Chapter 10
Chapter 10
Paglabas na paglabas ko sa eroplano, ang una kong ginawa ay ang kumunek sa wifi sa eroplano. Mahigpit na bilin sa akin ni Kuya na magmessage ako sa kanya pagdating ko rito sa Heathrow airport. Pumayag na ako dahil either iyon, o sasamahan niya ako rito sa London hanggang makapagsettle down ako. Nung maka-connect ako sa kanya, nagsend lang ako ng message na 'Dito na ako.' Pumunta ako sa gallery para tignan iyong instruction na binigay sa akin ni Mrs. Dela Riva. Kailangan ko lang hanapin iyong train tapos alam ko na kung saang station ako baba. Maglalakad lang daw ako mula sa station tapos mararating ko na iyong flat na titirhan ko. Iniwan na rin daw nung nag-aayos iyong susi sa box. Nasa akin na rin iyong code ng box.
Okay.
Kaya ko 'to.
It took me almost three hours bago ako makarating sa flat. Muntik na akong maligaw, pero at least nandito na ako. Sobrang lamig. Halos hindi ko na maramdaman iyong mukha ko dahil sa lamig. Paano pa kaya kapag winter na? Baka ikamatay ko iyong lamig dito.
Ibinaba ko iyong mga gamit ko. Tumingin ako sa paligid. Ni hindi ko alam na naka-ngiti na pala ako kung hindi pa napa-dako sa salamin iyong mga mata ko.
'Ito na 'yon,' bulong ko sa sarili ko.
The first few days weeks were hard. Wala akong kakilala, pero hindi naman problema sa akin iyon dahil sanay naman ako na walang kaibigan—mas problema ko si Kuya na kailangan lagi akong tumatawag at nagtetext sa kanya. Kinailangan ko pang tawagan si Ate Niles at makiusap sa kanya na kausapin si Kuya. Si Ate Niles kasi iyong nagbilin sa akin bago ako umalis sa Maynila. Nagtrabaho din kasi siya sa Japan kaya alam niya iyong feeling ng nasa ibang bansa naka-tira. Mukhang nagwork naman dahil naging kailangan ko na lang magtext bago ako matulog para masigurado ni Kuya na naka-uwi ako ng safe sa flat.
"So... kamusta d'yan?" tanong ni Chloe.
Nagkibit-balikat ako. "Okay naman."
"May naka-date ka na?"
"Isang buwan pa lang ako rito," sagot ko.
"Exactly—one month na!" she said exaggeratedly. "Daming blue eyes d'yan! It's your time to shine."
"Kung makapagsalita ka parang ang dali lang nun," sabi ko sa kanya habang nagluluto ako ng dinner ko. Ayokong kumain sa labas dahil ayokong gumastos. Kasama sa binigay ni Mrs. Dela Riva iyong monthly stipend, pero tinitipid ko iyon. Iniisip ko kasi na pagbalik ko sa Maynila, syempre kailangan ko ng titirhan ulit. Balak ko nga rin magpart-time job dito kaya lang nung nagtanong ako, hindi daw pwede sa visa ko. Ayoko naman na magkaroon ng problema kaya hindi na lang. At least makakapagfocus ako sa pag-aaral ko.
"Nakapagpractice ka naman na kay intern—" sabi niya tapos ay natigilan siya. "Oops. Sorry."
"Bakit?" tanong ko sa kanya.
"Wala lang. Baka bawal lang syang pag-usapan."
"Bakit naman?" tanong ko. Ngayon ko lang na-realize na ang tagal na pala nung huli kong inisip si Chase. Masyado kasi akong naging busy simula nung tanggapin ko iyong alok ni Mrs. Dela Riva hanggang sa pag-aayos ng papers ko hanggang sa pagpunta rito at pag-a-adjust. Wala akong panahon na mag-isip pa tungkol sa ibang bagay.
"Kasi... ewan. Moved on ka na ba?"
"Paano ba masasabi kapag moved on na?"
Nagkibit-balikat siya. "You know what? Hindi ko rin alam for sure... siguro kapag naiisip mo siya tapos hindi na masakit?"
Kapag iniisip ko si Chase, masakit ba? Hindi naman. More on... nanghihinayang. Because I really like him—but he didn't like me. That was enough for me to stop. Kasi ayoko na ipilit iyong sarili ko. Siguro ngayon, kung papipiliin ako, mas pipiliin ko iyong tao na mahal ako kaysa sa mahal ko. Wala lang... masarap siguro sa pakiramdam na mahalin ka kaysa ikaw lang iyong nagmamahal. Ano kaya ang pakiramdam nun? Mararamdaman ko kaya 'yon?
"Anyway, 'wag na natin pag-usapan 'yon," Chloe said kahit siya naman ang nagbring up kay Chase. "Lumalabas ka man lang ba d'yan?"
"Kapag may pasok."
"May gwapo ka bang classmate?"
I shrugged. "Meron naman," sabi ko. Hindi naman ako bulag.
"Try mong makipagfriends!"
"Hindi ako ganon."
"I know, pero nandyan ka na. Hindi ka ba nanghihinayang sa experience?" she asked. "Saka ikaw na rin ang nagsabi sa akin na gusto mo na magbago—hindi iyong kagaya nung dati na halos ayaw mong kausapin lahat kaya nga ako lang ang kaibigan mo buong college, e. Ito na iyong time mo for a do-over."
Sinubukan ko na sundin iyong sinabi ni Chloe. Sinubukan kong makipagkaibigan sa school, pero sa tuwing sisimulan ko na, umuurong ako. Hindi ko alam kung kulang lang ako sa practice o talagang nakaka-kaba na makipagkaibigan. Lagi akong natitigilan. Hindi na ako magtataka kung iniisip ng mga tao sa classroom na pipi ako.
After class, it seemed like it was a good day to walk. Naglakad-lakad ako sa campus hanggang sa mapagod ako. Dumiretso ako sa isang coffee shop. I ordered iced coffee. Naalala ko si Chase. Malapit na iyong exam niya. Sigurado na nagrereview siya. Sana magtop siya.
I was quietly sketching dahil ang ganda ng panahon. Doon ako sa labas ng café naka-upo. Nung mapagod ako, kinuha ko iyong cellphone ko. Kukuhanan ko sana ng picture iyong kape ko pero biglang may bumangga sa likuran ng upuan ko. Agad akong napa-tingin doon.
"I'm so sorry," biglang sabi nung isang lalaki.
"It's fine," sagot ko.
"I told you not to fucking shove me," sabi niya roon sa lalaki na nasa likuran niya. Ibinalik niya iyong tingin niya sa akin. "I'm sorry again," ulit niya. "I'll just replace your sketch pad. Can I buy you another cup of coffee for now?"
"No, thanks," mabilis na sagot ko. Tumayo ako at saka naglakad paalis. Ganito rin iyong nangyari noon kay Chase—natapunan niya iyong sketch pad ko. Pinalitan niya. Tapos nauwi sa pagsasabi niya sa akin na ayaw niya ng girlfriend. Nandito ako sa London para mag-aral ng isang taon tapos ay uuwi rin ako sa Pilipinas. Ayokong ubusin iyong oras ko para sa ganoong bagay.
Dumiretso ako sa flat at nag-ayos ng portfolio roon at nagreview. Kinabukasan, pumasok ulit ako sa klase. Tahimik akong nakikinig sa lectures at nagsusulat ng notes ko. After nun, mayroon akong two hours break. Ayoko na umuwi sa flat kaya naman naghanap lang ako ng pwedeng maupuan habang naghihintay. Naka-hanap ako ng upuan sa ilalim ng puno. Mukhang malinis naman kaya naupo lang ako roon. Suot ko iyong earphones ko at nagsulat ng mga idea na pwede kong gawin. Base kasi sa syllabus, malapit na mag-announce ng requirement. Gusto ko lang maging handa. Ayokong mapa-hiya kay Mrs. Dela Riva.
Habang tahimik akong nagsusulat, napansin ko na may isang pares ng paa sa harapan ko. Naka-suot iyon ng white Nike air max. Hindi naman sana ako titingin dahil baka napadaan lang, pero nandoon lang iyong mga paa kaya naman napa-tingala ako.
"Hi," sabi niya sa akin.
"Hi," sabi ko dahil sa akin siya naka-tingin. Unless banlag siya at iyong puno sa likuran ko ang kausap niya, it was safe to assume na ako ang kausap niya.
"Coffee," sabi niya habang naka-stretch ang kamay sa akin.
Hindi ako gumalaw. Bakit ba niya ako sinusundan?
"It's safe, I promise," dugtong niya.
"If it's poisoned, of course you won't tell me it is poisoned," sagot ko sa kanya.
Tumango siya. "Fair enough," sabi niya sa akin. "Do you want me to take a sip? But then again it's unhygienic."
Naka-upo pa rin ako at naka-tingala sa kanya habang kausap niya ako. Kulay brown iyong buhok niya pero kulay blue iyong mga mata niya. Kita ko rin iyong kaunting freckles sa may bandang ilong niya at saka pisngi niya.
"If it's about yesterday, I told you it's fine."
"If I remember it correctly, you just walked out on me," sabi niya.
"And that should've been clue number one," sagot ko.
Natawa siya. "Okay," sabi niya. "But for the record, have we met before? Because I'm sensing some negative energy here."
Napairap ako at saka tumayo. I frowned dahil mas mukhang naging bata ako dahil sa tangkad niya. But in my defense, matangkad lahat ng tao rito at minsan mukha akong bata na naliligaw. Ilang beses na akong hiningan ng ID dito dahil mukha ata akong minor. Minsan pa ay hinanap sa akin iyong nanay ko.
"I'm sure you're not losing sleep over this, but in any case that you are, I am telling you—I'm fine. I have other sketch pad. My life won't turn into crumble just because you made me spill my coffee on my sketch pad."
"See? That's what I thought—you're obviously mad."
Umirap na naman ako. "Fine," sagot ko. "What can I do for you to drop this?"
"Thank you," sabi niya at saka mayroong kinuha sa bag niya. Biglang mayroon siyang inilabas na sketch pad doon. "Here," dugtong niya habang inaabot sa akin iyon.
"Were you just carrying this around?"
"Yeah—I had this feeling that I'll see you again." Umirap na naman ako. Tumawa siya. "You can just say thank you, you know? But sure—rolling your eyes works just as fine."
"Thank you," I said habang gumagamit ng air quotations.
"You're welcome," sabi niya. "I'm George, by the way. You are?"
"Leaving," sagot ko sa kanya bago nagpasalamat ulit at naglakad paalis. Ayoko ng round two.
Pagdating ko sa flat, ibinaba ko iyong mga gamit ko. Nagpalit muna ako ng damit. Nagluto ako ng pagkain ko. Habang kumakain ako ay nanonood ako ng anime. Naghugas na rin ako ng pinagkainan ko. Nagtext na ako kay Kuya na nasa flat na ako. Sinubukan kong matulog, pero hindi ako maka-tulog. Kinuha ko iyong binigay sa akin na sketch pad para doon sana ako magdrawing. Pagbukas ko nun, napa-kunot ang noo ko nung makita ko na mayroong sticky note na naka-dikit sa pinaka-unang page.
'I have a feeling that you'll walk out on me again. But in any case you wanna hang or anything, give me a ring.
George Davies (you can google me I promise I'm not some weirdo)
+447000123456'
Naka-titig lang ako sa sticky note. Alam ko na dapat itapon ko na iyon sa basurahan, but for some reason, kinuha ko iyon at idinikit sa may ref.
**
This story is already at Chapter 16 on Patreon (patreon.com/beeyotch). Subscription starts at 100php per month for all stories.
If you're having any problems with your payment or if you want to pay via GCASH, you can email [email protected] for assistance.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top