Chapter 11
Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.
#IrrefutablyYours Chapter 11
Ano ba 'yan.
Ang lungkot naman.
Nagpaalam na ako sa mga kasama ko. It's my birthday. May mga nagmessage naman na sa akin na bumabati pero syempre iba pa rin kapag personal. 'Di rin naman kasalanan ng mga kasama ko rito... 'Di ko naman kasi pinagkakalat na birthday ko. Nakaka-hiya.
Although mas nakaka-lungkot.
Tsk.
Maka-bili na nga lang ng beer at maka-tulog nang maaga.
After ng shift ko, dumiretso ako sa convenience store. Ito talaga ang favorite ko rito sa Japan! Halos isang taon na ako rito pero sobrang aliw pa rin magpunta sa convenience store!
Bumili ako ng 6-pack and kung anu-anong pwedeng kainin. Maka-nood na lang siguro ng Netflix. Wala naman akong pasok bukas.
"Leche talaga 'yung lalaking 'yun," I murmured to myself habang naglalakad ako pabalik sa apartment ko. I knew I told him na hindi niya naman ako kailangang itext araw-araw kasi aware naman ako na hectic ang sched niya dahil doctor din naman ako! Pero grabe naman! Birthday ko naman! Paka-kupal naman talaga niyang si Marcus! Pagkatapos ko siyang itour dito nung pumunta siya! Epal talaga!
I probably looked like a kid na inagawan ng candy habang naglalakad ako. I was pouting and murmuring all the way. Kung hindi lang talaga therapeutic ang paglalakad, baka namatay na ako sa sobrang stress. Hirap pala talagang mag-isa! Akala ko hindi ako masyadong mahihirapan dahil simula naman nung nagcollege ako nasanay na akong tumira mag-isa... pero iba pala talaga kapag nasa ibang bansa ka tapos wala kang kasama.
Nakaka-miss ang Pilipinas.
Akalain mo 'yun?
Before I made a turn, inabot ko na iyong kamay ko sa bag ko para hanapin iyong susi para sana pagdating ko sa harap ng gate, bubuksan ko na lang. Hindi ko makita kaya naman tumingin ako sa bag ko. Nang makita ko siya, nag-angat ako ng tingin nang biglang manlaki ang mga mata ko.
"Surprise?" Marcus said, holding a couple of balloons and a teddy bear. "Happy birthday, Niles," he greeted with a warm smile on his face.
My lips parted.
I felt a stinging sensation around my eyes.
"Ang epal..." I said with my small voice. "Bakit ka nandito?"
"Malamang birthday mo," epal na sagot niya.
"Kaya ba 'di mo man lang ako binati simula kanina?" I asked kasi ang epal niya! Gabi na kaya! Akala ko nalimutan niya talaga na birthday ko!
He laughed. "Hinihintay mo ba 'yung greeting ko?"
"Malamang!" I said, hitting him on the chest.
"Sorry na. Gusto ko kasi personal, e," he said, then handed the bear. "Happy birthday, Niles," he continued with that freaking smile on his face that made it so fucking easy to forgive him sa mga kalokohan niya. "Ayaw mo kasi akong bigyan ng susi dito. E 'di sana nakapag-setup ako ng surprise sa kwarto mo."
I rolled my eyes. "E 'di sinakal ka ng tatay ko?"
Nagmeet na si Marcus at ang pamilya ko. Hindi siya planado. Epal kasi si Marcus, e. Sinabi ko na na 'wag niya na akong ihatid sa airport kasi ihahatid ako ng pamilya ko, malamang. E epal siya kaya pumunta pa rin siya sa airport. Akala ko si Mommy ang gigisa sa kanya dahil sa parents ko, si Mommy talaga ang nakaka-takot... Laking gulat ko nang si Daddy ang napaka-daming tanong! Grabe! Na-stress ako doon! Mas na-stress ata ako roon kaysa sa revalida ko!
Tumawa si Marcus. "Friends na kaya kami ni Tito sa Facebook."
Umirap ako. "Sipsip ka talaga," I said habang papasok kami sa loob.
There's something about Marcus na madaling maka-gaanan ng loob. Close na siya sa mga kapatid ko. Okay siya kay Mommy. Bagong motto ata ni Mommy ay hindi man anak niya ang Top 1, at least jowa ng anak niya ang Top 1.
Ay, ewan ko ba!
At least 'di siya kontrabida sa amin.
"Paano ka nabubuhay dito, Niles?" Marcus asked pagpasok namin.
"Wag mo ngang pakielaman iyong ref ko."
"Maggrocery tayo."
"Birthday ko tapos maggo-grocery ako?"
"Tayo naman." I rolled my eyes. Tumawa siya. "Gusto mo naman, e."
Binato ko siya nung unan. "Ang epal mo pa rin talaga!" sabi ko sa kanya at saka tinawanan lang ako ni Gago. Nung unang punta niya kasi rito sa Japan para bisitahin ako, nabasa niya iyong notes ko ng mga gusto kong gawin kasama siya—isa roon iyong paggo-grocery kasama siya. Bakit ba! Tagal kong hinintay magka-boyfriend! Syempre marami akong gustong gawin! Ito naman kasing si gago, lagi akong niloloko!
"Pack ka na ng gamit mo," he said.
"Huh?"
"Punta tayong Osaka."
"What?"
"Tara na," he said. "In an hour na iyong Shinkansen natin. Bawal ma-late."
I blinked. "Wait... for real?"
He nodded. "Ilang beses mo nang sinabi na gusto mong gumala sa Wizarding World."
I couldn't fight the smile off of my face. "Ang epal."
Tumawa siya. "You're welcome."
I pressed my lips together. "Thank you."
He nodded. "No problem. Pero bilisan mo talaga. Sayang ticket natin."
I gave him a quick kiss bago ko inayos iyong mga gamit ko.
I was so excited kasi gusto ko talagang pumunta sa Osaka! I mean, kaya ko naman pumunta pero ang boring naman kung mag-isa lang ako. Nung pumunta si Marcus, sa Tokyo lang kami nag-ikot. Balak ko sana na ayain pa lang siya, malay ko ba na naka-bili na siya ng ticket!
Minsan, ang dami niyang alam talaga!
"Niles..."
"Hmm?"
"Gising na. Dito na tayo."
I lazily opened my eyes. Grabe. Naka-tulog na ako. Ni hindi ko man lang na-enjoy iyong view sa bullet train.
"Sorry naka-tulog ako," I told him. Siya pa naman iyong kaka-galing lang sa Pilipinas tapos ako pa iyong natulugan siya.
"Okay lang," he replied. "Gusto mo bang umikot and maghanap ng dinner o matutulog na tayo?"
"Ayoko naman na matulog lang ngayong birthday ko," I said.
"Okay. Dalhin muna natin iyong gamit sa hotel tapos hanap tayo ng makakainan."
So we walked side by side tapos ay sumakay kami ng taxi papunta sa hotel. Grabe. Mas malala iyong taxi rate dito sa Osaka kaysa sa Tokyo. 'Di na lang ako tumingin sa taxi meter at naiistress ako.
"Alam ba ni Marian na nandito ka?" I asked. 'Di pa rin kami friends ng kapatid niyang 'yun. Ako na nga nagpakumbaba at inadd siya sa FB, pero 'di pa rin ako inaaccept! Nakaka-loka ang mga kabataan ngayon! Pampalubag-loob na lang siguro na 'di niya naman ako ni-reject.
Well, at least.
"Oo."
"Ano'ng sabi?"
"Wala naman."
I eyed him. "Ano nga?"
Tumawa siya. "Wala nga. Ano ba'ng akala mong sasabihin ni Marian?"
I shrugged. "Na ginayuma kita—"
Tumawa siya. "Ganoon ba ako ka-gwapo para sa tingin mo kailangan mo pa akong gayumahin?" he asked. Talagang tawang-tawa siya!
Kinurot ko iyong braso niya. Wala man lang akong nakurot! Siya lang talaga ang kilala kong doctor na sobrang buff ng katawan!
Inirapan ko nga.
Tumawa si Marcus bago kinabig ako at saka pinalibot iyong braso niya sa mga balikat ko.
"Walang sinasabi si Marian na masama sa 'yo," he said.
"Weh?"
"Oo nga."
"Di ako naniniwala."
"Wala nga. Alam niyang magagalit ako kapag may sinabi siyang masama."
"Bakit naman?"
"Syempre. Bakit niya sasabihan ng masama 'yung babaeng nagpapasaya sa kuya niya?"
My eyes widened a little.
Narinig ko iyong pagtawa ni Marcus.
"Really, Niles? Namumula ka pa rin kapag naririnig mo 'yun?"
I groaned. "Wag ka kasing nambibigla!"
"More than a year na tayo!"
"E bakit ba! 'Di ko naman nakokontrol iyong pamumula ng mukha ko!"
"Nakaka-flatter, Niles."
"Ang epal forever!"
Nag-away lang kami—more like inaway ko lang siya—hanggang sa maka-pili kami ng kakainan namin. We ended up in this small resto and ordered Kobe beef. Tapos ay sumakay kami sa cruise doon sa Dotombori canal.
"Ang peaceful," Marcus commented.
"I know."
"Mamimiss mo kapag bumalik ka na next year?"
"Mej."
"Ang init pa rin at traffic sa Manila," he said.
"Okay lang," I replied.
"Parang dati reklamo ka nang reklamo."
"Ang ganda dito, pero ayoko na rin dito."
"Bakit naman?" he asked.
"Gusto ko nang umuwi. Namimiss ko na 'yang pagmumukha mo," sabi ko sa kanya habang naka-titig lang ako kay Glico Running Man dahil ayokong makita iyong nakaka-iritang ngisi sa mukha ni Marcus. Sure ako na naka-ngisi siya! Alam niya kasi na awkward ako sa mga ganitong kalandian kaya talaga tinutukso niya ako!
I was expecting him na tuksuhin ako.
But then I felt him holding my hand.
"Niles," he said.
"Hmm?"
"Pag-uwi mo, 'dun ka na lang umuwi sa 'kin."
My eyes widened. "What?"
"Wala naman na 'yung unit mo, 'di ba? Saka maluwag naman sa condo—"
"You want us... to live together? As in live in?"
I looked at him.
I couldn't believe that I was actually seeing Marcus be... nervous?
"Pwedeng mamaya na lang—"
"No," mabilis kong sabi.
"Niles—"
"Sumagot ka muna."
"Mamaya na—"
Umiling siya. Buong cruise, kinulit ko lang siya pero hindi siya nagsalita. Hanggang sa maka-baba kami at naglalakad na kami sa Dotonbori, 'di nagsasalita si Marcus.
Nung kami na lang iyong nasa daan pauwi, at saka bigla siyang huminto.
"Ano? Ngayon magsasalita ka na?"
He nervously ran his fingers through his hair.
Then I saw him put his hand in his pocket.
"Remember dati nung nanonood tayo ng video sa Facebook tapos sabi mo ayaw mo ng proposal in public—"
My eyes widened.
As in ramdam ko iyong panlalaki ng mga mata ko!
"Well, tayo lang ang nandito," he said as he retrieved a navy-blue velvet box from his pocket. "Nileen—"
"Are you fucking serious?!"
"What? Galit ka ba?" nagpapanic na tanong niya.
I blinked.
Rapidly.
Oh, my god!
"Bakit ka nagpopropose?!" I asked, panicked!
"Because... I want to spend the rest of my life with you?" naguguluhan na tanong niya.
"Are you sure?!"
"Uh... yes?"
I paced back and forth.
Holy shit!
He's really proposing!
Never ko 'tong naisip kasi ewan ko!
"Niles... galit ka ba?"
Hindi ako nakapagsalita.
"Niles..." pagtawag niya sa akin. Patuloy ako sa paglalakad nang bigla niyang hawakan iyong braso ko at saka patigilin ako. "Niles," he said again.
"Marcus... what the fuck?" I asked. "We dated for a while nung nasa Pilipinas ako. Tapos LDR for a year? Tapos... proposal?"
He looked utterly lost.
"Ano naman kung LDR? 'Di ba considered as relationship 'yun?"
"That's not what I meant."
"Then ano?"
"I—" I sighed. "Ano ba'ng naisip mo?"
"Naisip ko na gusto kitang pakasalan? At gusto kitang makasama?" he asked. "Sure, maybe our relationship isn't exactly conventional, but then again, so what?"
Hindi ako nakapagsalita.
"Niles, the Factime isn't cutting it for me anymore. I want to see your face first thing in the morning. I want to wake up beside you. I want to nag you when you're not eating on time. I want to listen to your rants. I want to laugh at your stupid jokes."
I frowned.
He laughed.
"I want to see that frown," he said, poking my cheek. "Look, Niles, I'm not asking you to marry me tomorrow. We can get married in a year or two or three—"
"Ang tagal—" I said, then stopped when I saw him grinning.
"Pwede namang bukas na kung gusto mo."
Umirap ako. "Di pa ako pumapayag, okay?" Tumawa siya. "Saan ba 'to talaga nanggaling? Bat bigla kang nagpo-propose? Saka next year pa naman ako uuwi!"
"I just don't want you to doubt what I feel for you."
Kumunot ang noo ko. "What?"
"But if you don't want—"
"Wait. Ano'ng doubt? San nanggaling 'yan?" I asked but my question was met with silence. "Marcus?"
Umiling siya.
"Marcus," pagtawag kong muli.
"Sabi kasi ni Yanyan iniisip mo na si Joey—"
"Ano na naman pinagchismisan niyo!" sabi ko tapos kinurot ko siya.
"Wala!" sabi niya tapos umatras siya.
"Di ako nagseselos kay Joey!" I said.
I mean... medyo?! Pero never kong sasabihin kay Marcus 'yun, noh! Isipin pa nito na praning ako! Cool lang kaya ako dapat!
"Wala akong sinabing ganon," sabi niya.
"So, kaya ka nagpropose dahil kay Joey?"
His face was flooded with confusion.
He blinked.
His forehead creased.
"Wait, what?"
I turned my back on him and began to walk.
Proposal ko sana tapos may Joey na naman.
Lord naman!
Hanggang makarating kami sa hotel, 'di ko kinakausap si Marcus. I quietly prepared for sleep. Mabuti na lang at pagod na ako kaya naman mabilis akong naka-tulog.
But a few hours later, nagising ako.
I was about to stand up to go to the CR nang makita kong naka-upo si Marcus at naka-sandal sa headboard.
"Sorry," rinig kong sabi niya.
"Ha?" I asked, still a bit dazed.
"Didn't mean to ruin your birthday. I'm sorry, Niles."
"What?"
"Dapat 'di ko na binanggit—"
He paused when he saw the expression on my face.
"It's not your fault, okay? Pagod lang talaga ako kanina. Sorry."
Umiling siya. "No. Kasalanan ko."
"Hindi mo kasalanan," sabi ko sa kanya. "It's my issue. Alam ko na wala ka ng feelings sa kanya. It's just that..." sabi ko tapos ay huminga nang malalim. "How do I compete with 10 fucking years, Marcus? Umabot ng Grade 4 'yang feelings mo sa kanya."
So, we were there, sitting side by side, our backs on the headrest, talking about my fucking insecurity with the woman who wasn't even his ex.
Fucking great.
Marcus stayed quiet.
He's letting me rant.
"You never gave me a reason to be jealous. Alam ko praning pero lagi kitang tinatanong kay Yanyan at sabi niya sa 'kin nagta-trabaho ka lang daw talaga at wala kang nilalandi kahit maraming nurse at doctor ang nagpapapansin sa 'yo," dire-diretso kong sabi. "Issue ko lang talaga 'to, okay? Tuwing naiisip ko kasi na medyo matagal na rin tayo... bigla kong naiisip iyong 10 years mo kay Joey. Na tipong kahit wala siyang ginawa, hinintay mo pa rin talaga. Ang tindi lang kasi nun, 'di ba?"
I drew a fucking deep breath.
"Alam ko naman na wala na. Na may Psalm na siya; may Niles ka na. Pero alam mo 'yun? Minsan iniisip ko na 'what if kaya naging kayo? Nasaan kaya ako ngayon? Mapapansin mo man lang kaya ako?'"
I heard his breathing.
I couldn't look at him.
"But then again, that's just my mind overthinking," sabi ko at saka tumayo.
"Niles, those 10 years... It wasn't fun. Naghabol lang ako nun—"
"Yeah. Pero paano kung nagpa-habol siya?"
"Ewan ko."
"Nandito kaya ako?"
Tumayo siya.
He stood in front of me.
"Niles, we'll never know," he said. "And frankly, I don't even care anymore. Joey's just a part of the past. I'm already over her. I need you to be over her. Kasi kami, tapos na... Ikaw, hindi ko alam kung kailan ka matatapos sa kanya."
***
This story is already finished on Patreon x
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top