Chapter 05
Chapter 05
"Ate Niles," I said nung lumabas si Kuya sa condo dahil may kailangan siyang bilhin. Kanina pa ako nandito. Kanina pa ako naghihintay ng pagkakataon para makapagtanong. Hindi ko kaya—at hindi ko gustong—magtanong tungkol kay Chase sa harap ni Kuya. I love him, he's my brother, but he's overbearing sometimes. It's just easier to keep it this way, anyway. Besides, wala pa naman akong kailangang sabihin sa kanya.
"Yes?" sagot niya habang naka-tingin sa akin.
"PGI si Chase, 'di ba?"
Tumango siya. "Yup."
"Gaano na siya katagal 'dun?" I asked. May mga alam ako tungkol sa med school dahil kay Kuya, pero hindi ganoon karami. I was also never that interested. Nakikinig lang ako minsan kapag may sinasabi si Kuya.
"Hmm... Not sure," sagot ni Ate Niles. "Bakit? Kailangan mo ba malaman? Pwede naman ako magtanong if kailangan mo."
"Usually gaano katagal?"
"Depends sa rotation," she replied. "But as far as I'm concerned, nasa surgery rotation si Chase kaya nakaka-sama niya Kuya mo minsan."
Base sa pagkaka-alala ko, three weeks to three months ang rotation, depende kung saan ka naka-assign. Either way, bilang na ang oras ko. Baka sa ibang ospital iyong susunod na rotation ni Chase... or worse, baka sa ibang lugar na talaga.
"Pero malapit na rin PLE... So baka last rotation niya na 'to."
I looked at Ate Niles. "Nasa 'yo pa 'yung reviewer mo nung nag-exam ka?" I asked.
She nodded. "Nasa bahay sa province."
"Willing ka bang magpa-hiram?" I asked.
She arched her brow. "Uh, sure... Para kay Chase ba?"
I shrugged because I told Chase na hindi ko sasabihin kay Ate Niles, mas lalo kay Kuya Marcus, na hihiram ako ng reviewer para sa kanya. Also, if Ate Niles said no, I wouldn't have pushed it. Ayoko rin naman ng namimilit. You only have to tell me once and I'd stop. I don't do well with rejection, I get enough of that at home.
"Sige, padala ko rito," Ate Niles said.
"Thank you," I replied.
She smiled at me. "No problem."
"Mas mahirap 'yung clerkship kaysa PGI?"
"Mas mahirap, pero kasi 'yung pressure naman sa PGI, since hindi ka na junior intern, may expectation na dapat alam mo na 'yung ganito, ganyan, plus may PLE pa after. So, for me, both mahirap, pero ibang kind ng hirap," she explained.
I nodded. "Sobrang busy?"
"Busy sa kung busy," sabi niya. Tumingin siya sa akin.
"What?" I asked nung ilang segundo na ang naka-lipas, pero wala pa rin siyang sinasabi. It got awkward when she just shook her head and gave me a small smile.
We ate in silence after that. We're not close, pero mas maayos na iyong relasyon namin ngayon. We don't have anything in common at lagi siyang busy sa trabaho, so there's no chance for us to be close. It's fine with me.
Maybe I really am my brother's sister kasi protective din ako sa kanya nung una kong nakita si Ate Niles. Nung makita ko siya sa condo ni Kuya, ang unang pumasok sa isip ko ay si Ate Joey at iyong mga nangyari dati. That was a hard time. I just didn't want him to go through that again. Pareho lang pala siya sa akin.
Pagbalik ni Kuya, tapos na kami ni Ate Niles na kumain.
"Sa tingin mo magdududa si Kuya kapag nanghiram ako ng reviewer sa kanya?" tanong ko kay Ate Niles nung naka-upo kami sa couch at naghahanap ng papanoorin.
"Magdududa 'yun," sagot niya.
"Okay," sabi ko. 'Wag na nga lang.
"Ako na lang hihiram," sabi ni Ate Niles. "Marcus," pagtawag niya kay Kuya na kumakain pa rin. "May kakilala ako na magboboard—pwede raw ba pahiram ng reviewer mo?" she asked.
"Bakit 'di 'yung sa 'yo?" Kuya replied.
"Mas mataas ka raw kasi, T1. Sobra na 'yung prejudice na nakukuha ko bilang T2," Ate Niles said. Kahit hindi ako naka-tingin, alam ko na pag-irap ang reaksyon ni Kuya tuwing maririnig niya iyong T1 na iyon.
"Fine—pa-photox ko muna," sabi ni Kuya.
Ate Niles looked at me and winked. I thanked her and we continued to look for a good movie to watch.
* * *
"Chloe," I called her name. Wala iyong isang professor namin kaya naman naka-tambay lang kami habang hinihintay iyong start ng susunod na class namin. Kanina pa kami rito. Chloe was editing something on her laptop while I was fixing my portfolio.
"Yeah?"
"I need an advice."
"About?"
"A guy."
Isinara niya iyong laptop niya at tumingin sa akin. "Do tell."
"There's a guy," I said.
"What's the name?"
"I won't tell you."
"Tss. Damot. But fine, ano'ng problem?"
I proceeded to tell her about Chase and how I first met him. I also told her about the Quiapo trip at kung paano niya ako hinatid pauwi. Sinabi ko na rin iyong mga linya ni Chase na hindi ako sigurado kung ano ang meaning. Those lines kept me up at night, but I had no prior experience over this, so I did not want to interpret them myself.
"Intern?"
"Yes. I just told you."
"Hmm, if ako lang, no to intern talaga unless fun fun lang," she said.
"Why? May basis ba 'yan o personal preference?"
She shrugged. "Busy kasi mga 'yan saka based sa mga naririnig ko, may mga kababalaghan na nangyayari sa mga magkaka-internship na 'yan dahil sila-sila lang din magkakasama sa hospital. I mean, siguro kung sa iba, sasabihin ko na 'Go and be wild!' pero ikaw kasi kausap ko, e. So... I don't know. Landi at your own risk, I guess?"
Alam ko naman na busy si Chase. Busy din naman ako. Besides, hindi naman ako clingy na tao. Ayoko rin ng clingy na tao. Minsan kapag wala ako sa mood, hindi ako nagrereply. Unless urgent, it will take me three to five business days to respond.
"Hindi ako marunong lumandi," sabi ko sa kanya.
"Gusto mo turuan kita?" she asked.
I shrugged. "Sure."
And instead of doing our school works, tinuruan lang ako ni Chloe sa mga 'dapat' ko raw gawin. Pero sa dulo nun, sinabi niya sa akin na mag-iingat daw ako sa mga interns na 'yan.
* * *
Naging busy ako sa mga school requirement, pero nung isang beses na tinaong ako ni Ms. Hilda tungkol sa progress ng final requirement ko, doon ko naalala na kailangan ko na talagang kausapin si Chase. Nagkataon na dumating na iyong review materials na pina-ship ng tatay ni Ate Niles galing sa probinsya. Tapos na rin ipa-photox iyong reviewer ni Kuya. Nagtext ako kay Chase.
'Hi. This is Marian. Nakuha ko na 'yung reviewer. Pa-inform na lang kung kailan ko pwedeng ibigay. Thank you.'
As expected, it took him three and half hours to reply.
'Hey. End ng duty ko mamaya. San ko pwedeng kunin? Puntahan kita after duty.'
'Also, thank you! Really appreciate this, Marian. I owe you.' mabilis na kasunod na text niya.
Sabi ni Chloe sa akin, isang way para malaman kung gusto ka ng lalaki ay kung mag-e-effort siya para sa 'yo. Kung wala ka raw nakikita na effort, malamang ay wala siyang gusto sa 'yo. Sabi niya, 'trust me, kung gusto ka ng lalaki, you'd know dahil mararamdaman mo sa effort niya.' Although the problem here would be, hindi ko pwedeng iconsider na effort ang pagpunta niya dahil may kukunin naman siya sa akin.
'Dito ako sa school hanggang mamaya. Sa SCA. Text mo na lang ako pag nandun ka na. Lalabas ako.'
Inilagay ko iyong cellphone ko sa bag ko at gumawa ako ng school requirements. Masyadong akong nagfocus sa ginagawa ko kaya nung makita ko iyong text ni Chase, one hour na pala ang nakaka-lipas nung sabihin niya sa akin na nasa labas na siya ng SCA. Saktong hawak ko iyong cellphone ko nung magtext ulit siya na nasa isang fast food siya at kumakain. Sabi niya, text ko na lang siya kapag okay na. He didn't sound mad... but it's hard to read tone in a text message.
Inayos ko iyong mga gamit ko at naglakad papunta sa may fast food na itinext niya. Pagdating ko roon, agad na nakita ko siya. He was eating fries while reading something on his iPad.
"I'm sorry. Ngayon ko lang nakita 'yung text mo," was the first thing I said nung lumapit ako sa kanya.
Tumingin siya sa akin. "It's fine—I just transcribed my notes," sabi niya. "Ito rin naman gagawin ko sa bahay kung umuwi ako."
Naupo ako. "Again, I'm sorry," I apologized again because I knew I was at fault.
He shrugged. "Told you, it's fine," sabi niya. "Anong ginagawa mo? Drawing?"
"Inaayos ko 'yung portfolio ko," I replied.
"Iyan?" he asked while pointing at the huge folder I was holding.
"No," I replied. Nasa bahay iyong mga painting ko, pero iyong portfolio ko ay digital. For some reason, isa sa mga iniisip ko ay baka biglang sunugin o itapon ni Mama iyong mga gawa ko. Kaya kapag natuyo na iyong painting ko, ginagawan ko agad ng digital file. Just in case.
"Anyway, ito na 'yung reviewers nila. I scanned them, but if you need the physical copy—"
"You scanned?"
Tumango ako. "Hindi ko kayang dalhin. Mabigat, e."
Medyo kumunot ang noo niya. "I would've gotten it from you. Sorry, aabala ka pa," sabi niya.
"It's fine," I said. "I could've just sent you the link, but I figured baka kailangan mo 'yung hard copy, so may dinala ako na ilan. Kung kailangan mo 'yung iba pa, nasa condo ni Kuya. Pwede ko naman kunin."
I felt weird for a second dahil naka-tingin siya sa akin. I just stared back at him.
"Marian," he said. "Thank you. Seriously."
"No problem," sabi ko dahil hindi naman ako nahirapan. If any, iyong tatay ni Ate Niles ang nag-effort magpadala. Inabot ko sa kanya iyong envelop na may laman nung ilang reviewer. Sinubukan kong basahin iyon kanina. Suffice to say, tama ang desisyon ko na hindi sumunod sa yapak ng kapatid ko. Nahilo lang ako sa mga nabasa. I liked the drawings, though.
"I owe you," he said. "If you need anything, just text me."
Tumingin ako sa kanya. I should ask him now. If he said no, at least makakapaghanap na ako ng ibang model.
"Actually, meron akong kailangan," sabi ko sa kanya.
"Yes. Anything," he replied.
"I am graduating, and one of my requirements is to do a portrait," sabi ko sa kanya.
"Okay?"
"Alam ko na busy ka, so maiintindihan ko kung hindi ka papayag, but I want to ask you if you're willing to be my model?"
Medyo kumunot ang noo niya. "Model?" Tumango ako. "Me?" Tumango ulit ako. "Okay... but why?" tanong niya na para bang hindi siya aware kung gaano kaganda iyong physical appearance niya. Kung siya ang model ko, hindi na ako mahihirapan dahil kahit ano yatang anggulo ay maganda siyang tignan.
"You're pleasing to the eyes," I told him.
Mukha siyang nagulat, pero bahagyang natawa. "Thanks?" sabi niya.
"You're welcome," I said. "You can just say no," sabi ko sa kanya. Pwede naman akong maghanap ng iba sa Tourism kagaya ng ginawa ni Chloe. Worse comes to worst, magbabayad ako ng model. May ipon naman ako, pero mas gusto ko kung hindi ko na gagamitin iyon.
"If I say yes," he said, "May kailangan ba akong gawin?"
"Wala naman."
"Pwede naman akong magreview habang ginagawa mo?"
I nodded. "Pwede rin na kuhanan na lang kita ng picture kung busy ka talaga," I said.
He looked at me for a few seconds. "Okay," he said.
"Anong okay?" tanong ko.
"I'll do it."
"You'll model for me?"
He shrugged. "Yeah, sure. I mean, I did say that I owe you," sabi niya sa akin. "But, for the record, hindi 'to nude painting, 'di ba?"
Ramdam ko iyong pamumula ng mukha ko nang sabihin niya iyon. Mabilis siyang tumawa at sinabi sa akin na nagjojoke lang daw siya.
"But curious," he said, "Nagnude painting kayo?"
"Yes," I replied.
"Oh... Was it weird?"
"At first," I replied. "Then after seeing the same body for hours, it got normal...ish," dugtong ko. "I mean, it's not that different kapag may cadavers kayo?"
"Yeah, pero patay na iyong sa amin."
I shrugged. "Di din naman gumagalaw iyong sa amin."
"Touché," he said and then slid over a wrapped burger towards me. "Ordered for you. Kung kumain ka na, uwi mo na lang."
My stomach growled, so I unwrapped my burger and we ate. Nag-usap kami tungkol sa similarities ng med school at art program. There were some. And then we talked about his rotation. Tama nga ako na last rotation niya na iyong sa surgery.
"I'll review for three months after," sabi niya habang naka-hinto kami sa traffic. Nagsabi siya na ihahatid niya ulit ako dahil gabi na raw.
"Good luck," I said. "Sana makapasa ka."
"Thanks," he replied as he quickly glanced at me. "Ikaw? Any plans after graduation?"
"I want to live through art commissions," sabi ko, "But I know it's hard, so baka mag office job ako o call center to get by. Ewan ko."
Alam ko magagalit si Mama o si Kuya sa akin, pero ang unang gagawin ko kapag nagka-trabaho ako ay bubukod na ako. I didn't care if I live in a box—I just needed to have a space for my own. I didn't want to always worry na kung susunugin o itatapon ba ng nanay ko iyong mga gamit ko.
"How about working in galleries?" he asked.
"That's hard unless may connections ka," I replied.
"I know some people," he said, "I can introduce you, if you want."
"Talaga?" I asked because I really would like that.
He nodded. "Yeah, sure. I'll message you about it," sabi niya.
Muli kaming natahimik at tunog lang sa radyo ang naririnig namin. Pagdating namin sa amin ay bumaba siya. It was like an unspoken rule na maglalakad kami papunta sa bahay. Nung huminto kami two houses away, I looked at him to say good night, but before I could say it, naunahan niya akong magsalita.
"I seriously do hope that you make it as an artist," sabi niya. "When I'm rich, I'll buy one of your art pieces—I hope I can afford it by then," dugtong niya. Napa-ngiti ako sa sinabi niya. And that night, I replayed that scene in my head over and over again that I dreamed about it.
**
This story is already at Chapter 09on Patreon (patreon.com/beeyotch). Subscription starts at 100php per month for all stories.
If you're having any problems with your payment or if you want to pay via GCASH, you can email [email protected] for assistance.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top