Chapter 16
Chapter 16
Mayroon akong kausap tungkol sa art piece ko nung biglang mapa-lingon ako sa isang gilid. Agad na napa-kunot ang noo ko nang makita ko si George. Ilang beses kong ipinikit ang mga mata ko dahil baka mali lang ang nakikita ko. But... it really looked like him.
"Thank you," sabi ko sa kausap ko nung magpaalam na siya. Kanina ko pa gustong umalis, pero ayoko naman na maging bastos dahil siya na mismo ang lumapit sa akin para kausapin ako at magtanong tungkol sa painting ko. Nang makaalis na siya, naglakad ako palapit sa may lalaki.
"George," I said, unsure, dahil hindi talaga ako sigurado kung siya ba ang nakita ko.
"Surprise," he replied nung lumingon siya.
My lips parted. "How... are you here?"
"Took a flight," he said, shrugging. "Told you I'll attend your first exhibit," dugtong niya. Naalala ko nung isang beses na nag-usap kaming dalawa, we were both a little drunk dahil galing kami sa isang house party. Naglalakad lang kami sa campus—sinamahan niya akong maglakad pauwi dahil delikado maglakad mag-isa. Napagod kami. Huminto at naupo lang sa damuhan. Maraming bituin nung gabi na 'yon. We talked about our dreams. I told him na pangarap ko sumali sa exhibit bilang professonal artist. He told me he's sure it'll happen and when it does, he'll be there to cheer for me. I thanked him. I just didn't know that he'll really do it... Kasi nandito siya ngayon—halfway across the world—to cheer for me.
"Congrats, Marian. You did it," sabi niya na naka-ngisi.
Napa-ngiti na rin ako. "Thank you," sagot ko sa kanya. "But... when did you arrive?"
Mayroong malapit na coffee shop sa may exhibit kaya pumunta kami roon. Nag-usap lang kami ni George. Dapat pala sasama sa kanya iyong iba naming mga kaibigan, pero hindi sila makaalis dahil sa trabaho. Si George lang iyong malakas ang loob na magleave agad kahit bago pa lang sa trabaho. He also kept on asking about Boracay dahil balak niya pumunta roon.
After a while, bumalik na kami sa may exhibit dahil baka kailangan ako roon. Pagpasok namin, agad na nakita ko si Chase. Naka-talikod siya mula sa pwesto namin. Naka-suot siya ng light brown khaki pants, while polo na naka-tupid hanggang gitna ng braso niya, at puting Converse sneakers. Patingin-tingin siya na para bang may hina-hanap hanggang sa mapa-hinto siya nang makita ako. Kita ko rin iyong pagkunot ng noo niya.
I walked towards him.
"Wala kang duty?" I asked dahil tanda ko na sinabi niya na hindi siya sigurado kung makaka-punta siya rito dahil may duty siya. Sinabi ko naman na buong buwan naman 'tong exhibit at pwede naman siya pumunta anytime.
"Nakipagpalit ako," he replied. Nakita ko na naka-tingin siya kay George na hindi sumunod sa akin at ngayon ay tumi-tingin na sa ibang paintings.
"George," I told Chase. "Kaibigan ko from London."
"He's here on a vacation?" tanong ni Chase.
"No," I replied. "He told me before na pupunta siya sa unang exhibit ko... and here he is."
Naka-tingin lang ako kay Chase habang naka-titig siya kay George na tahimik na tumitingin sa mga exhibit. Nakita ko na mayroong kumausap kay George na babae. George told me before that he liked me, but I never really took him seriously because I still see him flirting with other girls. Hindi rin naman ako nagalit o nainis. Hindi ko naman siya pagmamay-ari. Parang tanga lang kung magagalit ako e wala naman siyang committment sa akin. Same thing as hindi naman ako nagalit kay Chase nung magthank you siya sa akin.
"That's nice," kumento ni Chase.
"I know," I replied. Tumingin siya sa akin. His brow was slightly arched. Kumunot ang noo ko. "Ano?" tanong ko dahil may iba sa aura niya ngayon.
Umiling siya. "Nothing," sabi niya tapos ay ngumiti. "May gagawin ka ba after?"
Tumingin ako kay George. "I think I'll have dinner with George," sabi ko. Siya lang kasi rito sa Pilipinas. Tanda ko pa nung unang gabi ko sa London. Gusto kong lumabas para mag-ikot at kumain, pero hindi ako naka-labas dahil wala akong kilala at medyo kabado rin ako.
Tumango si Chase. "Oh. Okay," sabi niya.
"Gusto mo bang sumama?"
"I don't want to intrude."
Kumunot ang noo ko. "Intrude to what?" sabi ko. "I'm having a dinner with my friend," dugtong ko. "George is my friend," sabi ko pa. Hindi ko alam kung bakit ako nagpapaliwanag. Hindi ko naman kailangang magpaliwanag.
"I'm not saying that you shouldn't have dinner with him."
"That's right because you can't," sabi ko.
Kumunot ang noo ni Chase. "Marian, I'm not here to start a fight."
"Hindi rin ako nakikipag-away."
"Fine," sabi niya.
"Fine," sagot ko.
Naka-tingin kami sa isa't-isa. After a few seconds, he sighed.
"Fine," he said. "I'm jealous. Okay na?"
Kumunot ang noo ko. "Bakit ka naman nagseselos?"
"Because I like you," mabilis na sagot niya na parang nainis na kailangan ko pa bang itanong iyon. "But whatever. Hindi naman kita pipigilan makipagdinner."
Napa-kurap lang ako sa sinabi niya. Hindi ba ako nananaginip? Was he serious? Si Felix Chase Viste? Topnotcher ng PLE? Nag-iinarte sa harapan ko dahil lang makikipagdinner ako kasama iyong kaibigan ko?
"Fine," I said. "Kung ayaw mong sumama, then let's have dinner after."
"Busog ka na nun."
"Konti lang kakainin ko."
"No, it's fine," sabi niya.
Umirap ako. "Ang arte."
He scoffed. "Wow. Sorry kung nagseselos ako."
I bit the inside of my inner lip. Bakit ba ang saya pakinggan na nagseselos siya kahit na alam ko na hindi naman siya dapat magselos dahil kaibigan ko lang naman talaga si George?
"George," pagtawag ko kay George nung makita ko na wala na iyong kausap niya na babae kanina. Lumapit siya sa amin. "Chase, this is George, my friend," pagpapa-kilala ko sa kanya. "George, this is Chase—"
"Suitor," sabi ni Chase.
Napaawang ang labi ko.
"Oh," sabi ni George na napa-tingin sa akin. "Nice to meet you, lad," sabi niya nang inoffer iyong kamay niya kay Chase na tinanggap naman iyon.
Nag-usap silang dalawa. Iniwan ko sila dahil mayroong tumawag sa akin. Pagbalik ko, nag-uusap pa rin sila. Friendly si George—siya nga ang unang kumausap sa akin nung nasa London ako. Kita ko na siya rin ang kumakausap talaga kay Chase.
"What are you two talking about?" tanong ko.
"Boracay," sagot ni Chase.
"Will be here for two weeks," sabi ni George. "Will probably go there in a few days."
"You can go there alone?" I asked.
Tumango si George. "Yeah, I'll be fine," sabi niya.
After that, nagdinner na kami. Hindi pa rin sumama si Chase. After ng dinner namin ni George ay sumakay na siya sa Grab pabalik sa hotel na pinagsstayan niya. Nagstay ako sa resto habang nagtetext kay Chase dahil sabi ko na after ng dinner namin ni George ay siya naman ang sasabayan ko.
"Nasan ka?" I asked nung sagutin ko iyong tawag niya.
"Hospital."
"May duty ka na?"
"In a few hours," sagot niya.
"Akala ko nakipagpalit ka?"
"Akala ko may dinner tayo, e."
Umirap ako. "Oo nga. Meron nga. Salad lang kinain ko," sabi ko sa kanya. "Nagugutom pa ako."
Hindi agad siya nagsalita. "Where are you?"
"Resto," sabi ko. "Punta ako d'yan."
"No, puntahan kita d'yan."
"No, ako na," sabi ko habang sinusuot iyong earphones ko at binubuksan iyong app para makapagbook na ako ng sasakyan. "May duty ka pa mamaya."
Nakipagtalo pa si Chase na siya na ang pupunta, pero hindi ako pumayag. May trabaho pa siya. Ayoko na pinupuntahan niya ako after duty kasi pagod siya. Ayoko na imbes na doctor, maging pasyente siya bigla.
Malapit lang naman iyong St. Matthew's kaya nakarating agad ako roon. Pagbaba ko pa lang ay nakita ko na agad siya sa may entrance ng ospital na para bang nag-aabang siya roon.
"Paano mo nalaman na dito ako bababa?" I asked dahil marami namang drop off sites dito.
He shrugged. "Dito ka laging bumababa."
I arched my brow. "Stalker ba kita?"
He shrugged again. "Salad lang talaga kinain mo?"
Tumango ako. "Tapos nag-iinarte ka pa," sabi ko sa kanya. "Nagdinner ka na ba?" Umiling siya. "Magduduty ka na hindi nagdidinner?" tanong ko. Napa-kunot iyong noo ko nung parang naka-ngiti siya. "May nakaka-tuwa ba?"
He nodded, and said, "I like it when you nag at me."
Napaawang iyong labi ko. Ibang klase talaga...
Humalakhak siya sa naging reaksyon ko. Inilagay niya iyong dalawang kamay niya sa magkabilang bulsa ng puting coat niya.
"Saan tayo magdidinner?" tanong niya.
"Sa malapit na lang," sagot ko dahil may duty pa siya.
Hinubad niya iyong suot niya na coat at nilagay niya sa sasakyan niya nung nadaanan namin. Naka-suot na ulit siya nung damit niya kanina. He looked really good kapag ganito iyong suot niya... pero ewan, mas paborito ko pa rin kapag naka-suot siya ng sesame street na t-shirts niya. Nakita ko na si Elmo at Cookie Monster. May koleksyon kaya siya?
Walang nagsasalita sa amin habang naglalakad. Naka-rating kami sa isang maliit na café na halos walang tao. Doon kami pumasok sa loob. We looked at the menu, pero wala kaming gustong kainin. We ended up having coffee, but mine was decaf dahil may balak akong matulog mamaya.
"Marian," pagtawag niya. Tumingin ako sa kanya. "I'm sorry," dagdag niya.
"Para sa?"
"Pag-iinarte?" he asked na para bang hindi siya sigurado. "I've been in a relationship before... I didn't know na seloso pala ako. I never experienced this before. I'm sorry. I'll reign myself in, I promise."
Naka-tingin lang ako sa kanya habang sinasabi niya iyon. He was rather formal about it na para bang normal lang iyong sinasabi niya. Bakit ba sobrang casual niya lang na sabihin sa akin na nagseselos siya? Madali lang talaga sa kanya na sabihin iyon? Na nagseselos siya sa ibang lalaki dahil sa akin?
I cleared my throat.
"Okay..." mahinang sabi ko. "But for the record, magkaibigan lang talaga kami ni George."
He nodded. "I know," sabi niya. "But he also told me that he confessed to you before... and that you said thank you?'"
I shrugged. "Learned that from you."
He frowned. "You're welcome, I guess?"
Tumango ako. Natawa siya. He looked at my hands resting on the table. Tapos ay ibinalik niya ang tingin sa akin.
"There's a medical mission tomorrow. For a week. I know you don't need to know, but I just want to inform you," sabi niya.
"Saan?"
"Somewhere in Nueva Ecija," sagot niya.
"Good luck," sabi ko. "Ingat kayo."
"Thank you. Can I see you after?"
Tumango ako. "Magtext ka lang kapag naka-balik ka na."
"I will," sabi niya. "Text mo rin ako ng kahit ano."
Tumango ako. "Kapag wala akong masabi, magtetext ako ng quotations."
"Yung inspiring sana."
Umirap ako. "Ang demanding."
Humalakhak siya. "Pwede rin na memes para matawa ako sa duty," he said. "Or pick-up lines para kiligin ako."
Umiling ako sa kanya. "No. Never."
"Try mo lang."
Umiling ulit ako tapos ay kinulit niya lang ako hanggang sa dumating iyong kape namin. Nag-usap lang kami tungkol sa mga random na bagay. Kung anu-ano lang ang pinag-usapan namin. Natigil lang kami nung mag-alarm iyong phone niya dahil malapit na iyong duty niya.
"Sandali lang," sabi niya pagdaan namin sa may parking kung nasaan iyong sasakyan niya. Huminto lang ako habang hinihintay siya dahil baka kukunin niya na iyong coat niya. Naka-tayo lang ako roon at tumi-tingin sa mga tao na naglalakad.
"For you."
Napa-tingin ako sa kanya. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang makita ko na abutan niya ako ng bulaklak. Isang bouquet iyon ng pink roses. He was smiling while holding out the bouquet.
"Congratulations on your first exhibit, Marian. I'm proud of you," sabi niya habang diretsong naka-tingin sa akin at naka-ngiti. "Flowers from your number one fan."
Rinig na rinig ko iyong pagtibok ng puso ko—palakas iyon nang palakas na para bang mabibingi ako. Mas malakas iyon kaysa dati—mas ramdam ko ngayon iyong lakas ng tibok.
"Ibibigay ko sana sa 'yo kanina kaya lang nalimutan ko. Buti naalala ko kasi next week pa pala ulit kita makikita—" he said, but he was not able to finish his sentence because I was not able to stop myself anymore as I crossed the distance, tiptoed, and kissed him.
**
This story is already finished on Patreon (patreon.com/beeyotch). Subscription starts at 100php per month for all stories.
If you're having any problems with your payment or if you want to pay via GCASH, you can email [email protected] for assistance.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top