mga kapatid mo 'yung iba?"
"Yes."
"San d'yan Achi mo?"
"Wala," sabi niya. "May ibang ka-share 'yon," dugtong niya.
"Sino nagbabayad nito?"
"Ahia," sagot niya. "Yung owner."
"Ayoko nga gamitin 'yan. Sa mga kapatid mo 'yan."
"Okay lang 'yan," sabi niya sa akin. "Di ko rin alam bakit kami may Netflix. Wala atang gumagamit niyan," dugtong niya sa akin tapos napa-kwento siya sa mga kapatid niya. Iyong Ahia niya raw ay may business tapos iyong si Charlie ay busy sa mga kaso niya. Iyong Chester ay kasama niya sa ospital dahil doctor din nga pala. Ang successful naman nilang magkakapatid.
Pumunta kami sa account ni Chase sa Netflix. Mukhang hindi nga talaga ginagamit dahil iyong mga nasa list niya na movie at series ay mga luma na.
I was in the middle of browsing nang mapa-tingin ako sa kanya dahil ramdam ko na naka-titig siya sa akin.
"Ano?" tanong ko dahil naiilang ako na naka-titig siya.
"Salamat sa pagtetext kahit minsan tuldok lang sinesend mo."
"You're welcome."
"Try mo nga kasi minsan pick-up lines. Kahit corny maaappreciate ko," sabi niya.
Umirap ako. "Sa birthday mo."
"Talaga?"
Tumango ako. "Oo nga."
"Tatandaan ko 'yan."
"Oo na."
"Marian."
"Oh?"
"Bakit mo ako hinalikan?"
Wala naman akong iniinom o kinakain pero bigla akong nabilaukan sa tanong niya. I felt like I choked on my own saliva dahil sa pagka-bigla sa sinabi niya.
I averted my gaze and pretended to scroll through the home page of Netflix again.
"May ganon ba? Wala akong maalala," pagpapatay-malisya ko.
"May ganon," sagot niya.
"Talaga?"
"Talaga," sabi niya. "Gusto mo ulitin ko para maalala mo?"
Napa-tingin ako sa kanya na nanlaki ang mga mata. Kitang-kita ko iyong pagtawa niya—tawang-tawa siya na halos mabura na iyong mga singkit niyang mata.
"Umuwi ka na nga sa inyo kung bu-bwisitin mo lang ako," sabi ko habang tinutulak siya palayo, pero wala namang silbi dahil masikip iyong sofa at nasa dulo na rin talaga siya.
"Hindi na," sabi niya. "Di na kita iinisin, promise."
"Maniwala ako sa 'yo."
"Di na nga. Dito muna ako. One week kitang 'di nakita."
"Di mo naman talaga ako madalas nakikita."
"Kaya nga, e. Paano ba aayusin 'yon?"
Natigilan na naman ako sa pagtulak sa kanya. Bakit ba ganito siya magsalita? Nakaka-inis. Hindi ko na naman alam kung ano ang isasagot ko.
"E-ewan ko sa 'yo."
Ngumisi siya sa reaksyon ko. Alam niya na nanalo na naman siya.
"Marian," he called. I remained silent. "Hinalikan mo ako bigla nung aalis ako... pwedeng halikan din kita bigla ngayon para fair?" he asked seriously.
Parang natuyo iyong lalamunan ko.
At parang mali na tumingin ako sa mga mata niya dahil parang bigla akong na-hipnotismo at bigla na lang akong napa-tango.
**
This story is already finished on Patreon (patreon.com/beeyotch). Subscription starts at 100php per month for all stories.
If you're having any problems with your payment or if you want to pay via GCASH, you can email [email protected] for assistance.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top