Chapter 08

Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.


#IrrefutablyYours Chapter 08

"Bakit nandito ka? 'Di ba may date ka?" Yanyan asked nang makita niya ako. For some... reason, I agreed to go on a date with Dr. Tan. Ewan ko ba! Inaaya kasi ako nun ni Marcus na maglunch and sobrang kulit niya, and nagkataon na nandun si Dr. Tan at kinukulit akong makipagdate sa kanya. Never ko namang sineryoso 'yun dahil alam ko na malandi lang 'yun at talagang inaaya niya lang ako by default dahil feeling ko kapag nakaka-kita siya ng babae ay may alert system sa utak niya na nagsasabi na landiin niya.

So, napapayag ako sa date na hindi ko naman ginusto.

Of course, disaster.

Wala yatang alam na topic si Dr. Tan kung hindi ang sarili niya. Naniniwala na talaga ako na feeling niya ay medical wonder siya at na regalo siya ni Lord sa humanity. Grabe. Sobrang nakaka-drain siya kahit isang oras lang naman kaming magkasama.

"Tapos na," I simply replied. Iniwan ko lang iyong gamit ko roon tapos ay dumiretso na ako sa preduty. Mabuti na lang talaga at hindi benign—my god! Sa sobrang hassle ni Dr. Tan ay naging thankful ako sa toxic na duty! Kakaiba rin talaga!

Nang matapos ang duty ko, feeling ko naging master na ako sa meditation dahil sobrang hinga ako nang hinga nang malalim. Sobrang daming screw up ng interns pero ayoko talaga silang bulyawan kaya naman pinipilit kong ngumiti... pero pakiramdam ko ay na-creepyhan naman sila sa akin dahil naka-clown smile ata ako.

Hassle!

Dumiretso ako sa cafeteria dahil nagutom ako bigla. Gusto ko sanang manahimik kumain pero biglang dumating si Yanyan. Mukhang stressed din siya dahil napa-patong siya ng ulo sa table. Nung una ko 'tong nakilala, napaka-daming kaartehan sa katawan. Ngayon, kung saan-saan na lang din natutulog.

"Ayos ka lang?" I asked.

"Mamamatay na ako," she groaned.

"Sabay na tayo."

"Sige. Una na ko."

I laughed. "Patapos naman na duty mo."

"Kahit na. 'Di ko na kaya. Ano ba 'tong pinasok ko."

I just laughed at her. I just let her vent. Ganyan naman kami, e. Puro reklamo pero at the end of the day, nandito pa rin kami kasi gusto talaga namin iyong ginagawa namin.

I quietly ate habang nagvevent si Yanyan tungkol sa mga nangyari sa duty niya. Kumakain naman ako ng tinapay at umiinom ng iced coffee habang nakikinig sa kanya. Nang matapos siya sa kwento niya, tumingin siya sa akin.

"Ang bastos naman," sabi ko nang inagaw niya iyong coffee ko.

"Bili ka na lang ng bago."

"Alam mo dati, laway conscious ka pa."

She shrugged as she happily sipped. "Wala na kong pakielam ngayon," sabi niya habang inuubos iyong kape ko. Bastos talaga 'tong babaeng 'to. "Ano'ng ganap pala? Bakit bad trip ka kanina? Saka bakit bigla kang pumayag sa date? 'Di mo naman type 'yun, ah?" sunud-sunod niyang tanong.

"Di nga."

"E bakit ka pumayag sa date?"

"Wala lang."

"Dami kang time, ganon?"

Inirapan ko nga. "Epal ka lang, ganon?"

Tumawa siya. "E bakit nga?"

"Basta."

"Parang others naman 'to."

"Akala ko ba pagod ka? Matulog ka na nga lang," sabi ko tapos ay tatayo na sana ako kaso nung may matamaan ako sa pag-atras ako, lumingon ako para magsorry sana kaya lang ay mabilis na nanlaki ang mga mata ko nang makita ko na si Marcus iyong nasa likod ko.

Shit naman! Of all people, ha!

"U-uy," I awkwardly said.

Simula nung sinungitan ako out of nowhere ng maldita niyang kapatid, talagang tinaguan ko na si Marcus. Tuwing makikita ko siya sa hallway, mabilis akong umiiwas. Ewan ko ba! Talagang na-stress ako sa kapatid niya! Pero isa pa rin sa pinagsisisihan ko iyong hindi ako naka-sagot sa kanya. Aba, hindi porke mas bata siya ay 'di ko siya papatulan! Lalo na at wala naman akong ginawang masama. Pasalamat talaga siya at kaka-gising ko lang nun at wala pa ako sa tamang huwisyo.

"Di ka pa aalis?"

"H-ha?"

"Iniiwasan mo ako, 'di ba?"

Naka-rinig ako ng pagbungisngis. Sinamaan ko ng tingin si Yanyan na mabilis namang umalis. Shet siya! Kaya ba tanung siya nang tanong sa date dahil alam niyang nasa likuran ko si Marcus?! Kanina pa ba nasa likod ko siya?!

Leche talaga 'yang si Yanyan! Sarap iintubate!

"Iniiwasan?" I asked, feigning ignorance.

He shrugged. "Tinatakbuhan mo ko sa hallway lagi."

I fake laughed. "Bawal maging busy? Imagination mo lang 'yan."

I really wanted to leave, but my knees were buckling... for some frigging reason. Para akong tanga na naka-half tayo at half-upo. Pero dahil isa akong tao na kulang sa exercise, bigla akong napa-upo.

"Di kita iniiwasan, ha," I repeated because he just remained silent. "Daming nangyari ngayong linggo sa duty tapos pasaway pa iyong mga intern tapos nawawala si Dr. Herrera tapos—"

"Iniiwasan mo ko, e."

"Parang tanga."

"Di nga ako tanga so alam ko na iniiwasan mo ko."

I pursed my lips.

Bwisit na magkapatid 'to. Ang hirap nilang kausap dalawa, ha.

I looked around. Wala namang masyadong tao sa cafeteria ngayon. Nagbuntung-hininga ako.

"Gusto mo?" he asked, offering a bottle of Yakult habang nag-iipon ako ng lakas ng loob. I accepted it and finished the bottle bago humugot ulit ng malalim na hininga.

"Fine. Iniiwasan kita."

"Knew it."

"But there's a reason why, okay?"

"Pwedeng malaman?"

"Pwede naman kaso..." I said, putting a pregnant pause.

"Kaso?"

Obvious naman na close si Marcus sa kapatid niya. Baka kasi magkaproblema sila kapag sinabi ko. Mali naman kasi talaga si Marian sa ginawa niya. 'Di naman bata iyong kuya niya. Tanda-tanda na niyan, e. Kung gusto niyang magkalat ng lahi dito sa ospital, choice niya na 'yun. I mean, why would he even do that? But still, it's his choice.

Ay, ewan.

Naguguluhan na rin ako sa sarili ko.

"Promise mo muna 'di ka magagalit."

"Ayoko nga."

"Di 'di ko sasabihin."

"Bakit naman ako magagalit sa 'yo?" he asked.

"Di naman sa 'kin."

Kumunot ang noo niya. "Kanino?"

Hindi ako sumagot. He was looking at me like he was trying to figure out kung kanino siya magagalit dahil sa pag-iwas ko sa kanya. It took him a full minute bago lumabas iyong pangalan ng kapatid niya.

"Pagkatapos mong matulog sa condo..." he said, then paused. "Si Marian ba?" he asked. "Di na kita nakita nung umaga. Sabi niya nagpaalam ka raw na mauuna ka na."

Langyang bata 'yun. Nagpaalam ba ako?!

"Sure," sinabi ko na lang.

"Wait, dahil kay Marian kaya mo ako iniiwasan?"

Hinablot ko iyong may laman pang Yakult at ininom iyon. Bakit ba ako kinakabahan sa harap ng taong 'to? Sobrang weird, ha. Para sa lalaki na hindi ko boyfriend or what, nagtabi na kami matulog at nakapag-overnight na ako sa condo niya. Kung malalaman 'to ng nanay ko, patay ako sigurado.

"Di naman talaga dahil sa kanya," I said. I looked at him. He looked like he was waiting for further explanation. I drew a deep breath. "We just had a... talk," I simply continued kahit sa totoo lang ay ambush ang naganap sa pagitan namin ng kapatid niya.

"What kind of talk was that?" he asked. "That it somehow ended up with you avoiding me?"

Inubos ko muna iyong yakult.

"Wala naman..." I began. "Sinabi niya lang na ano..."

But I really couldn't find the fucking words that would put Marian in a good light! Kasi kahit saan kong anggulo tignan, mukhang tanga lang!

"Basta. Ang ending, nakipagdate ako kay Dr. Tan."

His forehead creased. "Wait, what?" he asked, looking confused. "I was just asking kung bakit mo ako iniiwasan... pero may koneksyon 'yun sa date mo?"

Oh, fuck!

Sabi na tama talaga na sa med school ako dumiretso! I'd make the worst lawyer! For sure na makukulong lahat ng client ko dahil lagi akong nadudulas!

"Fine!" I said, feeling backed against the wall. "Your sister and I had a talk and she basically told me off dahil 'di ka pa raw moved on kay Joey or whatever. But she told me that in good faith, okay, so 'wag kang magalit sa kanya. Protective lang siya sa 'yo kahit ang tanda-tanda mo na," sunud-sunod kong sabi. "Kaya nakipagdate ako kay Dr. Tan para sana mabaling sa iba ang atensyon ko pero sobrang disaster dahil in love si Dr. Tan sa sarili niya. Okay na?"

While I was word vomiting, Marcus' forehead was in a serious crease. Nang matapos ako ay sobrang lalim ng paghinga ko dahil sa dami ng sinabi ko.

"Okay na, ha?" I asked, standing up. Mabilis akong naglakad palabas ng cafeteria. Lord, nasaan na iyong mga pasaway na interns? Kailangan ko na ulit maging busy!

"Niles!" I heard Marcus calling behind me. Halos takbuhin ko iyong hallway dahil wala na talaga akong energy na kausapin siya after nung nangyari...

But of course naabutan niya ako! For reals! Napaka-unfair na ang bilis niya akong maabutan palagi!

"Wait lang," sabi niya.

"Ano? May duty pa ko—"

"1 minute lang."

"May duty—"

"45 seconds," he said, cutting me off.

"Fine," I replied. "Bilisan mo. Busy ako."

"Okay," he said, nodding.

May dumaan na mga nurse. Tinitignan kaming dalawa. Great. Laman na naman kami ng chismis bukas. Bahagya kong tinakpan iyong mukha ko.

"Ano—" tanong ko nang bigla akong hatakin ni Marcus sa hall papuntang NICU. Wala ng tao doon halos dahil gabi na at tapos na ang visiting time. "Bakit tayo nandito?" I asked.

"Do you wanna try dating?" he asked instead.

My lips parted.

I blinked.

I was blinking so much he might have thought that I was having seizures.

"W-What?" I asked.

"I asked if you you wanna date," he casually said.

Parang biglang nanuyo ang lalamunan ko.

Kumunot ang noo ko.

"Wait... For reals?" I asked.

"Yeah."

"Sabog ka ba?"

"What? Bakit naman ako magiging sabog?"

"But...why?"

"Why not?" he casually replied like he didn't just shake my whole world with his fucking question!

"Paano si Joey?"

"Wala na si Joey." My eyes widened. "I didn't mean she's dead," Marcus replied, laughing. "I mean, I finally understand that she's never going to be a part of my life."

I was still blinking.

My god.

Gusto ko nang tumigil kumurap!

"O...kay?" I replied dahil 'di ko alam kung ano ang sasabihin! Nase-stress ako!

"I can't say that I'll fall in love quickly—I won't promise you that, Niles. But what I can promise is that I'll give you my attention and affection and honesty—that if this," he said, pointing to the two of us, "Doesn't work, I'll be honest and give you a proper goodbye."

I was still freaking blinking.

"So, what do you think? Let's date?" tanong niya.

And that's the story of how I started dating the guy who bumped me to second place. 


***

This story is already finished on Patreon x

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top