Chapter 01

Chapter 01

Kairita naman.

Minsan na nga lang ako magka-crush, hindi ko pa alam ang pangalan. Ilang beses na akong nag-attempt na itanong ang pangalan kay Kuya, pero tuwing ita-try ko, para akong biglang natitigilan. Ang awkward lang kasi na magtanong sa kanya kasi for sure itatanong din niya sa akin kung bakit ko tinatanong. Ano naman ang isasagot ko? Na crush ko? Asa naman! Over my dead body. 'Di ko rin. naman maitanong kay Ate Niles dahil chismosa iyon. Si Yanyan naman, sugo ng impyerno—lagi na lang ako binu-bwisit for some reason.

Makapagtanong nga sa mga nurse... hindi naman siguro makakarating kay Kuya. Curious lang naman!

Pagdating ko sa school, pilit kong hindi inisip iyong intern na 'yon. Kailangan focused ako sa mga ginagawa sa school. Gumana naman dahil maraming pinagawa sa amin. After school, inaya ako ni Chloe na maghangout.

"Pass," sagot ko.

"Oh, okay..." sabi niya. "Sunod ka na lang if you want."

"Yeah, sure," wala sa isip na sabi ko habang mabilis na naglalakad palabas ng school. Dumiretso agad ako sa hospital. Naka-upo lang ako sa mga bench doon habang nag-iisip ng strategy. Tsk. Bakit ba kailangan ko pa ng strategy? Itatanong ko lang naman ang pangalan—it's not as if itatanong ko ang pin number niya sa debit card niya.

Nagmasid ako sa mga nurse doon. Finally, may nakita ako na mukhang bago pa lang.

"Hi," pagbati ko since ako naman ang hihingi ng favor.

"Hi," naka-ngiting bati niya sa akin.

"May itatanong lang ako," sabi ko. She smiled while nodding. For some reason, naiirita ako sa mga tao na laging naka-ngiti. Kasi possible ba na masaya ka lang palagi? May ganon ba? Kasi ang weird lang. O baka ako lang ang weird na laging may iniisip na problema.

"Ano'ng pangalan nung intern na matangkad, maputi, singkit?" I asked. Kumunot ang noo niya. Baka kulang pa iyong description ko. "Uh... I think 6'2," sabi ko kasi halos ka-height niya si Kuya nung nakita ko siya. "Mukhang suplado."

I stopped dahil wala na akong masabi pa. Kairita na ni wala pang isang minuto nung nakita ko siya noon, pero isang linggo niya ng ginagambala ang isipan ko.

"Sorry, Miss, hindi ko kilala iyong sinasabi niyo kasi bago pa lang ako rito. Besides, bawal kami magbigay ng personal info," sabi niya habang nandoon pa rin iyong ngiti niya at saka umalis. Walang kwenta, ano ba 'yan. Saka may ganoon ba talaga na rule?

Papaalis na sana ako para sumunod na lang kina Chloe nung bigla kong makita si Kuya.

"Bakit nandito ka na naman?" he asked.

"Hihinging pera," sabi ko kasi alangan namang sabihin ko na nandito ako para huntingin iyong intern niya? I looked behind him, around him, pero wala iyong chinitong intern.

"May hinahanap ka ba?" kunot-noo na tanong niya.

"Wala," I replied, acting coy.

"Since nandito ka, malamang tapos na class mo. May ipapa-bigay ako kay Mama," sabi niya tapos ay nagsimulang maglakad. Nung mapansin niya na hindi ako naka-sunod sa kanya, huminto siya at tumingin sa akin. "Marian?" he asked. "Tara."

I blinked thrice before I followed him. Patingin-tingin ako sa paligid dahil baka nandito lang siya, pero totoo talaga na malaki iyong ospital so baka hindi ko rin siya makita. Tsk. Sayang naman effort ko na pumunta rito.

Pagdating namin sa lounge, biglang tinawag si Kuya ng attending niya.

"Kailangan mo na ba umalis o pwede kang maghintay?" he asked.

"Kapag nainip ako, aalis na ako," sagot ko sa kanya.

"Okay. Magtext ka kapag aalis ka na," he replied nang hindi naghintay sa sagot ko dahil nagmamadali siyang umalis.

I made myself comfortable on the lounge. Inilabas ko iyong notebook ko at nagsketch. Nung nauhaw ako ay nagtimpla ako ng kape ko. Habang nagtitimpla ako ng kape ay bigla akong naka-rinig ng chismisan. I groaned because that only meant one thing—

"Sabi ko na nga ba, may masamang espiritu," sabi ni Yanyan sa akin.

I stared at her. "Wag kang masyadong sumimangot—dadami lalo wrinkles mo," sabi ko sa kanya kaya napa-hawak siya sa mukha niya. Nakita ko na umiling na lang si Ate Niles sa aming dalawa.

"Nakita mo si Marcus?" Ate Niles asked.

I nodded. "Hintayin ko raw dito," I replied. "Aalis din ako—" sabi ko nung nanlaki iyong mga mata ko nung makita ko si Yanyan na naka-tingin doon sa sketch ko. Mabilis kong ibinaba sa table iyong kape ko at lumapit ako roon para isarado iyong notebook ko.

"Grabe... Love mo na?" Yanyan asked in a teasing tone.

"Shut up," I hissed. "Di mo ba alam iyong salitang privacy?!" naiinis na sabi ko dahil—ugh!

She laughed like a maniac. "Malay ko ba na makikita ko? 'Di naman ako bulag para hindi makita. Besides, sana sinara mo kung ayaw mong may maka-kita," she replied. I just groaned because I was so annoyed! This was my sketch!

"Yanyan," Ate Niles said in a warning tone.

"What? It's not as if binuksan ko," she said. "Kasalanan ko ba na nakita ko na dinrawing niya iyong mukha ni—"

"Yanyan!" I said, annoyed.

Tumawa si Yanyan habang naka-tingin sa akin. "Oh... So, ayaw mong may maka-alam sa crush mo, ha, little devil?"

Ramdam ko iyong pag-init ng mukha ko. Mas lalo lang akong namula nung makita ko na mapa-tingin si Ate Niles sa akin at unti-unting nanlalaki ang mga mata niya na para bang may narinig siyang top secret.

"Oh my god..." sabi ni Ate Niles. "May crush ka, Marian? For real? Sino? Tiga-dito ba?"

Tumingin ako kay Yanyan dahil baka bigla niyang sabihin. Pero mukhang wala naman siyang balak sabihin at nag-e-enjoy lang siya na bwisitin ako. And people were wondering kung bakit ako nabu-bwisit sa kanya e ganito siya palagi sa akin!

"Wala akong crush," I said, scoffing. "Ew lang."

Yanyan snorted. Pinanlakihan ko siya ng mata. She rolled her eyes. Good. I thought I needed to physically tackle her kung hindi siya titigil d'yan!

"Oh, okay. Akala ko may crush ka, e," sabi ni Ate Niles.

"Wala nga," sabi ko. Inilagay ko iyong mga gamit ko sa loob ng bag. "Paki-sabi na lang kay Kuya na umalis na ako dahil may asungot sa lounge," sabi ko habang naka-tingin kay Yanyan na may nang-iinis na mukha na naman.

"Sige," sabi niya.

"Thanks," I said dahil magalang naman ako kay Ate Niles. First, gusto ko siya para kay Kuya. Second, magagalit si Kuya sa akin kapag hindi ako mabait kay Ate Niles.

Papaalis na sana ako nung matigilan ako nung buksan ko iyong pinto. May kakatok sana pero natigilan siya nung buksan ko iyong pinto. My eyes widened upon realization. Fuck. Nandito siya. Shit. Nandito rin si Yanyan. Bu-bwisitin na naman ako nun!

"Marian?" biglang sabi nung lalaki sa harapan ko.

'Sumagot ka!' sabi ko sa sarili ko, but for some freaking reason, hindi ako makapagsalita. Naka-tingin lang siya sa akin. Bakit ang bango niya? Bakit ganito ako kalapit sa kanya? I needed to step back, but my traitor feet wouldn't follow me.

Nung hindi ako sumagot, tumingin siya sa likuran ko.

"Dr. Riviera, pinapasabi ni Dr. Nicolas na sabihin daw kay Marian na 'wag na siyang hintayin."

"Okay," sabi ni Ate Niles. "Pero ayan si Marian sa harapan mo."

Ibinalik sa akin nung lalaki iyong tingin niya. Bahagyang naka-kunot iyong noo niya. Masyado siyang malapit sa akin. Kitang-kita ko kung gaano ka-blemish-free iyong mukha niya. May pores ba iyong lalaki na 'to? May lahi ba siya na Chinese? Pero bakit diretso siya magsalita ng Tagalog? Was I being a racist right now? Bawal ba sila matuto magsalita ng Tagalog?

And why was I thinking about these trivial things at this freaking moment?!

"Marian?" sabi niya sa akin.

Finally, I managed a nod.

"Wag mo na raw hintayin si Dr. Nicolas."

I nodded again. Nasaan na iyong boses ko?

"Okay. Thank you," sabi niya bago nagpaalam kina Ate Niles at isinara iyong pinto. At pagka-sara na pagka-sarado nung pinto, rinig na rinig ko iyong malakas na pagtawa ni Yanyan na akala mo ay mamamatay na siya bukas at kailangan niya ng ilabas lahat ng tawa niya ngayon.

Lumingon ako, pero paglingon ko, kitang-kita ko iyong slow realization sa mukha ni Ate Niles.

"Oh, my god..." she said, her lips parted and her eyes wide opened. "Crush mo 'yung intern ng kuya mo?"

I immediately shook my head, pero mukhang nasobrahan ako sa pag-iling dahil nagmukha lang akong in denial lalo. Magpapaliwanag pa sana ako nung bumukas na naman iyong pinto. Muntik na akong manigas sa kinatatayuan ko nang makita ko na si Dr. Fuentes lang iyong pumasok. She said hi to me at saka dumiretso para gumawa ng coffee niya.

"Wala nga akong crush," I said.

"But your reaction—"

"Ano'ng meron sa reaction ko?" I said, immediately cutting off Ate Niles. I groaned again dahil halata naman na defensive na lang ako. "Fine," I added. "Just... some crush. 'Wag mong sabihin kay Kuya!"

She nodded. "Of course! Secret natin 'to!"

"Mas lalong ikaw," sabi ko habang naka-tingin kay Yanyan.

She rolled her eyes at me. "Pag-iisipan ko."

"Yanyan," sabi ni Ate Niles sa kanya.

"Tsk. Fine. 'Di ko na sasabihin sa Kuya mo," sabi niya.

"Thanks," I sarcastically said.

"Kaya 'wag mo rin ako bwisitin at baka bigla akong madulas na crush mo si Chase," sabi ni Yanyan.

"Chase?" sabi ni Ate Niles.

"Yanyan!" sabi ko habang naka-tingin kay Dr. Fuentes na tahimik na naglalagay ng stick ng sugar sa coffee niya.

Yanyan waved her hand. "Don't worry about her—tahimik lang 'yan. 'Di ba, Kelsey?"

Tumingin sa amin si Dr. Fuentes na mukhang nagulat pa na tinawag siya ni Yanyan. "What?" sabi niya.

"See? Walang paki sa paligid," sabi ni Yanyan. "Anyway," she said, waving her hand. "Felix Chase Viste is his name—he goes by Chase, according sa mga interns. You're welcome."

Mabuti na lang din at kinailangang umalis ni Yanyan dahil sobrang unpredictable niyang tao. Pagka-alis niya, tumingin sa akin si Ate Niles. She was smiling... weirdly.

"Ano?" tanong ko habang naka-kunot ang noo.

"May crush ka," she said, while still weirdly smiling.

"Bawal ba?"

Umiling siya. "Gusto mo tulungan kita?"

"No," sabi ko habang kinukuha iyong mga gamit ko. "It's just a small crush—kung gusto mo akong tulungan, 'wag mo na lang sabihin kay Kuya," dugtong ko bago nagpaalam at saka lumabas na.

Tahimik akong naglalakad sa hallway. Pero bago pa man ako maka-labas, natigilan na naman ako nung makita ko siya na naka-tayo sa harap ng vending machine. Naka-titig lang siya doon na parang seryosong-seryoso siya sa pagpili ng kung ano iyong kukunin niya.

I was actually enjoying the view nung mapa-simangot ako dahil may nakita akong isang group ng mga interns din siguro. Mukhang may crush iyong isang babae kay Chase dahil bigla na lang siya itinutulak papunta kay Chase na tahimik na namimili ng inumin niya.

I rolled my eyes and walked the other way. Ang papansin naman. Tsk.


**
This story is already at Chapter 04 on Patreon (patreon.com/beeyotch). Subscription starts at 100php per month for all stories.

If you're having any problems with your payment or if you want to pay via GCASH, you can email [email protected] for assistance. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top