Chapter 04

Chapter 04

Even in the midst of the crowd, pansin na pansin pa rin si Chase dahil sa tangkad at sa puti niya. Huminto siya sa paglalakad at lumingon sa akin.

"Saan tayo?" tanong niya.

"Dito," sagot ko. Hindi nga pala niya alam kung saan kami pupunta. Nauna akong maglakad sa kanya dahil medyo masikip dito. Sinabihan ko siya na mag-ingat sa paglalakad dahil maraming magnanakaw dito. "Sorry," sabi ko nung maka-rating kami doon sa maliit na bookstore.

"Why?" he asked.

"Wala—hindi ka ata sanay sa ganitong lugar," sabi ko sa kanya.

He's a med graduate. Mahal ang tuition sa med school, unless kagaya siya ni Kuya na scholar. Kasi kung hindi scholar si Kuya, sigurado ako na hindi siya magiging doctor dahil hindi kaya ni Mama iyong tuition sa school niya pati mga libro at kung anu-ano pang kailangang bayaran.

Nagkibit-balikat siya. "There's always a first time in everything," sagot niya sa akin. "Ito na ba 'yung bookstore?"

Tumango ako. Pumasok kami sa loob. Tinanguan ako nung matanda na nagbebenta. Naggood afternoon si Chase sa lalaki. He's polite—he's well-mannered.

"Sketch pad ho," sabi ko roon kay Manong. Alam niya naman kung ano ang bibilhin ko dahil dito ako simula nung nagcollege ako. Bumili na rin ako ng iba ko pang supplies dahil paubos na rin iyon. "Pahiwalay ho nung sa sketch pad," sabi ko kay Manong nung kinocompute niya na iyong binili ko.

"Here," sabi ni Chase nung abutan niya ako ng dalawang libo.

Kumunot ang noo ko. "Ang dami niyan—168 lang 'yung babayaran."

"Iyong iba?" he asked.

"Ako magbabayad nun," sabi ko. Hindi naman ganoon kakapal iyong mukha ko para pagbayarin siya roon. Iyong sketch pad lang naman iyong nabasa niya ng tubig.

"No, it's fine. Ako na rin magbabayad."

"Ayoko. Nakaka-hiya."

"Sige na," he replied. "Since hindi mo ako sinumbong kay Dr. Nicolas."

"Bakit ba takot ka kay Kuya?" I asked. "Naninigaw ba siya? Nasigawan ka na ba?"

Natawa siya. "Hindi naman."

"Bakit ka takot?"

"Hindi ako takot—I just want to be in his good graces."

"Dahil?"

He shrugged. "I want him to be my mentor."

"Mentor?" I asked.

Tumango siya. "He topped all his boards and he's on the way to become a neurosurgeon—that's the same path I want to take for myself."

Tumango na lang ako. Parang kapareho siya nung mga babae dati na nagpapalakad din sa akin sa Kuya ko. Iyong mga babae na iyon ang dahilan kung bakit nasurvive ko iyong elementary at high school dahil lagi sila nagpapaabot ng pagkain o regalo kay Kuya. Most of the time, ako rin ang kumakain nun dahil maraming 'di pwedeng kainin si Kuya nung athlete pa siya. Nung college nga si Kuya, naka-kuha pa ako ng make-up kit galing kay Ate Joey, e. Nagbenefit talaga ako sa pagkakaroon ng gwapong kapatid.

"Okay," I said. "Pero ako pa rin magbabayad ng binili ko," dugtong ko at natawa siya. Hindi naman ako nagpasama sa kanya para magpa-libre. I just wanted to spend time with him—to know if I really like him o nagwapuhan lang ako sa kanya. So far, gusto ko siya.

"Fair enough," sagot niya. "How about dinner on me?"

"Di ka pa ba pagod?" I asked kasi galing siya sa duty.

"Gutom," he replied, instead.

"Okay," sabi ko. "Pero ako magbabayad ng kakainin ko."

"Against ka sa libre?"

"Kapag sa Kuya ko, hindi," sabi ko sa kanya. "Sa ibang tao, ayoko ng libre."

"So, ibang tao ako?"

I blinked once. Hindi ako sanay makipaglandian. Ito ba iyon? O baka ganito lang talaga siya magsalita? I should ask Chloe—iyon ang magaling sa mga ganitong bagay.

"Kidding," he said when I was not able to respond. "Fine. Saan tayo kakain?"

"Kahit saan ako," I replied.

"Kahit saan din ako," he said.

"Totoo?"

He nodded. "Why? Mukha ba akong high maintenance?"

I nodded. "Yes."

"Wow. Ang honest," sabi niya.

I shrugged. "Kung hindi ka maarte, sa fast food na lang," sabi ko sa kanya dahil after ko magbayad nung sa materials ko, wala na akong pera para kumain sa hindi fast food. Binibigyan ako ng allowance ni Kuya. Iniipon ko iyon.

After magbayad (iyong sketch pad lang iyong pinabayaran ko sa kanya), naglakad muna kami papunta sa fast food, pero dahil nasa Quiapo kami, puno lahat doon. We decided to just get drive thru. Pumunta kami sa Burger King. Nagpark kami pagkatapos.

"Okay lang kumain?" I asked kasi si Kuya nung bago iyong sasakyan niya, bawal kumain sa loob. Si Ate Niles lang ata pwede kumain doon hanggang ngayon.

He nodded. "Basta 'wag makalat."

"Okay," I said.

Binuksan niya iyong mga bintana habang kumakain kami. Gabi naman na halos kaya hindi na mainit. May kanta na tumutugtog sa radyo habang kumakain kami—pareho na burger, onion rings, at iced tea iyong order namin.

"Gusto mong maging neurosurgeon?" I asked to break the silence. Tumango siya. "E 'di matagal ka pang mag-aaral?" sabi ko kasi si Kuya, parang ang dami ng nangyari sa buhay ko pero hindi pa rin siya neurosurgeon hanggang ngayon.

He shrugged. "Delayed gratification," he replied. "Gusto mo talaga iyong Fine Arts?" he asked.

Tumango ako. "Yes. Kaysa maging teacher."

Kumunot ang noo niya. "Teacher?"

I nodded. "Gusto ni Mama na kumuha ako ng Educ. Nothing against teachers—hindi lang talaga para sa akin. Good thing pinilit ni Kuya na kumuha ako ng Fine Arts."

Napa-tingin ako sa kanya. Bahagyang nakaawang iyong labi niya. "That's... nice," he said.

I shrugged. "I know."

In my college, there's a mixture of people na supportado ng magulang iyong gusto nilang degree sa college, pero mas marami iyong hindi suportado. Hanggang ngayon, ang tingin pa rin ng karamihan sa mga magulang ay walang pera sa art. Kaya lang naman walang pera sa art dahil karamihan ayaw magbayad. Puro libre ang gusto.

"Ikaw?" I asked. "Di ba sabi mo choice mo lang law, med, or business?"

Tumango siya. "Chose med. I was good in Science in high school. Now, here I am," sagot niya. "Hindi nagalit parents mo?"

"Patay na tatay ko," I said.

"Oh. Sorry."

"It's fine. Tagal na."

"Yeah, but still," sabi niya. "Lost my mom when I was young. I know the feeling."

We sat in silence after. I looked at him and he wasn't eating. He just sat there like he was in deep thoughts. Kahit side view niya, ang ganda pa rin. Kahit walang tulog, ang gwapo pa rin. Ano kaya ang pakiramdam niya kapag tumitingin sa salamin?

"Let's go?" he asked after a while. Tumango ako kasi tapos na kaming kumain. The drive was quiet except for the music from the radio. Medyo traffic din dahil rush hour ngayon.

"Dito na lang," sabi ko.

"Dito?" he asked.

"Dun pa, pero maglalakad na lang ako."

"Hatid na kita doon."

"No, okay lang. Maglalakad na lang ako. Malapit lang naman," I said as I unbuckled the seatbelt. Sigurado ako na nandun si Mama sa labas at makikita niya iyong sasakyan ni Chase kung doon ako magpapahatid. Tapos magtatanong siya kung sino si Chase. I knew she wouldn't object, if ever, dahil proud na proud siya kay Kuya—kahit na dati siya ang unang umayaw at nagalit nung nagsabi si Kuya na papasok siya sa med school at hindi niya tatanggapin iyong trabaho na may malaking sweldo. Galit na galit pa siya kay Ate Joey nun. Pero ngayon, thankful daw siya.

"Kung malapit naman pala, hatid na lang kita." I looked at him. "Look, gabi na. I just don't feel like it's right for me to let you walk alone. Delikado."

I nodded. "I understand," sabi ko. "Kapag hinatid mo ako, makikita ka ni Mama. Magtatanong ng marami. And to be honest with you, ayokong sumagot sa maraming tanong."

I knew that by saying this, I might... turn him off. But at the moment, I didn't care. I like him, yes, but if I had to pretend to be someone else for him to like me, I didn't think it's worth it. No man's worth changing who you are.

"Got it," he said.

"Thank you," sabi ko. "And thank you for today," I continued at saka bumaba na ako sa sasakyan niya. Ni hindi pa ako nakaka-isang hakbang nung marinig ko iyong isa pang pagsara ng pinto. Napa-tingin ako at nakita ko na bumaba rin siya.

"Sabayan na lang kitang maglakad," sabi niya. "Kapag nakita ka ng Mama mo, magpanggap ka na lang na hindi mo ako kilala. I'll do the same."

I stared at him.

"So, deal?" he asked. "I just really don't feel fine to let you walk alone."

It's weird how I could hear the beating of my own heart.

"Deal," I replied.

Sumabay siyang maglakad sa akin. He was a meter away from me. Minsan ay napapa-tingin ako sa kanya. It was weird to think about it—na parang nung isang araw lang ay hindi ko alam ang pangalan niya, and now, he was walking me home.

"Uuwi ka na after nito?" I asked.

"Yeah..." sagot niya na parang kung may choice siya, hindi pa siya uuwi.

"Duty ulit bukas?"

"Yeah..." sagot niya na parang kung may choice siya, hindi na siya magduduty.

"It'll be worth it," sabi ko. "Ganyan din si Kuya dati."

"I hope," sagot niya. "I need to top the boards."

"Gusto mo hiramin ko 'yung reviewer ni Kuya?" tanong ko sa kanya dahil naalala ko dati may mga biglang kinakaibigan ako para hiramin iyong reviewer ni Kuya—mapa sa Chemical Engineering o sa Med School o sa boards.

"Nakaka-hiya," sabi niya.

I shrugged. "Gusto mo?"

He didn't immediately answer. It looked like he was really trying to think about it. Kung ibang tao siguro 'to, oo agad ang sagot sa akin.

"Wag na. Nakaka-hiya," sabi niya.

"Okay," I said. "But if you said yes, hindi ko naman sasabihin na ikaw pagbibigyan ko."

He groaned. "Maganda ba reviewer?"

I shrugged. "I think so... I mean, nagtop 1 siya," sabi ko sa kanya. "Gusto mo 'yung kay Dr. Riviera try ko hiramin ko? Top 2 'yun."

"Tempting," sabi niya. "Fine. Yes. Pahiram. Kapag ayaw nila, 'wag mo na pilitin."

"Okay," I said. "Kung pumayag, paano ko ibibigay sa 'yo?"

"Text me? Kunin ko sa 'yo."

"Wala akong number mo."

Kinuha niya iyong phone at inabot sa akin. "Your number, please," sabi niya. Inilagay ko roon iyong number ko. Nung binalik ko sa kanya, he clicked call and then ended it.

"Dito na lang," sabi ko.

"Ito bahay niyo?"

"Iyon," I said, tapos ay tinuro ko iyong bahay two house away sa harap ng kinatatayuan namin. Iyon pa rin iyong dating bahay namin, pero mas maganda at mas maayos na siya ngayon dahil pinagawa ni Kuya. Laging pinagmamalaki ni Mama si Kuya sa mga kakilala niya. Siguro kung ngayon mo lang makikilala si Mama, iisipin mo na isa lang anak niya.

He nodded. "I'll stay here hanggang maka-pasok ka," sabi niya.

I nodded, too. "Ingat ka pauwi," sabi ko.

He smiled. "Thanks. Thanks for today."

"Thank you rin," sabi ko. It took some will to turn around and to walk away from him. Nang maka-rating ako sa harap ng bahay ko, tumalikod ako. True to his words, nandoon pa rin siya at hinihintay ako maka-pasok. Nung makita niya akong naka-tingin, he waved at me. I waved back.

I am now sure—I do like him. 

**
This story is already at Chapter 08  on Patreon (patreon.com/beeyotch). Subscription starts at 100php per month for all stories.

If you're having any problems with your payment or if you want to pay via GCASH, you can email [email protected] for assistance. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top