Chapter 2

"South Middleton University," bigkas ko sa aking isipan habang nakatingin sa gate ng university na papasukan ko.

Huminga ako nang malalim bago nagpatuloy sa paglakad sa gate para hanapin na ang building ng HRM students. Hindi naman ganoon kalayo ang lakarin from Gate 1 to our building, pero sana pala sa Gate 2 na ako dumaan kasi mukhang mas malapit doon.

Ilang sandali pa ay nahanap ko na ang section ko at pinili kong umupo sa may tabi ng bintana. Katulad ng plano ay wala akong balak makihalubilo sa mga kaklase ko. I put my earphones on habang naghihintay ng prof. At hindi naman nagtagal ay dumating na ang isang guro na nagpakilalang si Professor Riviera—ang homeroom adviser namin.

"Hi, I am Jan Karen Parker. I am nineteen years old. I chose to be an HRM student so I can learn how to cook. I know some of you would ask, bakit hindi culinary ang pinili ko, basically I don't want to focus lang sa pagluluto. Gusto ko ring matuto how to keep the hotel clean, lalo na't pag-aaralan natin ang housekeeping. Actually, my dream is to be a good wife, a housewife that's why I'm here," pakilala ng isang magandang babae sa unahan. Matangkad ito at may balingkinitang katawan. Maputi rin at sa pagkakatindig, pwede siyang maging model or Miss Universe. I doubt, bakit sa lahat ng gusto niyang pangarapin, maging housewife pa.

Umupo siya sa upuan malapit sa akin.

"That's interesting, Miss Parker. Ngayon lang ako nakakilala ng babaeng ang pangarap ay maging housewife. Not to offend you, but I'm kind of impressed rather. And I think I know now why you said that, you're in a relationship," wika ni Professor Riviera habang nakangiti.

"Yes po. Actually, he's kind of famous since he's a basketball player here and an engineering student," sagot naman ng kaklase ko.

"Oh, I remember! You are also a varsity player of volleyball. I'm glad, narito ka sa college natin. Mukhang may chance na tayong manalo sa Sports Fest."

"Sana po." Nahihiya namang ngumiti ang babaeng iyon tsaka lumingon sa akin. Nginitian niya rin ako at pasimple siyang kumaway.

Napansin ko naman ang isang babae sa likod na masama ang tingin sa kaniya. Hmmm... something's fishy.

"Moving on, dahil wala si Miss Heather Jean Duerre because of a small accident she won't be able to attend the class today, kaya naman ikaw hija, magpakilala ka na."

Tinuro ako ni Professor Riviera kaya naman tumayo na ako. Tumahimik ang lahat at tanging tunog lang ng takong ng sapatos ko ang narinig sa buong classroom.

Ipinasada ko ang mga mata ko. "Good morning, everyone. My name is Maine Ramirez. I am eighteen years old. I chose this course because I want to have a restaurant someday. I want to know how to manage a restaurant and being in a Hotel and Restaurant Management course, I know it will develop my skills and enhance my knowledge in the field that in the near future I know would be beneficial for me."

Tumango-tango naman si Professor Riviera habang nakangisi. "You sound so passionate, Miss Ramirez. Hold on, am I right, or mali 'yong records ko?" Sinulyapan niya ang record file niya bago lumingon muli sa akin. "Your full name is Charlee Maine Ramirez, is it correct?"

Napalunok ako at hindi kaagad nakasagot. "Y-yes, Ma'am, but I would appreciate it if you would only call me by my second name."

"Bakit naman, Charlee?" tanong ng isa kong kaklase at walang isang segundo siyang nakatanggap ng irap ko.

"I just don't like it."

"Alright, alright. I understand. Maine is somewhat easier to say and we will definitely use that to call you. Right, class?" tanong ni Professor Riviera sa kanila. Sumang-ayon naman ang mga ito.

"Based on how you present yourself, you must be a strong independent woman."

I flashed a smile. "Yes po, kaya ko pong mag-isa at single by choice po ako dahil hindi po ako naniniwala sa forever."

Nagtawanan naman ang mga kaklase ko as if what I said was a joke. Mukha ba akong comedian?

"Alright, alright. I see."

Mabuti naman at pinaupo na ako ni Professor Riviera dahil baka maupakan ko na 'yong mga kaklase kong sige sa pagtawa at pang-aasar sa akin. Pero akala ko ay matatahimik na ako, hindi pa pala dahil lahat ng sumunod sa akin ay tinanong ni Professor kung naniniwala ba sa forever. Ang aga-aga, gusto ko na tuloy magmura. Dapat pala sinabi kong palagi kong napipindot si anger kasi mabilis akong mainis.

Natapos naman ang pangangantiyaw nila sa akin makalipas ang ilang sandali. At kahit papaano ay nawala na ang inis ko nang ipaliwanag na ni Professor Riviera ang syllabus. Na-excite ako dahil siya rin pala ang guro namin sa Basic Culinary. Hindi na tuloy ako makapaghintay.

The class had finished already and I was on my way out of the campus when a familiar group blocked me. Napabuntong-hininga ako. Hanggang dito ba naman ay susundan nila ako at iinisin? Hindi ba talaga pwedeng matapos ang araw nang hindi ako nagagalit? Paano ako magbabago kung ganiyan? Iniiwasan ko na nga ang palaging pagmumura.

"Look who's enjoying her first day here in South Middleton University. In fairness, bagay sa 'yo ang maroon uniform nila. Nagmukha kang expensive," litanya ni Yura habang nakahalukipkip.

I rolled my eyes. "Ang dami niyo namang time. Nag-effort pa kayong puntahan ako rito," singhal ko at saka tumingin kay Vana at Pia. "Inggit na inggit na ba kayo? Kung gusto niyong magmukhang expensive, bakit hindi kayo rito mag-aral? May oras pa para lumipat."

"At makita ka namin? Huwag na lang. Hindi ko kayang maatim na huminga sa kaparehong hangin kung saan ka humihinga."

"Eh, tanga ka pala, eh? Bakit ka pumunta rito? Kung masyado kang maarte, magbaon ka ng sarili mong oxygen tank."

Nilampasan ko na sila at mabilis na naglakad palayo, pero laking gulat ko nang biglang may humablot ng buhok ko at tinulak ako. Muntikan na akong masubsob sa lupa. "Ah! Tang ina! Sinusubukan niyo ba talaga ako?!" sigaw ko habang inaayo ang buhok kong nakapusod.

"Bakit? Anong laban mo sa amin? Tatlo kami! Isa ka lang!"

"Kahit magsama-sama kayo, baka tulungan ko pa kayo!"

Natawa naman sila. Narinig ko rin ang tawanan sa paligid. Takte, may nanonood na pala sa amin.

"Ang yabang mo talaga! Wala ka namang binatbat!" hirit ni Yura.

"Sige, lumapit ka. Tingnan natin kung sinong walang binatbat sa atin." Tinaas ko ang manggas ng uniform ko. "Ano? Duwag? Lapit!"

Isa-isa silang nagsilapitan kaya naman nang akmang hihilahin muli ni Yura ang buhok ko, inunahan ko na siyang masampal sa mukha. Sinunod ko rin si Vana at Pia. Hinila ko rin ang mga buhok nila at sinigurado kong mararamdaman nila ang hapdi hanggang anit.

"Oh, fuck! Putang ina mo talaga, Charlee Maine! Ahh! Ang sakit! Bitiwan mo ako!"

"Bakit kita bibitawan? Ikaw itong unang nanabunot sa akin, Yura! Hindi ko kayo titigilan hangga't hindi kayo nagtitino! Nananahimik na ako, dinadayo niyo pa ako rito!"

"Maine?!" Napalingon ako sa tumawag at ilang segundo pa nang mapagtanto kong kaklase ko siya. Dahil sa pagtitig ko sa kaniya, nakalimutan kong nasa gitna pala ako ng away kaya nahablot din nila Yura ang buhok ko. Pinagdadaganan nila ako at isa-isang sinasampal. Nakahiga na ako sa kalsada at kitang-kita ko ang galit at panggigigil nila sa akin.

"Anong ginagawa niyo sa kaklase ko?! Mga hayop kayo, ah!"

Para akong nawala sa sarili nang makita ang babaeng iyon na ipinagtatanggol ako sa tatlo. Nanaig tuloy ang takot sa dibdib ko nang makitang sinasabunutan din siya nila Yura. Kaya naman mabilis akong tumayo para bumawi pero huli na ang lahat dahil may humarang nang lalaki. Galit na galit ito sa tatlo.

"Who the fuck gave you the rights to hurt my girlfriend?!" malakas nitong sigaw. "Kung hindi kayo babae, baka pinatulan ko na kayo. Magsiuwi na kayo kung ayaw niyong i-report ko kayo sa Merandus University! Naka-uniform pa naman kayo!"

Mabilis na nagsitakbuhan paalis ang tatlo. Nakahinga naman ako nang maluwag.

"Kayo! Hindi pa ba kayo aalis? Tapos na ang palabas!" wika pa ng lalaki sa mga estudyanteng nakapalibot sa amin. Isa-isa rin namang nagsialisan ang mga iyon.

"Okay ka lang, babe?" tanong ng lalaki sa kaklase ko. Agad naman akong nangiwi kaya tumalikod na ako at inayos ang sarili bago nagdesisyong maglakad papunta sa sakayan. Dapat talaga magpabili na ako kay ate ng sasakyan para maiwasan ko na 'yong mga ganitong pangyayari.

"A-ayos lang ako, Kurt, pero si Maine... Maine!" Nahabol niya ako. At doon ko naalala ang pangalan niya. Siya si Miss Parker, kaapelyido ni Peter Parker na si Spider-man. Para siyang superhero sa ginawa niyang pagtatanggol sa akin kanina. Hindi ko inakalang may tutulong sa akin.

"Okay ka lang ba, Maine? Saan masakit? May sugat ka ba? Halika, pumunta muna tayo sa clinic."

Napatingin ako sa lalaking sumunod sa tabi niya. Ito siguro ang sinasabi niya kanina sa room na boyfriend niyang varsity player. Hindi naman maikukubli dahil may katangkaran ito at makisig na pangangatawan.

"Y-yes, I'm fine."

"Sure ka? Sino ba 'yong mga 'yon? Bakit ka nila inaaway?"

Umiling ako. "They are just a waste of time. Sana ipinutok na lang sila sa kumot."

Halatang nagulat sila sa sinabi ko. "Salamat. Salamat sa pagtulong sa akin. Uuwi na ako."

*****

Kinuha ko ang susi ng motor na ibinili sa akin ni Ate Chella. Hindi niya raw afford ang kotse kaya motor na lang daw muna. Kaya nitong nagdaang linggo ay kumuha na ako ng lisensya at nag-aral. Mas mabuti nang may sasakyan kaysa wala. At least, makakauwi ako nang payapa.

Bumaba na ako sa parking lot para kunin na ang motor ko at pumasok na sa South Middleton University. Medyo hassle nga lang sa motor dahil maikli ang skirt ng uniform namin sa HRM kaya ang hirap bumukaka. Pencil cut pa naman. Mabuti na lang may black na stockings. Nag-rubber shoes na lang muna ako at mamaya na ako magpapalit ng heels. Kailangan ko nga rin palang itaas ang buhok ko dahil requirement sa uniform namin.

Nang makarating na ako sa east wing ng South Middleton kung saan ipinaparada ang mga sasakyan, tinanggal ko na ang helmet ko para ayusin ang buhok ko. Nakatingin ako sa side mirror habang nagme-make up. Kailangan din kasi.

Napansin kong pinagtitinginan ako ng mga estudyante. Napairap na lang ako. Ngayon lang ba sila nakakita ng maangas na maganda? Anyway, baka dahil na naman ito sa gulong nangyari noong nakaraang linggo.

"Maine!"

Napalingon ako sa tumawag sa akin. It was Heather Jean Duerre, who's smiling enthusiastically while waving her hands. She became our friend the second day she finally attended the class. Actually, I find her cute. Kung lalaki siguro ako, baka crush ko na siya. Girl crush?

"Hed, narito ka na pala. Bakit hindi ka pa dumeretso sa klase?"

"Hinihintay kita. Baka maligaw ako, eh."

"Maligaw? Isang linggo na ang nakalipas, ah. Hindi mo pa rin kabisado?"

Umiling siya. "Hindi pa rin. Hintayin na kita. Tapos ka na? Gusto mo, ako na lang ang mag-ipit sa 'yo?"

"Kaya ko na, Hed. Maraming salamat." Pinanood niya naman ako habang nag-aayos. Namamangha naman ako sa tiyaga niya at para bang naaaliw pa siyang panoorin ako.

"Ang ganda mo, Maine."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top