Chapter 07
Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.
#IrrefutablyYours Chapter 07
"Ano 'to?" I asked Marcus nang abutan niya ako ng isang paper bag. Kahit hindi pa siya sumasagot, alam ko na na burger iyong naka-lagay dito kasi naaamoy ko na agad.
"Pagkain."
"Wow, thanks, Captain Obvious."
Marcus chuckled. Biglang nabulunan si Yanyan sa tabi ko. Napa-tingin tuloy kami ni Marcus sa kanya. Yanyan just smiled tapos biglang iniwan kami. Tsk.
"Narinig ko kahapon na gusto mo ng burger, e."
"Grabe... Napaka-stalker."
"Lakas kaya ng boses mo."
"Wow, hater?"
He laughed again. "Sige. Alis na ko."
Kumunot ang noo ko. "Pumunta ka talaga dito para lang iabot 'to?" I asked. Nasa quarters kasi kami ngayon. Ngayon lang ako naka-hanap ng pahinga. Gutom ako saka inaantok... pero for some reason, nanalo ang antok kaya sana matutulog na ako kaso nga lang biglang kumatok si Marcus.
He nodded. "Alis na talaga ako. Hinahanap na ako, e," he replied. Rinig ko na rin iyong kanina pang pagba-vibrate ng phone niya. Ngumiti lang siya sandali bago lumabas. Halos matumba pa si Yanyan dahil si gaga, nakikinig pala sa usapan namin. Parang tanga talaga! Sana 'di na siya lumabas kung mag-e-eavesdrop din pala.
Minsan, nakakapagduda kung paano pumasa sa boards si Yanyan.
"Okay ka lang?" Marcus asked pagkatapos alalayan na tumayo.
"Yes, doc. Salamat," Yanyan replied, smiling awkwardly.
Tumango lang si Marcus tapos tumingin ulit sa akin. "Alis na ko," he said before leaving. Nang magsara ang pinto, nanlaki ang mga mata ni Yanyan. It almost felt like nagbilang siya ng ilang segundo bago siya nagsqueal.
"What the fuck, Yanyan?!" sabi ko dahil ang tinis ng tili niya!
"Ano'ng meron sa inyo?!"
"Wala—"
"E bakit ka dinalhan ng food?!"
"Narinig niya na nagccrave ako—"
"Dami-daming tao dito na nagccrave ng kung anu-ano, binibigyan niya ba?!"
Napa-awang ang labi ko sa way ng pagtatanong ni Yanyan. Grabe. Parang may atake.
Nilagay ko iyong paper bag na bigay ni Marcus doon sa may vacant chair at saka umayos ako ng higa. Inaantok na kasi talaga ako. 3 oras lang iyong huling tulog ko.
"MU na ba kayo?" she asked habang naka-pikit na ang mata ko.
"Mukha mo."
"Napaka-damot naman nito."
"Wala naman akong ipagdadamot."
"Dati, lagi kang nagrereklamo na wala kang lalaki. Ngayon na may nagpaparamdam—"
"Good night, Yanyan," I cut her off tapos ay tumagilid na ako. Inaantok na kasi talaga ako. Saka ayokong magwonder masyado sa kung ano ang trip ni Marcus sa buhay. May hang-ups pa kay Joey iyon. Saka feel ko naman si Marcus iyong tipo ng tao na kung meron, sasabihin niya... Although debatable dahil ang tagal niyang naghintay kay Joey.
Pero iba naman na siya nung nakilala ko. Napaka-straight forward nga niya nung nasa Batanes kami, e.
Tsk.
Ewan ko ba.
Maka-tulog na nga lang.
* * *
After my power nap, I felt much better. Saktong 15 minutes lang talaga akong natutulog dahil more than that, sasakit na ang ulo ko sa pagtulog. Mabilis kong kinain iyong dala ni Marcus. In fairness, napaka-chismoso niya. Nakarating din ata sa kanya na gusto ko ng onion rings. Stalker.
Pagbalik ko tulog sa duty ay parang natakot sa akin iyong mga interns. I asked them why and may isang matapang na nagsabi na naka-ngiti daw kasi ako. I immediately felt bad. Grabe. Ganoon ba ako ka-sungit sa kanila?
For the rest of the duty, I reminded myself to take it easy. I couldn't expect the interns to know everything—kagaya din naman nila ako dati na wala talagang masyadong alam. Hindi reason na pagod ako dahil pagod naman kaming lahat.
Nang matapos ang duty ko, nagpalit lang ako ng damit dahil nadumihan ako kanina. Habang naglalakad ako palabas, nakita ko si Marcus na naka-tayo sa harap ng may nurse's station.
"Niles," pagtawag niya nang makita ako.
"Uy," sagot ko.
"Pauwi ka na?"
"Yup."
"Pahintay naman. Kunin ko lang 'yung gamit ko," sabi niya bago nagpaalam doon sa kung sinuman ang kausap niya. Ni hindi man lang ako naka-sagot dahil mabilis siyang umalis. Naiwan ako roon na naka-kunot ang noo.
"Kayo ni Dr. Nicolas, Dr. Riviera?" tanong sa akin.
"Hala. Hindi, ah!"
Grabe naman! Ito ba ang chismis talaga ngayon?!
"Weh? Talaga, Doc?"
"Hindi nga—"
"Tara na, Niles," biglang sabi ni Marcus.
Napa-awang ang labi ko. Narinig kong kinilig iyong nurse. Napa-iling na lang ako. Bakit ba napaka-hirap labanan ng fake news?
Binilisan ko na lang ang lakad pero dahil sa haba ng legs ni Marcus ay mabilis din siyang naka-sunod sa akin. Sabay na kaming naglalakad ngayon.
"Breakfast tayo," he said.
"Inaantok na ako," I replied. Madaling araw na. May pre-duty na naman ako mamaya tapos duty na naman. Walang kamatayan na talaga 'to.
"Libre kitang coffee."
"Di mo ako madadaan sa libre. May sweldo din ako."
Tumawa siya. "Grabe naman."
"Wala ka bang ibang maaya?"
"Ayaw mo ba?"
"Pero wala ka ngang ibang maaya?" I asked back. "Kasi nung sa sinabi mo about sa situation niyo ni Joey," I said and then paused a little. I wasn't sure if I was hitting a nerve. I took a glance at his face. There was no... negative reaction from him. I took a deep breath. Okay. Kalma lang. "Sa med school pa naman 'yun... Surely hindi naman lahat ng tao dito alam iyong nangyari before?"
Marcus just kept on walking.
"So... ayaw mo nga?"
"Why are you deflecting?"
"I'm not deflecting."
"You are—"
"May maaaya ako. Pero ikaw iyong gusto kong ayain. Okay na?"
Bahagyang nanlaki ang mga mata ko.
Napa-hinto ako sa paglalakad.
Napa-hinto rin siya.
"Niles?"
I was hearing the beating of my own freaking heart. I had to take in deep breaths para kumalma ako kahit papaano. "Isipin mo nga iyong sasabihin mo bago mo sabihin. Parang tanga 'to," I told him before I resumed walking. Mabilis na humigpit ang pagkaka-hawak ko sa bag ko. I bit my tongue.
Parang tanga naman.
'Di mo alam kung malandi o friendly lang talaga, e.
Narinig ko iyong halakhak niya. "Tara na kasi. Gusto ko ng ramen."
God, he's relentless!
"Fine! Basta libre mo," I said, rolling my eyes dahil sa karupukan ko.
Naglakad-lakad kami. Marami pang tao kahit madaling araw na. Hindi ako nagsasalita kasi wala akong maisip na sabihin. Pinipigilan ko lang iyong paghikab ko. Bahala siya d'yan. Feeling ko bigla na lang akong bubulagta sa kalsada mamaya sa sobrang pagod.
"Hatid na nga kita."
"H-ha?"
Nabigla ako nang bigla niyang pitikin iyong noo ko. "Antok na antok ka na."
"Kanina ko pa kaya sinasabi sa 'yo."
Hindi ko na napigilan—napa-hikab na talaga ako.
"Akala ko kasi nagdadahilan ka lang," sabi niya tapos bumaling na pabalik sa ospital. "Inaantok ka na pala talaga."
Sobrang inaantok na talaga ako. Paano niya nalaman na inaantok na ako? Humilik ba ako sa harap niya? Huh? E naglalakad lang kami kanina, ah?
May sinasabi pa si Marcus pero tangu lang ako nang tango. Bigla akong napa-hinto nang mabunggo ako sa kanya. Napa-tingin ako sa kanya tapos ay kita ko iyong pagpipigil niya ng tawa.
"Ano ba? Parang tanga naman."
There was this really amused look on his face. "Talent ba 'yan, Niles? Kaya mo talagang matulog habang naglalakad?"
"Ha?"
My God! Binigo na ako ng utak ko! 'Di talaga siya gumagana!
"Gusto mong pabuhat? Parang bigla ka na lang hihiga sa kalsada para matulog, e."
I slapped my cheek. Nakita ko na nanlaki ang mga mata niya. I jumped and shook my head. Ganito ginagawa ko palagi kapag antuk na antok na ako pero hindi pa ako pwedeng matulog.
"Okay na ako," I said. "Tara na," I continued.
"What... the hell?"
"Bilis na. Hatid mo na rin ako. 'Di ko na kayang umuwi mag-isa," sabi ko sa kanya.
Nang maka-rating kami pabalik sa sasakyan niya, naka-sandal na ako sa pintuan dahil hinihintay ko siyang iunlock iyon. I told myself that I'd just close my eyes but—
"Punyeta naman, Marcus!" malakas na sigaw ko nang bigla niyang buksan iyong alarm nung sasakyan niya. Halos mapa-talon ako palayo sa sobrang gulat.
Si gago, tawang-tawa sa akin!
"Lutong nun, Niles, ah," sabi niya na natatawa pa rin habang hawak iyong keyfob niya. Kung may susi lang talaga 'yun, baka isaksak ko sa kanya sa sobrang inis. 'Di ba niya alam na 'wag ginugulat ang mga taong kulang sa tulog?!
I groaned. "Please lang iuwi mo na ako. Inaantok na ako."
"Okay. Sabi mo, e."
I begrudgingly got inside his car. The moment my head met the headrest, I fell asleep. God, this job was killing me! Whoever said that if you love what you do, you'll never have to work a day in your life clearly have never met a fucking doctor.
"Niles."
"5 minutes..."
"Kanina pa 'yang 5 minutes mo."
"Fine," I replied. I unbuckled the seatbelt and got off the car. I walked the steps and tried to open the gate pero nang wala akong makapa, mabilis kong dinilat ang mga mata ko. Mabilis na kumunot ang noo ko nang ma-realize ko na wala ako sa building ko. I looked around and realized na nasa basement parking ako.
"Nasaan ako?" I asked Marcus after I turned around.
"Condo ko."
"What? Why?"
God, I really needed to sleep. Bakit ako nandito bigla?
"Sabi mo iuwi kita—"
Mabilis na umawang ang labi ko. "What?"
"Sabi mo kanina iuwi—"
"What the fuck? Syempre ibig sabihin ko iuwi mo ako sa tinitirhan ko? Gago ka ba? Bakit mo ako iuuwi sa condo mo?"
Napa-hawak siya sa batok niya. "Ginigising kita kanina para tanungin iyong address mo."
"Well, you clearly didn't wake me hard enough dahil bakit ako nandito, Marcus, ha? Ano'ng plano? Makiki-overnight ako sa 'yo?"
He shrugged then closed the door and locked his car. "I have a spare room. May lock naman 'yung pinto. Saka may damit 'dun kapatid ko," he replied and my lips parted. "Come on, Niles. 'Di na rin kita kayang ipagdrive. Pagod na rin ako. Buong araw akong nag-assist."
I was watching Marcus walk away.
Pwede naman akong magbook ng masasakyan pauwi... pero malaki ang hinala ko na makaka-tulog lang din ako sa byahe dahil nasa ganoong level na iyong pagsuko sa akin ng talukap ng mga mata ko.
"Wait!" sigaw ko bago pa man siya maka-pasok sa elevator.
Pagpasok namin, kaming dalawa lang ang nandun. Pinapanood ko iyong mukha niya sa salamin. Mukhang 'di naman siya nagsisinungaling. Naghikab na rin siya at mukhang inaantok na rin.
"Dun ka," sabi niya pagpasok namin sa isang unit.
The condo was spacious. Bakit ba ako nagugulat? Malamang kahit 'di galing sa may kayang pamilya si Marcus, malaki na kinikita niya dahil top siya nung boards. Baka nga bigay pa sa kanya 'tong unit para doon siya sa St. Matthew's magresidency, e.
"Ayun 'yung CR kung gusto mong maligo. May damit d'yan si Marian. Gamitin mo na lang. May pagkain ata sa ref. 'Di ko sigurado. Feel at home. Inaantok na ko. Night, Niles," sabi niya bago pumasok sa isa pang kwarto na inaassume ko na kwarto niya.
The hell... talagang iniwan ako dito!
* * *
Pasalamat si Marcus hindi ako magnanakaw. Siraulong 'yun. Talagang iniwan lang ako at natulog na. Nagpunas lang ako ng wipes sa mukha tapos nanghiram ng tshit ng kapatid niya. Nag-alarm ako para maagang magising at maka-alis na agad dito. Wala ako sa mood sumabay kay Marcus kumain ng breakfast.
"Wait lang nga!" sabi ko nang may sunud-sunod na katok sa pinto. I looked around and saw na umaga na dahil tirik na tirik na ang araw. I grabbed my phone and saw that it's dead. Great! Ano'ng oras na kaya?!
"Bakit ba katuk nang—"
Natigilan ako nang may makita akong babae.
"Sino ka? Bakit ka nasa condo ng kuya ko?"
My forehead creased.
I blinked.
Napa-tingin siya sa suot ko—I was only wearing her shirt and my panties kasi nga natutulog pa ako!
"Wait... Ikaw ba si Marian?" I asked.
Siya ba iyong kapatid ni Marcus? Gago talaga. Bakit niya ako pinatulog dito kung alam niya na pupunta ang kapatid niya? Naku, masasakal ko talaga 'yang lalaking 'yan! 'Di ko alam kung ano ang trip niya sa buhay!
"Bakit ka nandito? Girlfriend ka ni Kuya?"
"H-Ha? Hindi, ah!" mabilis na sagot ko. "Wait lang, ha? Sara ko lang iyong pinto; magbibihis lang ako."
I quickly changed back into my clothes. I tied my hair and grabbed my things. Paglabas ko, medyo nabigla ako na nandun pa rin si Marian. She was looking at me like I just committed a crime—medyo naka-arko pa ang kilay niya at naka-krus ang mga braso.
"Ano ka ng kuya ko?" she asked.
She was relentless like her brother. Nakaka-loka.
"Ka-trabaho lang," I replied.
"E bakit ka nandito?"
"Ah kasi... ano—"
"So, nilalandi mo lang ang kuya ko?"
I blinked.
Rapidly.
The hell?
"Excuse me?" I asked when I was able to gather myself. Medyo nabigla ako sa tanong niya. Sobrang... straight-forward. Hindi agad ako naka-sagot.
"I know I shouldn't be telling you this dahil magagalit ang kuya ko," she began. "But my brother's been through a lot. Kung hindi ka seryoso sa kanya, layuan mo na lang siya. Hindi siya iyong tipong pangpastime mo lang or whatever. Okay?"
Wow.
I had no words.
"Wait lang—"
"I don't think he's over Joey yet. Do you know about Joey?"
What the fuck.
Bakit niya ba ako inaaway?
Kaka-gising ko lang!
"I thought so," sabi niya kahit wala pa akong nasasabing kahit ano dahil hindi pa ako nakaka-recover sa mga pinagsasabi niya. "Look, if you're serious with—"
"Wait lang. Ano ba'ng serious?"
"So, hindi ka pala serious."
I blinked. "Ha?"
"I'm sure maraming lalaki na naghahanap ng for fun."
My lips parted in surprise. "Excuse me?"
"Stay away from my brother," she said. Hindi ako naka-galaw. "What are you waiting for? Gusto mo bang ipaghanda pa kita ng breakfast?"
Wow.
Just... wow.
Lumabas na lang ako.
That was one weird way of starting the day.
***
This story is already finished on Patreon x
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top