Chapter 4

"Oh, nasaan ang motor mo, Maine?" tanong ni Hed nang makasalubong ako sa hallway.

"Mahabang kwento," sagot ko na lamang habang bitbit ang box ng pastries na ni-bake ko kagabi. Hinatid ako ni Ate Chella papunta rin sa South Middleton University, kagaya ng sabi niya kagabi. Mabuti na nga lang at sa Sabado pa ang day-off niya kaya hindi niya pa rin naisasauli ang motor sa kinuhanan namin. Makakaisip pa ako ng paraan para makumbinsi siyang hayaan na sa akin ang motor na ibinili niya.

Dumeretso na kami ni Hed sa kitchen laboratory kung saan naghihintay si Karen na bihis na bihis na ng kaniyang chef's jacket. Naka-toque and apron na rin siya na para bang excited na excited na sa first laboratory namin kahit hindi pa naman kami magluluto. Actually, kahit ako nga ay hindi na rin makapaghintay.

"Ayan na ba 'yon?" tanong ni Karen nang salubungin niya kami ni Hed.

"Oo, pakilagay muna sa chiller 'yong pastries tsaka 'yong buttercream na icing. Mamaya na natin ilagay kapag start na ng class."

"Sige. Dalian niyo nang magpalit ni Hed ng damit. Mamaya ay darating na si Professor Riviera."

Sinulyapan ko si Hed at tsaka siya niyaya. "Let's go na."

Heather Jean and I went to the nearest locker room to get changed into our chef's uniform. Ilang sandali pa ay natapos na kami ni Hed sa pagpapalit at bumalik na kami sa kitchen lab. Sakto namang kadarating lang din ni Professor Riviera.

"Okay, class, ready na ba kayo?" tanong niya sa amin.

"Yes, Prof! We're so excited!"

"Kung gano'n, simulan niyo na! Babalikan ko kayo after an hour."

Ang lahat ay naging abala sa kani-kaniya naming ginagawa. Kinuha na ni Karen ang bolognese na dala niya at saka 'yong pastries na pinasuyo ko sa kaniya kanina.

"How about the chicken, Hed? Where's the chicken? Iyon ang unahin nating i-plating."

"Chi-chicken?" nauutal niyang tanong na nagpakunot ng noo ko.

"Yes, napag-usapan natin kahapon na roasted or grilled chicken ang gagawin nating main course, hindi ba?"

"H-ha? S-sabi mo, ako ang magpe-present. Wala akong dalang roasted o grilled chicken."

"A-ano?" hindi makapaniwala kong tanong. Naibagsak ko pa sa table ang dala kong box ng pastries. Napatingin din sa amin ang iba naming mga kaklase dahil sa napalakas kong boses.

"W-wala akong dala, Maine. S-sorry, hindi ko alam," sambit niya habang nangingilid ang mga luha.

"Bakit—?!" Naputol ang salita ko nang sumingit na sa amin si Karen. Napatingin ako sa kaniya. "Ako na ang kakausap."

"Hed, wala ka talagang dala? Paano iyan? Wala tayong ipe-present?" malumanay na sabi ni Karen. Ipinasada ko ang mga mata ko sa paligid. Ang lahat ng mga kaklase ko ay masasayang gumagawa ng kanilang dishes samantalang kami ay wala pang nasisimulan. Ang iba nga ay patapos na sa plating.

"A-ang dala ko lang ay 'yong fried chicken na binili ko sa kanto kagabi. G-gusto ko kasing baunin para sa tanghalian ko ngayon. Sabi niyo kasi ayaw ninyo no'n kaya isa lang ang binili ko."

Sinulyapan ako ni Karen at para bang kumukuha siya ng pasensya sa akin na kahit ako ay parang wala nang maibigay, pero nakikita ko palang ang mukha ni Hed, parang sumisibol sa akin ang awa.

"Patingin nga," galit kong utos.

"P-pero, ano kasi..."

"Patingin na," giit ko pa.

"O-okay. Sandali, kukunin ko."

Habol-tingin naming tinanaw si Hed para puntahan ang bag niya. Napabuntong-hininga na lang ako.

"It's a good thing, she bought a chicken for her lunch," komento ni Karen. "Pagandahin mo na lang."

"I know."

"But wait, anong kakainin niya sa lunch?"

Hindi ko na nasagot pa ang tanong ni Karen nang bumalik si Hed at nag-aalangang ipakita ang lunch box niya. "S-sorry talaga. Ito lang kasi 'yong nabili ko. Wala kasi akong maraming pera."

Halos manlumo ako sa nakita kong sa lunch box niya. Parang gusto kong umiyak.

"Oh my gosh, what's that?" Napalingon ako sa nagsalita at para bang gusto kong manargo ng ilong nang makita si Xyrah kasama sina Tricia at Nicole.

"Putang ina, ano 'yan? Leeg?!" singit ni Tricia. "Iyan ba ang gagamitin niyo sa main course niyo?"

"Napaka-cheap! I can't believe it! Leeg ng manok? May nag-uulam pa pala niyan?" sabat pa ni Nicole.

"What the fuck? What do you mean? Dinala ng babaitang 'yan sa school ko ang pagkaing 'yan? Oh my gosh! Itapon mo nga 'yan!"

Mabilis kong kinuha ang lunch box ni Hed tsaka ko tiningnan nang masama si Xyrah. "What if itapon ko sa mukha mo? Huwag mo akong sinusubukan, ngayong badtrip ako," pagbabanta ko.

Pinigilan naman ako ni Karen. "Maine, tama na 'yan. Nauubos ang oras natin. Huwag mo nang sayangin ang panahon mo sa kanila."

"Eh, mga putang ina 'yang mga 'yan, eh! Pwede ba, Xyrah, kung marami kang time, mag-aral ka ng mabuting asal. Bumalik ka sa elementary tutal parang kulang ka sa GMRC."

"What did you say?" Akmang lalapitan niya ako nang hinila siya ng mga kaibigan niya.

"Anong nangyayari dito?" Napalingon kaming lahat kay Professor Riviera na naroon sa may pintuan habang nakatingin sa amin. "Ramirez, Parker, Duerre? Kayo rin, Xyrah, Nicole and Tricia? Nag-aaway ba kayo?"

"Naku, hindi, Prof! Masyado lang kaming namangha sa main course ng group nila Maine. Leeg kasi ng manok ang dala nila."

Napatiim-bagang ako sa hirit ni Nicole. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Leeg?" tanong ni Professor Riviera sa amin.

"Yes, Prof." Nilakasan ko ang boses ko para marinig ng lahat ng kaklase ko. "Hindi naman mahalaga kung ano ang main course na dinala namin. Pagandahan naman ng plating ang iniiskoran dito. We're trying to spice up the challenge by using a common ingredient. Mas kahiya-hiya kung mas maganda ang outcome ng leeg ng manok na gawa namin kaysa sa mamahalin niyong karne."

Natahimik naman ang lahat. Hindi na rin nagsalita pang muli si Professor Riviera, o hindi ko lang alam dahil tumalikod na ako at nagpaka-busy sa pagpe-plating ng main course, pasta at dessert namin. Huli na nga nang mapansin kong pinanonood na lang pala ako nila Karen at Hed sa ginagawa ko. At sa tuwing may kalat akong gagawin ay agad nilang lilinisin at huhugasan.

Masyado akong naging seryoso sa ginagawa ko at hindi ko na namalayan na nauna pa akong matapos kaysa sa iba.

"A-ako pa rin ba ang magpe-present?" nangangambang tanong ni Hed, habang nagkukutkot ng daliri. Sinulyapan ko si Karen.

"Hed, si Maine na lang. Chill ka na lang d'yan. Also, huwag kang mag-alala dahil ililibre ka namin ng lunch kasi kinuha namin ang food mo."

"Ganoon ba? Wala naman sa akin 'yon. Nahihiya nga ako dahil kasalanan ko kung bakit leeg lang ng manok ang ipe-present natin."

"No, Hed. Look, ang premium kaya tingnan ng plating natin. Ang galing ng pagkakagawa ni Maine. Hindi nagmukhang leeg kasi may mga garnish siyang nilagay."

"Talaga ba? Sorry talaga, ha? Pangako, babawi ako sa inyo."

Mataman lang akong nakikinig sa pag-uusap nila habang inilalagay sa tray ang tatlong dishes na inihanda namin. Pasimple lang din akong napapangiti dahil sa kabila ng lahat ay nakatapos kami sa activity namin. Alam ko namang hindi ito titikman ni Professor Riviera dahil una sa lahat, titingnan niya lang kung sino ang may pinakamagandang execution sa plating.

"Aalis na ako," sambit ko na kumuha ng atensyon nila Karen at Hed.

"I know you can do it, Maine!"

"G-galingan mo, Maine!"

Tuluyan na akong pumunta sa office ni Professor Riviera kung saan nauna nang mag-present ang mga kaklase ko. Pagkalabas ng iba ay pumasok na ako sa loob.

"Miss Ramirez!" pagbati ni Professor na may ngiti sa mga labi.

"Hello po," sagot ko tsaka inilapag sa table niya ang tray.

"Oh, wow. It's nice, ha? What's this? Bolognese?"

"Yes po."

"I like the plating. In fairness, mukhang may advantage ka nga pagdating sa ganitong field, Miss Ramirez. I was impressed by what you said earlier. Tama ka, dahil plating lang naman ang huhusgahan ko. It doesn't matter kung mamahalin o mura lang ang gagamitin niyong pagkain."

"Thank you po."

"Anyway, let's start first here sa pastries na ginawa mo. I like the layering of the pastries you made with different colors. Medyo napakapal lang 'yung filling ng icing mo kaya hindi masyadong na-pop up 'yong colors but still the idea is great. And then, about the bolognese, kakaiba siya dahil nilagay mo siya sa isang maliit na rectangle tray and you swirled four of them to build somewhat like a nest. Napakaganda ng idea mo. One of a kind."

"Thank you po, Professor."

"Now, moving on in your main course plating. You know what? This is kind of intriguing."

Tinuro niya ang dinner plate kung saan nakatayo roon ang chicken katabi ng ibang garnish na nilagay ko. May nilagay akong caramelized sugar, slice of onion and some thyme and rosemary kaya nagmukha siyang simpleng garden.

"I can't believe it. Of all the main course plating I've seen from the other groups, I can say na mas angat 'yong inyo. Great job, Miss Ramirez, and also to your friends. I am looking forward to the great things you will do in my class."

Hindi maalis ang ngiti ko nang lumabas ako sa office ni Professor Riviera. Ganito pala ang pakiramdam ng nare-recognize ang efforts at hardwork. Dati, nakikita ko lang ang mga talented na chefs sa mga food exhibition na pinupuntahan ko, pero ngayon, nararanasan ko na talaga on-hand ang mga ginagawa nila. May mapupuntahan talaga ang panonood ko ng Masterchef at kay Hell's kitchen ni Gordon Ramsay. I will make Auguste Escoffier proud of me!

Nagmadali na akong bumalik sa kitchen lab para balikan sina Hed at Karen na kapwa nababalisa at pababalik-balik ng lakad. Seryoso din ang mga mukha nila, kaya naman naisipan ko silang pagtripan.

"Maine! Nariyan ka na pala! Ano? Kumusta?" tanong ni Karen. Umiling ako at saka inilapag sa table ang tray.

"Bakit ka umiiling, Maine? Hindi ba nagustuhan ni Prof ang gawa natin?" nagsusumamong bigkas naman ni Hed. "Pasensya na kayo. Dahil sa akin, naging palpak ang unang kitchen laboratory natin. Minsan kasi talagang kailangan kong paliwanagan kasi mahina akong pumick-up. Bobo kasi ako."

"H-hoy teka, hindi ka naman bobo, Jean," litanya ko dahil nakunsensya na ako sa pangloloko sa kanila. "Hindi lang tayo nagkaintindihan. Pasensya ka na rin sa akin kung nasigawan kita kanina. Pagdating talaga sa mga ganito, mainitin ang ulo ko."

"Parang sa lahat naman yata ng bagay," bulong ni Karen na narinig ko naman. Tiningnan ko siya nang masama. "See? Lagi kang naniniring! Kaya kahit si Hed, natatakot sa iyo! Kanina pa nga ito nagpipigil ng iyak! Sino bang nanakit sa iyo at bakit ganiyan ang ugali mo?"

Alam kong biro lang iyon, pero nagawa kong hindi ngumiti nang buong araw. Kahit pa mataas ang grade na nakuha namin sa plating ay hindi ko nakayang makipag-usap kahit kanino. Kahit nga sa pagkain namin ng tanghalian ay hindi ako umiimik.

Napabuntong-hininga ako. Hindi lang ako sinaktan, dahil sa kaniya, nawalang halaga ko ang sarili ko.

*****

"Class, aware na ba kayo sa event na magaganap next week?" tanong ni Professor Riviera na kumuha ng atensyon ng lahat. "Every year, ginaganap ang event, or should I say party; to celebrate and welcome all first years. Next week, gaganapin ang Acquaintance party ng buong first year sa South Middleton University, and I hope lahat kayo ay makapunta to meet your batchmates in different courses and departments. Malay niyo, ma-meet niyo na rin ang forever niyo, Miss Ramirez and Miss Duerre.

I gasped in disbelief. At talagang special mention pa kami ni Hed na parehong hindi naniniwala sa forever. Napaka-nice naman. Umagang-umaga mukhang nababadtrip na ako, ah. Ayoko nang umattend.

At ang hindi ko pagkagustong pumunta sa Acquaintance party ay dumoble nang makita ko ang lalaking hindi ko inaasahan.

"Ikaw?!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top