Chapter 01
#IrrefutablyYours Chapter 01
The party was cancelled. Pinapanood ko ngayon na ligpitin iyong mga lamesa. Ilang ulit na akong humihinga nang malalim para pigilin iyong sarili ko sa pag-iyak. Kanina pa ako tinitignan nang mga tao na parang awang-awa na sila sa akin...
Top 2...
Top 2 ako sa Physician's licensure exam...
Pero syempre, hindi ako top 1 kaya hindi masaya si Mommy.
"Tinabi ko iyong cake sa kwarto mo," Daddy said, tapping my back.
I looked at him, trying to smile despite the feeling of disappointment that was drowning me. "Thanks, Dy..."
"Proud kami sa 'yo."
"Sana si Mommy din..."
Saglit na nawala iyong ngiti sa mukha niya. I knew he always tried to talk to Mommy about this... Na sana ma-appreciate niya naman kahit papaano... I worked my ass off. Literal na sa mga panahon na nagrereview ako, swerte na kung maka-apat na oras ang tulog ko... Akala ko nga mababaliw na ako noon kasi pati kwarto ko, puno ng reviewer ang naka-dikit sa pader.
But someone fared better.
Demoted ako sa Top 2.
"Ano ka ba, Niles? Matalino ka. Alam mo naman 'yan," Daddy said, trying to make me feel better. "Gusto mo ba ipuslit ko rin iyong lechon sa kwarto mo para ngumiti ka nang kaunti?"
I finally laughed. Si Daddy talaga...
"No, okay na ako sa cake, Dy... Pero ano'ng gagawin sa lechon? Pati sa mga handa?" tanong ko... 'Di ko kasi talaga alam kung ano ba ang plano ni Mommy... Hindi ko naman kasi sinabi sa kanya na maghanda nang ganito kasi malay ko ba kung magta-top ako sa boards? But I did my best. God knows I did my absolute best...
Daddy shrugged. "Ewan ko. Pabayaan natin 'yang Mommy mong isipin kung ano'ng gagawin niya sa sangkaterbang pagkain na 'yan," he said, draping his arm over my shoulders. "Tara, tawagin natin mga kapatid mo tapos kainin na lang natin iyong cake mo," he continued, making me smile. "Di pa rin ako maka-paniwala na may doktora na akong anak!" And then he kissed the top of my head.
Life's still good. I had the most supportive father... Okay na rin siguro.
* * *
"Sino 'yung kausap mo, nak?" Daddy asked when I had to excuse myself from the table. Usually, hindi ako sumasagot ng mga tawag kapag galing sa unregistered number... pero kasi ito... pangatlong beses na. Nung una, tawag mula sa isang representative ng hospital, tinatanong kung interested daw ba ako na magresidency sa kanila. Iyong pangalawa, ganoon ulit galing naman sa ibang hospital...
"Offer lang po," simpleng sagot ko. Nakita ko na sumaglit ng tingin sa akin si Mommy. Hindi pa rin siya masaya na Top 2 ako sa board exam... Babalik na ulit ako sa pag-aaral, tapos 'di pa rin niya ako pinapansin... 'Di ko pa naman alam kung kailan ulit ako makaka-uwi kasi sobrang hectic ng schedule...
"Galing kanino?"
"St. Luke's."
Nanlaki ang mga mata ni Daddy. "Talaga? Para saan naman daw?"
"Scholarship basta daw sa kanila ako magreresidency," simpleng sagot ko.
"My, narinig mo 'yun? May offer! Galing talaga nitong panganay natin!" he said proudly, but Mommy merely nodded her head.
I felt this sad feeling inside my chest again... Ano pa ba'ng kailangan kong gawin para maging proud siya sa akin? Isang 'Congrats, anak' lang naman ang gusto kong marinig sa kanya... Iyon lang. Iyon lang talaga...
Pagkatapos nun, tahimik lang akong kumain. Hanggang kinagabihan, habang nag-aayos ako ng gamit dahil babalik na ako sa Manila kinabukasan, hindi pa rin ako pinapansin ni Mommy... Bwisit pa iyong kapitbahay namin, ang lakas ng senti na videoke! Muntik na tuloy akong maiyak habang nag-e-empake.
Hanggang sa maka-tulog na lang ako, ang bigat-bigat ng pakiramdam ko. Kinabukasan, maaga akong gumising. I just wanted to go back to Manila. I wanted to drown in work again. At least doon, hindi ko mararamdaman iyong ganito. Ang hirap sa feeling na sobrang disappointment iyong tingin sa iyo... Kahit alam mo sa sarili mo na sinubukan mo naman talaga...
"Aalis ka na agad?" Daddy asked when he saw me carrying my backpack.
I nodded, smiling. "Opo. May mga gagawin na rin ako, e."
Mommy still wasn't looking at me. But I really didn't want to leave our province like this. 'Di ko alam kung kailan ulit ako magkakaroon ng maraming time para maka-uwi...
"Alis na po ako," I told her.
"Ingat ka," she said, but it was as if I could feel the icy tone in her voice. It was so cold that it could probably break me if she tried just a little bit harder.
Hinatid ako ni Daddy sa terminal ng bus. He kept on apologizing for Mommy's behavior. I kept on saying that it was all right, even though it didn't feel all right. It sucked, really. But... I guess my grandma was just as hard on my mom... Kaya ganoon din siya ka-strict sa akin... Malas ko lang hindi ako maka-live up sa expectation ng nanay ko.
Pagdating ko sa dorm, nagulat ako dahil nandun lahat ng friends ko. They even got a cake for me! And balloons!
"Congrats, Dra. Nileen Riviera!" sabay-sabay nilang sigaw habang nagsisiksikan sila sa maliit kong kwarto. Agad na lumapit si Yanyan, best friend ko, habang may hawak na cake.
"Grabe kayo..." sabi ko habang naiiyak.
"Blow na, Niles! Ano'ng wish ng topnotcher namin?" she asked as I felt all the eyes of our friends in me.
I smiled at them, as I wiped the tears on my face. "Wala... Seryoso, masaya na ako," sagot ko habang hinihipan iyong mga kandila.
We spent the entire night talking about our experiences. We're all doctors now... No one got left behind. I am so proud of us... Sabay-sabay kaming naghirap sa bawat klase, sa bawat pagrereview...
'Di man ganoon ka-proud si Mommy sa pagiging Top 2 ko, at least proud sa akin si Daddy... Mga kapatid ko... Mga kaibigan ko... I have a lot to be thankful for.
* * *
Months passed and I was finally getting the vacation that I wanted. Iyong Top 3 kasi sa board exam ay nakakuha ng all expense paid vacation galing sa isang anonymous na generous na tao. Any Philippine destination. Matagal kong pinut-off iyong bakasyon dahil ang dami niyang kailangang gawin.
But now... now I was free!
"Talagang sinulit mo iyong bakasyon, no?" tawang-tawang sabi sa akin ni Yanyan. "Talagang sa dulo ng Pilipinas para sulit bayad, no?"
Inirapan ko siya. "Dream destination ko talaga 'yung Batanes. 'Wag kang hater."
"Ano bang meron 'dun? Uwian mo naman ako!"
Naglahad ako ng palad. "Pera?"
Inirapan niya rin ako. "Napaka-kuripot mo talaga. Doktor na, ang kuripot pa rin."
Natawa ako. As if naman napaka-laki ng sweldo ko! Halos negative na nga, e! Siguro five years pa bago talaga ako magkaroon ng maayos na sweldo. Sa ngayon, tiis-tiis muna. Sabi nga nila, medschool is delayed gratification. Hindi mo agad makukuha kung anuman ang sa tingin mong dapat mong makuha. Kaya importante talaga dito na mahal mo iyong ginagawa mo. Kasi kapag hindi? Sobrang tempting tumigil. Ang hirap kaya. Sobrang toxic ng environment. Nakaka-burn out. Pero wala, e. Gusto ko talaga iyong ginagawa ko.
Thankfully, tinulungan naman ako ni Yanyan na mag-ayos ng gamit. Hinatid niya pa ako sa airport dahil wala naman akong sasakyan. One at a time muna. In time, makaka-bili din ako ng sasakyan. For now, okay na ako na nakaka-tulong ako sa pangtuition ng mga kapatid ko. Alam ko na sobrang hirap nun na pinapaaral ako ng med. Ang mahal kaya ng tuition ko. It's time to help my family. At saka na ako.
Pagdating ko sa airport, medyo maaga pa ako for my flight. Better early kaysa maiwanan ng flight. Naghintay na lang ako sa lounge. Nilabas ko iyong libro na baon ko. It's a romance story. Dahil sobrang busy ko sa med, wala akong time maghanap ng boyfriend. Story na lang talaga bumubuhay sa kilig sa katawan ko!
Kailan kaya ako magkaka-boyfriend? Tinakot pa naman ako ni Yanyan na wala daw lalapit na lalaki sa 'kin dahil sobrang nakaka-intimidate daw ako! 'Di lang daw ako doctor, topnotcher pa! Ang tanging pag-asa ko lang daw ay iyong Top 1 dahil iyon lang daw ang hindi maiintimidate sa akin.
Tsk.
Naalala ko na naman 'yang si T1 (nickname ko sa kanya). Dahil sa kanya, 'di ko alam hanggang ngayon kung ano ang nangyari sa lechon at menudo!
'Wag sana kaming magtagpo ng landas.
Although 'di ko naman siya sinisisi na number 1 siya... Syempre pinaghirapan pa rin naman niya 'yun! But still, alam mo 'yun? Mas mahal pa siya ng nanay ko kahit 'di namin siya kilala!
'Flight to Basco, Batanes is now boarding. Please proceed to Gate 26,' rinig kong sabi sa Intercom. Mabilis akong tumayo, pero dahil sa pagmamadali, nabunggo ako sa lalaki.
"So—"
Pinulot niya iyong libro ko. Nakita ko iyong panlalaki ng mga mata niya nang makita niya kung ano ang binabasa ko. Ramdam na ramdam ko rin iyong pamumula ng buong mukha ko! Bakit naman kasi ganoon iyong cover?! Nakaka-hiyang basahin?! Dapat talaga naglagay muna ako ng cover! O kaya nagkindle na lang ako!
Dahil sa sobrang hiya, mabilis akong nagwalkout. Ni hindi ko masyadong nakita iyong mukha nung lalaki. But... ang gwapo?!
Pero, no, Niles! Kahit gwapo, nakaka-hiya! Baka kung ano iniisip niya sa 'kin?! Bakit naman kasi kailangang makita niya pa iyong binabasa ko?! Ugh!
"This way, Ma'am," sabi ng flight attendant nang maka-sakay na ako sa eroplano. I was still a bit dazed from that embarrassing encounter kaya hinayaan ko na na tulungan ako ng flight attendant na matunton ang upuan ko.
"Thank you," I said as I made myself comfortable in my seat.
Ipinikit ko ang mga mata ko dahi pagod pa ako from the last shift. Nilagay ko iyong earphones ko. Sana magising ako kapag nasa Batanes na. I wanted to rest para ma-appreciate ko iyong Batanes.
But in the middle of the flight...
"Gosh," I uttered under my breath nang makita ko kung sino iyong katabi ko. It was the guy! It was the guy whose face reddened when he saw what I was reading!
Dahil sa pagsasalita ko, napa-tingin sa akin iyong lalaki. He wasn't saying anything, pero kitang-kita ko iyong judgment sa mukha nito!
"It wasn't as bad as you're thinking," I explained. 'Di ko alam bakit ako nag-e-explain! I didn't owe this stranger any explanation! But for some reason, I kept on defending myself! "Alam mo, Sir, walang masama sa binabasa ko. I'm a normal woman. Normal lang na magbasa ng ganoon. Wala akong tinatapakan na tao. Nagta-trabaho ako nang marangal."
Hindi ko alam kung gaano katagal akong nagsasalita sa harap niya. Naka-tingin lang siya sa akin. Parang malapit na siyang matawa sa dami ng pinagsasabi ko. Gustung-gusto ko na basagin iyong bintana tapos tatalon na lang ako palabas. Hiyang-hiya na ako sa sarili ko, pero hindi ako matigil sa mga sinasabi ko?!
Ano ba, Niles?! Wala ka na talagang hiya?!
Nang matapos ako sa nobena ko, hinanap ko iyong balabal mula sa bag ko, at tinakpan ang mukha ko. I wanted to land! Gusto ko na umalis dito! Wala na akong dignidad!
'We're now in Basco, Batanes. Philippine time is 5:18pm. Local time is 5:00pm. Weather is 25 Celsius. We hope—" Hindi ko na pinatapos pa ang pagsasalita ni Captain dahil tumayo na agad ako. Kating-kati na akong umalis dito. Feeling ko sa maigsing panahon na nakilala ko ang lalaki na 'to, nagawa niyang tanggalan ako ng dignidad.
Halos banggain ko lahat ng humarang sa daan ko. I just wanted to get away from that guy! Fast!
Pagbaba ko, hinanap ko agad iyong tour guide ko. Sabi sa akin, may magtu-tour daw sa akin para hindi ako mahirapan.
"Hi," I said as I saw the man who was holding a sign of my name. "I'm Nileen Riviera."
"Good evening po, Ma'am," sabi nung lalaki sa akin. "Wait lang po, ah? May hinihintay pa tayo."
I nodded. Naupo ako sa upuan sa likod niya. I just wanted to lay down, and rest. Baka bukas na talaga ako mag-ikot. Pagod na ako. Pero agad na nanlaki ang mga mata ko nang makita ko siya...
No...
"Good evening, Sir. Kayo po si Marcus Isaiah Nicolas?"
The guy was looking at me as he nodded. It's as if he was taunting me with his eyes. That that little smirk on his face! "Yeah, that's me," he said. Holy macaroni... Siya si T1?!
***
This story is already finished on Patreon x
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top