Chapter 10

Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.


#IrrefutablyYours Chapter 10

I took deep breaths.

Hindi ko nabilang kung ilan bago ako kumatok. Basta ang alam ko, kumatok na lang ako. Ayoko na kasing i-delay. Matanda naman na kaming dalawa. Sabihin niya sa akin kung ano ang trip niya at baka masakyan ko pa. Basta gusto ko lang sana ay honest siya—kagaya nung pinangako niya sa akin nung una pa lang.

"Niles?" sagot niya nang buksan niya ang pinto.

"Busy ka?" tanong ko. Sumilip ako sa likuran niya dahil baka nandito si Marian. Wala pa naman ako sa mood pagpasensyahan siya. Oo mas bata siya sa akin, pero 'di naman ako ganoon ka-bastos nung ka-edad niya ako. 'Di ko talaga alam kung ano ang trip ng isang 'yun.

"Not really... Bakit pala? 'Di ka naman nagtext—"

"Nag-apply ka ba for Bukidnon?"

"What?" sagot niya habang naka-kunot ang noo.

"Sabi ni Dr. Cuesta—"

"Kailan kayo nag-usap?"

"Stop deflecting and just answer the question," mabilis na sagot ko. This definitely wasn't my night. I was still reeling from the discussion I had with my mother—definitely ay wala akong pasensya sa mga palusot ni Marcus ngayon.

"Ano ba 'to, Niles?"

"Nagvolunteer ka ba sa Bukidnon?"

"Oo."

"Dahil nandun din si Joey, right?"

Nakita ko kung paano umigting ang panga niya. I took a step back and drew a deep breath. Then I slowly nodded my head.

"Oh... Okay," I said, trying to fix a smile on my face. "I get it."

Sinubukan niyang humakbang palapit sa akin, pero mabilis akong humakbang paatras. Hanggang sa maramdaman ko na iyong pader sa likuran ko.

"Niles—"

"No," I said, shaking my head as I fought hard to retain the smile on my face. "It's all good..." sabi ko sa kanya. "Sinabi mo naman sa 'kin sa simula pa lang na wala ka talagang feelings o kung anuman."

"Niles—"

"But I can't do this shit anymore, Marcus. I can't just wait until you decide kung tapos ka na ba kay Joey o kung anuman ang trip mo sa buhay. You promised me honesty but you couldn't even give me that. Parang tanga lang."

Mabilis kong hinawakan ang mga kamay ko.

Ramdam na ramdam ko iyong panginginig nila.

Tumalikod ako at nagsimulang maglakad, pero bago pa man ako maka-layo, naramdaman ko ang hawak niya sa kamay ko.

"Sandali lang naman," sabi niya habang naka-hawak sa akin.

"Bakit?" tanong ko. "It's not like we're officially together or something. Nagde-date lang naman tayo, right? 'Di naman natin kailangan ng official break-up."

Kita ko iyong simula ng inis sa mukha niya.

Siya pa ang may ganang mainis.

"Sandali lang, okay?" sagot niya. "Bigla kang pupunta dito tapos magsasabi ka ng ganyan. San ba 'to nanggagaling? Ano ba 'yung—"

"Sabi mo sa 'kin hindi mo tinanggap iyong offer dahil ayaw mo lang. Hindi mo sinabi na balak mo pa lang sundan si Joey sa Bukidnon."

Lumuwag ang pagkaka-hawak niya sa akin. I saw him drawing a deep breath. He licked his lower lip and stared at me.

"Okay," he said, gently nodding his head. "First, please stop cutting me off. We can't have a civil discussion kung lagi mong puputulin iyong sinasabi ko."

My jaw clenched.

This fucking guy.

"Second... Paano napunta kay Joey iyong pag-ayaw ko sa offer?"

Hindi ako nagsalita.

I saw him purse his lips.

"Come on, Niles..."

"What? You didn't tell me kung pwede na akong magsalita."

"Parang bata naman."

"Stop turning this like ako pa iyong OA."

"I didn't say that, okay? But that's such a leap. Bakit biglang tungkol kay Joey iyong pagtanggi ko sa offer?"

"Bakit? Hindi ba?"

"No," he quickly replied.

"Oh, really?"

"Yes," he said. "Niles, my life doesn't revolve around her."

I scoffed. "You're hard to believe there, Marcus. Ikaw ang nagsabi sa akin na almost 10 years kang naghintay sa kanya."

He uttered something under his breath. "Niles, I declined the offer dahil ayokong umalis sa Pilipinas, okay?"

"Dahil kay Joey?"

"No!" sagot niya habang biglang tumaas ang boses niya. Biglang bumukas iyong pinto sa kabilang unit, at saka tumingin sa amin. Marcus brushed his fingers through his hair and looked at me. "Can we talk about this inside?" he asked, but I didn't move. "Please?"

Hindi ako nagsalita.

Sumunod ako sa kanya papasok sa unit niya.

Para kaming dalawang estatwa na naka-tayo lang at naka-tingin sa isa't-isa. Gusto kong magsalita para matapos na, pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula.

"Joey has nothing to do with me declining the offer," kalmado niyang sagot. I was pissed. Why was he suddenly so calm?! Ako 'tong napipikon na sa kanya. I seriously just wanted to walk away from him, from this shit!

I stood there, staring at him, saying nothing.

"Nasabi ko na ba sa 'yo na patay na 'yung tatay ko?"

Hindi ako naka-galaw sa tanong niya.

"Hindi pa ba?" tanong niya na saglit na natawa. "Sorry. Minsan kasi nalilimutan ko na rin. Parang buong buhay ko na rin kasi wala si Papa." Tumingin siya sa akin na may malungkot na ngiti. "Hindi ako pwedeng umalis nang matagal sa Pilipinas, Niles. Hindi pwedeng maiwan si Mommy. Kami na lang ni Marian 'yung meron siya. Iyon lang 'yung dahilan. Hindi kita pipilitin na maniwala kung ayaw mo... pero iyon talaga 'yung dahilan. Hindi papayag si Mommy na umalis ako. Hindi ko rin naman maiwan si Marian dahil baka mabaliw 'yun kapag siya lang iyong binabantayan ni Mama," sabi niya na bahagyang natawa.

Tumingin siya sa akin.

He took a step forward.

Hindi ako naka-galaw.

"Iyong sa Bukidnon," sabi niya. Naghintay ako ng susunod na sasabihin niya. Pero ilang segundo ang lumipas at naka-tingin lang siya sa 'kin.

"Nandun si Joey," sagot ko sa katahimikan niya.

"Alam ko."

"Kaya ka pupunta 'dun."

Umiling siya.

"Ano'ng gagawin mo 'dun? Mamimitas ng pinya?"

Biglang nalaglag ang panga niya sa narinig niya mula sa akin. He pursed his lips at mukhang nagpipigil siya ng tawa. I saw him taking deep breaths in.

"Come on, Niles. Seryoso ako rito."

"Seryoso din ako."

"Bakit may pinya bigla?"

"E ano'ng gagawin mo 'dun kung hindi para sundan si Joey? Alam mo, may pagka-stalker ka rin talaga."

He took a step forward.

Umatras ako.

Umulit siya.

Umatras din ako.

Hanggang sa maramdaman ko na naman iyong malamig na pader sa likod ko.

"Nagseselos ka ba kay Joey, Niles?"

I scoffed. "Tigilan mo nga ako, Marcus. As of today, 'di na tayo nagde-date."

"Talaga? 'Di ako aware."

I tried to push him away, but his freaking chest was so hard! Ugh! Bigla kong na-miss agad kapag umalis na talaga ako! Makaka-hanap kaya ako doon ng lalaki na kasing katawan ni Marcus?

Ano ba 'yan.

Para namang tunog katawan lang ang habol ko sa kanya!

"Cebu kasi talaga dapat 'yun, Niles, kaso naubusan na ako ng spot."

"Kung magsisinungaling ka na lang din, galingan mo naman. Ginagawa mo naman akong tanga. Konting respect naman."

Kita ko na naman na pinipigilan niyang matawa sa akin. Lecheng 'to! Ayaw akong seryosohin!

"Seryoso nga kasi," he replied.

"So, kung naubusan ka man talaga ng spot sa Cebu, e 'di sana 'di ka na nagvolunteer? Kaya nga volunteer? Hindi naman mandatory?"

"Ganito ka talaga ka-selosa, Niles?" he asked, sounding amused.

"Selosa mo mukha mo."

Natawa siya. "Hindi ko alam kung bakit ka nagagalit. Ikaw nga ang dahilan kung bakit ako nagvolunteer."

"What?" I asked, confused.

Gusto ko sanang umalis na talaga kaso ay hindi ako maka-galaw. Itong magaling na si Marcus, naka-lagay iyong dalawang braso sa tagiliran ng ulo ko. Naka-nood na ako ng ganito sa mga series, e! I knew that looking from the outside, sobrang sweet siguro tignan! Pero right at that moment, gusto ko lang suntukin si Marcus dahil feeling niya ata e madali lang akong utuin.

"Sabi mo dati 'di ba kausapin ko si Joey? Dahil 'dun sa—"

"Kagaguhan mo," I said, cutting him off. "Sorry, couldn't help it. Ang gago mo talaga sa part na 'yun."

He nodded his head. "Yeah, I know," he said with a small, sad smile. "Gusto ko sanang kausapin si Psalm... pero naisip ko na baka magalit si Joey kapag ginawa ko 'yun kaya gusto ko sanang kausapin si Joey—"

"Kailangan talaga susundan mo sa Bukidnon?"

"Selos ka talaga?"

"Mukha mo," I said, pushing him off pero hinuli niya lang iyong dalawa kong kamay at saka hinawakan. I bit my lower lip. Punyeta talaga 'tong isang 'to, e! 'Di talaga ako naniniwala na sa 10 years na 'yun, si Joey lang! Ang landi-landi niya kaya! O baka naman naipon lang talaga iyong kalandian niya kaya ito at nag-uumapaw na?

"Hiningi ko na 'yung number niya pero hindi siya nagrereply. Nagtry na rin ako sa email, pero wala rin akong nakuhang sagot."

Hindi ako nagsalita.

I was merely staring at him, waiting for him to continue whatever lie he was spewing... but my eyes widened and my heart quickened its pace when he suddenly intertwined our fingers.

Nandun lang ang mga mata ko.

Holy shit.

Ang bilis ng tibok ng puso ko.

This was probably nothing for other people... but for me? For me who's been single since fucking birth? This was making my heart do some shitty things!

"3 days volunteer program lang naman 'yun, Niles. Saka 'di rin naman ako sigurado kung nandun siya... at kung kakausapin niya ako kung nandun siya. Sinubukan ko lang naman para sa 'yo."

"Para sa 'kin?"

"Para sa 'yo, para sa 'kin. Ewan ko. I just wanted that part of my life to be done," he said, drawing patterns on the top of my hand this time. "Gusto ko lang magsorry sa kanya para tapos na talaga. Wala ng hangups; wala ng tanong."

"Okay?"

"Kumbaga, end of the chapter na."

"Dami mong alam."

Tumawa siya. Ang cute niya talaga kapag lumiliit iyong mga mata niya kapag tumatawa siya. Lecheng 'to.

"Di ko naman alam na nagseselos ka sa kanya. Akala ko cool ka lang."

"Cool mo mukha mo."

"Now I know. Pilosopo ka pala kapag nagseselos."

This time, I pushed him away harder.

"Ewan ko sa 'yo, Marcus," I said, then tried to walk away, but he pulled me back so quick that I bumped against his chest. Nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman ko iyong mga braso niya na naka-palibot sa akin. "Ano ba?"

"Aalis ka na?"

"Oo."

"Break pa rin tayo?"

Hindi ako naka-sagot.

Humigpit ang yakap niya sa akin.

"Kung break na tayo, pagbalik ko, pwedeng manligaw ulit?"

Hindi ako sumagot.

Lumuwag ang hawak niya sa akin.

"Niles," pagtawag niya. "Seryoso ba 'yung kanina? Galit ka talaga?"

I drew a deep breath and slowly breathed.

I looked at him.

"I know this is..." I said, trying to find the right word. "Anticlimactic." Then I paused. "Pero kaya ko nalaman iyong sa Bukidnon ay dahil kinausap ako ni Dr. Cuesta tungkol sa offer."

Bahagyang kumunot ang noo niya.

"The offer?"

I nodded. "I know you declined... but I'm considering it."

His lips parted. "Oh."

"It's just for 3 years."

"I know," sagot niya habang naka-tingin sa akin. Hindi ko mabasa iyong nasa isip niya.

"It's a great opportunity for me—"

"It is," he said, cutting me off this time.

"Galit ka ba?"

"What? Bakit ako magagalit?"

"I don't know."

"Sinabi mo na ba sa kanila?"

"Hindi pa."

"Bakit hindi pa?"

I pressed my lips.

I held my hand.

"Should I take it?"

"Oo naman," sagot niya. "Niles, it's a great opportunity."

"I know, but—"

"Ayaw ba ng parents mo?"

I scoffed. "Kung sila lang, baka bukas na bukas ay nandun na ako."

Natawa siya. "Then bakit nagdadalawang-isip ka?"

Tumingin ako sa kanya.

Hindi nagsalita.

It took him a few seconds before he understood what my silence meant.

"Sa Japan lang naman, 'di ba?" tanong niya. Tumango ako. "Hindi ako pwedeng umalis nang matagal, pero pwede naman akong magbakasyon."

"So... dadalawin mo ako, if ever?"

"Depende... kung break pa rin tayo baka hindi na."

Inirapan ko siya.

Tumawa siya.

"Look, 3 years is nothing—"

"Kasi nakapaghintay ka ng 10 years—"

Naputol ang sasabihin ko nang bigla niya akong halikan.

Nanlaki ang mga mata ko.

"Ang selosa talaga," sabi niya tapos ay kinurot ang ilong ko. "Naalala mo nung nasa Batanes tayo, sabi mo sa 'kin ang gusto mong parter 'yung sobrang supportive kasi marami kang gustong gawin sa buhay?" he asked, pero napa-awang lang ang labi ko dahil hindi ako maka-paniwala na naalala niya pa 'yun. That was just a drunken rambling on my part. "This is me being supportive. Go to Japan. Finish that program. I'll visit you every chance that I can. Then come home to me, okay?"

I bit my lower lip.

"Come home to me... Naka-tira ba tayo sa iisang bahay?"

Tumawa siya. "Might as well. Dito ka naman palagi."

Umirap ako. "Sino'ng namimilit lagi?"

"Sino'ng nagpapa-pilit lagi?"

I rolled my eyes as he laughed. He pulled me in and enclosed me inside his arms. I felt him kissing the top of my head.

"Go chase your dream," he whispered. "Nandito lang ako kapag bumalik ka na." 


***

This story is already finished on Patreon x

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top