Chapter 3
"Ang ganda mo, Maine." I was caught off guard by what she said. Iba talaga ang epekto kapag galing sa babae ang mga salitang iyon.
"Stop it, Hed." I hid my face and tried to finish what I'm doing. Sinuklay-suklay ko na ang buhok ko at nilagyan ng hair wax stick para walang tumikwas na kahit anong baby bangs.
"Bakit? Totoo naman, ah! Pareho kayo ni Karen, ang ganda ninyong dalawa. Ang swerte ko at naging kaibigan ko kayo. Akala ko, wala na akong magiging kaibigan sa lugar na ito."
That hits me hard. That was the same thing I thought when I came here. Iyon naman ang plano—ang maging mag-isa lang ako hanggang magtapos ako ng kolehiyo, pero nag-iba ang ihip ng hangin at binigyan ako ng dalawang magagandang kaibigan. But somehow, natatakot ako. Ayokong pagdating ng araw ay maging katulad sila nila Yura na dati kong kaibigan pero ngayon ay kinamumuhian na ako.
"That's impossible. You're friendly, Hed. Magaling kang makisama at mabilis kang pakitunguhan. Maybe because you're selfless."
"S-selfless? Walang sarili? Eh, meron akong ako, Maine! Teka, ang ibig mo bang sabihin ay nawawala ako sa aking sarili? Nababaliw?!"
Natawa ako sa reaksyon ng mukha niya. Nanlalaki ang mga mata niya habang nakaturo sa kaniyang sarili. Ngayon, sigurado na ako. Hindi siya ganoon kagaling sa Ingles. Kailangan kong masanay na mag-Tagalog sa kaniya para naiintindihan niya.
"Hindi ka makasarili, iyon ang ibig sabihin ng selfless, Hed. Halika na sa room, baka ma-late na tayo."
"Oo nga, baka hinihintay na tayo ni Karen. Pero, teka, wait, saglit, tapos ka na ba? Wala ka pang hikaw!"
"Right, I almost forgot. Salamat at ipinaalala mo."
Kinuha ko sa bag ko ang kahon ng pearl earrings. Kapag naka-gala uniform kasi, ang daming checheburetche. At kapag hindi ka naka-complete uniform, hindi ka papapasukin sa room. Mabuti nga rin at nagpakulay na ako ng buhok from dark brown to black. Bawal din kasi ang may kulay. Isang beses ay pinatabi pa kami sa bintana para itapat sa sikat ng araw. Maswerte nga itong si Hed, dahil natural ang kulay dark brown niyang buhok. Parang buhok ng mais.
"Hed! Maine! Nariyan na pala kayo! Kanina ko pa kayo hinihintay! May mga assignment na ba kayo?" salubong na bati sa amin ni Karen nang makarating kaming dalawa ni Hed sa classroom.
"Hala! May assignment ba?! Wala pa ako! Pakopya!" wika ni Hed habang naaaligaga paupo at kumukuha ng notebook sa bag niya. Well, may gawa naman na ako kaya kiber.
Nakita kong naroon na rin ang mga kaklase namin at muli, nakita ko na naman si Xyrah na nakatingin nang masama kay Karen. Si Xyrah 'yong babaeng palaging tinititigan nang masama ang kaibigan kong si Karen, at siya rin ang nang-api kay Hed sa cafeteria. Kaya naman sukdulan din ang galit ko sa kaniya. Babanatan ko na nga sana siya noon, pero sumakit ang tiyan ko sa chicken curry kaya wala akong choice kung hindi ang pumunta sa banyo para bumira.
Nagkatagpo ang mga mata namin ni Xyrah at tinaasan niya ako ng kilay. Aba naman, naghahanap ba ng away ang isang ito? Baka gusto niyang dunggulin ko ang mukha niya. Kahit siya pa ang anak ng may-ari ng university na ito, hindi siya ubra sa akin.
Umupo na lang ako sa may tabi ng bintana pagkatapos ko siyang irapan. Nasa gitna namin ni Karen si Heather Jean at kasalukuyang nangongopya ng assignment. Mabuti na lang nang dumating si Professor Riviera ay tapos na siya.
"Okay class, good morning. Today, we will talk about some of the important terms in Culinary since surprisingly, ako rin ang professor niyo sa Basic Culinary."
Lumapad ang ngiti ko sa sinabi ni Professor Riviera. Pagdating talaga sa pagluluto, nagse-celebrate ang kaloob-looban ko. Nagsimula na ang presentation ni Professor Riviera at ako naman ay abalang-abala sa pagte-take down ng notes. Halos ang ibang terms ay familiar na sa akin, pero ayun nga, may mga jargon pa rin. Mabuti na lang at itinuro sa amin.
"Tomorrow, we will be having our second meeting this week. We'll talk about plating so I want you to group with your friends and prepare a dish," paliwanag ni Professor Riviera na ikinaningning ng mata ko.
"May kitchen laboratory na tayo, Prof?" tanong ng isa kong kaklase.
"Magluluto na po tayo?" wika pa ng isa.
"No, not yet, my dear students. Plating pa lang tayo bukas. Nasa sa inyo kung magluluto kayo sa bahay ninyo. Basta bukas, dapat dala niyo na ang dish at ipe-plating na lang sa kitchen laboratory. Nagkakaintindihan?"
"Yes, Prof!"
Nagpaalam na si Professor Riviera kaya naman umingay na ang buong classroom.
"Maine, tayo-tayo na lang nila Hed!" sambit ni Karen. "Tayo na lang ang magka-group para sa activity bukas."
"Oo nga, huwag niyo akong iwan. Tutulong naman ako," salita naman ni Hed.
"Baliw! Bakit ka naman namin iiwan? Magkakaibigan tayo!"
"Oo, Hed. Hindi ka namin iiwan," sagot ko naman.
Matamis na ngiti ang ibinigay niya sa akin. She's so innocent. She's so pure. All I know now is I want to take care of her like my younger sister. I wanna protect her.
"So, anong plano natin, Chef Maine?" tanong ni Karen.
Nanatili kaming nakaupo habang ang iba naming mga kaklase ay may kani-kaniya ring mundo. May isang oras kasi kaming vacant, pagkatapos ng dalawang oras na discussion kanina sa Basic Culinary. At naisipan namin nila Hed at Karen na mag-meeting tungkol sa ganap namin bukas. Tutal, mukhang ganoon din naman ang ginagawa ng iba.
"Mag-isip tayo ng tatlong dish na gagawin natin bukas. Para sa main course, pasta and dessert," paliwanag ko. "Anong main course natin?" tanong ko pa tsaka kumuha ng ballpen at notebook at nag-minutes ng meeting namin.
"Curse one?"
Napapikit ako sa sagot ni Hed. I almost bursted out laughing.
"Baliw! Anong curse one?!" tawang-tawang tanong ni Karen habang hinahampas si Hed. "Napaghahalataang jejemon ka!"
"Bakit? Ang ganda kaya no'n! Favorite ko ngang kanta 'yong Masaya ako sa 'yo, eh! 'Di ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. 'Pag katabi kita, 'di ako makapagsalita, pero 'di ibig sabihin no'n na ayaw kita at 'di kita gusto. 'Pagka't kumakaba lang ang damdamin ko—"
Hindi ko na rin napigilan ang tumawa nang kumanta pa siya at nag-rap. Taragis na babaeng ito, balak ba niyang magkakabag kami sa kakatawa? Ano bang meron sa utak niya at ganito siya? Jusko naman!
"Hed! Stop it! Utang na loob! Hindi tayo matatapos nito!" singhal ko.
"Bakit? Tama naman ang sinabi ko, ah?"
"Main course as in main na putahe. Chicken, beef or pork," paliwanag ni Karen.
"Ahhh, okay, gets. Chicken na lang. Bibili na lang ako sa kanto. Anong gusto niyo, leeg? Tag-sampu lang 'yon! Masarap!"
Napasapo na lang ako sa noo. "Hed, seriously? Pwede bang mamaya ka na magpatawa?"
"H-hindi naman ako nagpapatawa, Maine. Mali ba ang mga sinasabi ko? Aalisin niyo na ba ako sa grupo?"
"No, Hed, tumahimik ka na lang muna. Hayaan na muna natin si Maine na magsalita."
"Eh, nagtanong siya 'di ba?"
"Ughh! Heather Jean Duerre!" malakas kong sigaw. Kapag nagpatuloy pa siya, wala na talaga kaming matatapos at puro na lang kami tawanan.
"B-bakit?"
Huminga ako nang malalim at hindi na lamang pinansin ang tanong niya. "Alright, we'll choose chicken for the main course, pero mas maganda kung roasted or grilled para hindi siya plain sa plate. Sa pasta naman, what do you think, Karen?"
"I'll go with the bolognese. I'll try to make one at home. How about sa dessert?"
Napatingin naman kaming dalawa ni Karen kay Hed.
"I-Ice cream?" maluha-luha niyang sagot. "Yung fried ice cream na naka-roll. Nakikita ko 'yon sa internet. Mukhang masarap."
"Pero mabilis siyang matunaw, Hed. Kung magdadala ka galing sa bahay niyo, mahihirapan tayong i-plate kasi matutunaw na."
"Ganoon ba? Kung gano'n, ano na lang?"
"I'll bake some pastries tonight," presinta ko.
"Sure ka?"
Tumango ako kay Karen bilang sagot.
"Paano ako? Anong maitutulong ko?"
Nagkatinginan kami ni Karen.
"Ikaw ang magpe-present."
"H-ha? B-bakit ako?!"
*****
Kinuha ko na sa locker ang helmet ko tsaka ako naglakad papunta sa east wing. Nagpaalam na rin sila Karen at Hed na mauuna nang umuwi. Napatigil ako sa paglakad nang matanaw ang gulong ng motor ko.
Bullshit. Kahit hindi ko pa nalalapitan nang maigi, alam ko nang may bumutas, eh. Sinong bobo ang bubutas ng gulang ng motor ko? Putang ina. Palagi na lang akong binabadtrip.
Paghingang malalim na lang ang paulit-ulit kong ginawa habang akay-akay ko ang motor ko. Sana lang ay may malapit na Auto Repair Shop. Sana lang din ay maayos ito dahil papaano ako pag-uwi?
Mabuti na lamang at sa patuloy kong paglalakad ay nakahanap ako ng repair shop. Papasok na sana ako nang may kotseng sumingit sa akin at pumarada doon sa garahe. Tang ina talaga ng buhay. Ano ba ito? Ako ang nauna, eh! Talagang sinusubukan ako ng mundo!
Napatingin na lamang ako sa langit habang sinusubukang humanap ng pasensya. Nagtiis na lamang ako sa labas habang naghihintay na may umalis na kahit na kotse o motor para may mapagpuwestuhan ako. Lintik kasi na dark blue na kotse!
I was shocked when my phone rang and it was my sister who's calling me. Sinagot ko iyon.
"Maine! Nasaan ka na? Anong oras na, ah? Hindi ka pa uuwi? Nauna pa talaga ako sa 'yo! Gutom na ako!"
Napapikit na lang ako. "Sorry, Ate Chella. Narito pa ako sa pagawaan ng sasakyan, eh. Ipapaayos ko ang motor ko."
"Bakit hindi mo ako sinabihan? Nasaan ka? Susunduin kita. Gutom ka na rin ba? Hintayin mo ako, dadaan lang din ako sa drive thru."
"Okay, Ate Chella. Ingat."
Napatalon ako nang may bumusina sa akin. Iyong kotseng dark blue. Shet 'to, ah! Pinapatabi niya ba ako? What if hindi ako tumabi? Ang kapal ng mukha niyang singitan ako tapos bubusinahan niya ako?
Pero wala naman akong nagawa kung hindi ang umatras, para makaalis na siya. Kasi kung hindi ako aalis, mas lalo akong matatagalan sa pagpapaayos ng motor ko. Magbe-bake pa nga pala ako ng pastries mamaya para sa laboratory namin bukas. Hay nako.
Mayamaya lang din ay dumating na si Ate Chella, dala ang kotse niyang dark red na kahit gabi ay agaw pansin.
"Ano? Kumusta?" tanong niya sa akin sabay abot ng paperbag na may lamang burger. Nilantakan ko naman iyon.
"May sumaksak ng gulong, eh, sabi ni manong," paliwanag ko.
"Sumaksak? Sino naman ang gagawa niyan? Kakukuha lang natin ng motor mo, ah. May kaaway ka ba?"
Umiling ako. "W-wala, Ate Chella. Sino naman ang magiging kaaway ko?" Nabulunan pa ako sa tanong niya kaya uminom kaagad ako ng coke.
"Naku, sinasabi ko sa 'yo, Charlee Maine. Kaya ka lumipat ng university ay para magbagong-buhay. Ayokong malamang nagpapariwara ka na naman. Sayang ang pera at panahon."
"Wala naman akong ginagawang masama, Ate Chella."
"Kung gano'n, bakit may sasaksak ng gulong ng motor mo?"
"H-hindi ko rin alam." Pero sigurado akong kagagawan na naman ito nila Yura. Hindi ko alam kung paano sila nakapasok sa South Middleton University, pero alam kong gagawa sila ng paraan para makaganti sa akin. Hindi talaga nila ako tinitigilan.
"Simula ngayon, ihahatid na kita sa university mo at susunduin na rin para wala nang mang-trip sa iyo."
Napatayo ako sa sinabi niya. "P-pero Ate Chella, kabibili mo lang ng motor! At napamahal na siya sa akin! Hindi ba't mahihirapan ka lang kung ihahatid-sundo mo pa ako? Male-late ka sa trabaho mo at lalong mapapagod."
"Kaysa naman mapahamak ka. May warranty pa 'yan kaya maisasauli pa natin 'yan."
Hindi ako umiiyak, pero parang gusto ko nang maglupasay sa sahig at magwala. Not my motorcycle!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top