Chapter 15
Chapter 15
I was already almost done with my first piece, but for some reason, hindi ako confident sa ginawa ko. I agreed to meet up with Chloe dahil pakiramdam ko ay kailangan ko ng lumabas sa apartment. Halos isang buong linggo na rin ako na naka-kulong doon.
"Grabe, glow-up ka, ah!" sabi ni Chloe habang papa-upo pa lang ako.
Kumunot ang noo ko. "Ano?"
"Ikaw. Nagglow-up ka," she replied. "Ganyan ba ang epekto ng London kasi if yes, papa-book na rin ako ng ticket."
Umirap ako. Tumawa lang siya. Umorder na kami ng pagkain namin. Nag-usap lang kami ni Chloe tungkol sa mga ginagawa namin ngayon. Apparently, she's still dating (although on and off) iyong lalaki na pinaint niya para sa last requirement namin. I haven't met the guy yet, pero hindi ko malilimutan ang itsura niya dahil sa kakaibang 'vibes' nung portrait ni Chloe.
"Anyways, on to the important part," sabi niya. "Love life?"
"Wala naman."
"Come on! Seryoso? Wala?"
"Wala."
"Tsk. Ano? Intern pa rin? Bigyan kita ng loyalty card."
Tumingin lang ako sa kanya habang hina-halo ko iyong straw nung inumin ko. Tanong siya nang tanong tungkol sa kung anu-ano, pero naagaw iyong atensyon niya nung magvibrate iyong cellphone ko at nandoon iyong pangalan ni Chase.
"What... the fuck? Akala ko walang love life?!" sabi niya habang tina-taob ko iyong cellphone dahil nakikita niya iyong notification ng mga narereceive ko na text.
"Wala nga," sabi ko.
"E bakit may text d'yan si Intern?"
I looked at Chloe. She wouldn't give this up. Sabihin ko na lang. Besides, I was thankful for her. Siya iyong nagpayo sa akin nung mga panahon na hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin ko. I was thankful na sinabihan niya ako na 'wag umiyak, na 'wag magmakaawa. Looking back? I would've regretted it hard kung ginawa ko iyong mga bagay na 'yon.
I didn't want to have to beg for anything.
Kung para sa akin, para sa akin.
Kung hindi? E 'di hindi.
"Nagdate kami last week," sabi ko at kitang-kita ko iyong dramatic na paglaglag ng panga ni Chloe.
"What?! Ano nangyari? Oh, my god?! Bakit biglaan? Or may communication kayo nung nasa London ka pa?"
Sinabi ko kay Chloe iyong sinabi sa akin ni Chase na gusto niya ako, pero busy siya sa boards. I omitted lots of parts. Ayoko na sabihin sa kanya dahil kwento 'yon ni Chase. I didn't have the right to tell his story to other people dahil lang nagtiwala siya na sabihin sa akin iyon. I would absolutely hate it, too, kung may sasabihin ako sa kanya at magdedesisyon siya na pwede niyang sabihin sa ibang tao iyon.
"Wow."
"Ano'ng nakaka-wow 'dun?"
"Wala lang... Kasi if you think about it? It's been a year na rin. Gwapo si Intern. Doctor pa. Sigurado ako maraming babae ang umaaligid. But he actually waited for you?" she said habang naka-tingin sa akin. "Grabe si sis—unforgettable."
I chose to ignore that comment. I wouldn't have minded it kung may girlfriend na si Chase pagbalik ko. He had no commitment to me—at ako rin naman sa kanya. 'Di ko naman siya pagmamay-ari. Wala rin akong pakielam kung nagka-girlfriend siya habang wala ako. As I always tell him, 'di sa kanya umiikot ang mundo ko. Alam ko na hindi rin sa akin umiikot ang mundo niya.
"Ano pala... curious lang," she said. "You don't have to answer kung ayaw mo," she continued.
"Ano?"
"Kamusta kayo ni Mama mo?"
Natigilan ako sandali. Hindi ako nagkkwento kay Chloe tungkol sa nangyayari sa bahay namin. Ayoko kasi na maawa siya sa akin. Ayoko na mag-iba iyong tingin niya. But on the first day of the exhibit, nandoon iyong pamilya ng iba naming blockmates... Walang umattend sa akin bukod kay Kuya. Tinanong ako ni Chloe. Hindi ko alam kung bakit naiyak ako bigla. Nagpatung-patong na rin siguro lahat ng nararamdaman ko nung panahon na 'yon.
"Okay naman," I said.
"Nag-uusap kayo?"
"Hindi."
Naka-tingin lang siya sa akin. I reached for my glass again. Hinalo ko ulit iyong inumin ko gamit ang straw. I knew that here in the Philippines, family is important. Pero paano kapag toxic? Important pa rin? Titiisin mo na lang kasi 'pamilya?'
"She hasn't reached out since I left," pagpapaliwanag ko kahit alam ko naman na hindi na kailangan. "And frankly? I couldn't care less. I didn't want her nor need her in my life."
Tumango si Chloe.
"Nakaka-disappoint ba?" tanong ko sa kanya. Gusto ko lang malaman from her perspective kasi ganito rin ang sasabihin ko kay Kuya kung sakaling tatanungin niya ako kung makikipag-ayos ako kay Mama. Kung magsosorry siya, e 'di okay. It's not as if magiging bastos ako sa kanya. I would still be polite. But I really did not want her in my life now or at any time in the future.
Umiling siya. "Hindi naman. Besides, buhay mo 'yan. Desisyon mo kung sino ang gusto mong papasukin."
"Kahit nanay ko?"
"Oo naman. 'Di naman free pass ang pagiging nanay para maging emotionally distant at abusive sa anak nila."
I remained silent, but I appreciated what she said. Kung sana matagal ko nang na-realize 'yan, mas maaga sana akong naka-alis sa bahay namin. Hindi na sana umabot sa ganito na kailangan ko pang umalis sa Pilipinas... pero nangyari na.
After my meet-up with Chloe, pabalik na sana ako sa apartment nung maka-receive ulit ako ng text kay Chase.
"Hello," sagot ko nung tumawag siya after ko magreply na hindi ako busy at pwede siyang tumawag.
"Hi," he replied. "Saan ka?"
"Pauwi."
"Kailangan mo ng umuwi?"
"Hindi naman," sabi ko.
"Puntahan kita?"
"Tapos na duty mo?"
"Yes."
"Diretso ka na rito?"
"Yes."
"Di ka pagod?"
"Pagod," he replied. "Pero mas gusto kitang puntahan."
Natigilan ako.
"Hindi 'yun joke," sabi niya na para bang nabasa niya iyong susunod na sasabihin ko.
"Wala naman akong sinabi," I replied after I was about to gather myself.
"I know," he said. "Pero nasan ka ngayon?"
"Shang," I replied.
"Okay. Will be there in 30? Or one hour if traffic," he replied.
"Lagi namang traffic."
"I know," he said. "Okay lang ba sa 'yo na maghintay?"
"Yes."
"Okay. Papunta na ako."
"Ingat."
Habang wala pa si Chase ay nag-ikut-ikot muna ako. Pumunta ako sa bookstore at tumingin ng mga art materials doon. Marami pa naman ako, pero gusto ko lagi na nagsstock. Pero hindi naman ako bibili ngayon dahil ayoko na may bitbit ako habang naglalakad sa mall.
After 30 minutes, dumating na rin si Chase.
"Hi," he replied. Naka-suot na siya ng maong pants, white shirt na may red elmo na design, at black Converse sneakers. Mukha siyang straight out of college. Hindi nga ata siya tumatanda. Dahil sa genes ba iyon? Kasi kapag tinitignan ko iyong itsura ko sa salamin, nag-iba na siya kumpara sa itsura ko nung nagsisimula pa lang ako sa college. Iba rin from last year. Si Chase, halos ganoon pa rin ang itsura. Mukha ngang hindi ring stressed sa duty niya.
"Hindi traffic?" I asked kasi naka-rating agad siya.
"Thankfully," he replied. "Thank you for waiting."
"No problem."
Sabay kaming naglakad. Hindi ako nagsasalita dahil hindi ko rin naman alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi rin siya nagsasalita, pero nakikita ko sa peripheral vision ko na naghihikab siya.
"Inaantok ka?" I asked.
"No."
"Nagdrive ka rito kahit inaantok ka?"
"I won't drive kung inaantok ako," he replied.
"But you yawned?"
"Just tired," sabi niya. Hindi ako nagsalita. I should've said na ako na lang ang pupunta sa ospital kung gusto niyang makipagkita. I wouldn't have minded. Kahit si Kuya naman dati, ako ang pumupunta sa kanya sa ospital. Kasi siya iyong mas busy. Had the roles been changed, siya ang pupunta sa akin.
"I promise I wouldn't have driven if I knew I couldn't," he said kahit hindi naman na ako sumagot. "When I did my rotation in the ER, naka-hawak ng case ng nakaaksidente sa daan dahil naka-tulog habang nagda-drive. I won't do that mistake," he explained.
"Okay."
"Are you mad?"
"No," I said. "Just worried."
"Talaga?"
I nodded. "Bakit parang gulat iyong itsura mo?"
Tumingin siya sa akin. He looked hesitant na sabihin kung anuman ang gusto niyang sabihin. It took him almost a full minute bago ituloy ang sasabihin niya.
"I just... didn't think that you care."
Kumunot ang noo ko. "Bakit mo naman naisip 'yan?"
"Because," he said. He took a beat. "It's been a week since our date. You haven't texted. Or called."
"Hinihintay mo ba na magtext ako?"
"Yes," mabilis niyang sagot.
"Why?"
"Because."
"Because what?"
"Because I want to hear from you," diretso niyang sabi habang naka-tingin sa mga mata ko. "Because after a long and draining duty, I want to read your name on the screen of my phone."
Hindi ako makapsalita dahil hindi ko rin alam kung ano ba ang dapat kong sabihin sa sinabi niya. But he was just here—standing before me and staring right into my eyes. And I was hearing the beating of my own heart again.
"Do you like me, Marian? Kahit konti lang? Because if you don't... then I won't force myself on you. Because that's unfair for you. And for me."
I bit my tongue.
And took a deep breath.
"I..." I said. Kita ko iyong pag-aabang niya sa susunod kong sasabihin. "I like you," I continued. "But not like before."
"Not like before?"
"Like I like you to be my boyfriend," sabi ko.
"Ano na ngayon?"
"I don't know. I'm not sure," sagot ko sa kanya. "But I do enjoy spending time with you."
"Really?"
Tumango ako. "Why do you look so surprised?"
"Because you don't text."
"Iyon ba ang basehan?"
"No. But it's not as if you want to talk to me."
"Kasi busy ka sa duty."
"Still."
"I don't understand," sabi ko sa kanya. "Binasted mo ako dati dahil busy ka. Kaya hindi ako nagtetext at tumatawag. Dahil busy ka."
He ran his fingers through his hair again. I really liked it when he does that—especially when he tilts his head up and I'd see the outline of his jaw and that one mole on the edge.
"First, let's stop using the term 'binasted.'"
"Fine," I said. "Nung nilagay mo ako sa friendzone."
"No."
"Waitzone?"
"Marian," he groaned like he was frustrated with me. I chuckled because he looked cute. "Oh, you find this funny?" he asked. I nodded. He rolled his eyes. Cute.
"Do you want me to text?"
He nodded. "Yes. Text. Flood me with texts."
"Ano naman itetext ko?"
He shrugged. "Anything."
"Random?"
"Yes. Or tell me about your day. Or tell me your thoughts. I'd read them when I can."
"Okay," I replied. "I can do that."
He gave me a small smile. "Thank you."
Sabay na ulit kaming naglakad. Wala kaming mahanap na kainan kaya bumalik kami sa sasakyan. Chase drove us to a samgyupsal place. It felt nice. Si Chase iyong nagluto nung samgyup at nilalagay niya sa plato ko kapag luto na. Napansin ko na may mga babae na tumitingin sa table namin. I didn't mind. He's really good looking. I understood the fascination.
After eating, we were so full. Naglakad-lakad muna kami sa labas. May mga stars sa langit... which was weird dahil polluted sa Maynila.
"Is this the second date?" he asked.
"Pwede naman."
"May third?"
"Pwede naman."
"Okay. May third," he said. I glanced at him and saw that he was grinning like a small kid.
"May exhibition next weekend," sabi ko sa kanya. "Kasama iyong gawa ko."
"Are you asking me out?" he asked in a teasing tone.
I rolled my eyes. "I'm being polite."
Humalakhak siya. "Oh, thank you," he said. "Anong oras?"
"9AM to 10PM," I replied. "Pero open naman for the whole month."
He nodded. "May duty ako niyan, but I'll see what I can do," sabi niya sa akin.
"Okay," sabi ko. "Don't feel pressured. Okay lang naman na 'di ka pumunta."
"Marian," pagtawag niya sa pangalan ko after a minute. Tumingin ako sa kanya. "I know I said that I didn't pursue you before because I was busy. And I am still busy, I know. And I know you're just being considerate. But... you can demand time from me. Please demand."
**
This story is already at Chapter 22 on Patreon (patreon.com/beeyotch). Subscription starts at 100php per month for all stories.
If you're having any problems with your payment or if you want to pay via GCASH, you can email [email protected] for assistance.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top