Chapter 04
Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.
#IrrefutablyYours Chapter 04
"Girl! Sunkissed skin tayo ngayon, ah! Nag-enjoy ka?" tanong ni Yanyan pagka-kita niya sa akin sa hallway. As usual, nasa pre-duty na naman ako. Sana benign lang ang shift ngayon. 'Di ko kaya ma-toxic ngayon. Kailangan ko muli ng peace of mind.
"Okay naman."
"Okay lang? Duh? Batanes kaya 'yun! Dream destination mo," she replied. Para sa babaeng laging nagrereklamo na ang toxic ng duty niya sa OB dahil sa mga buntis na laging nakaka-limot magpa-check-up, napaka-taas ng energy niya.
I merely shrugged, pero si Yanyan, hindi ata ako titigilan.
"Ang weird mo," sabi niya.
"Ako na naman nakita mo."
Sana walang emergency ngayon. Sana walang pasaway na intern. Sana tahimik ang aking araw. Sana—
Mabilis na nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Marcus sa hallway habang nalalakad kasama si Dr. Cuesta. Holy freaking macaroni! Bakit siya nandito?!
Nang papa-lapit na sila ay mabilis akong pumasok sa kung anumang kwarto ang nasa likuran ko. Yanyan's face was contorted with confusion.
"What was that?" tanong niya pagpasok sa kwarto. Humina iyong boses niya nang makita niya na si Mrs. Ramos pala iyong nasa likuran namin—iyong matagal nang pasyenteng nandito na naka-life support pa rin. "Hi, Mrs. Ramos," she greeted kahit natutulog iyon. "Ikaw, ano'ng nangyari kanina? Kulang na lang magkaroon ng silhouette ni Road Runner sa bilis ng takbo mo, ah."
"Wala—" I said, but stopped midway when I saw Yanyan's arched brow. Buong araw pa naman akong nandito; malamang hindi niya ako titigilan. I sighned. "Yung kasama ni Dr. Cuesta—"
"God, ang gwapo ni Dr. Cuesta talaga! Sayang may asawa na!"
"Yang pantasya mo ba pag-uusapan natin o 'yung kwento ko?"
"Sungit..." she said, pouting. "Ano meron sa kasama ni Dr. Cuesta? 'Di ba si Dr. Nicolas 'yun?"
"Kilala mo?"
She nodded. "Malamang. Top sa batch natin 'yun, e."
"Dito ba siya?"
"Di ko lang sure... Baka dito na rin," she replied. "Bakit? Ano'ng meron sa papi na 'yun?"
I took a deep breath bago ko simulang ikwento sa kanya iyong mga nangyari simula sa airport hanggang sa maka-balik ako sa airport. Kung gising lang si Mrs. Ramos baka binatukan niya na ako sa mga pinaggagawa ko sa Batanes! Wala bang kasabihan na what happens in Batanes stays in Batanes?!
"Kiss lang naman pala!" she said after I finished.
"Palibasa pokpok ka," I replied.
"Gaga. Masama bang i-appreciate ang gawa ni Lord?" she replied, now sitting on the edge of Mrs. Ramos' bed. Dito talaga kami nagkwentuhan. "Saka consensual naman 'yung kiss na naganap sa inyo, so bakit nagtago ka kanina?"
"Wala lang. Nakaka-hiya."
"Teh, tanda-tanda na natin," she replied. "Iyong iba nga dito kulang na lang maglagay ng mga pangalan nila sa fish bowl at saka magbunutan kung sino ang flavor of the week nila, e."
I sighed. Bakit nga ba inooverthink ko? Tama naman si Yanyan. Dami-dami ko ngang naririnig dito na nagsesex for fun. Ewan ko. Sobrang toxic kasi ng trabaho namin kaya iyon ata ang stress-reliever nila.
But then again, sila 'yun.
Iba ako.
Nahihiya ako kay Marcus.
"Bakit ka ba hiyang-hiya? Kiss lang naman—" she said and then paused. "Unless..." she continued, grinning mischiviously at me. "Nileen Riviera... natikman mo na rin ba ang putahe ni Lord?"
Mabilis na namula ang mukha ko. "Gaga, hindi!" mabilis na sagot ko.
"Sure?"
"Bakit naman hindi ako magiging sure?!"
"So bakit ganyan reaction mo? 'Di ka ba natuwa sa kiss?"
"Natuwa—"
Ngumisi naman siya. "Nice," she said, nodding her head. "Good kisser pala si Dr. Nicolas. Noted 'yan."
"Walangya ka."
Tumawa siya. "Joke lang! 'Di kita aagawan."
"Agawan ka d'yan. Wala namang kami."
"Ah. Kaya ka ba badtrip? After ng kiss, wala ng nangyari? Bitin ka ba, Dr. Riviera sa halik ni Dr. Nicolas?"
Kung pwede lang makipagpalit ako ng pwesto kay Mrs. Ramos para maka-iwas sa mga tanong ni Yanyan—
Mabilis kaming napa-tayong dalawa nang pumasok iyong mga consultants kasama si Dr. Cuesta at Dr. Nicolas. Oh, shit!
"Good evening po," mabilis na bati ko sa kanila.
Mabilis akong tumayo sa gilid at nagpanggap na kasama ako sa routine visit nila. Ano ba namang kamalasan 'to! Halos itakip ko sa mukha ko iyong clipboard.
"Ang bango," Yanyan mouthed dahil nasa harapan namin si Marcus. Nakita niya kaya ako?! Malamang! Nung sa beach nga nakita niya ako, e! Dito pa kaya na ang liwanag at ang lapit!
"Ang broad ng shoulders," dagdag pa ng gagang si Yanyan. Gusto kong pumuslit palabas kaya lang ay hindi ko magawa dahil sigurado akong makaka-gawa ako ng ingay kapag gumalaw ako. Wala akong nagawa kung hindi manatili roon at makinig sa mga pinag-uusapan nila.
Shit.
Ibig sabihin ba nito dito na talaga si Marcus?
But I told him na sa St. Matthew's ako...
Nang matapos sila kay Mrs. Ramos, kunwaring sumunod ako sa kanila pero nang may likuan ay mabilis din akong nawala. Tawa nang tawa si Yanyan sa tabi ko.
"Mukhang small world na kayo ni Dr. Nicolas, ah?"
"Ewan ko sa 'yo. Magtrabaho ka na nga," sabi ko bago ko siya mabilis na iniwan.
Wala namang masyadong nangyari nung pre-duty. The usual stuff. May mga feeling know-it-all na Interns pero meron din namang okay. Normal day.
Papalabas na sana ako para maghanap ng pagkain dahil hindi ko talaga trip iyong pagkain sa cafeteria nang mapa-hinto ako. Nandun si Marcus. Magtatago na sana ako nang ma-realize ko na nasa iba siya naka-tingin. I followed where he was looking at and my sight stopped in front of girl who was wearing the same coat as I did. She's petite and very pale.
But most importantly, Marcus was staring at her like she'd disappear if he blinks.
"Dr. Yuchengco," he said.
"Yes, Dr. Nicolas?" sagot nung babae.
"Do you have time? I'd like to discuss something," Marcus said. His tone was very different. Hindi siya ganito nung nasa Batanes kami; kahit kanina nung kasama niya iyong mga consultant, hindi siya ganito.
He sounded like he's trying to be very careful.
This wasn't my place to listen.
This sounded personal—sa paraan pa lang ng pagtingin niya sa babae.
I should leave.
Kinailangan ko pang umikot para lang hindi ko sila maka-salubong. Okay lang. Mas okay 'yun kaysa sa awkward na mangyayari kung dumiretso ako. Ex kaya ni Marcus 'yung babae? May something kasi talaga... Baka iyon ang dahilan sa hanash niya sa Batanes na gusto niyang lagi siyang busy para hindi siya nag-iisip.
Dahil wala akong boyfriend at trabaho at pagkain lang ang nagpapasaya sa akin, nagdecide ako na mag-order ng marami ngayon. Bumili na rin ako ng dessert kasi deserve ko naman.
Nang pabalik na ako sa ospital, napa-hinto ako nang makita ko si Marcus na naka-upo roon sa bench sa labas. Tahimik na naka-upo lang siya roon at naka-tingin sa kawalan.
Mukhang 'di maganda kinatunguhan ng usapan nila, ah.
Pero 'di ko business iyon kaya dumiretso lang ako.
* * *
The next few days were eventful. Sobrang daming nangyari sa duty. For some reason, ang daming tao sa ospital. Para na akong robot sa sobrang pagod.
Kakayanin ko pa.
Tahimik akong naka-upo sa wheelchair doon sa may dulo ng hallway kung saan wala masyadong tao. I just needed freaking peace! May high profile kasing politician na nasa VIP area kaya maraming reporters ang nagkalat sa paligid. Gusto ko lang ng katahimikan.
"Mukhang pagud na pagod, ah."
Napa-angat ako ng tingin at nakita ko si Marcus. He's wearing his doctor uniform at may naka-sabit din na stethoscope sa leeg niya. Bakit ba ako naga-gwapuhan e pareho lang naman kami ng attire?
"Daming nangyari, e," I replied.
Ewan ko, ha. Crush ko si Marcus. 'Di ako pinatulog nung halik niya sa Batanes. Pero nung nakita ko iyong reaction sa mukha niya nung makita niya iyong babae, biglang nabawasan iyong pagkaka-crush ko sa kanya.
Siguro self-preservation?
Hirap magka-crush sa taong lubog sa iba.
Papahirapan ko lang sarili ko.
Kinuha niya iyong isang bakanteng wheelchair tapos doon siya naupo. Sa sobrang lalim ng buntung-hininga niya, aakalain mo na galing siya sa 12-hours operation.
"Okay ka lang?" I asked. I mean, nabawasan ang pagkaka-crush ko sa kanya, but he still was very nice to me. Hinintay nga niya akong maka-alis sa airport bago siya umalis, e. He's still a nice guy.
"Yeah. Pagod lang."
"Di ka pa ba sanay? Everyday naman 'to."
He laughed a little. "Sabagay. Sana benign bukas."
"Amen."
"Ngayon lang kita nakita ulit," he said.
"Ang laki ng St. Matthew's, e," I replied, which was true. 'Di naman sa iniiwasan ko siya, pero malaki talaga iyong hospital. Saka nasa magkaibang department naman kami... Although may chance na magkita talaga kami.
"Gusto mo?" I asked, offering him the Yakult I was drinking. Bumili kasi ako ng isang pack. Sabi sa akin ni Papa, isa lang per day—ang intindi ko, isang pack per day.
"Thanks," sagot niya pagtanggap nung Yakult.
So, nandun kami sa dulo ng hallway, naka-upo sa wheelchair habang umiinom ng Yakult. Sana walang maka-kita sa amin dahil baka pagalitan kami.
Nang maubos ko 'yung Yakult ko, tumayo na ako.
"Kailan ka free?" Marcus asked.
"Bakit?"
"Wala lang. Punta tayong La Union."
"La Union? Ano'ng trip mo?"
"Gusto ko lang magdagat."
Hindi ako naka-sagot agad. Clearly, the image of Marcus topless came into mind... What an offer.
"Bakit ako inaaya mo?"
"I like your company."
"Weh?"
"Oo nga. Maayos kang kausap."
"Sure ka? 'Yan lang?"
"Oo. Bakit? May iba pa ba?"
I stared at his face. Bagay na bagay talaga sa kanya iyong puting coat—sobrang contrast sa moreno niyang balat. Ano kaya itsura nito kapag may suot siyang hikaw?
"Sino pa kasama?"
"Tayo lang," he replied. "As friends."
Lecheng 'to. May friends ba na nagkiss na?! Halos 'di nga ako maka-hinga nang hinalikan niya ako, e. Ano ba 'tong generation na 'to!
"Fine. Basta as friends."
He laughed. "Bakit parang may diin iyong as friends?"
"Wala lang. Ayoko sa may sabit," I replied while shrugging.
"What?"
I took a few steps backward for preventive measure. "Nakita ko kayo nung si Dr. Yuchengco?" I said slowly. It still wasn't my place. "Di naman ako nakinig sa usapan niyo, don't worry. But I figured there's something in there. Ayoko lang ng hassle. Sabi mo nga, the right guy will come—hindi right guy 'yung may sabit."
His lips slowly parted in confusion.
"Hindi sa sinasabi ko na gusto kitang maging right guy, okay? I just mean that we already kissed and babae pa rin naman ako and gwapo ka. Sinasabi ko lang para clear. Hassle na nga sa trabaho kaya ayoko ng hassle na personal life."
Few more steps backward.
I smiled at him.
"Ayun lang. If trip mo pa rin akong kasama sa La Union, let me know. Gusto ko na ring magdagat," I said, making the roger sign bago ako bumalik sa duty ko.
***
This story is already finished on Patreon x
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top