Chapter 09
Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.
#IrrefutablyYours Chapter 09
"Wait lang. Kakausapin ko lang si Dr. Legaspi," I told Marcus nang puntahan niya ako. Before, I already heard stories about how hard is it to date doctors. Literal na sa ospital na raw kasi kami naka-tira... which was true. Kaya rin daw madalas na ang napapangasawa ng mga doctor ay iyong kapwa nila doctor o mga nurses kasi sila-sila lang talaga ang nagkikita. Akala ko magiging madali iyong sa amin ni Marcus dahil nasa iisang ospital lang naman kami... but joke's on me dahil ang hirap magtagpo ng schedule namin.
"Okay," he replied, smiling bago naupo. "Ano'ng gusto mo palang kainin? Order na ako."
Bago pa man ako maka-sagot ay nakita ko na pinanlakihan ako ng mga mata ni Yanyan. Wala naman akong balak sabihin talaga sa kanya iyong sa amin ni Marcus kasi... ewan ko ba. Sure, if we're gonna be technical about it, we're 'dating.' But at the same time, alam naman namin na parang nasa 'trial' stage pa lang kami.
Walang feelings involved...
At least on his part.
"Wings na lang," I said. "Frankie's if meron?"
"Check ko. Iyon lang?"
I nodded. "Alis muna ako," sabi ko bago naglakad. Sumama naman sa akin si Yanyan. Naiilang ata siya kay Marcus kasi tuwing aalis ako, sasama siya sa akin. Sabagay... friendly si Marcus pero marami sa kanyang naiilang na mga doctor. Top ba naman kasi sa batch namin saka close siya sa admin. Lagi nga 'yang kasama dito ni Dr. Cuesta, e.
"May date kayo?" Yanyan asked.
"Kakain lang."
"Date na rin 'yun!"
"Ewan ko sa 'yo."
"Sa condo niya kayo?"
"Yeah."
She squealed. "OMG! May nangyayari na ba?!"
"Gaga, wala!"
"Bakit wala?!"
Hindi na ako sumagot. E sa wala, e! Saka ayoko naman nun! Okay pa ako sa kiss and makeout sesh pero sa sex? No! Not unless alam ko na may feelings na rin siya sa 'kin. May limitation naman ako sa katawan, no! 'Di porke nakaka-bulag iyong abs niya ay bibigay na ako.
Mabuti na lang at naka-salubong namin si Dr. Legaspi kaya tinantanan ako ni Yanyan. Medyo natagalan iyong usap namin dahil may diniscuss siya sa akin tungkol sa residency.
"Wow..." I said after she finished explaining it to me. "Thank you for considering me, Doc. I'll think about it po."
Napa-hawak ako sa dibdib ko habang naglalakad palayo. Wow. That was an offer... Pero ang dami kong kailangang i-consider. Kakausapin ko pa iyong magulang ko... Although sigurado naman ako na ipagtutulakan pa ako ni Mommy para tanggapin iyon.
Nang makita ko si Marcus, he was on the phone. It seemed like binibigyan niya ng instruction iyong delivery guy tungkol doon sa order niya. But also seemed like naramdaman niya na naka-tingin ako sa kanya kaya naman napa-tingin siya sa gawi ko.
I smiled when our eyes met.
"Wait lang," he mouthed.
Gosh.
Ang hassle naman.
* * *
"Lumamig na. Gusto mong initin ko?" Marcus asked pagdating namin sa condo niya. I made myself comfortable. Ilang beses naman na akong nandito pero 'di ako natutulog. Takot ko lang na magtagpo ulit kami ng maldita niyang kapatid.
"No, okay na 'yan," I said.
Naupo kami sa sahig dahil may carpet naman. A series was playing on the background. Kumakain kami ng wings pero I doubted kung may nanonood ba talaga.
"Ano'ng plano mo?" I asked him after minutes of silence from both our ends.
"Plano saan?" he replied.
"Med," I said. "Basta diretso neuro. Iyon lang?"
Natawa siya. "Iyon lang? Parang ang dali lang, ah."
I rolled my eyes. "You know what I mean."
"Yeah... pero ano talaga 'yung tanong?"
Why was he so perceptive? Parang ang hirap tuloy magsinungaling.
"I mean, basta ang plano is maging neuro surgeon?" I asked and he nodded. "Wala kang plano magresidency sa ibang bansa?"
Medyo kumunot ang noo niya. "May narinig ka ba tungkol 'dun?"
"Wait... May offer sa 'yo?"
"Yeah... but I already declined."
Umawang ang labi ko.
Wow.
Kaya lang na-offer sa akin ay dahil nagdecline si Marcus? I didn't know how to feel about that...
Hindi ako nakapagsalita agad. Wala siyang kasalanan. Wala naman siyang control sa decision ng management. Hindi niya kasalanan na top siya sa boards. Hindi niya kasalanan na mas favored siya. He didn't have control over it as much as I didn't have control over it.
"Ah... bakit?" I asked after I managed to pull myself together... barely.
"Ayokong umalis, e."
"Iyon lang? Sayang naman 'yung opportunity."
"Hindi naman lahat ng opportunity kailangang kuhanin."
Hindi ako nagsalita. I kept on shoving chicken wings in my mouth. Baka akalain ni Marcus na patay-gutom ako.
Nang matapos kaming kumain, nagligpit kami ng kalat. We tried to watch but we ended up on the couch... tapos nung pumapasok na sa damit ko iyong kamay ni Marcus, I gently pushed him off of me and told him na uuwi na ako.
"Sorry," he said habang nasa sasakyan kami.
"Ha? Bakit?"
"Iyong kanina," he replied.
"Kanina?"
"Iyong kamay ko."
"Ano'ng meron sa kamay mo?" Hindi siya nagsalita. "Ah!" sabi ko na natawa. "Baliw. Hindi 'yun. Pagod lang talaga ako kaya gusto ko nang matulog."
"Bakit ayaw mong matulog dun sa condo? May kwarto naman na isa."
"Sa kapatid mo 'yun, e."
"Kinausap ko na nga si Marian."
"Grabe naman! Sabi ng 'wag mong sabihin sa kanya na sinabi ko," I said. Ang pasaway naman nito! Sinabi ng 'wag ng gawing issue. Mas lalong ayoko tuloy makita iyong kapatid niya. Kaka-stress naman!
Natawa siya. "Bakit ba takut na takot ka kay Marian?"
"Di ako takot," I said, scoffing.
"Sige nga kundi ka takot overnight ka sa condo."
I just made face. Ayokong mag-overnight 'dun hanggang wala akong nakukuhang matinong assurance kay Marcus. 'Yan man lang maibalato ko sa sarili ko.
Nang maka-rating kami, bababa na sana ako pero nang mapa-tingin ako kay Marcus, nakita ko na seryoso iyong mukha niya.
"What?" I asked.
"Nothing," he replied.
"Okay," I said, shrugging.
Pero bago pa man ako maka-baba, tinawag niya ako.
"Ano nga kasi?" I asked.
"May problema ba tayo?"
"Ha? Bakit naman?"
"Para kasing meron, e."
Natawa ako. "Psychic ka na rin ngayon?"
"Seryoso kasi," he said. "Kung may problema o kung anuman, usap na lang tayo. Nadadaan naman lahat sa usap, 'di ba?"
I nodded. "Oo naman. Pero wala naman talagang problema," I replied. I reached out and kissed his cheek bago ako diretsong bumaba. I didn't even check my phone at dumiretso lang akong matulog pagkatapos kong maglinis ng katawan.
* * *
The next few days were nothing different... Although mas busy ako nitong mga nakaraang araw at saka 'di ko masyadong nakikita si Marcus dahil may inattendan siyang seminar na 'di ko masyadong maalala kung tungkol saan kasi nung sinasabi niya sa akin, sabug na sabog ako sa sobrang antok.
"Happy birthday!" Papa said, handing over a bouquet of flowers.
"Bukas pa birthday ko, Pa," natatawang sabi ko. "Pero thank you."
"Tumawag kami sa kaibigan mo. Sabi e may duty ka sa birthday mo kaya baka 'di ka namin maabala kaya lumuwas na kami ngayon."
Napa-tingin ako kay Mommy. "Thanks sa pagbisita, Ma," I said and she nodded at me with a small smile.
Nag-ayos ako kahit papaano sa unit ko. Malinis naman dito kasi halos umuuwi lang ako para matulog lalo na lately kina Marcus talaga ako tumatambay.
Lumabas si Papa para salubungin iyong pagkain na inorder nila. Kilalang-kilala talaga nila ako, e. They knew that I'd rather eat in kaysa lumabas. Nakaka-ubos ng energy minsan lalo na kapag pagod ka sa duty.
"Nileen."
"Yes, Ma?" automatic kong sagot habang tinitiklop iyong mga madumi kong damit. Hindi agad sumagot si Mommy kaya naman napa-tingin ako sa kanya.
Napa-awang ang labi ko nang makita ko iyong hawak niya na letter. Iyon iyong binigay sa akin ni Dr. Legaspi tungkol sa offer na residency sa partner hospital sa Japan.
"Bakit 'di mo pa sina-sagot 'to?" she asked, her brow slightly furrowed.
"Pinag-iisipan ko pa po."
"Ano'ng pag-iisipan? Magandang opportunity 'to."
"Pero hindi naman lahat ng opportunity kailangang kuhanin."
Nakita ko iyong pagka-bigla sa mukha niya... na mabilis napalitan ng galit. "Ano, Nileen? Hindi lahat ng opportunity kailangang kuhanin? Pinaghirapan ka naming pag-aralin at halos mabaon kami sa utang para lang makapagtapos ka ng pagdodoktor tapos iyan ang pag-iisip mo?"
Humigpit ang hawak ko sa damit ko.
"Maganda naman trabaho ko dito, Ma—"
"Mas maganda kung tatanggapin mo 'to."
"Pero—"
"Dahil ba 'yan sa boyfriend mo?"
Umawang ang labi ko. "Po?"
"Sinabi ng guard sa amin na may naghahatid sa 'yong lalaki dito palagi. 'Yan ba ang dahilan kung bakit ayaw mong umalis sa Pilipinas, ha, Nileen? Dahil lang sa lalaki e ipagpapalit mo 'yung ganitong bagay?"
Nasaan na ba si Papa?! Alam niya naman na 'di dapat kami iniiwan ni Mommy kasi lagi na lang ganto! Kaya ayokong umuwi ng probinsya, e!
"Ano ba'ng sinasabi mo, Ma? Wala namang kinalaman dito si Marcus—"
"Marcus? Iyon ba 'yung naka-talo sa 'yo?"
"Ano bang naka-talo, Ma? Hindi naman contest 'yung boards. Naka-pasa naman ako. Nagtop 2 pa ako. 'Di ba pwedeng maging masaya na kayo 'dun?"
Gusto ko agad humingi ng sorry.
Sumobra ata ako.
Pero gusto ko talagang sabihin 'to.
Nasasakal na ako sa lahat ng expectation niya sa akin.
"Kayo na nga nasunod kung saan ako mag-aaral. Pati ba naman saan ako magtatrabaho, kailangan kayo din?"
Nakita kong namula iyong paligid ng mga mata ni Mommy sa galit sa mga naririnig niya sa akin. Ganyan siya. Kapag sumagot ako, iniiyakan ako. Paano naman ako? Lagi na lang susunod? Bata ba ako? May sarili naman akong buhay. 'Di naman porke anak niya ako ay susunod ako sa lahat ng gusto niya. Anak niya ako, hindi puppet.
"Kay Marcus nga unang inoffer 'yan, Ma. Nagdecline lang siya kaya na-offer sa akin—"
"Nagdecline si Marcus kaya kailangang magdecline ka rin, ha, Nileen? Sa lalaki na talaga umiikot ang buhay mo ngayon?"
"Ano, Ma?"
"Bakit? Nagdecline ba si Marcus para sa 'yo, Nileen? Kailangang magdecline ka rin ng ganyang opportunity para sa kanya?"
God, nasaan na ba si Papa?!
"Ano ba'ng decline, Ma? Ang sabi ko lang naman pag-iisipan ko pa," nagtitimpi na sagot ko. "Pag-iisipan ko pa kasi aalis ako, titira ako sa lugar na wala akong kilala, mag-aadjust ako. Marami akong kailangang pag-isipan—"
Sabay kaming napa-tigil nang pumasok si Papa na may dalang box ng pizza. Agad akong tumayo.
"Saan ka pupunta?" naguguluhan na tanong niya.
"Bibili akong tubig. Una na po kayong kumain," sagot ko bago mabilis na lumabas ng unit.
Kainis.
Badtrip.
* * *
Ang dami kong nadaanan na convinience store pero ayoko pa talagang umuwi kaya sobrang layo ng narating ko para lang bumili ng isang maliit na bottled water.
Nang pabalik na ako, naka-salubong ko bigla si Dr. Cuesta.
"Hi, doc," bati ko sa kanya.
"Hey," sagot niya. I doubted kung naalala niya ang pangalan ko. "Are you from around here, too?"
"No, doc," I replied. Ginto kaya ang presyo ng mga condo dito sa bahaging 'to. "Just bought this," sabi ko sabay pakita nung hawak ko na bote ng tubig. "Ikaw, Sir?"
"Sir," sabi niya na natawa. "Just call me Sean."
"Nakaka-ilang, Sir," sagot ko.
"Just call me Sean and I'll call you Niles... That's your name, right?"
Wow.
Kilala ako ni Dr. Cuesta! Mainggit nga si Yanyan.
"Okay... Sean," I said. Weird pa rin.
"Will you accept the residency?" he asked.
"Huh?"
"Marcus already declined since he's thinking of just volunteering in Mindanao."
Agad na kumunot ang noo ko. "Mindanao?"
Tumango si Dr. Cuesta. "Somewhere in Mindanao. I can't remember where."
"Sa Bukidnon po ba?"
"Yeah. That one."
Wow naman.
Kunwari pang hindi kukunin ang opportunity 'yun pala ay mas gustong magvolunteer sa Mindanao para sundan si Joey. Gago talaga.
"So... will you decline, too?" Dr. Cuesta asked. "Dr. Legaspi strongly recommended you."
I just smiled. "I'll relay my answer tomorrow, Sir—I mean, Sean."
"Great. Hoping for a favorable one, Niles," sabi niya bago kumaway at lumiko ng daan.
Ako naman, pumara ng taxi at nagpahatid kina Marcus. Parang tanga. Sabihin niya na kung ano ang gusto niyang mangyari. Sayang oras. Honesty my fucking ass.
***
This story is already finished on Patreon x
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top