Chapter 00

Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.

#MY00 Chapter 00

"It's not you, it's me?" diretsong sabi ko habang muling nilalagyan ng refill iyong wine glass ko. "Or... 'I'm just not looking for something serious right now?' O baka naman 'we're just at different places on our lives?"

Nang halos mapuno iyong wine glass ko, tumingin ako sa lalaki sa harapan ko. Stephen—what was his name again? I didn't even bother to remember. Alam ko naman na dito rin kami dadating.

And I was right.

"Julienne—"

"Just tell me if I got it right," I said with a fixed smile on my face. "So? Nakuha ko ba kung ano ang sasabihin mo?"

Napa-abot na rin si Stephen sa wine sa harapan niya. Pinanood ko kung paano niya halos maubos iyon.

"Please don't make this much harder than it already is," he said, sounding as if it's hurting him.

"We've been dating for a month," I informed him. "There's no attachment here whatsoever. Just please tell me kung ano ang dahilan mo."

Hindi agad siya nagsalita. I wanted to leave already, but I also wanted to know. The reasons I stated earlier were the common reasons kung bakit ako iniiwan... Maybe Stephen here would surprise me, I didn't know.

It's not as if I was needed someplace else.

Oh, shit!

"So?" sabi ko sa kanyang muli. "Is it the usual it's not you, it's me?"

"Julienne—"

"Just please answer," I said, cutting him off.

Napa-buntung-hininga siya. "Yes. It's me. The problem is me. I'm just busy with—"

Pero natigilan siya nang tumayo ako. I got my wallet from my bag and left a blue bill. Dalawang baso ng wine lang naman ang ininom ko. I already had the idea that this was coming. Ni hindi na ako kumain ng dinner dahil baka masuka pa ako sa sobrang asar.

"It was nice while it lasted, Stephen," I said with a small smile before walking out of the restaurant. Agad akong lumabas at dumiretso sa sasakyan ko. I started the car, but I couldn't bring myself to drive.

"Ano ba? Ano ba ang plano mo sa 'kin, Lord?!" malakas na tanong ko habang naka-tingin sa itaas. "Kasal na lahat ng kapatid ko; may pamilya na lahat ng pinsan ko! Napaka-rami ko ng inaanak! Pati best friend ko na sobrang intimidating nakapag-asawa at may anak na rin! Naiwanan na ako!"

Halos ihampas ko iyong ulo ko sa manibela.

"Kung may plano ka, Lord, pwedeng pakibilisan naman? Naiinip na ako..."

Ano ba kasi talaga?

Or maybe fault ko?

Karma ba 'to?

When I was younger, I used to toss guys like I was changing clothes. I mean, wala namang masama roon. Sinasabi ko naman sa kanila na hindi ako naghahanap ng pangseryoso. I just wanted to have fun then—sobrang nakaka-stress kasi iyong nursing at med school.

I just needed someone who'd help me alleviate the stress.

But that was ages ago!

32 years old na ako!

Gusto ko nang magpakasal. Gusto ko nang magka-anak. I was tired of going home to an empty condo. I wanted to go home to someone—iyong makaka-usap ko tungkol sa nangyari sa araw ko.

Binabaan ko na nga iyong standards ko!

I wasn't looking for someone smoking hot anymore! Gusto ko na lang iyong disenteng tignan at saka mabait. Really, I only needed someone who'd treat me right.

But even that seemed like too much of a requirement anymore.

Fuck this life.

My phone vibrated while I was self-pitying.

"What?"

"Di ka talaga pupunta?"

"Huh?"

"Birthday ni Nini ngayon?"

"Oh, shit, oo nga pala!"

"Napaka-walang kwentang ninang mo talaga, Yanyan," sabi ni Niles. Ramdam ko na iyong pag-irap niya dito pa lang.

"Shut up, bitch. Parang hindi ako nag-aalaga sa anak niyo tuwing gusto niyong mag La Union ni Marcus," I answered while finally driving out of the parking lot. I opened the music and played something soothing. Birthday nga pala ni Nini tapos badtrip ako. 'Di naman niya kasalanan na hindi marriage material ang ninang niya.

Gusto ko na rin ng baby.

Magpa-buntis na lang kaya ako? Kaso sigurado ako itatakwil ako ng buong angkan ko. Ang hirap naman ng nasa sobrang religious family ka.

Pagdating ko sa bahay nila Niles, nakita ko na may ilan pang sasakyan na naka-park. Kinuha ko sa backseat iyong regalo ko kay Nini.

"Ano? Afternoon iyong birthday—dinner na," sabi ni Niles habang naka-pamewang.

"Pasalamat ka nga dumating ako," sagot ko sa kanya. "Si Nini?"

"Na kay Marcus," Niles replied. "Bakit ganyan itsura mo?"

"Wine nga," I said, instead. Diretso akong pumasok sa bahay nila. Alam ko masamang mainggit... but damn, I wanted Niles' life. Sure, ang hassle ng buhay niya before dahil sa sobrang expectation ng family niya sa kanya, but it seemed like it all worked out fine.

May asawa siya na hindi lang mabait, sobrang hot din.

May cute na cute siyang Nini.

Ang ganda ng bahay niya.

Promising career.

Ganda lang ang meron ako.

Pambihira naman!

I plopped down on the sofa. Medyo magulo sa bahay nila Niles. Marami ring naka-kalat na regalo. Mabuti na lang din pala at ngayon lang ako dumating dahil wala ako sa mood makipagkapwa tao ngayon.

"So... ano nangyari?" she asked after handing me the glass of wine.

"Duh. The usual."

"Sino nga ulit?"

"Stephen," I said. Her forehead remained creased. "The chef?"

"Oh..."

Hindi na siya nagsalita. Everything's been said already. Ilang beses na 'tong nangyari. Pagod na rin siguro si Niles sa akin.

"Sobrang unlovable ko siguro talaga," I said as I sipped my wine.

"Baliw," she replied. "Ayos lang 'yan. Kaysa naman magsettle ka sa hindi mo naman talaga gusto, 'di ba? Mas mahirap 'yun."

"Alam mo, minsan, kailangan mo talagang magsettle."

"Hindi rin. Kung nagsettle ako, e 'di wala akong Marcus ngayon?"

I rolled my eyes. "E hindi naman lahat magkakaroon ng Marcus?!"

Minsan, ang sarap talagang saktan nitong si Nileen, e! Feel niya ba lahat ng babae ay magiging blessed enough para magkaroon ng asawa na doctor na may abs?! Feeling niya ba talaga ay nangyayari sa lahat ng tao 'yun?!

Sarap saktan talaga!

Natawa siya. "Duh? Wala ka talagang Marcus kasi sa 'kin 'yun. What I mean is, magkakaroon ka ng sa 'yo—just wait."

"32 years na akong naghihintay?"

"Gawin nating 33 years."

"Pota ka talaga."

Tumawa siya. "Pero seriously, Yan, mas okay na maghintay ka. Don't settle for someone na hindi mo talaga gusto. Naghahanap ka lang ng bato na ipupukpok sa ulo mo."

I sighed and rested my head against the sofa.

"Kakapagod na maghintay."

I felt Niles resting her head against my shoulder. "Better than committing with someone na napilitan ka lang? Hirap magising araw-araw tapos makikita mo 'yung tao na 'di mo naman talaga gusto? Kilala kita—napaka-maldita mo pa naman. Kawawa iyong lalaki sa 'yo."

I groaned. "Maybe that's the reason. Napaka-maldita ko."

"Siguro. Bawasan mo ng konti."

"And masyado raw akong honest."

"Nothing with that naman—siguro choose your moments lang."

"Cocky din daw ako."

"Insecure lang siguro iyong lalaki," Niles replied, being the best friend that she is.

"Sobrang cold ko rin daw. In my defense, 'di talaga ako nakakapagcheck ng phone madalas dahil sa work," I said. Swerte na talaga ni Niles kay Marcus dahil nasa pareho silang field. Bilib nga ako sa dalawa na 'to, e. Minsan 'di talaga sila nag-aabot, pero naiintindihan nila.

Sa kanila talaga ako napapa-sabi ng 'sana all.'

"Yan—"

"Who... the fuck is that?" tanong ko nang mabaling ang atensyon ko sa pinanggalingan ng boses ni Nini. My eyes automatically looked for Nini dahil gusto kong makita ang ka-cute-an niya...

But instead, I saw who was probably the most attractive guy I'd ever laid my eyes on—and that was saying something because I know a lot of hot doctors.

"Sino?"

"Sino ba nandun? Malamang hindi si Marcus at Nini," naiirita na sabi ko kay Niles dahil ang tagal niyang sagutin iyong tanong ko.

"Ah... Si Levi?"

"What the hell, Niles?! May kakilala ka na ganyan ka-gwapo tapos hindi mo sinasabi sa akin?! What are friends for?!"

Kumurap-kurap siya na para bang nabigla sa sinabi ko. "What?"

"Ang gwapo," I hissed.

"Paano ko ipapa-kilala sa 'yo e lagi kang may dine-date?"

"Wag mo ngang ibaling sa akin ang sisi!"

Tumawa siya. "Wag na 'yan, Yan. Mukhang 'di interesado sa hina-hanap mo 'yang si Levi."

"What? Why not?!" I groaned.

"Pilot, e. 'Di ba kapag pilot—"

I stood up.

Kinuha ko iyong regalo. I fixed my hair and straightened the imaginary crease on my skirt. Mabuti na lang maganda ako ngayon—I fixed myself up. Motto ko kasi ay ma-dump man ako, importante ay maganda pa rin ako.

"Nini, here's your gift," I said as I walked towards Marcus who was carrying Nini. Hindi ako tumingin doon sa kay Levi na kausap ni Marcus—kunwari ay hindi ko siya nakita.

"Marcus, sorry, I'm late," I continued. "Nagscrub in pa kasi ako sa emergency operation ni Dr. Santiago."

Marcus nodded, his forehead creased a little. Napa-tingin ako sa gawi ni Niles at nakita ko na natatawa na naiiling siya. Well, screw her—masaya na siya! Ako, kailangan kong gumalaw kung gusto ko ring sumaya.

Ibinaling ko ang tingin ko na para bang ngayon ko lang siya nakita.

"Oh, I'm sorry—I didn't see you there," I said with my most gracious tone—also sporting a hint of small smile.

Levi flashed me his smile.

Fuck.

Ang gwapo.

And he smelled so fucking nice...

That's my weakness.

"No problem," he said.

I wanted to introduce myself... but that's what I usually did with the other guys. I introduced myself, and I initiated the conversation.

Hindi ngayon.

This guy...

He's too hot para magaya sa mga nangyari dati.

I threw Marcus a look.

"Levi, Yanyan—"

"Julienne," I interjected.

Napaawang ang labi ni Marcus at bahagyang natawa. "Julienne," pagtatama niya. "She's my co-worker," pagpapa-tuloy ni Marcus. "Levi here is a pilot."

"Nice meeting you," Levi said, offering his hand.

I looked at him, smiled a little, and then shook his hand.

Nice to meet you, too. 

***

This story is already finished on Patreon x

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top